Chapter Two

2038 Words
"You look exactly like her. I can't even look at you without feeling the need to burn you alive." Ngumiwi ako sa confession ng lalakeng demonyo habang halos tumakbo na para lang makasunod sa kaniya. Ang bilis-bilis niyang maglakad at napakadilim pa sa kagubatan na dinadaanan namin. Hindi lahat ay kayang makakita sa dilim kagaya niya! Ang sabi niya ilalabas niya na daw ako dito. Ang portal gate daw ay nasa dulo nitong kagubatan. Medyo napapaisip na nga ako kung nililigaw lang ba ako ng lalakeng 'to. Kanina pa kasi kami naglalakad. "Puwede bang magpahinga muna tayo? Baka nakakalimutan mong tao lang ako." Putol-putol ang pagsasalita ko sa hingal. "Hindi ka puwedeng magtagal dito kung gusto mo pang mabuhay." Tinititigan ko nang mabuti ang likod niya, natatakot na baka mawala siya sa mga paningin ko. Hindi pa nakakatulong ang mga pananakot niya na mamamatay ako kapag nahuli ako ng ibang mga demons dito. "Anong gagawin nila kapag nahuli ako?" May feeling na akong hindi ko gustong malaman ang sagot sa tanong na 'yun pero baka magsilbing motivation para magpatuloy ako sa paglalakad. I'm starving, cold and tired. Nawawalan na ako ng lakas. "Feed you to the dragons, decapitate you, eat you, drink your blood until you die... and the most common way to die for human trespassers like you, burn you alive...sa palasyo ng hari...habang ang lahat ay nanunuod. There's a lot of creative ways to kill you...in the most inhumane and violent way possible." Napalunok ako. Parang sinasadya niya pa yata ang pagpa-pause niya. Parang sa mga horror movie, bini-build up pa ang takot mo bago ka i-jump scare. Lalo akong nanlamig kaya binilisan ko ang takbo ko, nangangarap na sana ay pagpawisan para uminit ng kahit kaunti ang katawan ko pero malalamig na pawis lang ang lumalabas dahil sa kaba, takot at kung anu-anong mga emosyon. "Bumilis yata ang takbo mo?" Kahit sa dilim ay kitang-kita ko ang pagngisi niya. Nang-aasar pa siya, eh siya naman 'tong ta-tanga-tanga. Kung tamang tao--demonyo lang ang hinablot niya papunta dito, edi sana nasa bahay ako ngayon, umiinom ng mainit na kape habang binubungangaan ni lola. Tumingala ako sa langit. Napakabilog at laki ng buwan, tanging ito lang ang nagbibigay liwanag sa dilim ng paligid. Mas maliwanag 'to kaysa sa buwan sa mundo ng mga tao. I can even see the moon's grayish markings from here. It's a beautiful scenery--forest underneath the moonlight. Gustong-gusto kong humawak ng kahit anong puwedeng magamit pang-drawing. Nakakapanghinayang. Kakabisaduhin ko na lang 'to para i-pinta kapag nakauwi na ako. Dahil sa pagtingala sa nakakaakit na bilog na buwan at panghihina ng katawan ko, natumba ako nang makatapak ng isang sanga. Unang bumagsak ang mukha ko. Ni hindi ko na maramdaman ang sakit sa pangmamanhid. Napansin ko na lang ang pagpatak ng mga dugo mula sa noo ko. Tumigil din sa paglalakad ang lalakeng demonyo. Nakatayo siya sa harap ko, nakatingin pababa sa'kin. I felt a little bit humiliated. Sobrang hina ko siguro sa mga paningin niya. He leveled himself to me. Hinawakan niya ang baba ko at itinaas para iharap ang mukha ko sa kaniya. Sa dilim ay nagliliwanag ang mga mata niya. Na-realized kong hindi pala ang buwan ang nakaka-fascinate tingnan kung 'di ang lalake sa harap ko. He's a masterpiece. Beautifully done. Hinimas niya ang sugat ko. Sa pangmamanhid ng katawan ko ay ramdam ko ang bawat hawak niya dahil sa dinudulot nitong kuryente at mga kiliti. My body relaxed. Para akong hinele. Parang may dumaang malamig na hangin sa buong katawan ko. "There." He said without looking at me. Tumayo na agad siya, nag-umpisa muling maglakad na parang walang nangyari. Ginamitan niya ba ako ng mahika niya? Parang healing power? Hinawakan ko ang noo ko at wala na 'tong dugo o marka ng sugat. "She's not Nyx." Narinig kong bulong niya mula sa malakas na ihip ng hangin. Parang kinukumbinsi niya ang sarili niyang paniwalaan na hindi ako si Nyx. Pinanuod ko siyang maglakad palayo habang nakasara ang parehong kamao. Tumayo na ako doon at naglakad-takbo para masundan siya. Hinayaan ko siyang makalayo sa'kin nang kaunti, a safe distance. Hindi ko alam pero nakakatakot ang aura niya. Like a predator looking for his prey. The devil doesn't come dressed in a red cape and pointy horns. He comes as everything you've ever wished for. Sana lang talaga ay may sapat siyang konsensiya para ilabas ako ng buhay dito. Hindi ko mapigilan ang ngumiti nang matanaw ang isang mataas na gate. Gawa ito sa bakal at sa sobrang luma ay natubuan na ng mga ugat ng halaman sa mga gilid nito. Nakaukit ang imahe ng isang bungo na pinapalibutan ng ahas sa pinakagitna. Ito na ang portal gate papunta sa mundo ng mga tao, hindi ba? Huminto ang demonyong lalake kaya kahit nagtataka ay huminto din ako. Nakatingin siya sa kaliwang parte ng gate. Hindi ko masyadong matanaw dahil medyo malayo ang pagitan namin. Nahaharangan ng mga puno ang kung ano mang tinitingnan niya. Kahit hindi ako sigurado kung mapagkakatiwalaan ko ba siya, siya lang ang kilala ko dito at ang nakakaalam kung ano ako, kaya tumakbo ako palapit sa kaniya. Ramdam ko ang pag-tense ng katawan niya na nagbigay din ng kilabot sa'kin. Kung ano man ang tinitingnan niya ngayon ay siguradong nakakatakot. Scary enough to make the demon guy's posture tensed. His posture changed once again when I reached him. Tinakpan niya ako ng likod niya na parang umaaktong pader sa kung ano mang sakuna ang paparating. No. He probably don't care about me. Para sa kaniya, isang walang kuwentang buhay ng tao lang ang mawawala. Masyado lang yata akong attracted sa kaniya kaya lahat ng magulong ikinikilos niya ay hinahanapan ko ng magandang eksplenasyon...para sa sarili ko. My brain is painting a different picture of him--I see demon, it sees angel. "Damon." Lumapit sa'min ang isang lalake. Shock is visible on his eyes. "Lord of wrath." Yumuko siya nang kaunti na parang mini-bow. "Wala kaming narinig na bibisita ka ngayon." Kumikinang ang kulay pula niyang buhok. Mas maliit siya nang kaunti sa demonyong lalakeng kasama ko...but not short enough to make him look human. I'm 5"2 at nagmumukha akong duwende sa 6"7+ nilang mga katawan. Kahit hindi ko na tanungin, alam kong demonyo din siya. He's so inhumane-ly good looking too. Demons are beautiful indeed--alluring and seductive. Malayong-malayo sa mga nakikita ko sa children's book ko nuon--mapupulang balat at mga mata, sungay, buntot, pitchfork.... Tumingin sa puwesto ko ang lalake. Doon ko lang napansin ang mga mata niyang kulay abo. His eyes are wolf-like. Beautiful. "Nyx?" Salubong ang mga kilay niyang nakatingin sa'kin, mistulang nakakita ng multo. Narinig ko nanaman muli ang pangalan niya. Ngayon ay sa ibang demonyo naman. Gano'n na ba kami ka-identical sa hitsura? Imposible namang magkaroon ng doppelganger na totally ay kamukha mo, hindi ba? Hindi ko alam kung gulat, paghanga o galit ba ang mga nasa mata ng demonyong may pulang buhok. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "What made you come back here?" I heard my demon company growled. Parang isang mabangis na hayop sa kagubatan. "I don't have time for this. We have important things to deal with in the human world." "Haven't you heard the news? May nakapasok na tao dito. Hindi pa alam kung paano at kung sino 'to. The king locked the portal close while still searching for the human." The red hair demon shrugged. Bumalik muli ang paningin niya sa'kin. "How did you get here? Anong pakay mo dito?" His eyebrow arched. Hinila ko ang dulo ng damit ng kasama ko, nanghihingi ng tulong. Na-i-imagine ko na ang mga balat ko na napapaso sa apoy na unti-unting pumapatay sa'kin. Nanatiling tahimik ang kasama ko. Parang gusto kong maiyak. Nilalaglag na yata ako ng demonyo! Mamatay na ba ako ngayon? I guess, it's convenient to die here...diretso impyerno. "Masama bang bisitahin ang dati kong tinitirhan?" Nilabas ko lahat ng natitirang lakas ng loob sa sistema ko. Nagpasalamat ako kay Caleb sa utak ko dahil kahit papaano ay pinalakas niya ang pagka-bitchesa attitude ko. I look like Nyx. They keep calling me Nyx. Why not use it to my own advantage? Hinahawakan ko lang ang natitirang lubid bago ako mahulog sa bangin ng kamatayan. Nakarinig ako ng mga yapak palapit. Ang mga tuyong dahon na natatapakan nila ay mistulang musika ng kamatayan para sa'kin. Habang palapit ito nang palapit, nawawalan na ako ng hininga sa kaba at takot. Dumating ang dalawa pang demonyo. May itim na buhok ang isa at platinum blonde naman ang sumunod sa kaniya. Napapalibutan na ako ng demonyo. Nagpaulit-ulit sa utak ko na parang sirang record ang sinabi ng demonyong kasama ko kanina. "Feed you to the dragons, decapitate you, eat you, drink your blood until you die... and the most common way to die for human trespassers like you, burn you alive...sa palasyo ng hari...habang ang lahat ay nanunuod. There's a lot of creative ways to kill you...in the most inhumane and violent way possible." What are the odds na mamatay din ako sa kagubatan. The woods is part of my nightmarish past...and I think I'm going to die here too just like...mom. Parang isang therapy dog ang kasama kong demonyo. Binuhay muli ako mula sa malalim na pit ng anxiety. Hinawakan niya ang baywang ko at inilapit sa kaniya. He's almost possessive, claiming what's his. "I'm touring my beautiful Nyx around. After all, she's been gone for a century." I nearly jump when he squeezed my butt cheek. Diretso lang ang tingin niya sa tatlong demonyong kausap, parang wala lang. Habang ako ay nagliliparan ang mga mala-paru-paro sa tiyan, like a f*****g teenager in a cliche romance movie--peste, lamok, langaw--hindi paru-paro. There is no romance here. True crime movie? Possible. Binuhat ako ng kasama kong demonyo, bridal style. May lalabas sanang tili sa bibig ko dahil sa gulat pero naudlot ito. He shut my mouth off with a kiss. Nagtaasan ang mga balahibo ko, nagblangko ang utak. Hindi ko napigilan ang pagsara ng mga mata. Naramdaman ko na lang ang pagtakbo niya nang mabilis. Lalong lumamig ang hangin sa pagtakbo niya, lalong nakapagpadagdag sa kilabot ko. Blurry ang paligid. I was cold. My n*****s are rock hard. My pulse rate quickens like I'm excited about something. Inilayo niya ang mga labi niya sa'kin. Simple lang itong halik. Nagdikit lang ang mga labi namin pero sapat na ito para makalimot ako sa mga nangyayari sa paligid. I can still taste his soft lips. It tasted so f*****g delicious--sweet, intoxicating. I can't help but to wish for more. "I had to carry you. It will be too suspicious if a powerful demon like Nyx walks as slow as a human." Pinanuod ko ang paggalaw ng bibig niya habang nagsasalita siya. Dinilaan niya nang bahagya ang mga 'to...and it's a sight to see--so sinfully sexy. Tumatakbo parin kami nang sobrang bilis. Nasa baywang at likod ko parin ang mga kamay niya. My body is still hypersensitive from his touch. I felt random tickles. "Hindi pa kita mababalik sa mundo niyo." Bumalik ako sa realidad nang magsalita siya muli. Like my imaginary castle was destroyed, replaced by a haunted house. Tama. Nasa impyerno parin ako. Malapit sa sarili kong kamatayan. He can even make me forget about my own life being on the line...what a shame. Hindi ko talaga maintindihan ang epekto niya sa'kin. "You're stuck here for who knows how long. Kailangan mong magpanggap bilang si Nyx kung gusto mong manatiling buhay dito." His eyes are filled with disrelish. Nakaramdam ako ng kung anong kalungkutan at loneliness sa kung saang parte man ng utak ko nang mawala ang mga hazel niyang mga mata sa paningin ko. He refused to look back at me...making me wish I wasn't born with this face. The face of someone he despises more than any creature. "Looks like you're stuck with me." He's wearing his mischievous grin again, that I'm familiar with. It's far more comforting than his gazes with so much loathing. "Stuck with someone that can make you feel electricity and tingles. To someone that can make your legs spread at any moment. To someone as hot as hell. Sounds like a great deal to me. Am I right, Riley?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD