CHAPTER 1: Dainty
"Good afternoon, class." bati ng prof namin. Kasalukuyan akong umupo sa likod dahil medyo masama ang pakiramdam ko. Kita kong iginala niya ang mata niya siguro ay hinahanap ako.
"Is Alyson absent?" tama nga ako. Itinaas ko ang aking kamay upang makita niya ako.
"Nilalagnat, prof." sabi ni Charles na katabi ko ngayon. Tumango si prof at nag-umpisa nang magturo ng history.
Hindi ako nakikinig at nakatulala lamang habang pinapanood siyang magturo. May kakaiba talaga sa aura ng Prof ko, hindi ko lamang matukoy kung ano iyon. Tumigil siya saglit at tumingin sa akin, napansin niya sigurong tinititigan ko siya. Ngumiti siya sa akin, ngunit hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin.
Sa tagal kong hindi nakikinig sa kanya, isang babae ang nakaagaw ng atensiyon ko. Si Dainty. Tumayo siya na ikinagulat naming lahat. Umiyak siya at isa-isa muna kaming tinignan bago samaan ng tingin ang Professor namin. Kita ko sa mata ni Prof ang pagtataka at gulat kung bakit ganoon na lamang makatingin si Dainty. Palabas siyang tumakbo nang alang pasabi. Wala naman nagawa si Prof kundi sundan na lamang din ng tingin ang lumabas na si Dainty.
"What's her problem?" tanong niya sa amin. Wala namang nagtangka sumagot dahil maging kami ay gulat sa nangyari.
Ipinagpatuloy niya ang pagtuturo niya. May inilabas siyang lumang libro. Napatitig ako roon, luma, medyo lukot lukot na ang unahan, at parang napipilas na ang bandang ibaba.
"This is not connected to our lecture, but let me show you this book. You know what, I borrowed it to my friend who's grandparents are known by their magic." Humanga naman ang mga kaklase ko sa sinabi niya. Maging ang kaibigan ko na nasa kabilang row ay napatakip pa sa bibig nang marinig ang salitang 'magic'.
Tahimik ko lang silang pinagmamasdan habang humahanga, habang ako ay walang pakialam dahil sa simpleng magic na sinasabi ng lalaking ito. Kung hindi ko lamang ito guro ay makikipagtalo ako sa kaniya. Hindi connected sa topic pero inilabas para lang paniwalain ang mga kaklase ko sa isang black magic na hindi na naman uso sa ngayon. Kalokohan.
Nang matapos ang klase namin ay tumungo ako upang makatulog. Sinenyasan ko ang mga kaibigan ko na hindi muna ako sasama na mag recess dahil sa hindi ko kaya ang aking antok. Kita ko silang maglabasan lahat at ako na lamang ang naiwan sa classroom namin. Mas gusto ko ito dahil walang manggugulo.
Tahimik na ang lugar kaya naman matiwasay akong nakatulog.
Lumangitngit ang pintuan, kaya naman alam kong may pumasok. Sa ugali ng mga kaklase ko hangga't hindi pa nagb-bell ay hindi pa rin sila aakyat dito sa classroom. Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng pintuan. Rinig iyong tunog dahil hindi na rin naman bago itong pinto at maganit na. Hinayaan ko lang iyong pumasok dahil baka isang janitor lang.
Nang hindi ko pansinin ay nakarinig ako ng hikbi. Ayoko sanang pansinin pa dahil sumasakit ang ulo ko ngunit nakaamoy naman ako ng mabaho. Ang lansa. Unti- unti kong iniangat ang aking ulo.
"Dainty?" tanong ko sa babeng nakatungo sa upuan. Hindi siya sumagot. Hinayaan ko na lamang siya at pinakatitigan. Nagulat pa ako nang biglang mag ring ang bell at nagtatakbuhan ang mga kaklase kong pumasok sa loob ng classroom. Pinuntahan ako ng mga kaibigan ko.
"Hindi ka ba nagugutom?", umiling ako kay Sofia nang alukin niya sa akin ang apat na brownies. Binili daw nila iyon para sa akin kaya kinuha ko at sinabing mamaya ko na lamang kakainin kapag nagutom ako mamayang lunch.
"Ang baho." bulong sakin ni Ronnie.
Napatingin naman ako sa nakatungo pa ring si Dainty. Ginising siya ng isa naming kaklase dahil nakitang may mantsa ng dugo ang hawak nitong panyo.
Tumayo siya at inalalayan naman siya noong nagtanong. Kita sa likuran ng palda ang daming dugo na nagmantsa na, siguro ay kanina pa.
"Kaya pala amoy malansa." tawa naman ni Kevin na siyang sinundan pa ng tingin si Dainty.
"That's normal for girls. Stop being so maarte, hindi ka naman babae." sermon ni Max kay Kevin kaya nanahimik na lang ito.
Hindi nakatakas sa paningin namin ang aksidenteng pagkabangga ni Dainty kay Ethan. Akala namin ay magagalit si Ethan. Hinubad niya ang jacket niya nang makitang may mantsa ang likod ng palda ni Dainty at inilagay iyon upang matakpan.
"Gentleman. Gayahin niyo naman oh." pang-aasar ni Sofia sa dalawa naming tropang lalaki.
Napatingin samin si Ethan, at nagtanguan lang sila nila Ronnie at Kevin. Tahimik na umupo si Ethan na nilapitan naman ng sarili niyang tropa. Kapag sila ang kaklase mo, wala kang ibang maririnig na kuwentuhan nila na puro about sa paghahanap ng chicks sa bar. Pero kahit ganyan sila, may pagka gentleman naman ang tropahan nila. Siyempre plus points yon sa mga babaeng mabibwingwit nila kaya naman talagang dapat nilang pagpractisan ang bagay na iyon. Babaero!
"Matutulog muna ako ulit, sumasakit talaga ang ulo ko." tumango naman sila lahat sa akin at hinayaan akong makapagpahinga. Binilinan ko na lang sila na kung makatulog nga ako ng mahimbing ay sabihan na lamang ang Professors namin na may sakit ako at ayoko sa clinic dahil bukod sa malamig ay hindi talaga ako komportable na naandoon lalo pa at alam kong palaging nakatambay ang Professor namin kanina sa history. Baka kwentuhan lang ako ng kwentuhan non, hindi pa ako makapag-pahinga.
Sa tagal-tagal kong nakatungo ay naramdaman ko na lang ang pag-uga sa akin ni Sofia. Ginigising niya ako, lunchbreak na siguro. Dahan dahan kong itinaas ang ulo ko at ipinilig ito ng marahan, sumasakit.
"Kaya mo ba bumaba? Hatidan ka na lang namin dito ng pagkain?" tanong sakin ni Ronnie. Mas pinili ko na lang bumaba dahil hindi ako sanay kumain ng walang kasabay, nakakalungkot. Inalalayan nila akong bumaba dahil medyo nahihilo ako. Pumunta naman si Kevin sa clinic upang ihingi ako ng gamot sa sakit ng ulo. Si Max naman ang dumiretso sa restroom upang basain ang towel ko para ilagay mamaya sa noo ko.
Dumiretso na kami ni Sofia sa canteen at doon na lang hihintayin sila Max dahil baka maubusan kami ng space. Umorder na si Sofia at iniwan na lang akong mag-isa sa table namin, inorderan na din niya sila Max dahil ibinilin na ng mga ito ang kanilang gustong kainin. Habang hinihintay ko sila ay inilibot ko ang mata ko sa buong canteen, naramdaman ko kasing mayroong nakatingin sa akin. Nang mapatingin ako sa likod ay gulat akong napatingin sa nakatayong lalaki malapit sa akin.
"Kamusta pakiramdam mo?" tanong sa akin ng Professor namin sa history. "Ayos na po ako. Salamat." nang sabihin ko iyon ay may nais pa sana siyang sabihin nang biglang dumating si Max na kasama si Ethan.
"Hi, Prof!" masiglang bati ni Max sa kanya. Ngumiti si Prof. Dexter at nagpaalam na aalis na. Tumango naman kaming lahat sa kanya.
"Puwede ba kitang maka-usap?" diretsong tanong ni Ethan sakin. Nagpaalam muna si Max para samahan si Sofia para umorder. Matagal kong pinakatitigan si Ethan. Tumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon. Matagal tagal ko na rin hindi pinagkaka-usap itong si Ethan, siya kasi ang ex ko. We ended our relationship one year ago, dahil sa pambababae niya. Wala na iyon sa akin ngayon kaya naman kaya ko na siyang kausapin, awkward lang minsan dahil alam ng lahat ng kaklase namin na mag ex kaming dalawa.
"Bilisan mo lang at baka dumating sila Ronnie, kakain na kami." walang emosyon kong sabi sa kanya. "Magtititigan na lamang ba tayo dito o sasabihin mo ang kailangan mo?"
Umubo siya at inilapag ang papel. "Mamaya, basahin mo yan kapag nakauwi ka na. Wag mong ipapaaalam kahit kanino, ako at ang tropa ko lang ang nakakaalam niyan. Itago mo na. " Tinitigan ko ang papel at sinunod ko naman na itago agad yon, inisip kong ayaw niyang ipaalam siguro ay letter niya to sakin para mag-sorry kahit nakapagsorry na naman siya sa akin ng paulit-ulit noon. Sinabihan ko naman na siya dati na, tatanggapin ko ang sorry niya pero hindi ko na siya matatanggap pang muli sa buhay ko.
"Puwede bang..." tumaas ang kilay ko nang matigilan siya sa kaniyang sasabihin. "Puwede bang wag ka masyadong makikipag-usap kay-" natigil ang sasabihin niya nang dumating sila Kevin at Ronnie.
"Oh, Pare!", nakipag-apir pa sila kay Ethan. Naging magkaibigan din naman sila dahil bago pa man maging kami ni Ethan ay sila Ronnie na ang kasama ko. "Closure yarn?" pagbibiro ni Kevin samin. Tumawa lang si Ethan at nagpaalam na aalis na dahil hinahanap na siya ng kaibigan niya.
Umupo na sila at saktong dating naman ng order nila Kyline.
"Nakita ko si Dainty, kausap nila ng parents niya si Dean." bulong samin ni Kevin. Itong lalaking 'to napaka chismoso. Pero lahat naman kami ay nacurious dahil nagsisimula na siyang magkwento. "Diba inutusan kami ni Prof kanina, nakasalubong kasi namin siya, may pinadala saming papel upang papirmahan kay Dean at iyon pagpasok namin ni Ronnie, narinig namin na iddrop na pala si Dainty."
Gulat at hindi makapaniwalang tumingin kami sa kanilang dalawa ni Ronnie. Kaya ba siya umiiyak kanina ay may problema siya?
"At ito pa..." kay Ronnie naman kami tumingin. "Narinig din namin na buntis si Dainty!" mahinang bulong niya.
"Seryoso ba?" takang tanong ko. Wala akong tiwala dito sa dalawa dahil madalas silang magbiro ngunit noong titigan ko sila sa mata ay kita kong nagsasabi sila nang totoo.
"Makikinig pa sana kami kaso bigla kaming tinawag ni Dean kaya ayon naputol."
Nakakapagtaka na bakit naging ganoon si Dainty. Siya kasi ay kilala bilang masipag, tahimik at talagang hindi mo makikitaan ng kalokohan. Wala din kaming balita na nagboyfriend sya dahil ang mga nagtangkang manligaw sa kanya ay nirereject niya kaagad. Kaya ba ganoon dahil may secret relationship siya? Sobrang gulo ng isip ko dahil naccurious ako sa kanya. Kumain na lamang kami at kinalimutan ang nasagap naming kuwento.
Patapos na kami sa aming kinakain ng biglang may sumigaw na estudyante sa may labas ng canteen.
"Ano yon?" sabay sabay kaming napatingin sa may labas at nakitang may hawak na kahoy si Dainty. Agad tumakbo si Kevin dahil walang magtangkang lumapit kay Dainty dahil sa takot. Kinuha niya ang kahoy at tinulungan naman ni Ronnie tumayo si Prof. Dexter.
Masyado na kaming naguguluhan at bigla na lang ganito ang nangyari. Bakit niya hinampas bigla si Prof. Dexter, eh paborito nga siya noon at palagi pa siyang nakakasagot sa recitation.