CHAPTER 2: Apartment

1695 Words
Umuwi kami ng mga kaibigan ko sa apartment. Napagdesisyunan namin noong mga highschool pa lamang kami na papasok kami sa iisang university na lang at kukuha na lang kami ng apartment. Malayo-layo kasi ang bahay namin muka dito sa university. Pumayag naman ang mga magulang namin dahil kilala naman na namin ang isa't isa. "Grabe noh, iba talaga yung nangyari kanina." sabi ni Sofia na naglalapag ng gamit sa sofa. "Kahit ako hindi makapaniwala." dugsong naman ni Ronnie. "Tsaka napansin mo ba pre, yung tingin ni Dainty kay Prof, parang galit na galit. Ang creepy!" napakunot ang noo ko, hindi ko naman kasi nakita dahil hindi ko sila nilapitan. "Oh, is it true? Mabuti na lang, I'm not lumapit there." natawa naman bigla si Ronnie at Kevin dahil sa pananalita ni Max. "Ay, if you lumapit there, you gonna takot takot din." panggagaya naman sa pananalita niya ni Ronnie. Nagtawanan kami dahil sa kakulitan nung dalawa at pang-aasar nila kay Max. Sadyang ganoon siya magsalita dahil lumaki siya sa Canada, kaya naman medyo conyo. "Magluluto ako, anong gusto niyo?" tumingin sila sa akin habang nagbubukas ako ng ref. Lumapit sa akin ang pangalawang chef ng bahay na si Kevin. "Ako na ang magluluto, baka mabinat ka pa." hindi na lang ako nakipagtalo dahil alam kong hindi naman ako mananalo. "Sinigang tayo." request ni Ronnie kay Kevin. Naghanap siya ng pang sahog sa uulamin namin at kulang iyon. "Ako na lang bibili, trip ko lumabas, magsusuot na lang ako ng jacket at cap." mariing sabi ko sa kanila para hindi na nila ako tutulan pa. "Sige, sama na lang ako." sabi naman ni Ronnie. "Delikado kung si Sofia o Max pa ang sasama, gabi pa naman." Lumabas na kami pareho ni Ronnie. Nag-iisip kami kung saang tindahan pa ang mayroong gulay at karne. Mukhang mga wala na dahil nga ginabi na rin kami. "Tara, diretso na lang tayo sa may mart. lakarin na lang natin." aya sa akin ni Ronnie. Wala na rin naman kaming choice kundi maglakad, magastos kung sasakay pa kami kaunting lakad lang naman ito ay makakarating na kami doon. Naglalakad kami at pakiramdam ko ay mayroong nakatingin sa amin. Hindi ko muna iyon sinabi sa kanya at nagpagala-gala ang aking mata sa likod at sa gilid ko. Hindi ko alam kung natatakot lang ba ako, pero hindi naman ako takot dahil sanay nga kami umuwi ng gabi, pero iba talaga ngayon, iba ang kutob ko. Napansin siguro ni Ronnie na kanina pa ako hindi mapakali. "Ano meron?" tanong niya sa akin at inakbayan na ako. Binilisan namin ang lakad naming dalawa. "Parang may nakatingin sa atin, parang sumusunod." nang sabihin ko iyon ay hindi siya nagpahalata na tinitignan niya ang bandang likuran namin at ang bandang gilid namin. May kinuha siya sa may tagiliran niya na natatakpan ng tshirt, at doon inilabas niya ang maliit na kutsilyo na parati niyang dala tuwing aalis o uuwi kami ng gabi. Hinatak niya ako patawid, sa kabilang kalsada ay medyo may mga tao nang dumadaan, atleast doon alam namin na kahit kaunti ay may tutulong sa amin kung sakaling mayroon mang mangyari. Nakasalubong namin bigla si Dainty na hingal na hingal, mukhang tumakbo siya upang maabutan niya kami bago makapasok sa mart. Inaya namin siya papasok. "Anong nangyari sayo? Bakit hinihingal ka?" nag-aalala kong tanong at kumuha ako ng tubig sa refrigerator ng mart at agad yon pinainom sa kanya. Sinenyasan ko ang guard na babayaran ko iyon pagka-inom ni Dainty at nagkibit balikat na lang siya. Nang matapos uminom si Dainty ay agad kaming dumiretso sa cashier. "Mag-ingat kayong dalawa, gabing gabi na bakit lumabas pa kayo?" napataas ang kilay ko sa tanong niya dahil nag-aalala siya sa amin samantalang siya ay katulad namin na nasa labas. "Ikaw, bakit ka tumatakbo papunta sa amin?" ganti kong tanong sa kanya. Naglalakad na kami upang kumuha ng mga ingredients para sa ulam namin habang nag-uusap usap kami. Tumingin tingin si Dainty na para bang sinisiguro niyang walang nakasunod sa aming tatlo. Naguguluhan at medyo natatakot ako sa kilos ni Dainty, para siyang nawawala sa sarili niya. Saka ko lang napansin na medyo namumula ang mata niya ganon na rin ang palad niya. Mayroon din siyang kalmot sa may bandang leeg at kilay niya. Hindi ko pinahalatang nagtataka ako sa kaniya ngayon. "Kumpleto na, magbayad na tayo." tumango ako kay Ronnie at sumunod kaming dalawa ni Dainty sa kanya. "Mag-ingat kayo, pwede ba? Kung maaari wag na kayong lumabas ng inyong bahay kapag ganitong oras na ng gabi." tumango ako sa kanya habang pinagmamasdan siya. Batid sa tono ng pananalita niya ang takot at ang pag-aalala. "Ikaw rin, sana iapply mo yang sinasabi mo sa amin ngayon sa sarili mo. Nag-aaalala din kami sayo lalo na yung nangyari kanina sa school." tinutukoy ko sa kaniya ang paghataw niya ng kahoy sa ulo ni Prof Dexter kanina. Hindi naman ako nag-alala na baka gawin sa amin ngayon ni Dainty ang pamamalo ng kahoy dahil may gurad dito sa loob at isa pa wala siyang dala na kahit ano. Lumabas na kami ng mart at ganoon pa rin siya tingin ng tingin sa paligid na para bang may humahabol sa kaniya. "Natatakot ka ba umuwi sa inyo? Hatid ka namin gusto mo?" alok sa kaniya ni Ronnie na inilingan naman niya kaagad. "Kaya ko ang sarili ko, ako na lang ang maghahatid sa inyo." napatawa ng mahina si Ronnie dahil sa sinabi ni Dainty. Siniko ko siya dahil mukhang seryoso ito sa inooffer. Kahit na nag-aalala ako dahil babae siya ay nagpupumilit siya kaya naman pumayag na lang ako. Sinabi kong hanggang kanto lang namin upang matanaw namin kung paano siya makakaalis. Nang tumawid kaming tatlo sa dinaanan namin kanina ay agad ko na naman nararamdaman na parang may sumusunod sa amin, ngunit wala naman sa may likod. Nararamdaman din iyon ni Ronnie at Dainty dahil pabilis ng pabilis ang kanilang lakad na sinasabayan ko. Kaunti na lamang ay malapit na kami sa pagtakbo. "Ano na namang amoy iyon." tanong ko sa aking sarili dahil sa hindi maintindihang amoy. Pansin ko ang panginginig ni Dainty at akmang hahawakan ko siya ng iiwas niya ang kanyang braso. "Nadugo, Dainty." itinago niya ang braso sa may likuran niya at sinabing ayos lamang siya. Nagpatuloy kami sa aming paglalakad nang may humawak sa braso ko. "Bitawan mo ako, punyeta!" sigaw ko sa humawak sa akin at akmang susuntukin ko siya nang masalo niya ang aking kamao. Gulat din si Ronnie na nakahanda na ang maliit na kutsilyo niya. "Pare, ikaw pala." itinago niya ang kutsilyo nang makilala si Ethan na kaharap na namin ngayon. Kita kong patakbong umalis si Dainty at iniwan na kaming tatlo nila Ethan. "Hindi magandang biro ang ginawa mo. Paano kung nasaksak ka ni Ronnie, edi magbabayad pa siya sayo? Hindi ako nag-aalala sayo, baka lumaki na naman 'yang ulo mo." binawi ko ang braso ko sa kaniya. "Sorry kung nagulat ko kayo." paghingi niya ng paumanhin at sinabayan kami sa paglalakad. Medyo malapit na kami sa kanto namin at kasabay pa din namin siya. Wala namang nagsasalita sa amin mula kanina. "Bakit ba andito ka pa?" maangas na tanong ko sa kanya. Nakita ko ang mapang-asar na tingin ni Ronnie sa akin. "Ah, sasabay na ako sa inyo since dyan na rin naman ang apartment ko malapit sa may inyo." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko akalain na magkakalapit na naman kaming dalawa ni Ethan. Sobrang panget na nga para sa akin na kaklase ko siya tapos ngayon malapit pa sa apartment namin? Atsaka, ang alam ko ay ayaw siyang payagan ng kaniyang magulang na mangupahan mag-isa dahil hindi ito marunong magluto. "Wala kang kasama?" umilin siya sa tanong ko. "Bakit gusto mo ba samahan?" pang-aasar sa akin ni Ronnie. "Oh, nagtatanong lang ako. Chill, babe." napatakip siya sa bibig niya nang banggitin ang babe. Hindi siya nagpahalata na para bang takot siya na marinig ni Ethan ang tawag niya sa akin. Wala naman na iyon sa akin dahil alam kong hindi naman na magagalit si Ethan dahil wala na kami at sanay na ako kay Ronnie na iyon ang tawag sa akin. "Walang humihingi ng opinyon mo." sabi ko kay Ronnie at nanahimik na lang siya. "Babe? Kayo na?" nakangiting tanong ni Ethan sa akin at lumaki naman ang mata ni Ronnie. "Wala ka na don." nagkibit balikat na lamang siya sa sinagot ko. Nang malapit na kami sa apartment namin ay saka siya nagsalita. "Ayon lang yung inuupahan ko, tatlong bahay ang pagitan natin." sumiring ako dahil wala naman nagtatanong. "Favor" kakamot kamot ng ulo si Ethan na tumingin sa amin. "Sige pare, ano?" tanong ni Ronnie. "Ah, eh, kasi di ako marunong magluto, saing lang kaya ko, nakakahiya man pero pwedeng makisahog sa inyo? Bayaran ko na lang." nahihiyang tanong niya. Pinigilan ko matawa sa kanya. "Oo-" "Hindi. Sakto lang to para samin e." sabi ko sa kanya. "Ah sige salamat. Pasensiya na sa abala." aalis na sana siya nag tawagin na naman siya ni Ronnie. "Kuha ka kanin, sumalo ka na lang samin, magluluto pa kami. Ako na bahala dito sa babaeng to." sabi niya at hinila na ako paloob ng apartment. Nang makapasok kami ay padabog akong umupo at masama siyang tinignan. "Ano meron?" tanong nila Kevin samin. "Makikikain ang ex nito ngayon hahaha." nagulat silang lahat pero agad iyon napalitan ng tawa at asar. Nagluluto na si Kevin nang biglang may kumalabog sa labas. Nakita namin na nasa labas na si Ethan kaya naman inaya na nila ito papasok. Saktong pagpasok niya ay may kumalabog na naman. Lalabasin sana namin iyon nang mamatay bigla ang ilaw. "Brown out pa amp." kumuha naman agad si Max ng flashlight dahil nagluluto pa si Kevin. Pinatay na niya ang gasul at naghahanda na sa paghahain. Maya-maya ay biglang may sumigaw. Boses iyon ng babae. Sobrang lakas, akala ko ay ako lamang ang nakarinig at guni-guni lang iyon ngunit maging sila ay gulat. Lalabas sana ako ng pigilan ako ni Ethan at sinenyasan kaming huwag maingay. Nang matagal kaming natahimik ay mayroong putok ng baril ang namutawi sa labas ng apartment namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD