CHAPTER 3: Baril

1316 Words
Hoy, ang ingay mo sigaw ka ng sigaw magigising si Aly." rinig kong saway ni Kevin na nagluluto pa din sa kusina. 'Anong nangyari? Bakit biglang nag-iba?' "Ayan nagising tuloy." tawa ni Ronnie. Nagtataka ko silang tinignan isa-isa na para bang walang nangyari. Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig nito. Gulat ko silang tinignan isa-isa kaya naman ang tawanan nila ay nauwi sa pag-aalala. "Bakit? May problema ba?" tanong ni Sofia na hinawakan pa ang noo ko. Akala niya ata ay nilalagnat na naman ako. "Diba... diba may putok ng baril kanina?" tanong ko sila. Nagkatinginan naman silang lahat bago bumaling ulit sakin. "Binabangungot ka ata. Kaya pala parang pinapawisan ka kanina, akala naman kasi namin epekto lang ng lagnat mo. Hindi ka kasi maingay kanina e." paliwanag sa akin ni Ronnie. Hindi pa din ako makapaniwalang panaginip lamang iyon, pero sa isang anggulo ay pinagpapasalamat ko na hindi yon totoo. Nang naghahanda na si Kevin at Max ay may kumatok na sa pintuan ng apartment namin. "Your prince charming... oops sorry, ex pala." mapang-asar na sabi sa akin ni Ronnie. "OMG! We're gonna meet and kasabay kumain si Ethan?" natutuwang humarap sa akin si Max. Hanggang ngayon ay kinikilig pa din siya sa amin ni Ethan kahit matagal na kaming wala nito. "Pasok ka, pre. Welcome." Bati ni Ronnie at nakangiti namang pumasok si Ethan na may dalang lunchbox at softdrinks na para sa lahat. "Wow! Nag-abala ka pa magdala ng food ha. Marunong ka na magluto?" tanong sa kanya ni Sofia. Tumango naman si Ethan sa kanya at napatakip ng bibig si Sofia sa gulat at parang magulang na proud pa siya. napailing na lang ako dahil nauto naman siya ng loko na 'to. Ang taong sinungaling nga naman. "Kanin hehe." agad nagbago ang reaksiyon ni Sofia kaya naman hindi ko na napigilan ang paghalakhak ko. "Asado kase." tuwang tuwa pa din ako. Saka ko lang narealize na lahat sila ay nakatingin sa akin na parang hindi makapaniwala. Umayos ako ng tayo at tumigil sa pagtawa. "You're beautiful when wearing that smile." napuno nang asaran ang loob ng apartment namin dahil sa sinabi na iyon ni Ethan. Walang nakakakilig doon, bakit naman sila kinikilig pa? Kadiri. Sila-sila lang ang nagkkwentuhan habang kumakain kami. Tahimik lang ako, hindi dahil itinabi nila sa akin ang ex ko kundi dahil ang bigat ng pakiramdam ko. Bigla iyong nagbago, kanina naman ay ayos lang ako. Napansin naman ako ni Sofia na katabi ko rin sa kanan ko, kaya naman mahina siyang nagtanong. "Ayos ka lang ba?" malumanay na tanong niya at kita sa kaniyang mata ang pag-aalala. "Oo. Wala na rin naman akong lagnat." Nginitian ko siya para hindi na siya mag-alala sa akin. "Kung may pagkakataon, babalikan mo ba si Aly?" agad kong sinamaan ng tingin si Kevin dahil hindi magandang tanong iyon para sa akin. Bago pa makasagot si Ethan ay sunod sunod na katok ang bumulabog sa aming lahat. Nang tumayo si Ronnie para buksan ang pinto ay biglang nawala ang katok. Natigilan siya nang biglang mamatay ang ilaw. 'Ito na ba iyon?' "Brown out amp." napatingin ako sa pwesto ni Kevin na kahit madilim ay alam ko base sa aking pagkakarinig, dahil ang sinabi niya ay ganoon din ang sinabi sa aking panaginip. "Ganito panaginip ko kanina, kaya nagtataka ako." wala sa wisyong sabi ko. Nakakuha na pala si Sofia at Max ng flashlight at ang iba naman sa amin. "Alin? Yung may babaril?" tanong sa akin ni Ethan na ikinagulat ko. "Paano..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil hindi pa rin ako makapaniwalang alam niya. "Napanaginipan ko din siya. Kaya walang lalabas." kahit na nagtataka ang iba pa naming kaibigan ay sumunod na lang din sa sinabi niya. "What's your panaginip? You two? I'm just curious lang." tinakpan ni Kevin ang bibig ni Max at sinabihan itong mamaya na macurious dahil pare-pareho lang sila. Hindi kami nag-iingay. Naghihintay kami na magkaroon lamang ng ilaw at iniintay din namin ang pagputok ng baril. Bumalik na ang kuryente namin pero wala pa din namang nangyayari. Mas naguluhan ako kung bakit pareho kami ng panaginip ni Ethan. Coincidence? Siguro nga ay iyon lamang. Sana nga. "Mukhang wala namang masamang mangyayari, maliwanag na ulit." sabi sa amin ni Sofia. "Dito ka na muna matulog, delikado kung lalabas ka pa." tinanguan naman ni Ethan ni Ronnie. Nag-aalangan pa siyang pumayag dahil patingin-tingin sa akin, pero tumango naman na siya agad ng hindi ako magreact. Tama naman kasi si Ronnie delikado, kahit naman na nandyan lang at malapit ang apartment niya sa amin, ay inisip na lang din namin yung panaginip at baka iyon ay mangyari pa. Nagdesisyon kaming manood na lang sa sala at magpa-antok. Habang tutok ang kasama ko sa panonood ay hindi ko pa rin malimutan ang panaginip ko. Meron sa akin na gustong mangyari na upang malaman kung tunay at mayroon din naman sa loob kong ayoko dahil sobrang nakakatakot at delikado. Sumagi din bigla sa isip ko ang pagabago ni Dainty kanina nang makita niya si Ethan na papalapit sa amin. Yung mga sugat niya, saan niya iyon nakuha? "Lalim ng iniisip ah." sita sa akin ni Ronnie kaya nagtinginan silang lahat sa akin. "Sumagi lang kasi sa isip ko... si Dainty." seryosong sabi ko sa kanya at bumaling ang tingin ko kay Ethan na nakatingin na din sa akin. "Bakit parang takot na takot sayo?" "Hindi ko din alam." tumaas ang kilay ko dahil naalala kong hindi nga pala ito aamin. Danas ko na iyon, nung ahuli ko siyang may kasama at kaholding hands ay hindi pa rin niya inamin na may iba sya. Ganon siya katindi. Tumango na lang ako sa kaniya dahil alam kong wala akong makukuhang sagot. Nagulat kaming lahat dahil sa biglaang tunog ng phone ni Ethan. Sobrang tahimik kasi kaya hindi namin inaasahan na biglang may malakas na tunog ang babasag sa katahimikan. Sumenyas si Ethan na sasagutin niya ang phone niya at akmang tatayo at lalabas pero agad siyang pinigilan ni Max. "Don't. Just stay here, we won't mind." mahinahong sabi ni Max sa kanya. Nag-aalala at iniisip pa din siguro nito ang nasabi naming panaginip kanina. Sumunod naman sa kanya si Ethan at umupong muli sa tabi ni Kevin. "Thanks." sinagot na niya ang tawag nang magpasalamat siya kay Max. Hindi ko marinig ang sinasabi ng kabilang linya, ang sagot lang niya ang naririnig namin, malamang magkakalapit kami. Napatingin ako sa kanya nang magbago ang tono ng pagsasalita niya. Hindi mahinahon, hindi rin galit. "Paano nangyari yon? Nakita pa namin siya kanina." base sa salita niya ay mukhang nag-aalala siya at may takot ng kaunti. Hinintay namin matapos ang tawag at wala munang nag-abalang magtanong sa kanya. Nakakahiya dahil baka isipin niyang napakachismoso at chismosa naman namin. "Si..." hindi niya maituloy ang sasabihin at isa-isa kaming tinignan. Mas pinakatitigan niya kaming dalawa ni Ronnie. "Pare, nakakatakot naman yang tingin mo samin, parang hinuhusgahan mo kami ni Aly wala kaming ginagawa huhu." pagpapanggap niyang umiiyak siya. "Si Dainty kasi.... wala... wala na daw." gulat akong napatingin sa kanya at hindi makapaniwala sa sinasabi. Kaya ba ganoon ang tono ng salita niya? Kaya ba parang natatakot at nag-aalala siya? "Kailan pa daw?" nilakasan ko ang loob kong magsalita. Hindi ko alam pero natatakot at sobrang kaba ngayon ng dibdib ko. Ang bigat sa pakiramdam. Kanina kasi ay kasama pa namin siya. "Kanina pa daw tanghali." doon na kami mas nagulat ni Ronnie. Hindi naman alam ng mga kasama namin ang gagawin dahil kita sa mukha ko at ni Ronnie na takot na takot kaming dalawa. Alam kong si Ethan ay natatakot din pero hindi niya masyado itong ipinapahalata sa amin. "Ano daw? Ano daw yung kinamatay?" tanong naman ni Ronnie na medyo pinagpapawisan na. "Katulad nang sa panaginip namin ni Aly... hindi man dito sa tapat ng apartment niyo... binaril si Dainty."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD