CHAPTER 4: Katok

1276 Words
Hindi na namin pinauwi si Ethan at sumang-ayon din naman siya sa amin. Marahil ay natatakot siyang mag-isa, kahit naman sino sa amin ay matatakot kapag ganoon ang nangyari. Biruin mo nakasalubong at naka-usap mo bandang alas siyete ng gabi, pero namatay na pala noong tanghali? Weird. Nakakapagtaka lang din na kung bakit niya kami dinalaw ng ganoon at para bang takot pa siya kasy Ethan. Marahan kong tinignan si Ethan na may kinakalikot sa laptop ni Ronnie na pinahiram sa kanya kanina. Gusto kos iyang tanungin pero nanatili na lang akong tahimik at pinagmamasdan siya dahil alam kong hindi naman siya aamin sa kung ano man ang aking balak tanungin. "Alam kong kanina mo pa ako pinagmamasdan." bigla niyang sabi na ikinataas ng kilay ko. "Ramdam ko lang." "Mali ang pakiramdam mo, hindi naman ako sayo nakatingin, sa ginagawa mo naman." mahina siyang tumawa kaya naman napa irap na lang ako ng mata. Lumabas na lamang ako ng kwarto nila Ronnie. Hindi ko na kayang manatili doon, ang awkward na masyado, kaya lang naman ako nandon ay para malaman ko kung ano ang ginagawa niya. Paglabas ko ay inabutan ko sila Kevin at Ronnie na may binabasa naman na article s laptop na hiniram nila kay Max at Sofia. Ala-una pa lang ng madaling araw, hindi kami natulog dahil iniisip pa rin ang nangyari. Wala naman kaming pasok ng umaga, kaya makakabawi pa kami ng tulog maya-maya. "Ang pag dalaw ng isang namatay na ay maaaring may ipnahihiwatig o may gustong sabihin." pagbasa ko sa binabasa nilang dalawa. "Ano naman ang gusto niyang sabihin satin? Baka naman hindi niya lang matanggap kaya naman dinalaw tayo." tumingin silang lahat sa akin. Yon kasi ang unang pumasok sa isip ko. Wala naman kaming kinalaman sa pagkamatay niya kaya bakit naman maiisipan ni Dainty na may sasabihin siya? "Malay naman natin diba?" malumanay na tanong ni Ronnie. Tumango na lang ako sa kanya, alam ko kasing may kanya kaniya kaming paniniwala at opinyon. Hinanap ko ang dalawang babae, nakita kong nakahiga na sila, napagkamalan ko pang tulog pero nagulat ako ng bigla silang lumingon sakin. "Hindi ako makatulog." sabi sa akin ni Sofia. "Parang may iba akong nararamdaman." hinipo naman agad siya ni Max. "You're not sick naman." nag-aalalang sabi ni Max. "Hindi. Iba. Aam mo yung parang laging may nakatingin sa atin?" tinititigan ko lang si Sofia, hindi alam ang sasabihin. Wala naman akong nararamdaman na kakaiba ngayon. Siguro ay naatakot lamang si Sofia kaya naman nasasabi niya ang lahat ng to. "Noong sinabi ni Ethan na namatay si Dainty, hindi ako umimik diba, tapos don nagsimula na parang lagi nang may nakatingin sa atin na para bang binabantayan ang bawat galaw natin." dugtong pa niya. Kita kong napahyakap sa sarili si Max dala ng takot. "Natatakot ka lang kaya mo yan nararamdaman." sabi ko kay Sofia. "Sana nga... sana nga dala lang ng takot. Ayoko nang bumalik sa dati, ang hirap." alam ko ang tinutukoy niya. Nag-aalala ako pero hindi ko iyon ipinahalata. May parte sa akin na hindi na babalik sa dating Sofia si Sof dahil matagal na niya iyon kinalimutan. Sinamahan ko na lang sila Sofia at Max dito sa kwarto nang biglang may sunod sunod na katok ang narinig namin sa may pintuan. Napabalikwas ang dalawa at hindi alam ang gagawin. Kahit ako ay natatakot lumabas pa din ako ng kwarto namin upang silipin kung ano ang nangyayari sa sala. Naabutan kong unti-unting naglalakad palabas si Ethan at nang makita niya akong papunta sa may tapat ng pintuan ay agad niya akong pinigilan at pinapasok sa kwarto kung nasaan sila Sofia. "Bakit? Gusto ko lang din malaman." itinutulak niya ako papasok. Ako naman 'tong may kuryosidad sa katawan ay hindi nagpapatalo. "Ang hirap kayang macurious sa isang bagay, wala naman akong gagawin." pagpupumilit ko pa. Tinakpan niya ang bibig ko at nang tuluyan na kaming nasa kwarto kasama sila Sofia at Max ay tsaka niya ako binitawan. "Wag kayong aalis dito, lalo ka na. Hindi mo alam kung ano ang puwedeg mangyari, at pigilan mo yang kuryosidad mo dahil yan ang magpapahamak sayo." kita kong seryoso siya sa bawat salitang binibitawan niya. Nandoon ang pag-aalala at inis sa mata niya dahil yata sa kakulitan ko. Hindi na ako nakipagtalo pa sumunod na lamang sa sinabi niya. Rinig kong tinawag siya nila Ronnie at Kevin. "Tinignan namin ang ilalim ng pintuan. Wala kaming nakikitang anino, hindi ba dapat kita iyon kung may tao sa labas?" rinig kong sabi ni Kevin. tumingin muna sa amin si Ethan tsaka lumabas ng kuwarto at isinarado ito. Wala na akong nagawa kundi umupo na lang katabi nila. "Wala tayong pangontra sa mga katok na kaulad niyan. Iba na ngayon, parang maging bad spirits ay alam na kung paano nila poproteksyunan ang mga sarili nila." biglang sabi ni Sofia. "Is there any other way para mawala sila?" natatakot na tanong ni Max. "Hindi ko alam." tipid na sagot sa amin ni Sofia. Natigil ang katok ng ilang minuto. Akala namin ay tuluyan na itong mawawala. Biglang umalulong ang mga aso, at lumipat ang kumakatok sa may bintana. Mas bumilis ang t***k ng puso ko. Yung katok ay sobrang lakas, para bang mababasag na ang mga bintana. Rinig namin na nagkakagulo na din sila Kevin sa may sala dahil hindi nila alam kung paano ito mawawala. Lumabas bigla si Sofia. Tinatawag namin siya upang huwag lumabas gaya ng sinabi ni Ethan kanina pero huli na, hindi siya nagpatinag sa amin. Pinigilan din siya nila Ronnie. "Huwag na, baka manghina ka." nag-aalalang sabi ni Kevin dito. Hindi siya sumunod at pumunta sa tapat ng bintana na malapit sa pintuan kung saan ngayon ay may kumakatok. Agad niyang itinaas ang dalawang kamay at idinikit ito sa bintana, hindi inaalala kung bigla na lang itong masira dahil sa malalakas na katok. Wala na ding nagawa si Ethan nang may biglang sabihin si Sofia na nakataas ang dalawang kamay. "Lumayo kayong tatlo. Pumunta kayo sa likuran ko at maghawak hawak." agad sumunod sila Kevin at Ronnie samantalanag nagtataka naman si Ethan pero di katagalan ay sumunod na rin naman kaagad. Nang makita ni Sofia na nakapwesto na ang dalawa ay binalingan niya kami ng tingin. Agad kaming gumaya at naghawak din ni Max. "¡Sal! Vuelve a donde perteneces. No tienes lugar en esta casa. Padre del Creador, ayúdanos." paulit-ulit lamang iyon sinasabi ni Sofia. Habang papalakas ng papalakas ang katok ay ganon rin ang boses ni Sofia. Parang nilalabanan niya ang kung anong masamang spirito dito sa may labas ng bintana. Unti-unting nanghihina si Sofia, pero hindi pa rin kami nagsibitaw sa isa't isa gaya nang bilin niya sa amin. Kahit kami'y nag-aalala hindi namin siya magawang lapitan. Nagdasal na lamang ako na sana makaya niya at walang mangyaring masama. Unti-unti nang humihina ang katok at ang bawat alulong ng aso sa labas ay unti uti nang napapalitan ng tahol. Nang mawala na ang bawat katok ay mabilis naman na bumitaw si Ronnie, parang alam na ang susunod na mangyayari, agad niyang nasalo si Sofia at binuhat papuntang kwarto. Agad kaming sumunod lahat, kinuhanan ko naman muna si Sofia ng tubig at agad nilang binuksan ang electric fan upang umayos ang paghinga ni Sofia. "Paano niya ginawa yon?" nagtatakang tanong ni Ethan. Walang sumagot sa kanya at hindi na naman siya nagpumilit pa. Hinintay muna namin maging maayos si Sofia bago bumalik si Ronnie, Kevin at Ethan sa kwarto nila upang magpahinga. Hindi ako kaagad nakatulog at binantayan ko lamang si Sofia. Nang dalawin na ako ng antok ay hindi ko na alam kung ano pa ba ang mga sumunod na nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD