Nagising ako dahil sa alarm ko. 10:00 am na pala, 12:00nn ang pasok namin. Every Monday at Friday lang kami halfday. Bumangon na ako at inumpisahan nang gisingin sina Max at ganon na din si Sofia.
"Ayos ka na ba? O hindi ka na lang muna papasok?" tanong ko sa kanya nang magmulat siya ng mata. Tumayo naman si Max at nagpaalam na magluluto muna siya ng almusal at ako na lang ang gumising kila Ronnie sa kabilang kwarto.
"Papasok ako. Ayokong maiwan mag-isa dito." sasabihin ko pa sana na hindi na lang din ako papasok para makapagpahinga sya at may kasama siya dito sa bahay, pero agad siyang nagsalita at dinugtungan ang sinabi niya kanina. "Alam ko yang iniisip mo, ayos na ako, papasok tayo." tumayo na siya at niyaya na ako palabas ng kwarto namin.
Pumunta ako sa kwarto nung tatlong lalaki. Kumatok na muna ako, at noong walang sumagot ay alam kong mga tulog pa sila. Una kong nilapitan si Ronnie na katabi ni Kevin.
"Gising na." sabi ko sa kanila atsaka lumundag at dinaganan silang dalawa. Yan ang routine namin kapag ako ang gumigising sa kanila. Kumilos sila at niyakap naman ako ni Kevin. Matutulog pa ulit. Tinapik tapik ko ang likod nila ng medyo malakas upang mawala ang antok nila.
"Hmm... gising na ako." reklamo ni Ronnie nang hindi ko pa din tinitigilan ang likod nilang dalawa. Natigil lang ako ng ihulog nila akong dalawa sa sahig at agad tumawa. Bumangon na naman sila at nag inat inat pa. Tinulungan nila ako tumayo nang natatawa, alam na nasaktan ang puwetan ko sa ginawa nilang dalawa. Dahil sa ingay naming tatlo ay nakita kong gumalaw si Ethan at chineck ang phone niya upang makita ang oras.
'Yun pa rin pala ang password niya.' sabi ko sa aking sarili nang makitang binuksan niya ang phone niya.
Napatingin siya sa amin kaya naman umiwas na lang ako ng tingin at nagpaalam sa kanila na tutulungan ko mag-ayos si Max sa kusina.
"Good morning." akmang isasarado ko na ang pinto nang marinig ko ang sinabi niya. Napatingin ako sa kanya at hindi naman ito nakatingin sa akin. Hindi naman ako nag-aassume na ako ang sinabihan, napatingin lang ako. Walang masama doon.
"Max, ako na diyan. Maligo ka na." tumango naman siya sakin at agad ibinigay ang ginagawa niya. Lumapit sa akin si Sofia.
"Nasayo pa ba 'yong kwintas na pinatago ko sayo?" tanong niya sa akin. Inalala ko muna kung saan ko iyon inilagay. Sigurado naman akong hindi ko iyon naitapon dahil binilin niya sa akin na magagamit namin iyon kung sakali. Pinahanap naman niya iyon sa akin kaya siya naman ang nag-asikaso ng almusal namin.
"Nandito siya!" sigaw ko mula sa kwarto namin. Lumabas ako at ibinigay ko ito sa kanya. Agad naman niya itong isinuot. Ito daw ay para mabilis na bumalik ang lakas na nawala sa kanya gawa noong madaling araw. Hanggang ngayon ay takot pa din ang nadarama naming magkakasama dito sa bahay. Pero kahit ganoon, ay hinding hindi kami magpapatinag. Kung gusto nilang palayasin kami dito sa bahay, ay magmakaawa sila nang matindi. Just beg harder.
"Samahan kita?" tanong ni Ronnie nang matapos kaming kumain. Si Kevin naman ang nagbabalot ng pagkain namin para sa recess namin, iyon na ang gagawin naming lunch. Tumayo si Ronnie at sumama kay Ethan na kunin ang gamit mula sa apartment niya. Nagvolunteer siya na sumama at baka kung ano ang mangyari dito at mabuti na ang sigurado.
Nang makapag-ayos na kaming lahat, ay tinawagan ni Ethan ang mga tropa niya. Nagpasundo kami dito dahil mayroon namang van si Wilbert, isa sa tropa niya. May lisensya naman na daw iyon kaya huwag kaming mag-aalala at safe kaming makakrating sa school nang walang nasusugatan o nabubukulan.
"Magkano ba?" pagloloko ni Kevin. agad tumawa ang tropa ni Ethan na kaklase din naman namin kaya naman magkakakilala kaming lahat. "Libre na lang, para kay Aly." sagot naman ni David kay Kevin.
"Yan gusto ko sayo e." sabi pa ni Kevin at nakipag-apir pa sa katapat na si David.
"Dami mong alam David, wag nga ako, alam kong gusto mong magpabayad mukha kang pera dyan." umarteng nasaktan si David. Pero kahit ganoon ang pananalita ko ay sanay naman na siya sa akin at hindi ko siya sinasabihan ng masama, dinescribe ko lamang sya. Agad namang napa 'Oow' si Kevin at Ronnie.
"Wag niyo nang lokohin si Aly, baka mapikon yan sa inyo suntukin kayo bigla." sabi ni Kevin. Napatawa ako ng mahina.
"Baka lang di suntok.' dugtong naman ni Sofia.
"Dont worry." nginitian ko sila. "Sanay na akong lokohin." atsaka ko tinignan si Ethan at tinanggal ang ngiti sakin.
"Bitter." rinig kong bulong niya.
"But I'm better." sagot ko sa kanya. Agad nanahimik sa loob ng sasakyan, siguro ay nahihiya dahil sa sagutan namin ni Ethan. Naka move-on na ako pero naiinis pa din ako sa nangyari sa akin, kahit sino namang lokohin diba. Hangga't naaalala mo ang nangyari sayo, maiinis at maiinis ka sa taong nakakasama mo ngayon at alam mong siya ang dahilan kung bakit ka nasira noon.
Nakarating kami sa school nang hindi nag-iimikan. Wala ako sa mood, alam nilang kapag hindi talaga ako umiimik ay naiinis o galit ako. Nang paakyat na kaming lahat, ay agad nagsalita si Ethan.
"Mauna na kayo, wag tayong magsabay-sabay. Kunyari ay hindi pa rin tayo nag-uusap usap." kahit nagtataka kami ay sumunod na lang kami.
"Ganon palagi ang gagawin natin." sabi naman ni Wilbert.
"Saka na namin sa inyo sasabihin." dugtong naman ni David. Agad kaming nagtanguan at tinungo na namin ang classroom. Nakakapanibago at wala si Dainty. Tahimik lang ang buong school marahil ay nakarating na din ang balitang wala na si Dainty. Bawat room ay makikitaan mo ng white roses, siguro ay alay kay Dainty.
Parating na ang professor namin sa english, pero hanggang ngayon ay wala pa din sila David. Siguro ay mag-cutting na naman. Agad akong napailing sa naisip ko. Mula nang maghiwalay kami ay nagbago ulit sila Ehan, ganon din ang tropa niya. Kung dati ay napipilit ko silang pumasok araw-araw dahil dagdag points din iyon, ngayon ay hindi na. Kahit naman pilitin ko sila, hindi na nila ako pakikinggan.
Inaantok akong nakikinig sa pagtuturo ng professor namin. Marami siyang tinatanong, mabuti na lamang ay hindi niya ako natatawag. Lintik pa naman na index card yon, kapag sa recitation lang ako nabubunot pero sa raffle hindi.
Nang matapos ang klase ay nagtext si David kay Kevin. "Sa parking daw nandoon sila." nagpunta kami sa parking upang kitain sila doon. Bago pa kami makalabas ng school ay nakasalubong namin si Prof. Dexter na katatapos lang makipag-usap kay Dean at sa isang professor namin. Pinigilan niya muna kaming lumabas kaya nagtaka naman kami.
"Pwede ko ba kayong makausap?" tanong niya sa amin. Naalala ko naman na sinabi ni Ethan na huwag akong maglalalapit dito, naalala ko din na hindi ko pa binabasa ang sulat na ibinigay niya sa akin. Tatanggi na sana ako at magdadahilan nang mapapayag kami nito dahil sa kaniyang sinabi. "Alam ko ang nangyari kay Dainty, nakita ko."
Habang naglalakad kami papasok ulit ng classroom ay nagkkwento si Prof sa amin. Hindi ako naniniwala pero dala ng kacuriousan sa katawan ay patuloy lang kami sa pakikinig dito, lalo na ako. Tumatawag si Ethan kay Ronnie, ngunit hindi ito sinasagot gaya ng sinabi ni Prof. Nakarating kami sa laboraty, hindi ko alam kung bakit dito niya kami nais kwentuhan.
"Dito ko huling nakita si Dainty." turo niya sa may shower room ng laboratory. Kita pa doon na may putik at marumi talaga ang tiles.
"Bakit madumi?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin.
"Galing raw sa labas si Dainty bago dumiretso dito. Ang sabi pa nang ibang guard ay may nakasunod na lalaki dito. Hinabol nila ngunit hindi naabutan dahil sobrang dilim." pagpapaliwanag niya sa amin.
"Ano ba ang nangyari?" tanong ko. Hindi naman sumabat sila Ronnie at hinayaan lang ako. Gusto kong malaman kung alam niya ba talaga ang nangyari, dahil ang sabi ni Ethan ay binaril ito.
"Binaril daw." mukhang alam nga niya ang tunay na nangyari. "Pero bakit walang nakarinig kung ganoon?" sagot ko naman sa kanya. Agad siyang natigilan at umiling-iling sa akin.
"Hindi ko na alam." doon ay nagtaka ako. Kung alam niya at may mga guard bakit naman hindi nila nahabol o nalaman agad na may binaril dito sa school? Ni hindi kami nagkaroon ng mahigpit na seguridad dito sa school.
Nagpaalam na kami na uuwi na. Hindi na niya kami napigilan dahil sinabi kong hindi na pwede dahil may sundo kami. Sinigurado na muna namin na pupunta siya sa faculty upang hindi kami masundan. Nang wala sya at hindi nakasunod ay mabilis kaming nagpunta sa parking.
"Iba pakiramdam ko sa laboratory, mukhang hindi siya doon pinatay." sabi naman ni Sofia sa amin. Hindi pa kami nakakarating sa van kung san nandoon sila Ethan. Binagalan namin ang lakad upang makapagkwentuhan ng wala sila. Tinext naman na ni Kevin na papunta na kami at may inasikaso lang.
"Bakit?" nagtatakang tanong sa kanya ni Ronnie.
"Parang iba naman ang nangyari doon. Basta. Hindi ko maexplain." kahit na nagtataka kami ay hindi na namin kinulit si Sofia. Magsasabi naman iyon kung ano talaga ang tunay na nararamdaman niya.
Nakarating kami kila Ethan. Tumingin tingin sila sa paligid.
"Wag muna kayo sumakay. May nakasunod sa inyo, minamatyagan tayo. Umarte kang nag-aaway tayo, Aly." Kahit na nagtataka ay agad akong lumapit sa kanya at tinignan siya sa mata.
Sumenyas ako na sasampalin siya at tumango siya ng marahan. Sinampal ko nga siya at sinigawan. "Hindi mo ba talaga ako titigilan!?" yon ang naisip kong sabihin, habang ang kasama namin ay tumitingin sa paligid nang palihim. Kunyari ay ngahahanap ng tutulong sa amin.
"Huwag mo na kaming kakausapin ng mga kaibigan ko!" mas nilakasan ko iyon upag marinig nang kung sinong nakasunod sa amin. Umakto namang magsusuntukan sila Ronnie at Ethan nang may pumigil sa kanila.
"Huwag dito sa school, class." gulat kaming lahat nang si Dean ang lumabas. Maging si Ethan ay nagtataka, marahil ay iba rin ang inaasahan.