Nakatingin pa din kami kay Dean dahil hindi namin siya inaasahan. Ganoon ang mga tingin ng mga kaibigan ko at ng mga tropa ni Ethan. Kung ako ang tatanungin, ang tunay na iniisip ko talaga ay si Prof. Dexter. Una pa lang naman, parang kakaiba na siya. Siya lang ang pinaghihinalaan ko, wala nang iba pa.
"Oh Dean, ikaw po pala, good afternoon po." pagkabati ni Ronnie ay agad na din kaming bumati na rin. Mahirap na masabihan ng walang galang nuh.
"Bakit ba kayo nag-aaway away?" umiling naman kaming lahat. Sinenyasan kong si Ethan na ang magpaliwanag dahil wala akong maisip ngayon.
"Ah wala naman po dean, may di lang po kami pagkaka-intindihan." sagot ni Ethan habang ako naman ay tumatango lang. "Di ko nga po alam bat itong mga kasama namin ay nakisali, ginagaya po ata eksena namin." kunyaring natatawa si Ethan. Nginitian naman siya ni Prof.
"Osya sige, ako ay mauuna na sa inyo. Ingatan niyo ang bawat isa sa inyo." natigilan kami sa sinabi ni Dean pero agad naman din kaming nagpaalam sa kanya. Bago siya umalis ay tumingin na muna siya sakin kaya naman ngumiti ako sa kanya, bago kami titigan isa isa atsaka niya pinakatitigan si Wilbert. Tumungo lang si Wilbert.
Ngumiti siya ulit at nagpaalam. Hinintay namin siya makasakay at makaalis ang kotse niya bago kami sumakay ng van. Hinatid nila kaming lahat. Si Wilbert at Dave ay sasamahan sa apartment si Ethan, nagdala na daw sila ng maraming gamit. Nalulungkot daw sila dahil walang kasama si Ethan at baka kung ano pa daw ang mangyari. Cheesy huh!
"Mabuti na lang naisipan nila samahan si Ethan nuh?" panimula ni Ronnie nang makapasok kami sa bahay. Dire-diretso lang si Sofia. Mukhang okay naman na lahat ngayong araw.
"Why? If hindi ba, you'll volunteer para samahan him?" natatawang tanong ni Max.
Tumawa lang din ako. "Ikaw ha, may lihim kang pagtingin." sumama ang mukha ni Ronnie ng asarin namin siya.
"Ikaw ha, may lihim kang feelings." dahil sa rebat sa akin ni Ronnie ay napairap na lang ako kaya naman ako na ang tinawanan nila.
"Wag niyo ginaganyan yan, kaya di makamove-on." dagdag naman ni Kevin kaya masama ko silang tinignang tatlo. Ang papanget kabonding. Nakamove-on na ako at alam ko yon sa sarili ko, sila lang naman 'tong ayaw kalimutan ang nakaraan.
Pumasok ako sa kwarto namin nila Max upang magpalit ng damit. Sumunod naman na sa amin si Max para makapag palit na din. Matagal bago sumunod sa amin si Sofia.
"Nakakapagtaka na wala na akong maramdamang kakaiba..." sabi niya bigla sa amin pagkapasok na pagkapasok niya. Inilock niya ang pinto at hinubad ang kwintas na nakasabit sa kanya at pinaltan niya ito ng kulay itim na pearl. Gusto ko siyang tanungin kung para saan iyon ngunit naunahan na ako ni Max. "Ibang pangontra ito. Ito yung ginagamit namin para hindi masaktan ng masasamang elemento o espiritu. Meron ako dito, extra sakto dalawa. Suutin niyo parati ha, itago niyo lang sa loob ng damit." tumango naman kami sa kanya.
"How about them?" tanong ni MAx na patungkol kila Ronnie.
"Mas delikado tayo, ang kadalasang target nila babae, dahil yung iba kinukuha ang babae upang may magreyna sa kaharian nila." napanganga naman ako sa narinig. Ganon yung ibang nababasa ko at napapanood ko sa mga horror stories, hindi ko naman akalain na magkakatotoo iyon at mararanasan pa namin.
Lumabas na kami matapos magbihis at magkwentuhan. Nagluluto na si Kevin at Ronnie. Umupo ako sa may sala nang may biglang tumawag sa akin, number lang. Sinagot ko naman ito kaagad.
"Hello?" sabi ko sa kabilang linya. Walang sumasagot. Inulit kong magsalita ngunit sa pangalawang pagkakataon ay wala pa din sumagot. Ibababa ko na sana nang biglang may magsalita.
"tulungan mo ako~" naibato ko ang phone ko ng biglang marinig ko iyon sa kabilang linya. Boses ng babae na humihingi ng tulong. Agad nag-alala sa akin sila MAx ganon na rin sila Kevin. Hindi ko masabi sa kanila kung ano ang narinig ko dahil sa sobrang takot. First time mangyari sa akin iyon.
Patuloy akong inaalo nila Sofia, kinuha naman ni Ronnie ang phone at binuksan ito. Namatay kasi dahil sa lakas ng bato ko. Maya-maya ay may kumatok na sa pintuan namin. Takot akong tumingin doon, patuloy lamang iyon sa pagkatok. Walang nagtatangang magbukas. Hanggang sa magsalita na yung kumakatok.
"Pre, si Ethan to." bakit kasi hindi agad siya nagsalita. Lumapit kaagad si Kevin upang pagbuksan siya ng pinto.
"Bakit kasi hindi ka agad tumawag!?" inis na tanong ko sa kanya. Nabigla naman siya sa sinabi ko. "Puro ka katok. Alam mong may nangyayari ngayon sana naman tumawag ka ng pangalan ni isa sa amin para alam kung pagbubuksan ka."
"Ah sorry. Pero kararating rating ko lang at nung tumawag ako kakakatok ko lang non. Bilis niyo nga ako pagbuksan e." nagkatinginan kaming lahat.
"Taena." awkward na sabi ni Ronnie. Nagtaka naman si Ethan samin.
"Bakit?" tanong ni Ethan.
"Uhm, why are you here?" pag-iiba ni Max ng usapan.
"Ah, kasi tumawag ako kay Aly kanina, sinagot naman niya pero kanina pa ako nagsasalita pero walang nasagot, tapos ayon nakarinig ako ng lagabog sa kabilang line at namatay yung call so nagpanick ako at tumakbo na dito." Dahil sa sinabi ni Ethan ay naiyak na ako.
Naiyak ako dahil sa takot. Bumalik sakin ang boses nung narinig ko. Hindi ko na napigilan ang sarili kong yumakap ng mahigpit sa kanya at isubsob ang ulo ko. Inaamin ko na hanggang ngayon ito pa rin ang comfort zone ko. Kahit hindi na kami, andito pa rin kahit kaunti yung nakasanayan ko. Gusto ko man umalis dahil baka asarin nila ako at isipin n amay gusto pa ako ay hindi ko magawa. Patuloy lang ako sa kakaiyak.
"Ssssh..." saway sakin ni Ethan habang hinihimas ang likuran ko. Ramdam kong sinenyasan niya sila Max na sya na ang bahala sakin. Inaya niya akong umupo. Ramdam kong pinapanood kami nila Max at Sofia, ganon rin si Kevin at Ronnie habang nagluluto sila. "Ano bang nangyrai?" mahinahon niyang tanong sakin.
Nakikinig ang mga kaibigan ko dahil hindi nila alam ang nangyari sakin. Kumuha ako ng lakas ng loob sabihin. Huminga muna ako ng malalim.
"Yung kanina... hindi ko alam na ikaw yung tumawag. N-nagsasalita ako walang sumagot hanggang sa..." hindi ko matuloy yung sinasabi ko dahil nag-uumpisa na naman ako na matakot. Bumibilis ang t***k ng puso ko at medyo nahihirapan akong huminga dahil sa bigat ng nararamdaman ko. "...may babaeng nagsalita na nanghihingi ng t-tulong. Kaya naibato ko." niyakap ko ang tuhod ko dahil sa takot.
Unti-unti kong nararamdaman na parang nanghihina ako at sumosobra na ang hirap ng paghinga ko. "Tubig, inhailer at gamot please." utos ni Ethan kila Sofia na agad namang hinanap sa kwarto yung mga sinabi ni Ethan. Si Ronnie naman ang nag-abot ng tubig.
Humigpit ang kapit ko sa braso ni Ethan. Mabuti na lang at nakajacket siya kundi baka magsugat sya sa sobrang pagkakakapit ko. Kinuha ko kaagad ang inhailer na dala ni Sofia. "Wala na pala siyang gamot." rinig ko ang mura ni Ethan na mahina.
"Sige, ganto na lang para kumalma ka ha." habang nagiinhailer ako ay niyakap niya ako. Hinihimas ang likod ko. "Pag sinabi kong inhale, gagawin mo ha." tumango naman ako sa kaniya.
"Okay, inhale na one, two, three..." pinilit ko iyon gawin pero sadyang mayroong parang nakabara sa dibdib ko. Ayoko nang nagpapanick bigla bigla na lang akong inaatake ng hika ko.
"Gawin mo ulit para umayos siya ha, okay?" tanong niya at tumango ako ulit. Malikot na ang galaw ng mga paa ko, senyales na hindi ko siya makaya at di ako makali. "Ssshh love, stop it, inhale na.." pinigilan niya ang paa ko na maglikot gamit ang kaniyang tuhod. Ginawa ko ang sinabi niya at pinilit huminga.
"Okay, good malapit na maging maayos, continue na love, andito lang ako..." ramdam ko ang pagbalik ng normal kong paghinga habang patuloy sinusunod ang mga sinasabi niya. "Inom tubig na, bibili tayo gamot mo bukas." habang nagsasalita sya ay patuloy pa rin ang paghimas niya sa likod ko. Naiiyak ako dahil naaalala ko kung ano ang mayroon sa amin pero pinigilan ko iyon dahil alam kong kaya niya lang ito ginagawa ay para kumalma ako.
Nang maging maayos na ako ay humiwalay na ako sa yakap niya. "Ayos ka na ba?" tumango ako at nagpasalamat sa kanya. Tinabihan naman kami ni Sofia at Max.
"Pasok tayo sa kwarto." gulat akong napatingin kay Ethan dahil sa sinabi niya. "Sasamahan lang kita." medyo natatawa pa siya. Tututol na sana ako pero itinayo na ako ng mga akibigan ko at ipinasa kay Ethan. "Kayo na muna bahala diyan ah. Pero, pwede bang dito muna ako matulog?" paalam ni Ethan sa kanila at sumang-ayon naman sila.
"Dito muna tayo hanggat di ka pa okay talaga, baka kasi atakihin ka ulit ng panick mo." tumatango tango lang ako sa kanya. Saktong upo ko ay may katok na naman mula sa labas namin.
"Nandito lang ako wag kang matakot." nginitian niya ako at ipinikit niya ang mata ko habang tinatakpan ang dalawang tenga ko upang di ko marinig ang mga katok at sigawan kung mayroon man. Bago niya idiin ang pagkakatakip sa tenga ko ay nagsabi pa siya ng "Sleep ka muna. You need a rest, love." at hinalikan niya ako sa noo at hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.