Chapter 1: Cornered
Sienna
Kanina pa ako wala sa mood makinig. Antok na antok ako dahil night shift ako sa trabaho at marami pa akong school works na dapat tapusin. Wala din ako sa mood mag-ayos ng buhok o kahit mag-lipstick. Inaantok ako na nakatitig sa pisara. Nasa thirty minutes na ang nakalipas simula ng magsalita ang instructor at nakalipas pa ang limang minuto nang biglang dumating ang Dean namin.
All of us began to sit properly on our seat. Pati instructor namin nabigla sa pagdating ng Dean.
"Good morning, students. I apologize for the small interruption since we have an unexpected Audit. Please come in, Sir."
Lahat kami ay nakatingin lang sa pintuan, nasa bandang huli ako kaya medyo mahirap para sa akin na tumingin sa may pinto, at dahil narin wala ako sa mood, hindi ko na pinansin pa kung sino ang bumista sa skwelahan, pasekreto nalang akong natulog.
"This is Mister Vazquez, our auditor for today's audit. He will observe the class for about thirty minutes." Narinig kong pagpapakilala ng Dean namin.
My eyes are close but I can still hear my classmates' murmurs. May narinig din akong mga babae na medyo napasinghap.
Ano ba ang nangyayari?
My eyes flickered open as I glance at everyone. The ladies were staring in front like they were in awe. Ako naman na na-curious ay medyo sumilip mula sa likod nang taong nakaupo sa may unahan ko. Since I was sitting at the back medyo ginalingan ko pa sa pagsilip kasi medyo may pagka-malaki ang katawan na nakaupo sa harapan ko.
And there he was, standing just beside the Dean is a foreigner, I think Russian because of his physique. Tall, with fair white skin tone at halata sa pangangatawan ang pagiging maskulado nito. Kapansin-pansin din ang guwapo nitong mukha sa kabila nang napaka-seryoso at strikto nitong tingin.
I think he's in his early thirties. Sus. Kaya naman pala itong mga babae kong kaklase ay manghang-mangha dahil guwapo naman talaga ang bisita.
Nanatili akong nakatitig sa bisita na medyo inaantok pa rin. I yawn feeling my drowsiness and exhaustion. Noong bumalik ang tingin ko sa harapan, medyo nagulat ako kasi nakatingin na sa akin ang bisita.
He's staring at me so intently na parang may kasalanan akong nagawa.
Nanlamig ako kaya napag-isipan ko na magtago nalang ako sa likod ng kaklase ko.
Maybe he saw me yawn a while ago? Gosh, eh kung ganon man ang nangyari sana di nya ako isumbong sa Dean.
Nakanguso ako na nakatungo lang at walang imik ng mapansin ko na naglakad ang Dean at ang bisita papunta sa likuran namin, at ngayon ay nakaupo na sila sa likuran ko.
Parang nawala ang antok ko at nakinig ako sa lecture. Nagpanggap din ako na nag-no-notes kahit ang totoo ay nag-doodle lang ako, di din naman nila makikita kasi natatabunan ko ang sinusulat ko.
"I heard that you're looking for someone, Sir?" Narinig kong bulong ng Dean sa bisita.
"Yes, I am looking for someone." Ang tono ng boses nya ay parang pinaghalong pagpipigil at pagdidikta.
His baritone voice sends a shiver on my spine.
Tahimik lang ako na nakikinig.
"And I think I found the mouse." He said as if his whispering it to me.
Napantig ang tenga ko. Parang di tama ang nararamdaman ko? My instinct is telling me to run. I sneak a peek at pa-simple na lumingon ng konti sa likod ko, nanindig ang balahibo ko ng makita na nakatitig lang sya sa akin, agad akong tumingin sa harapan.
Lumipas pa ang mga oras at malapit na matapos ang klase, at sa mga oras din na lumipas kanina ko pa nararamdaman ang titig nya sa akin. Gusto ko nalang umuwi kaso hindi ako makatayo sa inuupuan ko lalo na't strikto ang Dean namin.
Tinali ko nalang ang nakalugay ko na buhok, yung pagkakatali na di masyadong masakit sa ulo. Binalik ko ang aking binder at notebook sa bag at kahit na ayaw ko tumingin sa likod ko, wala akong choice kundi ang muling mahagilap ang bisita at ang kanyang matatalim at malamig na tingin. Napatingin narin ako sa Dean na napatingin din sa akin. Ngumiti na lamang ako sa kanila bago ko binalik sa bag ang mga gamit ko at tumingin uli sa harapan.
Natapos ang klase at akala ko talaga may nagawa akong masama dahil sa talim at laming ng titig nang bisita sa akin. Inaasahan ko na ipapatawag ako, thankfully, wala namang nangyaring kakaiba.
I took my phone, it was an old keypad phone. Nakatuon lang ang pansin ko sa dala-dala kong phone nang may narinig akong tumawag sa akin.
"Alvarez! Uy!"
I halted and gazed at my classmate running towards me.
"Pinapabigay ng bisita sayo, nahulog mo daw."
I glance at the hair tie in her hand. It was a blue scrunchie. I took it from her hand at ngumiti sa kanya.
"Thank you." I said as I smiled at her as I tied my hair again.
"Last subject mo na yung kanina no?" Tanong nya.
Nag-alangan ako sa pagsagot pero in the end, sinagot ko nalang.
"Ah, oo eh."
"Taray, sana all kunti lang ang subjects ngayon na semester."
Tumawa ako.
"Di naman, nag-advance kasi ako. Sige ah, una na ako, may trabaho pa kasi ako." Pagpuputol ko sa usapan namin.
"Sure."
Ngumiti lang ako sa kanya bago ako naglakad paalis. Naghihintay ako ng elevator at sa kamalas-malasan, nagpang-abot pa kami ng Dean at ng bisita.
"Good morning, Sir." Pagbati ko.
"Oh, Miss Alvarez, tapos na klase mo?" Tanong ng Dean.
Narinig ko naman ang pagbukas ng elevator, ayoko sanang makisabay sa kanila kaso, parang ang rude naman at, baka isipin pa nila na ayoko sa kanilang dalawa.
"Opo, Sir."
Pinauna ko sila sa pagpasok bago ako sumunod.
"Why? Ilan ba ang subjects mo ngayon?" The Dean asked.
"...Dalawa lang po."
Naramdaman ko ang pagtitig ng bisita sa akin, if I recall it correctly, the Dean called him Mister Vazquez a while ago.
"Dalawa lang? Bakit? Ang konti naman ata?"
"Nagtratrabaho po kasi ako, Sir."
Parang awa mo na Dean wag ka na magtanong.
"Ah, ganon ba?"
Naunang bumaba ang Dean sa elevator at parang naghihintay sa kasama nya na kanina pa nanahimik. Napatingin naman ako kay Mister Vazquez.
"I need to take care of something, you can be on your way." Ang sabi nito sa Dean.
Pinigilan ko talaga na huwag magtaas ng kilay. He's talking like he's a tyrant.
Tumango na lamang ang Dean at nauna sa paglakad bago nagsarado ang pinto ng elevator.
Biglang tumahimik ang paligid, at medyo kinakabahan ako.
"You seemed nervous?" Biglang ani nito.
Hindi ako sumagot, baka may kausap lang sya sa telepono. Di ko kasi nakikita kasi pumwesto na ako sa may likuran nya. Narinig ko ang pagbukas ng elevator, ground floor na pala. Agad akong naglakad at lumagpas sa kanya.
"We will see each other soon, Doll."
Rinig kong bulong nito, di ko pinansin kasi baka nga may kausap lang sa telepono, parang nag-russian language na sya, baka nga tama ang hinala ko, may kausap lang sya telepono. Pero inaamin ko, medyo nanginig ang kalamnan ko sa tono ng boses nya. Baritono at parang may bigat ang linya na binitawan nya.
Bumalik ako sa apartment, naligo at nagbihis. Inayos ko ang sarili ko pero di parin mawala sa isip ko si Mister Vazquez. Pinagsawalang bahala ko nalang ang mga iniisip ko at lumabas ng apartment para magtungo sa trabaho.
It's been two years since I came here in the Philippines. Marami ang nangyari at marami din akong sinakripisyo.
Nakasakay ako sa jeep at walang imik na inoobserbahan ang paligid ko. Medyo madilim na ng dumating ako sa fast food chain na pingtratrabahuan ko.
I have savings when I came here in the country kaso, kung di ako magtratrabaho ay baka madaling maubos ang pera ko, nagtitipid pa naman ako.
I'm walking in a narrowed alley na dinadaanan ko naman talaga kasi doon sa pinagtratrabahuan ko, sa likod ako dumadaan.
"Miss Alvarez." Biglang pagtawag ng hindi pamilyar na boses para sa akin.
Napahinto ako sa paglakad at napatingin sa likuran ko.
It's dark so I can't clearly see the man behind me, agad akong naging alerto at umtras ng bahagya para magbigay nang espasyo sa pagitan namin.
"Or should I call you, Miss Celestre?"
Napasinghap ako. Iilan lang ang nakakaalam sa totoo kong apelyido. Hinawakan ko ang tazer na nakatago sa bulsa ko.
"Who are you?" Tapang-tapangan ko na tanong sa kanya.
He stepped into the light.
"Mister Vazquez?" Hindi makapaniwala kong pagkakasabi.
He slightly tilted his head as if he's observing my reaction. His gaze is dangerous and threatening.
"You make me work for two years, Doll." He muttered with his low voice.
Hindi ko mainitindihan ang huling sinabi nito. He’s using a Russian dialect again.
Napaatras ako. He looks even more dangerous, worse, he might be an enemy.
"Who sent you? My grandfather?"
Hindi sya natuwa sa tanong ko, kita ko yun sa pagtalim ng tingin nya sa akin.
"I am not anyone's underdog. But I'm here to take you with me."
Pagsabi pa lang nya nun, agad na akong tumakbo. Pero hindi na ako nakapalag pa ng pinalibutan ako ng mga tauhan nya.
"You're smart for disappearing for two years, but I'm smarter than you." He said as he approached me with his piercing gaze.
"Who are you!?" I ask again.
"You'll know soon."
Napasinghap ako ng tinakpan nya ng panyo ang bibig ko, at sa ilang minuto lang na pagpupumiglas ko, nawalan ako ng malay dahil sa amoy ng kemikal na nanggaling sa panyo.