PROLOGUE
Ngumiti ako sa lalaking kaharap ko bago inabot ang hawak kong bote ng alak.
"Enjoy po, Sir." Ngumiti ulit ako bago akmang aalis na ng magsalita siya.
"Why don't you join us?" Tumingin ako sa kanilang lahat na nasa iisang table.
Apat silang nandito. 'Yung dalawang kasama niya ay may mga katable ng mga katrabaho ko rin at 'yung isa naman ay parang walang pakialam. Nakatutok lang sa telepono nito.
Wala namang problema sa'kin kung it-table niya ako. Gwapo siya at halatang maraming pera. Sa tantsa ko ay mga nasa late twenties siya o early thirties. Wala naman kaso sa'kin 'yon. Sa ganitong klase ng trabaho, hindi ka na makakapili kapag pera na ang kailangan mo. Paramihan na lang ng customer sa isang gabi.
Ngumiti at tumango na lang ako bilang pagpayag. Umupo ako sa tabi niya at inakbayan naman niya ako. Inabutan niya ako ng beer na agad ko namang inabot.
Sanay na ako sa ganito. Mahigit tatlong taon na akong nagtatrabaho rito. Sa mahigit tatlong taong nagtatrabaho ako rito ay sanay na ako sa mga ganitong gawain. Inom. Table. Hotel o kaya isa sa mga kwarto rito sa bar.
Ngumingiti at peke akong natatawa sa mga kwento niya at mga kaibigan niya. Kapag magtatanong lang siya saka ko sasagutin.
Paunti-unti lang ang inom ko sa beer dahil alam kong madali akong malasing. Hindi na ako nakasabay sa kanila dahil hindi ko maintindihan ang usapan nila.
"Let's go somewhere." Napatingin ako sa katabi ko na naakbay pa rin sa'kin.
Kahit hindi gano'n kasikat ang bar na ito ay may pumupunta pa ring mayayaman. Karamihan mga empleyado ng kompanya at 'yung may professionals. May mga businessman din naman pero kakaunti.
Hindi na siya nagpaalam sa mga kaibigan niya na abala na rin sa mga katable nila na naghahalikan at hipuan na. Hinawakan niya ako sa beywang para igaya sa labas.
Dumiretso kami sa parking lot kung saan ang sasakyan niya. Hindi ko alam ang mga klase ng brand ng sasakyan pero alam kong mamahalin ang kanya. Sa labas pa lang halatang mahal.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan sa harap. Nginitian ko lang siya bago niya isara ang pinto.
"How old are you?" tanong niya pagkapasok ng sasakyan.
Hindi niya muna ito pinaandar at humarap sa'kin. May itsura talaga siya. May mukha siya na kababaliwan talaga ng mga babae. 'Yung itsura niya na hindi mo aakalain na papatol sa mga kagaya ko. Kahit pa man gano'n, hindi ko siya type.
"Twenty-one."
"That young?" Tinanguan ko na lang siya.
"Ikaw ba?"
"I'm already thirty-two."
"That old?" Natatawa kong balik sa kanya na tinawanan na rin niya.
May mas mga matanda pa nga sa kanya na dumaan sa'kin kaya ayos lang. Nasa legal na rin naman akong edad.
Dinala niya ako sa isang motel na malapit lang sa bar na pinagtatrabahuan ko. Ang sunod kong alam ay nasa ibabaw ko na siya.
Pagod ako pagkagising ng umaga. Umalis na siya pagkatapos niya akong pakinabangan. Dito na ako natulog dahil binili niya lahat ng oras ko kagabi kaya siya lang naging customer ko.
Tamad akong bumangon at napabaling sa lamesang katabi lang ng kama. May sobreng puti doon na siguradong bayad 'yon kagabi.
Inayos ko ang kumot na tumatakip sa hubad kong katawan bago inabot ang sobre. Halatang maraming laman sa lapad nito. Binuksan ko ito at binilang.
Twenty thousand.
Ayos na rin. Mabubuhay ako nito ng isang buwan. Wala naman akong binubuhay. Kung meron man ay ang sarili ko lang.
Hindi ako madalas sa bar. Minsan lang ako doon pumasok. Kapag malaki ang sweldo kong nakuha sa isang gabi ay hindi na ako papasok sa susunod. Ayos lang naman kay Mami Sue.
Isa pa, may pinapasukan akong fast food sa umaga. Oo nga pala. Nagmadali na akong mag-ayos dahil papasok pa ako. Laging may extra akong underwear kapag pumapasok ako. Required naman talaga iyon sa aming nagbebenta ng laman at isa pa, diretso ako sa isang trabaho ko kinaumagahan. Masungit pa naman ang manager kapag late ang empleyado niya. Baka pagalitan na naman ako ng manager at kung ano-anong sasabihin.
Hindi nila alam ang tungkol sa pagiging pokpok ko dahil hindi naman ako madalas sa bar. Wala pa sigurong nakakakita sa'kin na kakilala.
Hindi na ako umuwi sa inuupaan kong apartment dahil sa pagmamadali. Naligo lang ako at hindi na kumain. Kapag break saka na lang ako kakain.
"Buti pumasok ka pa?" Napayuko ako.
"Pasensya na, Sir Eva." Si Sir Eva ang baklang manager sa fast food na pinapasukan ko. Mataray siya at may pagkasungit. "Trabaho na."
Dali-dali akong pumasok sa mga lagayan ng gamit.
"Late ka na naman," napatingin ako kay Ina. Sa lahat ng katrabaho ko rito ay siya lang ang kausap at medyo kalapit ko.
'Yung iba kasi ay iniirapan na lang ako at kinakausap lang kapag kailangan. Hindi naman gano'n sa'kin 'yung mga katrabaho kong lalaki.
"Nahuli kasi ako ng gising," nginitian ko lang siya. Kahit malapit kami ay hindi niya alam ang pagkatao ko.
"Denise, sa table five!" sigaw ni Lean na katrabaho ko rin. Siya madalas ang nagsusungit at iniirapan ako. Lagi ring ako ang inuutusan kahit wala naman siyang masyadong ginagawa. Hindi ko lang pinapatulan dahil malakas ang kapit kay Sir Eva.
"Sus, insekyur lang 'yan sa'yo, Denise." Hindi ko na pinansin ang binulong ni Ina at nagsimula nang magtrabaho.
Maraming pumapasok na customers dito kaya halos walang pahinga. Pigil na pigil ako sa pagiging palautos ni Lean. Kung wala talaga 'tong kapit sa baklang 'yon, pareho ko na silang sinupalpal. Siguradong mawawalan talaga ako ng trabaho niyan.
Nag-uunat-unat ako pagkatapos ng oras ko sa trabaho. Bukas ito 24/7 at hanggang alas otso lang ang trabaho ko rito.
"Uuwi ka na?" Magkasabay kami ngayon ni Ina na lumabas sa back door ng fast food na pinagtatrabahuan namin.
Mas matanda sa'kin si Ina ng dalawang taon. Hindi na siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil nabuntis ng maaga. Pinanindigan naman siya ng nakabuntis kaya hindi siya masyadong nahihirapan.
"Hindi yata, ate. Matutulog ako sa kalsada," nagtawanan na lang kami. "Malamang, ate. Inaantok na ako, e."
Hindi na muna ako didiretso sa bar. Sapat na rin naman 'yung sahod ko kagabi. Itetext ko na lang si Mami Sue. Hindi naman siya nagrereklamo sa madalas kong pagkawala. Sinabi kong part time ko na lang 'yon.
Minsan kasi kinakapos ako ng pera kaya kapag wala akong pera, sa bar ako pumapasok.
Nagpaalam na ako kay ate Ina bago kami naghiwalay ng daan. Dumiretso muna ako sa twenty four hours convenient store para bumili ng pagkain ko ngayon at para bukas.
Bumili ako ng mga delata at instant noodles. Nakasanayan ko na rin ang ganito. Pero hindi naman palagi ganito ulam ko. Minsan nag-oorder na lang ako.
Malalim ang hininga ko bago binuksan ang pintuan ng kwartong inuupahan ko. Hindi siya kalawakan pero sapat na para sa'kin. Mag-isa lang naman ako.
Ngumiti ako ng mapait ng may naalala. Kung kaya kasama ko pa siya, masaya kaya ako? Si Nanay Minda, namimiss ko na siya. Nang namatay siya, bumalik ulit ako sa dating ako. Mag-isa. Nawawala.
Hindi ko alam kung paano ko babaguhin ang sarili ko. Walang-wala na ako. Ni kamag-anak wala ako.
Iniisip ko nga minsan, kung kaya magpabuntis ako para may kasama na rin ako sa buhay. Ayos lang sa'kin kung wala siyang tatay pero sa kanya? Ayos lang kaya?
Kahit kailan wala akong pinapasok sa buhay ko. Oo, nagkaroon ako ng mga karelasyon pero hindi ko sila pinapasok sa buhay ko. Sa sitwasyon kong ito, may magmamahal pa kaya sa'kin. May magmamahal pa kaya sa isang pokpok?
Siguro meron pero rerespetuhin kaya ako? Karamihan sa mga katrabaho ko minahal nga pero 'di naman nirerespeto.
Pinilig ko na lang ang ulo ko para matigil na ang pag-iisip ko ng kung ano-ano. Nagluto ako ng kanin at hinintay na lang na maluto ito.
Pinaalam ko na rin kay Mami Sue na hindi ako papasok.
Hindi ko alam kung anong patutunguhan ng buhay ko sa ganito. Siguro ganito na talaga ang buhay ko.
Maruming babae.
...