Abala akong nagseserve nang may narinig akong tumawag sa'kin. "Hey, miss! Five beer here, please."
Humarap ako sa grupo ng mga lalaki na isang table ang layo sa'kin. "Right away, Sir."
Tumalikod na ako at kinuha ang order nila.
Nilapag ko na lang ito sa table nila pagkakuha. "Ito na po, Sir," ngumiti ako.
Hindi ko na sila tinignan isa-isa at umalis na. Wala akong balak mabook ngayon.
Sapat na rin siguro ang magiging sweldo ko ngayon para sa'kin. Nakabayad na rin naman ako ng upa para sa dalawang buwan. Kung bayaran ulit siguro ng upa saka ako magpapabook o table.
Busy akong nagseserve ng mga order nila nang lumapit sa'kin si Anie, katrabaho ko rin siya. Ang pagkakaalam ko ay waitress lang siya rito.
"Pinapatawag ka ni Mami Sue." Napatingin ako sa kanya ng nagtataka. Ngayon lang ako pinatawag ni Mami Sue, a.
Maayos ako magtrabaho kaya hindi ako pinapatawag. Pero bakit ako pinapatawag? Wala naman akong ginawa, a.
"Huwag kang mag-aalala, may sasabihin lang siya," dagdag niya nang makita ang aking pagtataka.
Tumango na lang ako at sinerve ang hawak kong alak bago pinuntahan si Mami Sue sa office niya. Siya rin kasi ang manager dito kaya may sariling opisina.
"Pasok!" narinig kong sigaw niya sa loob pagkakatok ko sa pintuan ng opisina niya. Binuksan ko ito at pumasok na sa loob.
"Pinapatawag niyo raw po ako?"
"Oh, yes. May gustong magpabook sa'yo," ngiting-ngiting saad niya. Nakaupo siya sa upuan niya at nakatiklop ang mga kamay niya sa ibabaw ng lamesa niya.
Hindi kagaya ni Mami Sue ang mga baklang nagsusuot ng mga pambabae. Siya 'yung lalaki manamit pero babae gumalaw.
"Po?" ngayon lang may nagpabook sa'kin ng hindi sa'kin mismo sinabi. Ba't kailangan pang idaan kay Mami?
"Oh mah gash! You should be grateful!" napatigil ako sa sinabi niya.
Kahit kailan hindi ako naging grateful tungkol sa trabaho ko. Grateful, huh. Kung magiging grateful man ako ay sa perang sweldo ko 'yon.
"Pero hindi po ako magpapabook ngayon, Mami."
"Alam ko pero ito dapat 'yung hindi mo tinatanggihan! Salvatore, Denise!"
Nagtaka ako sa pinagsasabi niya. Tatanggihan ko ang gusto kong tanggihan. Ako dapat ang magdikta kung dapat ko bang tanggihan o hindi.
Napabuntong ako mg hininga bago nagsalita. "Iba na lang, Mami Sue. Si Jenelyn na lang o kaya si Hana."
Sila rin yung madalas balikan ng mga lalaki rito dahil magaganda at sexy sila. Binabalikan din naman ako pero hindi ako nagdodoble ng customer. Isang gabi lang pagkatapos ay hindi ko na sila inuulit. Hindi rin nila ako naabutan dito kapag bumabalik sila dahil irregular lang ako rito.
"Ikaw daw ang sabi. Denise, hindi mo dapat sinasayang ang ganitong grasya. Mayaman ang mga Salvatore kaya hindi mo dapat ito hinihindian," pagpupumilit niya.
Nagsisimula nang mamuo ang inis sa loob ko pero hindi ko pinahalata sa kanya. Anong karapatan niyang sabihin 'yan? Katawan ko 'to at ako dapat ang magdesisyon sa mga dapat at hindi dapat kong gawin.
Malalim akong huminga habang nakatitig sa kanya. Mukhang desperado na siyang tanggapin ko itong alok niya.
Pumayag na lang ako para matapos na ang usapan. Baka mas lalo akong mainis at hindi ko na mapigilan kapag nagsalita pa siya.
Tinanong ko sa kanya ang pangalan at anong table ng nagrerequest sa'kin pero nasa VIP room daw. Halatang mayaman. Pwede din namang magrequest ng babae pero kung papayag ang babae. Sa ganitong trabaho, hindi ka talaga tatanggi. Kung sino man 'yan, papatulan at papatulan talaga. Hindi rin naman ako mapili sa customer. Kapag talaga ayaw kong magpabook ay ayaw ko.
Umakyat ako sa second floor kung saan ang mga VIP rooms. Madalas din akong magdala ng inumin sa second floor. Doon ko rin madalas nakukuha ang mga customer ko.
Tinitigan ko muna ang nakatatak na 05 sa pintuan bago kumatok ng tatlong beses. Binuksan ko ang pintuan at pumasok.
Natigilan sa pagtawa ang mga tao sa loob. Ginala ko ang tingin sa kanila. Sa pagkakaalala ko ay sila 'yung limang lalaki kanina na nag-order ng limang beer.
Hindi na ako magtataka kung kumaha sila ng VIP room. Isang tingin pa lang sa kanila ay halatang mga mayayaman talaga.
Nailang ako ng tingnan nila akong lahat. May dalawang babae naman silang kasama kaya hindi ako masyadong nailang. Ayaw ko namang ako lang ang babae kung sakali.
Pasimple kong tiningnan ang damit ko. Nakauniform ako ng pangwaitress. Hanggang kalahati lang ng hita ko ang palda at hapit na hapit na silk long sleeves naman ang pang-itaas. Kulay pula ito kaya agaw pansin talaga sa mga customers. Nakasandals lang ako na tatlong pulgada lang ang taas.
"Mr. Salvatore?" binalik ko ang tingin ko sa kanila. Nakatingin na rin silang lahat sa'kin at biglang nagtawanan.
"Mr. Salvatore raw," tinignan ko ang lalaking nagsalita at masasabi ko talagang gwapo ito.
Sa itsura niya ay siya yung klase ng taong palatawa at palangiti.
"Miss, sinong Salvatore ba?" natatawa nitong tanong. Tinignan ko lang siya at ang mga kasama niya.
"Siya ba 'yung pokpok?" nalipat ang tingin ko sa babaeng nagtanong. Hindi naman sa naoffend ako sa tanong niya pero nakuha talaga niya ang atensyon ko. May mahaba itong itim na itim na buhok at labas na labas ang hinaharap niya sa suot niya. Maganda naman siya.
"Athena," may pagbabantang saad sa kanya ng lalaking nakaakbay sa kanya. Sa itsura niya ay mukha siyang babaero. May itsura rin naman siya. Lahat naman sila ay may mga itsura. Lahat naman ng mayayaman ay parang sila yung mga biniyayaan.
"Lima kaming Salvatore rito, miss," bumaling ako sa nagsalita. Malumanay siyang nakatingin sa'kin.
Pansin kong nadagdagan sila ng isa. Lima sila kanina pero anim na sila ngayon.
Parang siya 'yung pinakamatino sa kanila. 'Yung apat kasi ay itsurang babaero.
"Lucan... Lucan Salvatore," pinatatag ko ang boses ko. Sa pagkakatingin kasi nila ay parang ang liit liit ko.
Tinanong ko kay Mami Sue kanina ang pangalan ng nagpabook sa'kin bago ako umalis. Ayaw ko man pumunta ay wala na rin akong nagawa. Malaki ang utang na loob ko kay Mami Sue kaya hindi ko talaga siya sinusuway.
"Kunin mo na, Lucan," saad ng lalaking katabi ng lalaking pinakamatino ang itsura.
"Gago. Hindi ako. Kay Luca 'yan," tutol ng lalaking nagngangalang Lucan.
Luca? Oo, Luca 'yung sinabi ni Mami Sue. Hindi talaga ako magaling sa mga pangalan.
"Paanong naging akin? Akala ko sa'yo?" giit naman ng isang lalaki. Magkamukha sila ng Lucan ang pangalan. Halatang siya 'yung Luca. Magkatabi lang sila ng upuan.
Hindi ko napansin na magkamukha pala sila. Medyo may kadiliman kasi ang banda nila.
"Mga gago. Sa'yo 'yan, Lucan," pagsingit ng katabi ng pinakamatino ang itsura.
"Parang hindi ka gago, Grey," pambabara ng pinakamatino an itsura.
"Tumahimik ka, Gideon. Kasali ka sa sinabi kong mga gago," ganting salita ng Grey ang pangalan. "Akala ko 'di ko alam 'yung pinaiyak mong babae kanina. Pagkatapos tinira, paiiyakin."
Napatingin ako sa Gideon ang pangalan. Akala ko pa naman matino na siya. Hindi pala. Hindi dapat talaga manghusga sa panlabas na anyo.
Humalakhak silang lahat maliban na lang sa kasama nilang lalaki at babae sa gilid ng upuan na may sariling mga mundo. Halos magtalik na sila sa klase ng paghahalikan nila.
"Hindi ako kagaya niyo! Tangina niyo. Matino ako!" tumutol sila sa sinabi ng palatawa at palangiti sa sinabi nito.
"Ah... excuse me." Nakuha ko ulit ang atensyon nila maliban sa dalawa sa gilid. Kanina pa ako nakatayo rito. Nangangalay na yung mga binti ko. Kahit tatlong pulgada lang ang taas ng sandals ko masakit pa rin ito sa paa kapag magdamag na nakatayo.
"Luca raw po yung pangalan," nahihiya kong sabi.
"Ikaw pala Luca, e. Kunwari ka pa." Tumawa ang kambal nito na sinabayan na rin ng iba.
"Akala ko ba hindi ka pumapatol sa pokpok, Luca." May pandidiri ang nakapaloob sa boses ng babaeng Athena ang pangalan.
Nakatayo lang ako sa hamba ng pintuan at pinapanood sila.
"Oo nga, Luca," komento ng Gideon ang pangalan.
Pagtingin mo pa lang sa kanila ay sila yung klase ng mga lalaking hindi pumpatol sa mga pokpok dahil sa itsura pa lang nila ay habulin na ng mga babae. Sa itsura nila makukuha talaga nila yung babaeng gusto nila kaya hindi na nila kailangang maghanap ng babaeng babayaran.
"Tumahimik nga kayo. Para namang wala kayong alam," pinagtawanan nila ang sinabi ng palatawa sa kanila.
"Pasensya na miss," nakangiting paumanhin ng Gedion ang pangalan.
Tumayo ang Luca ang pangalan nila bago nagpaalam sa mga pinsan niya. Halata namang magpipinsan sila dahil lima raw silang Salvatore at yung isa siguro ay kaibigan nila. Hindi naman siguro sila magkakapatid lahat.
"Aalis na ako," saad ng Luca.
Nakatingin siya sa gawi ko habang lumalapit sa'kin. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya dahil blangko lang ito. Hindi ko talaga maitatangging gawapo siya.
Hindi kakapalan ang mga kilay, may matangos na ilong. Pansin ko ngang lahat yata silang magpipinsan. May mapupulang mga labi at matipunong katawan. Ngayon ko lang napansin na bagay na bagay sa kanya ang suot niyang plain black v-neck tee shirt at denim pants. Hubog na hubog ang katawan niya sa suot niya. Bagay din ang kulay moreno niyang kutis sa suot niya.
"Galingan mo," natatawang pahabol ng palatawa sa kanila.
"Shut up, Lyte," balik salita niya. Lyte pala ang pangalan niya.
Nagtawanan lang sila sa sinabi nito.
"Sundan mo ako," gamit ang baritonong boses niya. Wala akong mabakas na emosyon sa boses niya. Hindi ko alam kung masaya siya.
Nilagpasan niya ako at lumabas na ng room pagkabukas ng pintuan. "Galingan mo, miss!" hindi ko na pinansin ang pahabol nila sa'kin na pinagtatawan lang nila.
Sinundan ko siya at para akong tangang nakasunod sa kanya sa likod.
Hindi kami nag-imikan habang naglalakad kami.
"Sandali..." nakuha ko pabalik ang boses ko nang nasa parking lot na kami ng bar.
Humarap siya sa'kin at pinagkrus ang mga kamay niya sa matitipunong dibdib niya.
"What?"
"Hindi ako magpapabook ngayong gabi," lakas loob akong nagsalita kahit napakaintense ng tingin niya sa'kin.
Hindi naman ako ganito sa ibang lalaki pero ibang-iba talaga yung tingin niya. Tinging suplado.
Tinaasan niya ako ng tingin na parang hindi nakuha ang sinabi ko.
"Kung gusto mo, balik ka na lang sa ibang gabi," dagdag ko.
"Gano'n ka kaimportante para balikan ko?" napatitig ako sa kanya.
Ano raw?
"Kung gano'n mo kagustong ikama ako?" patanong na sagot ko. Para kasing kakainin niya ako ng buhay kapag may mali akong sinabi.
Napangisi siya sa sagot ko na kalaunay napunta sa sarkastikong tawa.
"Hindi ko nga gustong ikama ka."
Bumuga ako ng hangin sa sinabi niya. Ba't ako nandito kung gano'n? Seryoso ba siya.
"Alam mo ba kung ilang oras ko ang sinayang mo?" ang inis kong namuo kanina ay nagsisimula nang lumabas.
Hindi naman pala gusto. Sinayang niya lang yung oras ko na sana ay para sa trabaho ko.
"Alam mo rin bang wala akong pakialam?" bato niya sa'kin ng salita.
Tinitigan ko lang siya, tinatansya ang emosyon niya pero nakangisi lang siya habang nakatitig din sa'kin.
Pinantayan ko ang ngisi niya bago siya tinalikuran. Baka kung ano pang magawa ko kapag nainis ako. Mahabang oras din ang nasayang ko dahil dito. Sayang din yung perang pagtatrabahuan ko ngayon.
Hahakbang na sana ako palayo nang hawakan niya ang braso ko.
Taas kilay ko siyang nilingon.
"Oh, saan ka pupunta?" nakangisi pa rin siya.
"Akala ko wala kang pakialam?" naiinis kong sabi. Mabait akong tao pero kapag hindi sila gano'n sa'kin, hindi nila aasahan ang kabaitan ko.
"Wala akong pakialam sa nasayang na oras mo hindi sa balak mong pag-alis." Inagaw ko sa kanya ang braso ko na binitawan naman niya.
"Pwes, wala akong pakialam." Tumalikod ulit ako pero hindi natuloy dahil hinablot niya yung braso ko paharap sa kanya.
Malalim akong huminga para kumalma. Humarap ulit ako sa kanya. "Kung sobrang tigang ka na, may mga babaeng available pa sa loob. Hindi talaga ako magpapabook ngayong gabi, Sir."
Bulgar akong magsalita kapag naiinis. Mas lalo na kapag naiinis ako noon sa mga ex ko. Minsan kasi napakademanding nila mas lalo na sa s*x. Marami na rin akong nagkarelasyon pero wala akong sineryoso at alam kong gano'n din sila. Sino namang magseseryoso sa isang bayarang babaeng kagaya ko?
"No need."
Tinitigan ko lang siya.
"Next time, then. I'll buy you."
...