CHAPTER 2

2005 Words
Tatlong gabi akong hindi bumalik sa bar. Sapat pa rin naman 'yung pera ko para sa susunod na mga araw kaya siguro hindi na muna ako magpapakama. Kapag bayaran ng upa na siguro. 'Yon lang naman ang pinakamalaking bayaran ko. Limang libo kada buwan. Malinis naman ang room at dalawang patulugan kaya gano'n ang presyo. Kanina pa akong naiinis. May mga makukulit talagang mga customer. "Bakit hindi, miss? Babayaran naman kita." Hindi ko pinansin ito at patuloy ang pagseserve. Patuloy pa rin siya sa pangugngulit kaya abot langit na ang inis ko. Hindi lang siya ang nangulit sa'kin ng ganito. Meron din yung hindi talaga ako tinigilan hanggat hindi ko pinagbibigayan kaya pinagbigyan ko na. Malaki rin yung binayad. Hinarap ko siya pagkatapos kong ilapag ang tray sa counter. Hindi siya kagwapuhan pero may ibubuga. Tansya ko rin ay nasa late 20's siya. "Sa labas tayo." Ngiting-ngiti naman siya nang kinausap ko na. Iginaya ko siya palabas. Pero hindi pa kami tuluyang nakalabas nang may bumangga sa'kin. Hindi naman 'yon masakit pero halatang sinadya talaga. Pinukulan ko ito ng tingin nang may napagtanto. "Hey, tumingin ka sa dinaraanan mo." Hindi ko pinansin ang lalaki sa likod ko at tinitigan lang ang lalaki sa harap ko. Siya yung lalaki noong nakaraan. Nakalimutan ko na yung pangalan pero alam kong siya 'yon. Hindi talaga ako magaling magmemorya ng mga pangalan. Hindi na rin naman importante sa'kin 'yon. Mas lalo na yung mga isang gabi ko lang nakilala kaya hindi ko na talaga inaalala pa. Hindi ko na rin naman sila makikita. Tinignan niya lang ako ng blangkong tingin bago nilipat sa lalaking nasa likod ko. Nakasuot siya itim na tee shirt at jogger. Mahilig yata sa itim. May suot siyang kulay gintong relo na sa tingin mo pa lang ay napakamahal talaga at naka rubber shoes siya. Bagay na bagay sa kanya yung suot niya. Kahit ano naman yatang suotin niya ay babagay sa kanya. Hindi ako makaimik dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya na palipat-lipat ang tingin niya sa'kin at sa kasama ko. "Tara na." Sa wakas ay natanggal ko ang tingin ko sa kanya nang magsalita ang kasama ko. Tumango ako bago nagsimulang humakbang. Pero bago ko pa malagpasan ang lalaking nasa harapan ko ay nahigit na niya ang braso ko. "Pare, akin 'to. Sa susunod ka na lang pagkatapos ko." inabot niya ang kabilang braso ko at hinila iyon palapit sa kanya. Nakaramadam ako ng kirot sa klase ng pagkakahawak niya sa'kin. Nabitawan ako ng lalaking unang nanghablot sa'kin. Nagsimulang mamuo ang inis sa akin sa klase pagkakahawak ng lalaking nakasunod sa'kin. Sinabi kong sundan lang ako para kausapin ko siya ng matino pero kung umasta parang pumayag ako. Oo, pokpok ako pero may karapatan pa rin naman akong humindi. Inis kong binawi ang braso ko at sinamaan ng tingin ang lalaki. "Ano ba," nagpipigil kong angal. Hindi ko na sila tinignan pa at lumabas na ng tuluyan. Huminto ako sa gilid na medyo may kadiliman. Ramdam kong sumunod sa'kin ang kanina pang nangungulit sa'kin. Hindi ko alam kung sumunod yung isa. Humarap ako sa kanya bago nagsalita. "Hindi mo ba ako naintindihan kanina? Sabi kong hindi ako available ngayon." "Bakit hindi? Magbabayad naman ako, a. Malaki ang ibabayad ko kaya hindi ka na lugi." "May ibang bakante sa loob. Mamili ka na lang sa kanila." Hindi ko na siya pinansin pa at nilagpasan na para bumalik sa loob. Bago pa ako tuluyang makalagpas ay nagsalita ulit ako. "Huwag mo na akong sundan." Kapag sinundan pa talaga ako nito, sisipain ko na talaga bayag niya. Maliit lang ang pasensya ko pero kaya ko pa rin namang kontrolin. "You f****d that man?" Napalingon ako sa kaliwang banda ko nang may nagsalita. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Hindi naman ako bobo para hindi malaman na ako ang kinakusap niya. "Hindi pa rin ako available ngayong gabi. Bumalik ka na lang sa susunod." "Not available? Then, what's that?" tumaas ang kilay niya at mababakas ang pandidiri sa boses niya. Wala naman akong pake roon dahil kahit anong insulto pa ang matanggap ko ay hindi pa rin ako maaapektuhan. "Nakita mo bang nagtalik kami?" Nawala nga yung nangungulit pero may sumunod naman. Pwede bang layuan nila ako at hayaang maging payapa ang gabi ko? "Ano yung sinabi niyang pagkatapos niya ay ako naman?" Ano bang paki niya? Kung yung nasa gitnang bahagi lang ng mga hita ko ang habol niya ay wala na dapat siyang pakialam sa ganito. "Bumalik ka na lang sa susunod. Wala akong gana ngayon," napairap ako sa kanya sa inis. Bakit ba ako iniinis ng mga lalaki ngayon. s**t! "How much?" tinignan ko siya ng hindi makapaniwala. Hindi ba talaga 'to nakakaintindi? Hindi lahat nakukuha ng pera. "Hindi ka marunong makaintindi. Gaano ba katigas ulo mo?" "Fine. Let's make a deal." Mukha talagang desperado na siyang tirahin ako. Nililibot ng tingin ko ang itsura ng tirahan niya. Sa pagkakalam ko condominium ang tawag dito. Ilang beses na rin akong dinala sa mga condominium kaya alam ko. Dinala niya ako rito para raw pag-usapan ang tungkol sa deal. Noong una ay hindi ako pumayag pero mapilit siya. Sinabi ko na lang na maghintay siya hanggang matapos ang trabaho ko para iwasan siya pero ginawa niya talaga. Hanggang alas onse ang trabaho ko kaya pumayag na ako sa deal na sinasabi niya nang naghintay talaga ng mahigit apat na oras. Ayoko namang sayangin ang paghihintay niya kaya pumayag na lang ako. Hindi ko naman siguro ikakasama ang deal na tinutukoy niya. "Dito ka nakatira?" Lumingon ako sa likod ko para makita ang reaksyon niya pero hindi pa rin nagbabago ang mukha niya mula nang nagmamaneho siya papunta rito, blangko pa rin. "Yes," tipid niyang sagot. Maganda ang itsura ng tirahan niya. Pagkapasok pa lang ay dining area na ang maabutan sa kaliwang banda at hagdan naman sa kanan. May hagdan din pala 'to. Mamahalin ang mga gamit sa loob, inaasahan ko na 'to dahil marami naman siyang pera sa itsura niya. "Wait here." Tinanguan ko na lang siya bago siya umakyat sa hagdan. Naglakad ako papunta sa single sofa para umupo. Tumingin-tingin ako sa paligid habang naghihintay sa kanya. Nakakamangha talaga ang mga gamit dito sa loob. Sampong taon siguro akong magtatrabaho sa bar para makabili ng mga ganitong gamit. Gabi-gabi pa. Tumingin ako sa suot ko. Suot ko pa rin ang waitress uniform. Hindi na rin naman ako nagbibihis kapag uwian na. Pagkauwi na ako nagbibihis. Natigil ang pagmumuni-muni ko nang marinig ang pagbaba niya. Napataas ang tingin ko sa kanya. Nakaputi na siyang damit at nakajogger shorts na hanggang tuhod. Iba ang taste niya sa damit. Black and white. "Like what you see?" may ngising asar niya sa'kin. Ba't parang feeling close siya? "Hindi masyado." hindi ako ganito makipag-usap sa mga naging customer ko. Lagi ko silang pinupuri pero sa lalaking nasa harap ko ay hanggang isip ko na lang pinupuri. "Ano yung deal?" Naglakad siya palapit at umupo sa kaharap kong single sofa. Sa dulo ay may magkabilang single sofa at sa kaliwang bahagi ay long sofa pero hindi gano'n kahaba. Kakasya siguro ang apat. Nakatalikod ito sa hagdan sa kabilang dulo. "Hindi ako pumapatol sa prostitute," diretsong saad niya. Hindi naman masakit ang pagkakasabi niya pero kung sa iba siguro niya sinabi ay masasaktan 'yon. "Anong punto mo?" sumandal ako sa sandalan ng sofang kinauupuan ko at pinagkrus ang mga kamay at binti ko na nakataas ang kilay. Nakita kong napatingin siya sa hita ko pero binalik din naman sa mukha ko. Hindi naman ako maitim. Maputi ako na nakuha ko sa nanay ko. "Ayaw kong mawala ang condo at kotse ko," napairap ako sinabi niya. "Pwede ba, diretsuhin mo ako. Anong pinupunto ng sinasabi mo?" "Kapag hindi kita kinama, mawawala 'yon sa'kin." sumandal siya sa sandalan ng kinakaupuan niya at gumaya sa ginawa ko. Dumikwatro siya at pinagkrus ang ang mga braso sa dibdib niya. "Sinabi mong hindi ka pumapatol sa pokpok." "Exactly. Kaya tayo nag-uusap ngayon dahil para malaman mo ang plano ko." hindi ako nagsalita at hinintay ang idudugtong niya. "Sabihin mo lang na may nangyari sa atin kapag may nagtanong." "'Yon lang?" "Yes." Napatawa ako ng sarkastiko sa sinabi niya. "Ba't kailangan pang dito natin 'yan pag-usapan? 'Yon lang naman pala, e." "Matutulog ka rito para maniwala silang may nangyari nga." hindi ko siya tinantanan ng mga titig ko na binalik naman niya. "Babayaran kita." "Wala akong damit." Ayos na rin yung deal niya. Masisinungaling lang naman ako at may pera na. "Walang damit? Ba't may suot ka?" ang bobo. Wala yatang common sense. Nginisihan niya lang ako na ikinasama ng tingin ko. "May utak ka ba? Meron ako. Sana ikaw din." napahalakhak siya. "Ako ng bahala sa damit mo." "Kailangan ko ng damit pantulog." Hindi naman sa pagiging demanding pero sabi niya siya na raw bahala sa damit ko. "You can wear some of my clothes." Ayos. Hindi naman ako maarte. Kaya ayos na. "Oo nga pala, gusto ko ng strapless bra na walang foam." Biglang lumamlam ang mga mata niya sa sinabi ko. Demanding ba masyado? Nakita kong bumaling ang tingin niya sa hinaharap ko at napalunok. Tinanggal ko ang mga braso kong nakakrus sa dibdib ko. Hindi pa rin natatanggal ang tingin niya sa banda doon. "Malaki ba?" "What?" bumalik ang tingin niya sa mukha ko. Umirap ako. "Yung tinitignan mo." "Not that much. May mas malaki pa akong nakita kesa diyan." Tinignan ulit niya ang hinaharap ko at ngumisi. Hindi naman gano'n kalakihan ang dibdib ko pero hindi rin naman kaliitan. Sakto lang. "Sa pagkakatitig mo kasi ang manyak." Nawala ang ngisi niya. "Manyak, huh?" ngumiti siya pero sarkastiko. Natamaan sa manyak. "Hindi naman," bawi ko sa sinabi ko. Pansin ko kasing hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. "Sanay na rin naman ako." Nagtitigan lang kami at tinatansya ang isa't isa. Tumayo siya pagkatapos ng ilang segundong titigan namin. "Wait here. Kukuha lang ako ng damit na gagamitin mo." Napabuntong ako ng hininga pagkatalikod niya at naghintay na lang sa kanya. Suot ko ang isang puting tee shirt at shorts niya. Sakto lang ang pagkakayakap ng shorts sa beywang ko. Plain at manipis itong shorts pero hindi sapat para makita ang panty ko sa loob. Hanggang tuhod ko ito. Malaki sa'kin ang damit na suot ko. Hanggang kalahati ng hita ko ang haba. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin ng kwartong pinagdalhan niya sa'kin. Dito raw ako matutulog. Hanggang beywang ko ang medyo kulot kong buhok sa dulo at halata ang pagod sa mukha ko. Tumingin ako ng ilang beses sa salamin bago dumiretso sa kama. Malawak ang kwarto at kama. May CR din itong sarili. Mamahalin talaga. Nakatitig lang ako sa kisame habang nag-iisip. Pinilig ko na lang ang ulo ko at nagdesisyong matulog. "No please," iyak kong makaawa. "This will end soon." "I don't want this." Humikbi ako habang nagmamakawa sa kanya. Pero kahit anong makaawa ko ay tinuloy pa rin niya ang ginagawa niya. "Fix yourself ," hikbi lang ang naisagot ko sa kanya. Pagkatapos ng ginawa niya ay umalis na siya sa kwarto ko. Ayaw ko nang ginawa niya. Masama ang ginawa niya sa'kin. Kasalanan ang ginawa niya. Hindi pa nakalagpas ng isang minuto nang may pumasok ulit sa kwarto ko. Kilala ko siya. Siya yung mabait na kaibigan ng lumabas ng kwarto ko kanina. Pero akala ko mabait siya. Hindi pala. Masama pala siya. Magkatulad din pala sila. Wala silang pinagkaiba. "I will finish this sooner don't worry." Hindi ako nagsalita at nakahiga lang sa kamang nakatitig sa kisame habang lumuluha. Nanghihina ako sa ginawa niya tapos gagawin din niya 'yon sa'kin. Akala ko mapagkakatiwalaan sila. Hindi pala. Napakasama nila. Masakit ang katawan ko mas lalo na sa gitnang bahagi ng mga hita ko. Hindi ko siya pinansin nang magsimula na siyang maghubad. Napasigaw ako nang hilahin niya ang mga paa ko palapit sa kanya. Pinuwesto niya ang kanya sa akin para ipasok sa akin. "No!" ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD