Masaya akong nagluluto rito sa kusina ni Luca. Mababaw lang ang kaligayahan ko dahil kahit kailan hindi ako nakaramdam ng tunay na saya mula noong mamatay ang mga magulang ko. Pinayagan niya naman akong magluto. Kahit hindi kami gano'n kalapit.
Noong una pa nga ay hindi ko alam kung paano gamitin ang mga gamit dito. Tinuruan ako ni Luca kung paano kaya medyo marunong na ako kahit papaano.
"You know how to cook," hindi ko siya nilingon dahil sigurado naman akong si Luca ang nagsalita. Dalawa lang naman kami rito sa condo niya kaya hindi na ako nagtataka.
"Oo naman. Mahilig akong magluto noon mula noong thirteen ako."
Lagi kaming magkasamang nagluluto noon ni Nanay Minda kaya may mga natutunan ako mula sa kanya.
"Why don't you study?" Nilagay ko muna ang mga ingredients ng niluluto kong adobo at humarap sa kanya.
"May pera ako?" nakataas kilay kong tanong.
Wala naman akong pera para sa pag-aaral. Pero kung desperada talaga akong mag-aral ay mahahanapan ko ng solusyon 'yan. Pero hindi, e.
Tinignan ko muna ang niluluto ko bago humarap sa kanya ng buo.
"Work for me," seryosong aniya.
"Anong trabaho?" hindi naman ako interesado pero kung malaki ang sweldo, bakit hindi?
"Assistant will do." Napaisip ako sa alok niya. "You can work while studying if you want."
Pinatay ko na ang mga pangarap ko magmula nang mangyari 'yon. Kaya hindi ko na binalak pang mag-aral at ituloy ang mga gusto ko sa buhay. Dahil ang gusto ko na lang mangyari ay makalimot sa nakaraan.
"Pag-iisipan ko," tumango-tango kong sagot.
"You do not belong there," malamig na aniya. Medyo nasanay na rin ako sa klase ng pananalita niya.
Nagtataka ko siyang tinignan. Hindi ako nababagay saan? At saan naman ako nababagay? Saan ako lulugar? Sa imperno? Siguro nga.
"In that place. You don't belong in that kind of place." Nakasandal siya sa lababo na malapit lang sa'kin.
"Stop working in that club and work for me instead. You don't have to sell your body." Tinitigan ko lang siya at hindi alam ang itutugon sa sinabi niya.
Mula nang mamatay si Nanay Minda ay ang club na 'yon ang una kong pinagtrabahuan. Tinaggap agad ako ni Mami Sue dahil pasado raw ako dahil sa itsura ko.
"Minsanan ko lang naman 'yon kailangan..." mahina kong tugon. Napaiwas ako ng tingin nang matalim niya ako tinitigan.
"Even so. Do you still have your dignity?"
Dignidad? Matagal ng wala sa'kin 'yon. Mula nang masira ang buhay ko nawalan na ako ng dignidad. Bumalik lang 'yon pansamantala pero nawala rin ng tuluyan.
"Sa tingin mo may dignidad pa ako?" may pait ang boses ko.
Dahan dahan akong tumingin sa kanya. Naging malambot ang tingin niya.
"Then take it back," napangiti ako ng sarkastiko. Paano?
Paano ko 'yon gagawin kung wala nang rason para gawin ko 'yon?
"Paano ko 'yon babawiin kung hindi ko alam kung nasaan ako?" Ni hindi ko nga mahanap ang sarili ko.
Sirang-sira na ako. Ngayon lang lumabas ang mga emosyong tinatago ko sa mga nagdaang taon. Siguro dahil nasasaktan ako sa mga tanong niya.
Matagal kong ininda lahat 'yon dahil wala ring patutunguhan kung imumukmok ko 'yon.
"Hindi 'yon madali." At hinding-hindi 'yon magiging madali.
"I know. Let go of your past so you can do it." Marahas akong napatingin sa kanya. Wala naman siguro siyang alam, 'di ba?
"You look like you have a rough past," dagdag niya nang makita ang pagtataka sa'kin.
Gano'n ba ako kahalata?
"Not that much." Natuptop ko ang bibig ko nang hindi namalayang lumabas sa bibig ko ang kinamumuhian kong lenggwahe.
Tumaas lang ang kilay niya sa'kin kaya napaiwas ako ng tingin. Binago ko lahat ang sarili ko magmula noon. Ayoko nang balikan ang bangungot ng buhay ko.
"I-ibig kong s-sabihin hindi m-masyado," utal-utal kong bawi sa sinabi ko.
Napamura ako nang biglang naalala ang niluluto ko.
"You cuss." Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tinuon ang atensyon sa niluluto.
Ganado ako habang kumakain. Masarap yung ulam.
"Patapos na yung deal, ikaw mananalo pagkatapos nito?" natanong ko. Ang tahimik kasi.
"Yeah. About my offer, think about it. I hate seeing you in that place," tamad niyang sambit. Susubukan ko.
"Masarap?" nakangiting tanong ko. Tinutukoy ang niluto ko.
"I don't know."
Nagkibit balikat lang ako.
Inaayos ko ang suot ko. Magtatrabaho ako sa club ngayon. Bagot na bagot na ako rito. Ayoko namang maglinis dito baka isipin niyang feeling bahay ko 'to.
Nakasuot ako ng fitted denim shorts at off shoulder top. Hanggang kalati lang ng hita ko ang suot kong shorts. Sinuot ko ang flats na gamit ko noong pumunta ako rito.
Didiretso muna ako sa apartment ko para kunin ang uniform ko bago dumiretso sa club. Sinabihan ko na rin si Mami Sue na magtatrabaho ako ngayon.
Tinirintas ko ang buhok ko sa dalawang parte para hindi humarang kapag nagtatrabaho ako.
Bumaling ang tingin ko sa pintuan ng kwarto nang bumukas ito.
"Going somewhere?" blangkong tanong niya.
"Yes... Oo," bawi ko. "Magtatrabaho ako ngayon."
"Wearing that?" may pagkadisgustong aniya.
Maayos naman yung damit ko.
Bago pa ako makapagsalita ay nagsalita ulit siya. "Why the hell are you working anyway?"
May talim ang mga mata niyang nakatingin sa'kin.
"Wala naman akong ginagawa rito at pagsisinungaling lang naman ang gagawin ko sa deal natin," paliwanag ko. "At ayos naman ang suot ko. Desente naman, a."
"Desente?" tumawa siya ng sarkastiko. "Kitang-kita ang halos hita mo at sasabihin mong desente 'yan," madiing aniya.
Anong mali sa suot ko?
"Didiretso muna ako sa apartment ko para magbihis." Umiwas ako sa kanya ng tingin at tumayo na pagkatapos itali ang sapatos ko.
Naramdaman kong bumuntong hinga siya.
"Fine. I'll drive you there." Pakiramdam ko hindi na ito tungkol sa deal. Minsan mabait siya, minsan masungit kagaya ngayon.
Pumayag na lang ako dahil libre na rin ang pamasahe ko.
"Will you at least change your shorts. It's pissing me off," naiinis na aniya.
"Hindi na," tanggi ko. At sino ba siya para sabihin 'yon.
Customer ko lang siya. Ibig kong sabihin, hindi sa customer siya pero parang gano'n na rin siguro. Hindi nga lang s*x ang kapalit.
Nilagpasan ko siya na halos sasabog na sa inis. Anong kinaiinis niya sa suot ko?
Bagay naman sa'kin. Walang imik kami sa loob ng sasakyan niya. Paminsan-minsan nga ay sinusulyapan niya ang mga hita ko at bubuntong hininga. Inis na inis talaga siya sa shorts ko.
"Bakit?" hindi na ako nakatiis na tanungin sa kanya. Kanina pa siya.
Sinamaan niya lang ako ng tingin at binalik ulit ang tingin sa daan.
Nakarating kami sa apartment ko ng walang nagsasalita. Noong una niya akong hinatid ay para na akong mamatay sa tingin ng mga kapitbahay ko kung tignan nila ako ng may pandidiri.
Alam nilang matagal na akong bayarang babae. Wala naman akong pake roon. Judge me all they want.
Bwesit! Sinabing ayoko sa lenggwaheng 'yan!
"Hintayin mo ako rito," akmang lalabas siya ng saksakyan nang magsalita ako.
Baka ano pang sabihin ng mga makakakita. Wala naman akong pakialam doon pero siya?
Tinunguan niya lang ako na bakas pa rin ang inis sa mukha. "Wear something decent."
Hindi ko na siya pinansin at nagsimula nang maglakad. Anong decent? Walang desente sa club kung alam niya lang.
Hindi ko pinansin ang tingin ng mga nasa paligid at dumiretso na sa inuupaan ko. Sinuot ko ang uniporme ng waitress sa club. Black mini skirt at red long sleeves na fitted. Pang-akit sa customers ayon kay Mami Sue.
Naabutan kong nakasandal si Luca sa hood ng kotse niya na nakayuko at nakakrus ang mga braso at binti niya. Nagtaas siya ng tingin sa'kin at umigting ang panga niya nang makita ako.
"Desente, Denise. Desente," madiing aniya pagkalapit ko sa pwesto niya.
"Walang desente sa club, Mr. Salvatore. At uniform 'to. Uniform," madiin ko ring sambit. Ano ba talagang problema niya?
Problema ba ang suot ko?
Dumilin ang tingin niya sa'kin na tinaasan ko lang ng kilay.
"f**k," mahinang mura niya. "Just this night."
Pinakalma niya ang sarili niya bago pumasok sa kotse niya. Pinagkibit balikat ko lang 'yon at pumasok na rin.
Ramdam ko ang dilim ng anyo niya habang nagmamaneho kaya hindi na ako nagsalita pa.
Nakarating ulit kami sa bar nang tahimik.
Irita ako habang nagtatrabaho. Paano ba naman, nasa gilid si Luca at binabantayan ako. Hindi niya raw ako patatrabuhuin kung hindi ko siya papayagang mag-stay. Kailangan ba talaga 'yon?
Ang rules lang sa deal namin ay susundin ko lahat ng sinabi niya kapag tungkol sa deal namin. This is beyond our deal. f**k him.
Bwesit talaga! Sabing ayoko sa lenggwaheng 'yan!
Sinulyapan ko siya sa counter na nakaupo at may hawak na alak habang pinapanood ang bawat galaw ko. Taimtim ang titig niya sa'kin na ikinairap ko.
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang trabaho ko. Maraming nangulit sa serbisyo ko na tinanggihan ko dahil wala akong balak mapabayad ngayong gabi.
Sa tuwing tumitingin ako sa banda ni Luca ay madilim ang tingin niya sa'kin. Hindi ko 'yon pinansin.
"Hi, miss. Inom tayo," alok ng customer na dinaanan ko lang. Tatlo sila sa iisang table.
At sa tansya ko ay mga kaedad ko sila o mas matanda ng dalawang taon o isa. Ngumiti ako at magalang na tumanggi.
"Sige na, miss. Inom lang naman, e. Upo ka rito," alok ng isang kasama niya pero umiling ulit ako.
Waitress lang ang balak kong trabaho ngayon kaya tumanggi ako. Akmang hahawakan ako ng isa pang kasama nila ng may biglang humigit sa'kin.
Nagulat ako at napatingin kung sino ang humigit sa'kin.
"Try," may pagbabantang ani Luca. Natakot ako sa klase ng pagkakasabi niya pero hindi ko pinahalata.
Tango lang ang naging sagot ko.
"Pare, huwag kang makialam." Tumingin ako sa nagsalita. Yung lalaking nag-alok sa'kin ng inumin.
"Shut the f**k up," may galit na tugon ni Luca pero medyo mahina 'yon na sapat na para marinig ng lalaki.
Hinila na ako ni Luca palayo roon bago pa magsalita ang lalaki.
"You work. Huwag mong subukang magpatable at magpakama." Tamango lang ako dahil sa nakakatakot niyang awra. Bumalik na ako sa pagtatrabaho at gano'n din siya. Bumalik siya sa dati niyang kinauupuan at pinanood ulit akong magtrabaho.
Pasulyap sulyap ako sa kanya pero hindi niya tinatanggal ang madilim pa rin niyang tingin. Naiilang na ako sa kanya. Ano bang pake niya?
Pinagbawalan niya akong makitable at magpabayad. Ayos lang naman sa'kin 'yon dahil wala akong balak pero anong karapatan biyang kontrolin ako.
Nagpakontrol ka naman? Ani ng ibang parte ng utak ko. Nakakatakot yung tingin niya. Para siyang papatay kung magsalita.
Pagod akong dumiretso sa locker room ng mga empleyado. Tapos na ang oras ko sa trabaho.
Kinuha ko lang mga gamit ko at lumabas na. Wala akong pinansin sa mga katrabaho ko dahil wala naman akong kalapit sa kanila. Wala rin akong kinakausap. Tumunog ang telepono ko. Kinapa ko ito sa bag ko at binuksan.
Mr. Salvatore
At the parking lot. Now.
Nagpalitan kami ng numero kahapon para may kontak kaming dalawa kung sakali. Hindi ko na 'yon nireplayan at dumiretso na sa parking lot.
Nang matanaw ang kotse niya ay pumasok ako sa back seat.
"What the hell are you doing?" bungad niya pagkapasok ko. Humiga ako sa back seat at hindi siya pinansin. "I'm not your f*****g driver!"
"Pagod ako. Gusto kong humiga," pinikit ko ang mga mata ko at hindi na siya pinansin.
Tumingin ako sa kanya nang nagsimula na niyang paandarin ang kotse. Ginamit ulit niya yung pulang kotse.
Napaupo ako ng makitang sumusulyap-sulyap siya sa'kin mula sa rear mirror. Inayos ko ang suot ko dahil bahagya itong nalukot.
Halos makita na ang panty ko kanina. Ito siguro yung tinitignan niya.
"Anong tinitignan mo?"
"Looking at what?" maang niyang tanong.
Hindi ko na siya pinansin at humiga ulit. Bahala na kung makikita ang panloob ko. Hindi naman siya yung klase ng lalaking manyak.
"Will you fix your skirt?" nakita kong napalunok siya. "I can see your panty from here."
"Then don't look at it."
Natahimik ako nang napagtanto ang sinabi.
"Kapag hindi ako ang kasama mo ganyan ka rin?"
"That's normal." Tangina talaga. Bumalik ang madilim niyang awra.
"What the f**k did you say?" he asked dangerously.
…