CHAPTER 4

2006 Words
Bagot akong nakahiga rito sa sofa habang nanonood. Dalawang araw na ako rito sa condo ni Luca. Nababagot na ako rito dahil wala akong ginagawa. Galing dito ang mga pinsan niya kahapon kaya kailangan kong magsinungaling. Mukha namang napaniwala sila sa mga sinasabi ko kaya walang problema. Hindi ko na maintindihan ang pinapanood ko. Sa sala niya ako nanonood kahit may telebisyon naman sa kwartong tinutulugan ko. Umahon ako at tumingin sa banda ni Luca. Nasa counter siya ng kusina. Nakaupo siya sa isang high chair habang nakaharap sa laptop niya. Nakatagilid siya sa'kin kaya side view ang nakikita ko sa kanya. Medyo malayo ang sofang kinakaupuan ko sa kanya pero nakikita ang banda niya mula sa sala. "Hoy!" Nasanay na akong umaktong walang hiya kapag siya ang kausap ko. Ayos lang naman sa kanya 'yon. Sa tingin ko. Hindi naman siya nagagalit. Bahagya siyang tumingin sa banda ko bago binalik ulit sa laptop niya. "Yes?" "Pwede ba akong lumabas?" "Where are you going?" Hindi siya tumingin sa banda ko nang sumagot. Sa dalawang araw ko rito ay laging laptop niya ang kaharap niya. Hindi naman ako nagtatanong kung anong ginagawa niya roon kahit kuryoso ako. "Mamamasyal." Tinigil niya ang pagtipa doon at binalingan na ako ng tingin. "Later." Tumingin siya saglit sa mamahaling relo niya bago binalik sa'kin ang tingin. "Bakit?" gusto ko ngayon na. "Let me finish this first before we get out." "Sasama ka?" Tumango lang siya sa'kin at hindi na ako pinansin. Tinuloy niya ang ginagawa niya sa laptop niya. Sasama siya? Bakit? Hindi na ako nagtanong sa kanya dahil baka maistorbo pa siya. Humarap ako sa pinapanood ko pero ang boring. Agawan ng asawa. Ano ba 'tong teleseryeng 'to. Tumingin ulit ako sa kanya bago nagsalita. Ayaw ko sanang istorbuhin pero wala akong kausap. "May porn ka ba?" Bigla siyang napatingin sa banda ko at tinignan ako ng hindi makapaniwala pero agad niya ring binura 'yon sa mukha niya. Sumeryoso ang tingin niya sa'kin pero hindi ako nagpatinag. "Wala." Hindi siya nag-iwas ng tingin sa'kin. "Hindi ka ba nanonood nun?" Hindi rin naman ako nanonood nun. Noong mga panahong may kasintahan lang ako. Gusto nilang sabay kami manood nun bago namin gawin sa kama. Napalitan ng pagkairita ang seryosong mukha niya. Nakakairita ba yung tanong ko? "Shut up and let me finish my work." Iritado siyang bumalik sa pagtitipa ng laptop niya. Trabaho raw. Sa laptop pwede magtrabaho? Gusto ko rin nun. "Gusto kong manood nun," pangungulit ko. Simple akong napangiti sa iritadong mukha niya. "Baka gusto mong gawin din natin?" natuptop ang bibig ko sa sinabi niya. Ano raw? Ngumisi siya sa'kin na parang hinahamon ako. "Ayos lang. Basta bayaran mo ako." Nawala ang ngisi niya at tumalim ang tingin niya sa'kin. "Gano'n ka ba talaga?" Nakataas ang kilay niya pero hindi pa rin humuhupa ang matalim niyang tingin sa'kin. "Gano'n naman talaga ang mga bayaran. Babayaran mo kapag tinira mo." Bumuntong siya ng hininga bago umiling iling na bumalik sa ginagawa niya. Hindi na niya ako pinansin. Tumayo at lumapit ako sa banda niya. Kumuha ako ng mga damit ko sa apartment ko noong inihatid niya ako. Kahit may mga binili siya ay kumuha pa rin ako. Nakasuot ako ng long sleeves na fitted at shorts na hanggang tuhod. "Anong ginagawa mo?" tanong ko habang palapit sa kanya. "Work," tipid niyang sagot. "Diyan ka nagtatrabaho?" Umupo ako sa high chair sa gilid niya. Tumango siya bilang sagot. Halatang ayaw niyang magpaistorbo. Tamad kong sinandal ang ulo ko sa counter patagilid. Kaya nasa kanya ang tingin ko. Ilang segundo ko siyang tinitigan kaya nalipat ang tingin niya sa'kin pero saglit lang. "What?" "Nababagot ako," pag-amin. Wala akong magawa rito. Ni pagluluto 'di ko magawa. Puro order lang ang ginawa namin. "Pwede ba akong magluto?" walang hiya kong tanong. Marunong naman akong magluto. Sa tingin ko nga ay hindi siya marunong magluto. Kaya puro order na lang ang kinakain namin. "Later. Let's buy groceries first." Tumango na lang ako. Pansin ko ngang walang laman ang ref niya at wala siyang stocks. Huling tingin ko sa sarili ko sa salamin. Lalabas na raw kami ngayon kaya nag-ayos na ako. Nagsuot ako simpleng tee-shirt, knee length shorts at flat shoes. Nilugay ko lang ang buhok ko dahil basa pa. Mahilig ako sa mga shorts na hanggang tuhod pero yung manipis. Hindi sapat para masilipan ako. Kahit naman sanay na akong magdamit ng mga reveling na damit ay marunong din akong manamit ng desente. Hindi na ako naglagay ng make up sa mukha dahil sa club ko lang iyon ginagamit. Ginagamit ko lang iyon kapag sa bar ako magtatrabaho. Hindi naman ako makapal kung magmake up. Lip tint lang at konting blush on. Bumaba na ako para makaalis na kami. Naabutan ko siyang nakaupo sa single sofa habang may kinakalikot sa cellphone niya. Nakasuot siya ng v-neck white tee-shirt at denim pants. Lagi naman. Laging ganyan siya magsuot kapag lumalabas. "Tapos na ako." Nag-angat siya ng tingin sa'kin bago tumayo. Binulsa niya ang cellphone niya at sinuyod ako ng tingin. "Let's go." Tinalikuran niya ako para maglakad palabas. Sumunod naman ako sa kanya. "Pansin ko puro puti at itim ang mga damit mo." Naglakad kami papuntang elevator. "My favourite colors," halata nga. Tumahimik ulit kami habang papuntang parking lot. Tinitigan ko ang mga chocolates sa harapan ko. Gusto kong kumuha pero wala akong perang dala. Kasama ko naman siya kaya hindi ko na dinala ang pera ko. Mamasyal at mag-g-grocery lang naman kami. "Take some." Napatingin ako sa kaliwa ko nang magsalita si Luca. "Wala akong pera." "Just take some. I'll pay for it," may tulak-tulak siyang lagayan ng mga groceries. "Walang kapalit?" pagtatanong ko. Nagtataka siyang tumingin sa'kin. "What do you mean?" "Lahat ng bagay may kapalit." "What the hell?" malutong niyang mura. "Just grab some. Walang kapalit 'yan. Barya lang sa'kin 'yan." Tinitigan ko siya para siguraduhin kung seryoso siya. "Sige." Kumuha ako ng limang Hershey's na malalaki, isang pack ng Cloud Nine at isang pack ng Tobleron na maliliit. Nilagay ko ito sa tulak niyang cart. Ngumiti ako ng malawak at tumingin sa kanya. Nakatitig lang siya sa'kin na nakataas ang kilay. "Sabi mo babayaran mo," hindi naman gano'n kalaki yung babayaran. Umabot sa libo. Sabi niya barya lang 'yon sa kanya. "Let's go." Tinalikuran na niya ako at tinulak ang cart. Ngiting-ngiti ako habang namimili siya ng mga kakailanganin. Hindi mawala ang ngiti ko sa isiping may kakainin ako mamayang tsokolate. Mahilig na talaga ako nun noong bata pa ako. Mahilig akong bilhan ng aking ama noon ng tsokolate. Nawala ang ngiti ko nang maisip ang aking ama. Walang emosyon akong sumunod kay Luca habang namimili ng mga frozen foods. "What's wrong?" tipid niyang tanong nang bumaling sa akin ang tingin niya. "Wala." Ngumiti ulit ako ng maalalang nilibre niya ako ng chocolates. Umiling lang siya at pinagpatuloy ang pagpili ng mga kakailanganin. "Do still need something?" Naglalakad na kami papuntang cashier para bayaran ang mga binili niya. Nag-isip ako kung may kakailanganin pa ba ako. "Wala akong feminine things." Tinignan niya ako ng blangko bago nagsalita. "Kumuha ka na. Ako na magbabayad. Walang kapalit 'yan." "Sigurado ka ba?" tumaas ang kilay ko sa kanya. Baka pagbayarin niya ako. Dalawang araw lang naman ang natitira kaya hindi ko na siguro 'yon kailangan pero sayang din yung libre. Pwede ko rin yung magamit kahit tapos na and deal. "Go. I'll wait you here," nagkibit balikat lang ako saka naglakad sa station na pakay ko. Kumuha ako ng shampoo, lotion, at feminine wash. Kumuha na rin ako ng sanitizer. Habang pumipili ako ng magandang hand sanitizer ay may nagsalita sa gilid ko. "Wow. You have a very long hair," matinis ang boses nito at mahahalata mo talagang bata ang may-ari ng boses. Humarap ako sa batang babae na sa tantsa ko ay anim na taon. Ang cute niya. Lumuhod ako para mapantayan siya. Ngumiti ako sa kanya bago nagsalita. "Mahaba rin ang buhok mo," tukoy ko sa buhok niyang hanggang ribs niya. Hinawakan niya ang buhok niya at ngumuso. Napapisil ako sa pisngi niya sa kakyutan niya. Hindi ako mahilig sa mga bata pero alam ko naman kung paano sila kausapin. "I want to have like yours, too." hinawakan niya ang buhok kong sumayad na sa sahig dahil nakaluhod ako. Hinawakan ko ang maliliit niyang kamay at marahang pinisil. Nangigigil ako sa kakyutan niya. "Pwede naman kung gusto mo," nagliwanag ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ko. "Talaga?" Ngumiti at sa kanya at tumango tango. "What took you so long?" tumingin ako sa likuran ko nang marinig ang boses ni Luca. Irita siyang nakatingin sa akin. Tiningala ko lang siya at tinuro ang batang kausap ko. Tinignan niya ang batang nasa harap ko at binalik ang tingin niya sa'kin. "Is he your boyfriend?" napatingin ako sa batang nasa harap ko. Ang bata pa lang niya pero alam na niya 'yon. Nginitian ko siya at umiling. "Nasaan ang kasama mo?" hindi ko pinansin si Luca sa likod na alam kong tinitignan lang ako. "Mina!" Napatayo ako nang may biglang humablot sa bata at niyakap ng mahigpit. "I told you to don't go anywhere," nag-aalalang saad ng ina ng bata. Tumingin ako kay Luca nang bahagya niya akong hinila palayo sa mag-ina. Nginitian ko muna yung bata na kumaway lang sa'kin. Nakita ko pang ngumiti ang mama niya. "Ang cute nung bata," bigla kong nasabi. Tapos na siyang nagbayad ng mga binili niya. Apat na supot lahat 'yon kaya tinulungan ko bitbitin ang mga ito. Nakaupo na ako sa passenger seat at sa driver seat naman siya. Alangan namang ako magmamaneho? Kailan man ay hindi ko nakitang magkakaroon ako ng anak sa hinaharap. Hindi ko rin planong magkapamilya. Siguro kung magkakapamilya ako ay anak lang ang hihilingin ko. Kung pwede lang na kahit wala siyang ama pero hindi naman 'yon pwede. Ayos lang sa'kin na wala siyang ama pero sa kanya, ayos lang kaya? "Kung pwede lang mabuntis ng walang lalaki." Hindi niya muna inandar ang sasakyan. Ginamit ulit niya ang pulang sasakyan niya. Hindi ko alam kung anong brand pero siguradong mamahalin. Nakakaagaw nga ng pansin ito. Sa tuwing nakatingin ako sa labas ng bintana ay naaagaw nito ang pansin ng mga taong nalalagpasan namin. Tumingin siya sa'kin. "You want a child?" seryoso niyang tanong. Ngumiti ako ng malawak sa kanya. "Oo naman pero hindi pwede." "Paanong hindi pwede? You're infertile?" seryoso pa rin niyang tanong. Umiling ako. "Hindi." "And why is that?" Humawak siya sa manibela na nagpalabas ng mga kalamnan niya. Hapit na hapit ang suot niyang tee-shirt sa katawan niya kaya kapag humigpit ang hawak niya ay lumalabas ang matitipuno niyang mga kalamnan. "Para saan? Para husgahan ng mga taong pokpok ang kanyang ina?" mapait kong saad. Mas gugustuhin kong hindi magkaanak kung gano'n din pala ang sasapitin niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya ng makitang dumilim ang mga mata niya. Diretso akong tumingin sa harapan. "That will never happen," madiing aniya na nagsimula nang paandarin ang sasakyan niya. "Dahil kahit kailan hindi ako magkakaanak." Hindi kailan man 'yon mangyayari dahil hindi ako magkakaanak kailan man. Mapait akong ngumiti sa isip ko. Ayokong matulad ang magiging anak ko sa'kin. Ayokong maranasan niya ang mga naranasan ko. "Are you sure you will never have a child?" tumango na lang ako bilang sagot. Hindi ko pa rin siya tinitignan dahil ayokong makita niya ang mga emosyon sa mga mata ko. Pait, lungkot, galit at awa sa sarili. Kung hindi 'yon nangyari sa'kin, hindi kaya ganito ang buhay ko. Masaya kaya ako at iniisip na magkakaroon ng pamilya sa hinaharap? Sa halos dalawampong taon akong nabubuhay ay galit at pagkamuhi ang namutawi sa loob ko. Kinamumuhian ko sila at hindi ako nagsising ginawa ko 'yon. Kung hindi ko 'yon ginawa ay baka mas malala pa ang buhay ko kasama siya. Dahil sa kanya ay galit ako sa sarili ko at sa buong mundo. Pakiramdam ko ay wala akong karapatang sumaya dahil sa kanila. "I won't let that happen." ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD