Hindi mawala-wala sa isip ko ang huling sinabi niya. Bitinin mo pa ako at hindi lang 'yan ang gagawin ko sa'yo. Pinilig ko ang ulo ko nang maalala ulit 'yon. Nakakatakot pala siyang bitinin. And now I regret what I did. Nagmamaneho si Luca. May appointment daw siyang pupuntahan at sinama niya ako. Nagpumilit pa nga akong hindi na lang sumama pero hindi niya ako pinayagan. Wala rin naman akong gagawin kaya pumayag na lang ako kahit galit pa rin ang utak, isip at puso ko sa kanya. Katawan ko lang yata ang gusto siya. Hindi kami nag-imikan hanggang sa makarating kami sa mamahaling restaurant. Dito yata ang meeting place nila. Inunahan ko na siyang lumabas. Narinig ko pa ngang tinawag niya ang pangalan ko pero 'di ko na pinansin. Ginala ko ang mga mata ko sa parking lot. Halos lahat ng

