Huling araw na ng deal namin ni Luca ngayon. Nandito na naman yung mga nakakainis niyang mga pinsan. Nagtatawanan at asaran. Ano pa bang bago sa kanila? Kung pag-usapan nila ang tungkol sa babae parang nag-uusap lang sila tungkol sa laruan. Gano'n ba sila kababaero? Pinag-uusapan din nila yung model na kinama ni Hez na kinama rin pala ni Lucan. Kung ikukumpara ko si Luca sa kambal niya ay mas babaero pa si Lucan kesa sa kanya. I'm aware that Luca f****d a lot of women as much as I did. But that doesn't change the fact na babaero rin si Lucan. Bulgar nga lang ang kay Lucan katulad din ni Hez. "Oo, magaling nga 'yon sa kama," si Hez na pinagmamayabang ang galing ng model sa kama. "Gago. Tapos kinama mo rin, Lucan?" si Gideon na may nakakadiring ekspreson. "Tanga. Hindi ko naman alam

