03: Jerk

1870 Words
CHAPTER 3: JERK As usual, maaga na naman ako kinabukasan. Nang lumabas ako ay naabutan ko nang nasa hapag na ang mag ina. Tita Dulcellia wearing her white robe with coffee on hand and Kana in her creamy white dress. Nalipat naman ang mata sa akin ng mag ina at umirap. Kumuha na lang ako ng tinapay at dumiretso na sa kotse.  Pagdating namin do'n ay naunang lumabas si Kana na may lalaki agad na sumungaw upang daluhan siya. Sunod akong bumaba at tahimik na naglakad patungo sa aming palapag.  "Sir John, sino pong pipili para sa groupings?", My clown classmate asked. Yes, she's a clown. She's wearing a red lipstick and reddish blush on. Mukha siyang ewan. "Ako ang magdedecide, Ms. Montela", sagot ng Prof namin sa Chemistry. "So the group one will be, Ms. Cruz, Mr. Lark, Ms. Selon, Mr. Kane, and...", He trailed off. "And?", Excited na tanong ng mga nabanggit. "Ms. Harlyn", pagkabanggit ng apelyido ko ay gulat at dismaya ang inabot sa mga mukha no'ng mga kagroup ko.  Nagsitinginan sila at nag irapan. Kung ayaw niyo, edi h'wag. I don't need them for this damn project. Kaya kong bumukod. "Sir naman! Pwedeng si Nash na lang 'yung sa amin o kaya si Chloe. H'wag Lang si Eila", nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa pag ayawan nila sakin. "Sino ang walang kagroup?", Tanong ni Sir. At nagtaas naman nang kamay ang isang lalaki. Probably.. Nash ata 'yung name. Obviously, Sir. Wala ka namang nabanggit na ibang grupo eh! Hanggang group 1 ka lang! "Sir! Ako na lang sa grupo nila Shiela. Okay naman na mag isa 'yan si Eila, eh. Sanay na 'yan, Sir", at nagtawanan ulit sila. Sa'n part bang nakakatawa do'n? Tss. Nonsense. "Oo nga naman sir", apela nang lahat. Naubos na ang pasensiya ko kaya't tumayo na ako dahil sa ingay do'n "Ms. Harlyn? What's the problem?", Tanong ng prof namin na medyo natatawa pa. "I can do it alone. I don't need anyone here.  Ipalit mo kung sinong gusto mo", malamig kong sabi at umupo na ulit. "Nga naman sir. Baka inaaccept niya nang bagsak siya sa gagawing ito", Sabi ni Chloe at nagtawanan na naman sila.  Watch me, b***h! Baka ikaw 'yung hindi pumasa. "Chloe naman! Don't state the obvious.  Nahihiya na si Eila eh", sabay baling sakin ni Shiela sa kanyang natatawang mga titig. "Enough! Ms. Harlyn, Kaya mo ba talaga?", Padudang tanong sakin ng Prof. Tss. Naturingang propesyonal, kung umasta naman parang walang pinag aralan.  Duh? Education wouldn't be successful if you're manners got rotten like a trash!  "Sir naman, eh! Syempre hindi", sabay tawa nila sa sinabi ni Nash. "Oo nga, p're. Maganda siya! Pwede naman natin siyang isali sa group pero entertainer lang natin sa kwarto.", umiiling iling na tugon ng isang lalaki. Si Kit. "Tama na 'yan. Dismissed", at umalis na ang prof namin at nagsitayuan na ang mga kaklase ko para sa sunod nilang klase. Ako ang naiwan sa klase ngunit biglang naglakad papalapit sa akin si Shiela at Chloe kasama ang minions nito.  "Look at this girl. Sa susunod, magvolunteer ka na lang pag may groupings na mag iisa ka sa sarili mo", iritang titig nito sa akin. They don't like me and I don't like them.  Period. "Tss", at inirapan ko na lang sila para umalis at tatalikuran ko na sana sila nang bigla akong hinablot ng isa sa mga minions at isinandal sa pader. "Baka di mo kilala kung sino ako!", galit na mungkahi ni Shiela sa akin. "Shiela Nillean Cruz", cold kong sabi sa kanya. Kailangan ko pa bang makilala ang babaeng ito? "You idiot, transferee", at isang sampal ang inabot ko. Well di naman gano'n kasakit. Napasinghap ako sa hangin dahil sa kababawan ng galit ng mga bruha sa harapan ko. Ibinalik ko ang tingin sa kanya at ngumisi nang may pangunguyam. "Bakit, Shiela? Gan'yan ka ba kababaw na babae?", At nakita ko ulit ang iritasyon sa kanyang mukha dahil sa aking sinabi. Di ako makaganti dahil hawak ako ng mga minions na 'to. "Ah! O baka naman ang lakas lakas ng loob mong sampalin ako dahil nandito 'yang mga kaibigan mo? Pasikat ka masyado, 'no", umiiling iling kong sambit sa harap ng babeng to. Agad akong sinugod ni Chloe at sinampal na naman. "How dare you?", Galit na sigaw sa akin ni Chloe. "Oww. Easy! Bakit? Akala ko ba may CLASS at POISE kayo?", I looked at them with disbelief and smirk. Tss. "Anong sabi mo? Oo, di ka bagay dito kasi mga social elites lang ang pwede dito. Kaya kung ako sayo, bumalik ka sa lungga mo, you poor rat", diretsong sabi sakin ni Shiela. Oh come on! "Social elites pa ba 'tong sa harap ko? May class kayo? Saan banda? 'Yung poise niyo oh, nawala na. Nawala dahil lang sa poor rat na sinasabi niyo!", Madilim na titig ang ipinukol ko sa mga babaeng nasa harap ko na ngayon ay may galit na bahid na sa mga mukha. "Shiela, tara na. Baka mahuli tayo ng prefect.", Sabi ni Chloe. Pero bago pa sila ang maunang lumabas. Agad ko nang binawi ang mga kamay ko mga minions nila at napa aw sa sakit ng pwersa ko.  I stand in front of Shiela and Chloe while smiling sweetly.  "You two didn't know how to slap. And for a friendly lesson, let me teach you!", I said before slapping Shiela from left to right and next, Chloe. They all looked at me with shocked ugly faces. I ruined their make ups, eh!  Naglakad ako nang tahimik patungo sa next class ko. Pagdating ko doon, walang tao. Napatingin naman ako nakapaskil na sulat at nilapitan 'yun. Nang mabasa ko na wala na akong pasok dahil sa isang urgent meeting at nagpunta na lang ako sa library para tapusin 'yung nasimulan kong basahin kahapon. My wrist is aching slight because of those bitches' claws.  Nadisappoint agad ako sa paaralang ito. Mga social elites na tao ang nandito. May pangalan na sikat, mula sa mga mayayamang pamilya, mga anak ng nasa gobyerno, at kahit anong mga respetado at kilalang pangalan. Pero sa nakita ko, mukhang mas okay pa sa kanila ang mga taong mababang uri lang. 'Yung di nag mamayabang dahil sa pangalan at yaman. Maski mga professor na nandito gano'n din. Tss. What a social world. Ganyan talaga nagagawa ng pera.  I remembered that I was like them before. But I never bullied someone just because of their social standing. I may be a b***h before but not like them. Nagtungo ako sa pinakadulo ng library at kinuha ang librong binabasa kahapon. May upuan din doon at mesa kaya do'n na lang ako naupo. Tutal pang isahan lang naman 'yun.  Abala na akong nagbabasa nang bigla akong makaramdam ng awkwardness dahil sa may nakikita akong tao sa gilid ng aking mga mata. Di ko tiningnan 'yun dahil akala ko ay guni guni ko lang pero nang marinig ko na ang tawa nito ay napabaling na ako sa aking gilid. There's a man, lying in a sofa, facing me, with an evil smile plastered on his face. Eto 'yung lalaki kahapon ah! Di ko na lang pinansin dahil masyadong intimidating ang kanyang presensiya ngunit kahit na ilang beses kong basahin ang isang paragraph ay wala akong maintindihan dahil sa presensiya nang lalaking 'to. Isinara ko na ang libro kaya't humalakhak 'yung lalaki. Siguro ay napansin ang pagkakailang ko. "Shanteila Margareth Harlyn", natigil ako do'n at binalingan siya na kunot ang noo. "Tss", inirapan ko na lang siya kahit na nagtataka kung bakit kilala ako nito. "Teka lang, Shan", sa pagtawag niya nang ganun sa akin ay kinilabutan ako. "Ano?", Cold kong tanong sa kanya. "May naiwan ka dito kaha-",  "Kung 'yan na naman 'yung di ko pagthank you sayo, edi thank you", at umalis na ako dun dahil narinig ko na 'yung halakhak no'ng lalaki. Baliw ba 'yun? Lunch break na. Sa pangalawang araw ko dito ay do'n na naman ako sa may bench umuupo mag isa sa lilim ng puno tuwing sumasapit ang lunch break. Tanaw ang mga taong naglalakad, mapasingle man 'yan, mapacouple or grupo.  Kakatapos ko lang kumain. Kaya napagdesisyonan kong umpisahan na 'yung pinapagawa ni Sir John. Nagpapatuloy na ako sa pagsusulat nang bigla ko na namang naramdaman 'yung titig na nagpapailang sa akin. Holy Crap! "Nice, nandito ka na naman", malamig na sabi no'ng lalaki. 'Yung sa library. "Oh tapos?", Baling ko ulit sa aking ginagawa. "Teka nga. Ba't ang cold mo?", Walang humor na sabi nito. "Kasi di hot", simpleng sagot ko. "Ganyan kaba makipag usap?", Tanong niya. "Ganyan ka ba magtanong?", Balik ko. "Tss. Umalis ka dito akin ang pwesto na 'to", Sabi niya sa akin. "Ikaw ang umalis kung gusto mo", sagot ko na di siya tinitingnan. Umupo siya sa tabi ko kaya umusod ako para makalayo sa kanya nang matantong maliit nga lang pala itong bench na 'to. "Territory ko 'to", sambit niya at inispread pa lalo ang mga binti. Lintek na lalaking 'to. Kaya ako 'yung nagmistulang kuting sa tabi niya. Kakaeffort na di kami magkadikit. "Bakit may pangalan mo ba?", Malamig na tugon ko. "Di mo talaga ako kilala, 'no?", Marahan niyang bigkas  "At wala akong balak", tunog pinal na ang sagot ko. "Ang sungit! Meron ka?", Tanong nito. Ang bastos ng lalaking 'to, ah. "Merong?", Kunwari inosente tayo. "Monthly period", Ang bastos talaga nyetaa. "Bakit hihingi ka?", Tanong ko. "Wala ka bang nawawala?", Tanong nito. "Kung meron baka ikaw ang kumuha", simpleng sagot ko. May kinuha siya sa bulsa niya at inangat 'yun sa may mukha ko. Kunot noo kong tiningnan at nakumpirmang 'yung I.D ko 'yun. Agad ko itong hinablot sa kanya. "Walang thank you?", Nangungutya niyang tanong. "Tss. Magnanakaw" "Walang magnanakaw na nagsasauli" "Meron. Ikaw" At nagpatuloy ako sa ginagawa ko kahit na nandyan siya sa tabi ko. Ramdam kong nakatitig siya sa akin.. "Napano 'yan?", Hablot niya sa aking kamay.. "None of your business", tipid kong sagot at sinubukang hablutin 'yung kamay ko ngunit ayaw niyang pakawalan. Kumirot tuloy 'yung palapulsuhan ko at namula 'yung nadiinan no'ng mga babae ng kuko. "Babae may gawa sayo nito, 'no?", Sasagot na sana ako ngunit agad niyang kinuha 'yung bote na may lamang tubig sa tabi ko at pinalandas ang tubig sa aking palapulsuhan. Kumirot ito ngunit di naman masyadong masakit. Pinunasan niya 'yun gamit ang kanyang panyo. "Letse ka. H'wag mong lalagyan 'yan ng panyo. Baka mas madumihan", apela ko. "Di ko pa 'to ginagamit. Ang arte mo!", Sabi nito at unti unting dinampi ang kanyang panyo sa aking balat nang marahan. Ang sumunod na ginawa niya ay nilagyan 'yun ng band aid. Mukhang prepared lagi 'to, ah.  "Ayan! Tapos na", nakangiti niyang sambit. Napalunok naman ako dahil sa kanyang ngiti. Shemay anyare sa akin? "Pwede ka ng makipag away ulit tapos punta ka sakin ako na gagamot", nahihibang niyang sabi. Tiningnan ko ang band aid at nakitang maayos niya itong nailagay. Inayos ko na ang gamit ko at umalis na do'n. "Wala na namang thank you", sigaw niya sakin. "I hate you, jerk", sigaw ko sa kanya pabalik at narinig ko ang kanyang pagtawa. I should not feel anything.  But I felt the hate? What the f**k, right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD