04: Hassle

1772 Words
CHAPTER 4: HASSLE Abala ako sa pagpupunas ng lamesa dito sa fast food chain nang bigla akong tawagin ng mga babae sa kanilang table. "Ah! Waitress!", tawag no'ng babaeng mapupula ang nguso dahil sa kapal ng lipstick. Tss. Lumapit ako do'n at narinig ko na naman ang hagikhikan nila do'n. "How can I help you , Ma'am?", Pormal kong tanong. Naglingunan ang mga babae na tila may kung anong sikretong hiwatig sa isa't isa.  "Ah, can you get us some water?", Maaccent niyang tanong.  "Okay, Ma'am. Anything else?", Tanong ko. "Mukha bang meron pa?", Sarkastikong tanong no'ng isang babaeng kulang na lang ay ilabas ang dibdib dahil sa cleavage na lantad na lantad.  Kaya nga nagtatanong para isahan na lang ang pagkuha ko. Hindi 'yung kung kailan ako nakabalik na saka naman may isusunod na utos. Tinalikuran ko na sila. Sa trabahong 'to, kailangan ng  pasensiya. Oo, kailangang ngumiti pero 'yung pilit na pagtalikod ko, pokerface na naman. Kaya minsan umaalis na lang ako sa harap ng mga gan'yang klaseng tao. Kumuha ako ng isang pitsel ng tubig. 'Yung hindi lang malamig. Lumabas na ako at ibinigay do'n sa mga babae 'yung tubig. "What the hell is this?", Histerya nung isa. If I were not in their front, I already made a face and rolled my eyes. "Tubig" simpleng sagot ko. "Are you insane?", Sabat no'ng isa. "Hindi", cold kong sabi. "Eh bakit di malamig ang ibinigay mo sa 'min, ha?", Tumayo na ang isa at inihulog ang pitsel ng tubig sa sahig. Tumingin na sa amin ang ilang costumer dahil sa eskandalo ng mga 'to. "Bakit may sinabi ba kayo kung malamig o hindi?", Sarkastikong tanong ko. "Do you even know who's you're talking with?", Maarteng tanong ni cleavage girl. "Hindi. Bakit may connect ba 'yun dito?", Simpleng balik ko. "How dare you?", Mariing Sabi nito. "Ah, sige. Costumers are always RIGHT", taas kilay kong sambit. Tinalikuran ko na sila at narinig pa ang iilang bulung bulungan ng mga Tao do'n. Muli akong kumuha ng tubig na malamig at kumuha pa ng yelo. Baka makulangan eh. Muli akong bumalik do'n. "Ma'am, eto na po 'yung COLD water niyo", ngiti ko sa kanila. Umupo na 'yung babae at humalukipkip.  "Jessie, eto na pala 'yung tubig natin, oh!", tumayo 'yung babae at hinablot sa akin 'yung pitsel ng malamig na tubig. Nanatili naman 'yung mga yelo sa tray. Ibinigay nito ang pitsel sa cleavage girl at tumayo na rin ito. "Thanks for this, Eila", sabay buhos nito sa ulo ko. Nakaramdam ako ng lamig pero di ko 'yun ipinakita sa kanila.  "Ayaw mo ba no'ng tubig, Miss?", Tanong ko. "Uhmm, napag isipan ko kasi na mas bagay 'yun sayo, eh!", at nag apiran pa ang mga bruha. Tumawa ako ng pagak at umiling sa dismaya. "Ahh bakit ano gusto mo?", Simpleng tanong ko.  "Excuse me?", Maarteng diin nito. Lumapit ako sa kanila at ngumiti ng matamis. At nilagay na sa dibdib ni cleavage girl 'yung mga yelo sa tray. "Yan! Mukhang mas gusto mo 'yan eh. Bagay din sa'yo.", patuya kong sambit at ang mga bruha ay nagsisigaw na ng tulong. Tumawa ang mga tao sa paligid namin dahil muntik nang mahubad 'yung tube ng babae.  "At anong tinatawa tawa niyo?", Maarte pa din nitong sigaw sa mga costumer na di pa rin tumitigil sa pagtawa. "Naappreciate daw nila eh", malamig kong sambit. "You, witch! Asa'n ang manager niyo ah?", Galit na ito ngayon. "What's happening here?", Sabay lingon ko sa nagsalita sa likod. Ang aming manager. Si ma'am Lil. Nakaformal dress ito at mukhang may meeting pang pupuntahan. "You! You're the Manager, right?", Walang galang nitong baling sa matanda. "Ako nga, hija. Bakit? Anong kaguluhan 'to?", Suplada na ito ngayon. "Oh gosh! Why are you tolerating this kind of woman as your service crew here?", Galit na tanong nito. "Miss, let's talk about it in my office", magalang na sambit ni Madam. "And why? Ayaw mong marinig ng mga tao dito ang pagkakamali ng tauhan niyo dito?", Baling nito na may iritasyon sa mukha. Nagbulung bulungan na naman ang mga tao rito. "Miss, if it's okay with you that we-", "I will call my Dad about this", at iniwan niya na kami doon. Sumunod naman ang mga kaibigan niyang babae sa kanya.  Spoiled brat, huh? "Eila, in my office now", malamig na tawag sa akin ni Madam at nauna na doon. Sumunod naman ako agad kahit na basa pa rin. Kaming dalawa lang sa office niya kaya umupo na siya sa swivel chair niya at ako naman ay nanatiling nakatayo. "Magpalit ka muna", mahina niyang sabi. "No, Ma'am I'm okay.", At bumaling siya sakin. "Anong nangyari dun sa anak ni Mayor?", Tanong nito sa akin. Kaya pala ang yabang kasi anak mayaman. Naalala ko tuloy 'yung mga panahong gan'yan din ako. "Ibinigay ko lang po 'yung order", simpleng sagot ko. "And?" "Ayaw niya daw no'n. Inihulog sa sahig at nagalit", cold kong sambit. "Tapos?" "Kumuha ako ulit ng malamig na tubig at yelo baka sakali, tapos ibinuhos niya sa'kin.", Simpleng sagot ko. "Yeah, nakita ko nga sa CCTV" Nakita mo na pala ba't tanong ka pa ng tanong?! "Well, sigurado akong pupunta ang tatay no'n dito para paalisin ka kahit mali ang ginawa ng anak niya. But you shouldn't fight back. Customer pa rin sila.", komento nito.  Kaya siguro minsan nagpapaapi na rin ang iba kasi ganito lagi ang sinasabi. Wala na bang karapatang magsabi ang mga mas mahihirap? Wala na bang karapatang lumaban ang inaapi dahil lang sa mahirap sila? "Ako na po bahala sa nasira", pinal kong sagot. "Tatapunan ako niyan ng pera, sigurado.", Maang maangan pa nitong sambit. Oo at papabili ka naman. Tss. "Mag oover time po ako ngayon. Ikaltas niyo po sa sahod ko 'yung babayaran sa nasira", sagot ko. "Sige,back to work", at tinalikuran ko na siya para magpalit ulit ng damit. Ako na ang namahala bilang cashier dahil out na no'ng pinalitan ko. Abala ako sa pagbibigay ng orders nang pumasok sa sliding door si cleavage girl na ngayon ay nakashorts at tube na naman. Wala ba itong ibang damit? Kasunod niya ang isang medyo matanda ng lalaking nakapormal na suot, sa likod ay ang mga bodyguards. Bumaling sa akin 'yung babae at inirapan ako. Tss. Sinamahan ito ng isa sa mga crew dito patungo sa office ni Madam. "Eila, pinapatawag ka ni Madam", at sumunod na ako agad upang matapos na rin 'yun. Pagkapasok ko pa lang ay nakita ko na ang masasayang ngiti ni Madam habang nakahilig sa swivel chair at nasa harap naman nito ang mag ama. "Oh! Dad, this is the girl I'm talking about", pandidiri nitong sambit sakin. "What's your name, hija?", Baling Ng matandang lalaki sa akin. "Eila. Eila Harlyn", pormal kong banggit. "Harlyn? Ah ikaw 'yung may kasalanan sa pagkamatay no'ng mag asawa g Harlyn 'di ba?", Natutuwa nitong pinangalandakan ang pangyayari maraming taon na ang lumipas. "Dad! Kriminal pala 'to?", Sabi ng babae. "Darling, your mouth please", Sabi ng matanda. Bakit ang bibig mo, ano? Mag ama nga naman. "Madam, please arrive to the main topic, not with some intriguing past of other people", pormal kong pahayag na nagpairita sa mag ama. "So yeah. Well, gusto ng Mayor na—", "Gusto kong umalis ka sa trabaho na 'to, hija", diretsong sambit ng matandang lalaki sa akin.  "With due all respect, Sir. You don't have the rights to tell me what I need to do. Let the lady speak before you cut off her words.", Diin kong sambit sabay baling ng masayang titig sa matanda. "Uh, eh. Uhmm...", di mapakali itong tumawa para ibsan ang kaba. "Eila, this is the Mayor your talking with", pagalit na sambit sa 'kin ni Madam. Ganyan ba ang nagagawa ng pera? "And bakit niyo ako gugustuhing umalis dito? Para pagtakpan na ang anak niyo naman talaga ang nagsimula?", Pakla kong tawa. "How dare you, lady?", Sambit ng Mayor. "Yes. I dare to speak. Is it a problem?", Sarkastiko kong balik sa tanong ng matanda. "Bakit di niyo na lang kasi tanggapin? Say sorry, and that's all", simple kong sambit at nagkibit balikat. "We will pay for the damages, and we will pay yo--", "I don't need your money", cool kong sambit. "What the hell is wrong with you woman?", Galit na tanong Ng Mayor. "I'm the hell, Sir. ", At matamis ko siyang nginitian. Napansin ko naman ang takot sa mga mata ng kanyang anak at maging siya ay napakurap kurap. "You witch! Pagbabayaran mo 'to! Di pa tayo tapos", at umalis na ang mag ama na may halong kaba at irita sa mga mukha. Hinarap ko naman si Madam at nakita ang marahas nitong paglunok. "E-eila, hehe", nababalisa nitong tawag. "So, Madam. What's your decision?", Makahulugan kong tanong. "Ah eh.. you will stay here", nakangiting banggit nito. "Alright then. I will back to work, excuse me", at lumabas na ako ng opisina niya at dumiretso sa counter. "Ansabi ni Madam, Eila?", Tanong Ng kasamahan ko. "Wala naman", kibit balikat kong sabi. "Eh bakit nagwalk out 'yung mayayaman?", Usisa nito. "Malay ko", simpleng sagot ko at di na siya muling nagtanong pa. Alas otso nang nakauwi ako sa gabi. Naabutan ko ang mag ina na nag aaway sa sala. "I told you, Mom. Ayaw ko doon sa University na 'yun", singhal ni Kana. "Why? Kana? Ito ang pinakamagandang University dito", paliwanag naman ni Tita na parang wala ako sa bahay. "Oh! Nandito na pala si Eila", pansin ni Kana. "Oh?" "Sabihin mo nga kay Mommy na pangit sa University na 'yun", galit na sigaw sakin ni Kana.. "Ba't ko sasabihin? Eh maganda naman do'n", irap ko sa hangin dahil sa arte ng mga kausap ko dito.  "Teka lang! Eila, ano 'yung sumbong ni Mayor sa akin na wala ka raw galang?", Tanong ni Tita. Tss. Sumbungero din pala 'yun. At tiyak namang namanipula na no'n si Tita dahil sa pera. "Kailangan bang gumalang?", Tuloy tuloy ako sa paglalakad. "You brat! Ano? Natanggal ka sa trabaho?", Insulto ni Tita. "Tapos?", Malamig kong sabi. "Tss. Matagal ko na kasing sinabi na wala kang mapapala dyan sa trabaho mong 'yan. Kaya kung ako sa'yo tumigil ka na sa pag aaral at—" "Sige. Subukan niyong pakialaman ang pag aaral ko. Baka maubos ang pasensiya ko at maging hassle ang buhay niyo!", banta ko sa kanila at nagpatuloy na sa kusina. Once na pinakialaman na niya ang pag aaral ko, isusumbong ko na siya sa awtoridad tungkol sa pera at ari-arian ko na siya ang may hawak. Baka kung mangyari 'yun, bumalik sila sa kanilang apartment ng wala sa oras. H'wag nila akong susubukan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD