MATAPOS ang hapon na iyon sa rancho, tila naging isang malaking palaisipan kay Allyson ang bawat salitang binitiwan ni Dark. Hindi na siya makatulog nang maayos; paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isipan ang init ng palad ng binata sa kaniyang binti at ang lalim ng tingin nito na tila ba binabasa ang kaniyang buong pagkatao. "Gusto kita, Allyson." Ang mga salitang iyon ay paulit-ulit na umiikot sa kanyang isipan. Simple lang. Walang halong paliguy-ligoy. Walang dramatic na background music. Walang scripted lines. Just pure, raw honesty. At kung bakit, sa lahat ng sweet words na narinig niya mula sa mga lalaking nangligaw sa kanya sa Maynila, ito ang may pinakamalalim na epekto, hindi niya maintindihan. Nang gabing iyon, hindi siya makatulog. Tuwing isasara niya ang mga mata, nandoon

