Chapter 14

1132 Words
​ANG ningning ng saya sa mga mata ni Allyson habang lulan ng pick-up truck ni Dark pabalik sa ancestral house ay tila hindi mapaparam. Ramdam pa rin niya ang init ng mga labi ni Dark at ang pangakong binitiwan nito sa gitna ng Glass House. ​Pagpasok niya sa malawak na sala ng ancestral house ay agad siyang sinalubong ni Manang Mirna. Bitbit nito ang isang dambuhalang basket ng mga sariwang stargazer at white roses—mga bulaklak na kilalang paborito ni Allyson sa Maynila. ​"Señorita, kanina pa po ito dumating. May nagpadala rin po ng liham," untag ng matanda, bakas ang kuryosidad sa mukha. ​Kumunot ang noo ni Allyson. Alam niyang hindi si Dark ang magpapadala nito dahil kakahiwalay lang nila at mas gusto ng binata ang mamitas ng sariwang rosas sa hardin kaysa bumili sa florist. Binuksan niya ang maliit na sobreng kalakip nito. ​Allyson, ​The dance last night wasn't enough to tell you how much I’ve missed seeing you here in San Vicente. If your heart and schedule would permit, I would like to formally ask for your permission to court you. I’m willing to wait for your 'yes' to a dinner date. ​Yours, Duke Suarez ​Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Allyson. Alam ni Allyson na mabuting tao si Duke ngunit wala siyang gusto sa binata, matagal na itong alam na may gusto ang binata sa kanya simula noong nasa kolehiyo pa lamang sila, ngunit kahit saang parte nang puso niya kapain kung may nararamdaman ba siyo rito ay wala talaga siyang maramdaman. ​ ​SAMANTALA, sa loob ng madilim na opisina ni Don Victor Aragon, ang simoy nang hangin ay tila sobrang bigat. Nakatayo si Dark sa harap ng kaniyang ama, ang kaniyang panga ay matigas at ang mga kamao ay nakakuyom sa loob ng bulsa ng kaniyang pantalon. ​"I’m not agreeing to this, Dad." matigas na wika ni Dark. Ang boses niya ay mababa ngunit puno ng galit. ​"Wala kang pagpipilian, Dark!" bulyaw ni Don Victor habang hinahampas ang mesa. “Isabella's family controls the supply of fertilizer and machinery we need to save this year's harvest. Your union isn't just about marriage—it's about our land!” ​"Negosyo... palagi na lang negosyo," mapait na tawa ni Dark. "Hindi ko mahal si Isabella. Kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya, at alam niyo 'yan." ​Lumapit ang matanda sa kaniyang anak, ang mga mata ay naniningkit. "Ang pag-ibig ay natututunan, pero ang mawalan ng lupain ay habambuhay na kahihiyan. Nakipag-usap na ako sa ama ni Isabella. Inaasahan nila ang pormal na anunsyo ng inyong engagement sa darating na pagtatapos ng pista." ​"May mahal na akong iba," pag-amin ni Dark, na nagpatahimik sa buong silid. ​"Sino? Ang babaeng Morgan na iyon?" uyam ni Don Victor. "A woman who will leave in just a few weeks? Don't be a martyr, Dark. What San Vicente needs is a queen who will stay here, not a beauty whose heart is in the glitter of Manila. ​Hindi na sumagot si Dark. Tumalikod siya at marahas na binuksan ang pinto, ang kaniyang dibdib ay tila sasabog sa galit. HINDI mapakali si Dark. Matapos ang mainit na sagutan nila ng kaniyang ama, tila naging masyadong masikip ang hangin sa loob ng Hacienda Aragon. Ang bawat sulok ng kanilang bahay ay nagpapaalala sa kaniya ng mga kadenang matagal na niyang gustong sirain at wasakin kung hindi lang dahil sa kanyang ina. ​Kinuha niya ang susi ng kaniyang pick-up at mabilis na pinaharurot ito patungo sa ancestral house ng mga Morgan. Kailangan niyang makita si Allyson. Kailangan niyang makita ang dalaga upang mabawasan ang galit niya sa kanyang ama. ​Pagdating niya sa harap ng mansyon, hindi na siya nag-abalang kumatok. Kilala na siya ng mga tauhan doon kaya hinayaan siyang makapasok sa malawak na sala. Ngunit bago pa man niya matawag ang pangalan ng dalaga, nang mapansin niya sa ibabaw nang lamesa ang isang dambuhalang basket ng mga stargazer at white roses at sa tabi nito, ang isang maliit na card. ​Eksaktong bumababa si Allyson mula sa hagdan nang makita niya si Dark na nakatayo sa harap ng mga bulaklak. Ang mukha ng binata ay madilim pa sa langit bago ang unos; ang kaniyang panga ay nakakuyom at ang kaniyang mga mata ay naniningkit sa galit. ​"Dark, hindi ko rin alam kung—" hindi natapos ni Allyson ang kaniyang sasabihin nang mapansin ang titig ni Dark sa bulaklak. ​"Ang bilis naman ni Duke Suarez," mapait na wika ni Dark. Ang kaniyang boses ay puno ng sarkasmo na tila bumabalik sila sa dati nilang bangayan, ngunit ngayon ay may kasama nang sakit. "Hindi pa man natutuyo ang hamog sa Glass House, may bago ka na namang aplikante sa listahan mo." ​"Dark, sandali... kararating lang niyan. Hindi ko alam na magpapadala siya—" ​"Hindi mo alam? O baka naman binigyan mo siya ng dahilan para umasa noong nagsasayaw kayo sa plaza?" hakbang ni Dark palapit sa kaniya. Ang kaniyang presensya ay nakakapanghina, puno ng selos na pilit niyang itinatago sa ilalim ng kaniyang galit. "Heto ba ang dahilan kaya hanggang ngayon ay wala ka paring sagot sa tanong ko, Allyson? Dahil ba mas gaganda ang buhay mo kung ang anak ng Mayor ang pipiliin mo?" Mababakas ang pait sa mga salitang binitawan nito. ​"Ano bang pinagsasabi mo? Alam mong ikaw ang gusto ko!" sigaw ni Allyson, ang kaniyang mga mata ay nagsisimulang mangilid ang luha dahil sa pambibintang ng binata. "It's just a basket of flowers, Dark! Don't use this as a reason for us to argue about something that has no basis!” ​"No basis?" tawa ni Dark, isang tawang walang bahid ng saya. Inisip niya ang utos ng kaniyang ama tungkol kay Isabella, at ang makita ang bulaklak ni Duke ay tila huling patak na nagpaapaw sa kaniyang pasensya. "Maybe my father was right. Mas mabuting piliin ang sigurado kaysa sa isang babaeng hindi ko naman alam kung mananatili ba talaga o iiwan at sasaktan lang ako.” ​Natigilan si Allyson. Ang sakit ng mga salitang binitiwan ni Dark ay tila sumugat sa kaniyang puso nang mas malalim kaysa sa anumang asaran nila noon. "Anong sabi mo? Anong sabi ng ama mo, Dark?" ​Iniwas ni Dark ang kaniyang tingin.​"Wala. Kalimutan mo na," malamig na tugon ni Dark bago tumalikod. "Mukhang masaya ka naman sa mga bulaklak mo. I'll leave you to it, Señorita." ​"Dark Aragon, huwag kang umalis! Mag-usap tayo!" sigaw ni Allyson, ngunit mabilis na lumabas si Dark ng mansyon, naiwan ang dalaga na nakatayo sa gitna ng sala, kasama ang mga bulaklak ni Duke na naging mitsa ng kanilang unang pagtatalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD