Chapter 12

1879 Words
​LUMIPAS ang dalawang araw na nanatiling malamig ang pakikitungo ni Allyson kay Dark. Gaano man kapursigido ang binata na magpaliwanag at kausapin siya ay tila hindi talaga siya bininigyan nang pagkakataon nang dalaga. ​Ang San Vicente ay naghahanda para sa kanilang taunang "Pista ng Masaganang Ani." Bilang kinatawan ng mga Morgan, hindi maaaring hindi sumipot si Allyson sa community activity sa plaza. Ito ang tradisyunal na pag-aayos ng mga pabellon o mga booth na gawa sa kawayan na pinalalamutian ng mga produkto ng bawat farm. ​"Señorita Allyson, narito na po ang mga kagamitan natin sa plaza. Hinihintay na rin po kayo ng mga opisyales ng barangay," untag ni Manang Mirna habang inaabutan siya ng sumbrero. ​Pagdating sa plaza, bumungad sa kaniya ang ingay at sigla ng mga tao. Ngunit agad na kumulo ang kaniyang dugo nang makita ang pamilyar na pick-up truck na nakaparada malapit sa kanilang itinalagang pwesto. Doon, nakita niya si Dark na tila nananadyang magpakitang gila habang nagtatali ng mga kawayan. ​At hindi siya nag-iisa. ​"Dark, dahan-dahan lang baka mapatid 'yang tali," ang malambing na boses na iyon ay tila isang matalas na kuko na kumalmot sa pandinig ni Allyson. ​Ito ang babaeng nakita niya sa Casa del Vino. Ngayon ay mas malinaw na ang kaniyang hitsura—maputi, may maamong mukha, at halatang malapit kay Dark dahil ito pa ang nagpupunas ng pawis sa noo ng binata gamit ang sariling panyo. ​"Allyson! Mabuti at nakarating ka," tawag ng Kapitan ng barangay. "Ipakikilala ko muna sa'yo ang ating panauhin. Ito si Isabella, ang anak ng may-ari ng pinakamalaking supplier ng pataba rito sa probinsya. Siya ang tumutulong sa amin sa marketing ng ating pista ngayong taon." ​Tumayo nang tuwid si Allyson, isinuot ang kaniyang pinaka-mataray na ngiti. "Isabella. Nice to meet you. I heard you're... very hands-on sa trabaho." makahulugang wika ni Allyson habang sumusulyap kay Dark na ngayon ay nakatitig sa kaniya. ​"Nice to meet you too, Allyson. Marami na akong narinig tungkol sa'yo mula kay Dark." sagot ni Isabella na may kasamang matamis na ngiti. ​"Talaga? Sana ay tama ang mga kuwento niya sayo." malamig na tugon ni Allyson bago binalingan ang kaniyang mga tauhan. "Simulan na natin ang pag-aayos. Gusto ko, ang booth ng mga pamilya Morgan ang pinaka-eleganteng tingnan." ​Buong hapon ay naging mahirap para kay Allyson ang mag-concentrate. Sa tuwing lilingon siya, nakikita niya si Dark at Isabella na tila laging magkadikit. Nagtatawanan, nagbubulungan, at kung minsan ay tila sinasadya ni Isabella na hawakan ang braso ni Dark para kumuha ng atensyon. ​"Ally, kailangan nating i-angat itong arko ng kawayan. Hindi kaya ng mga tauhan mo, kailangan nila nang tulong ko." sigaw ni Dark habang papalapit sa kaniya. ​"Kaya nila 'yan, Aragon. At kung hindi, makakahanap kami ng ibang tutulong. Hindi ka para abalahin pa namin." matigas na sagot ni Allyson nang hindi man lang ito tinitingnan. ​"Ano bang problema mo? Dalawang araw mo na akong hindi pinapansin at parang umiiwas ka sa akin!" inis na bulong ni Dark sa kaniya, sapat lang para sila lang ang makarinig. ​"Problema? Wala akong problema. Bakit hindi ka bumalik doon sa tabi ni Isabella. Mukhang kailangan niya ng tulong mo." ganti ni Allyson, ang kaniyang mga mata ay naniningkit sa galit. ​Sandaling natigilan si Dark, pagkatapos ay unti-unting sumilay ang isang mapang-asar na ngisi sa kaniyang mga labi. "Nag-selos ka sa kaniya?" ​"In your dreams, Aragon! Umalis ka na lang!" ​"Si Isabella ay kababa—" ​"I don't care who she is!" putol ni Allyson. "Ngayon, kung maaari, bumalik ka na doon. Baka mapansin niyang nawawala ka." ​Lumapit pa nang lalo si Dark, hinawakan ang dulo ng sumbrero ni Allyson para itago ang kanilang mga mukha mula sa mga tao. "Ally, kung hindi ka nakikinig sa akin, hindi mo malalaman ang totoo. Pero sige, kung gusto mong gawin ang ganito, e ‘di bahala ka." ​Tumalikod si Dark at bumalik kay Isabella. Nakita ni Allyson na tila lalong naging sweet si Dark dito—pinagbubuksan ng mineral water, inaalalayan sa bawat hakbang. Ang bawat kilos ni Dark ay tila ba lalong nagbigay nang inis kay Allyson. ​Sa kabilang banda, si Allyson ay lalong nagpakitang-gilas sa pag-aayos ng kanilang booth, nakikipag-usap sa ibang mga binata sa plaza at tumatawa nang malakas para lamang ipakita na hindi siya apektado. Ngunit sa tuwing magtatama ang paningin nila ni Dark sa gitna ng plaza ay siya ang kusang pumuputol sa titigan nila kasabay ang matalim na irap. HINDI maikakaila ang ningning ng gabing iyon sa plasa ng San Vicente. Ang Town Ball ay tila isang tagpo mula sa mga lumang pelikula—puno ng mga tao na may magagarang kasuotan, at ang nakalalasing na amoy ng mga bulaklak na nakasabit sa bawat sulok ng entablado. ​Sa gitna ng maraming tao, si Allyson ay tila isang dyamanteng nagbibigay ng liwanag sa kaniyang navy blue mermaid dress. Ang kaniyang buhok ay naka-angat sa isang malinis na elegant bun, na lalong nagpalitaw sa kinis ng kaniyang balat at sa hubog ng kaniyang katawan. Ngunit sa kabila ng kaniyang ganda, ang kaniyang atensyon ay nakawaksi sa dulo ng bulwagan—kung saan naroon si Dark, suot ang isang charcoal gray na suit na lalong nagpatingkad sa kaniyang p*********i. ​Naroon si Isabella, nakakapit sa braso ni Dark, at ang bawat tawa ng dalawa ay tila libu-libong karayom na tumutusok sa puso niya. ​"Isang napakagandang gabi para sa isang napakagandang binibini. Maaari ko bang mahiram ang iyong oras para sa isang sayaw?" ​Nag-angat ng tingin si Allyson at bumungad sa kaniya ang isang lalakeng may maamong mukha, matikas ang tindig, at may mga matang tila palaging nakangiti. Siya si Duke Suarez, ang kaisa-isang anak ng Mayor ng San Vicente. Taliwas sa inaasahan ng marami, si Duke ay kilala sa pagiging mabait, gentleman at edukado. Kilala rin nito ang pamilya Morgan at Aragon. ​"Duke," bati ni Allyson na may kasamang pilit na ngiti. "I didn't expect to see the Mayor's son here." Nakangiting wika ni Allyson, kilala niya ito dahil naging ka-klase niya ito noong college sa isang unibersidad sa Maynila. ​"Ngayon lang ulit kita nakita dito sa San Vicente." wika ni Duke na may malapad na ngiti sa labi inilahad niya ang kaniyang kamay hudyat na nag-aaya itong isayaw siya. ​Sinulyapan ni Allyson ang gawi ni Dark. Nakita niyang nakatitig na pala ang binata sa kanila, ang panga nito ay matigas at ang mga mata ay tila walang mababakas na emosyon. Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa mga labi niya dahil sa desisyong nabuo sa isip—ang gamitin ang pagkakataong ito para ipakitang kaya niyang gawin ang ginagawa sa kanya ni Dark. ​"It would be my pleasure, Duke," sagot ni Allyson sabay abot ng kaniyang kamay. ​Dinala siya ni Duke sa gitna ng dance floor. Napaka-gentleman ni Duke; ang pagkakahawak niya sa beywang ni Allyson ay magaan at may respeto, sapat lang para magabayan siya sa pagsasayaw. ​"Alam kong wala kang hilig sa pagsasayaw, Allyson..pwede ko bang malaman kung bakit ka pumayag na isayaw kita ngayon?" panimula ni Duke habang marahang umiikot sila sa saliw ng isang mabagal na kanta. ​"Kailan pa naging chismoso ang most Introvert Man na kagaya mo?" Nakangiting tanong ni Allyson, ang kaniyang paningin ay pasimpleng sumusulyap kay Dark na ngayon ay hindi na kumikibo sa kaniyang kinatatayuan. “Oh come on, Ally..I’m just curious.” Umiiling-iling siya habang natatawa sa hitsura nang binatang kasayaw niya ngayon. “Wal–” hindi niya naituloy ang sasabihin nang biglang naituon ni Allyson ang paningin sa gawi ni Dark. ​Nakita ni Allyson ang pagbitaw ni Dark sa baso ng alak na hawak nito at humakbang patungo sa gawi nila. Huminto ito sa tapat nila. ​"Ang ganda ng kanta, 'di ba? Pero tatapusin ko na ang sayaw ninyo." ang boses ni Dark ay mababa, tila isang kulog na nagbabadya ng ulan. ​Huminto ang musika sa pandinig ni Allyson. Lumingon si Duke nang may pagtataka ngunit nanatiling kalmado. "Dark. Hindi ko alam na mahilig ka rin pala sa sayawan." ​"Hindi ako mahilig sa sayawan, Duke. Pero mahilig akong mang-agaw sa mga bagay na... importante sa akin," seryosong sagot ni Dark. "Hihiramin ko muna si Allyson sa’yo." ​Napatingin muna siya kay Allyson wari’y naghihintay nang sagot nang dalaga. Marahan na lamang siyang tinanguan pagpapakitang sumasang-ayon ito sa sinabi ni Dark. ​"I understand," nakangiting tugon ni Duke, sabay yuko nang bahagya kay Allyson bilang tanda ng paggalang. "Salamat sa sayaw, Allyson. Sana ay hindi ito ang huli." ​Bago pa man makasagot si Allyson, hinablot na ni Dark ang kaniyang kamay. Dire-diretso silang naglakad palabas ng plaza, palayo sa ingay ng musika at sa mapanuring mata ng mga tao, patungo sa mas tahimik at madilim na bahagi ng parke kung saan tanging ang liwanag ng buwan ang nagmamasid. ​"Bitiwan mo ako, Aragon! Ano bang problema mo?" singhal ni Allyson nang makarating sila sa ilalim ng isang malaking puno ng akasya. ​Hinarap siya ni Dark, ang kaniyang mga mata ay nagbabaga pa rin sa selos na pilit nitong itinatago kanina. "Ano ang problema ko? Ang problema ko ay nakikipagsayaw ka sa kung sino-sino para lang inisin ako! Do you think this is a joke, Allyson?" ​"At ikaw? Yung pakikipag-ngisihan mo kay Isabella sa harap ko, ano 'yon? Joke lang?" bulyaw ni Allyson, hindi na napigilan ang luhang kanina pa gustong kumawala. "Nakita ko kayo sa restaurant, Dark! Nakita ko kung paano mo haplusin ang mukha niya! Tapos dito, hinahayaan mong punasan niya ang pawis mo? Who are you to act like you care when you're just making a fool out of me!" ​Natigilan si Dark, pagkatapos ay huminga nang malalim. "Si Isabella... kaibigan ko lang siya, Allyson. Kaibigan lang." ​Lalong kumulo ang dugo ni Allyson. "Kaibigan lang? Ganoon ka ba makitungo sa kaibigan? Na kailangang hawakan ang labi at maging sweet sa loob ng restaurant? Napaka-sinungaling mo!" ​"Allyson, makinig ka muna—" ​"Ayoko! Kung kaibigan lang 'yan, bakit kailangang itago? Bakit kailangang iparamdam sa akin na may iba ka habang sinasabi mong hihintayin mo ako?" Ang mga luha ni Allyson ay dahan-dahang pumatak. "Sana hindi mo na lang sinabing manliligaw ka, kung marami naman pala kaming nasa listahan mo." ​Nakita ni Dark ang sakit sa mga mata ni Allyson. Hakbang siya papalapit, sapat na para maramdaman ni Allyson ang kaniyang hininga. "Allyson, look at me." ​Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Allyson. ​"Wala akong ibang nililigawan kundi ikaw. Si Isabella ay narito lang para sa pista, at ang nakita mo sa restaurant ay dahil tinutulungan ko lang siyang malampasan ang problema niya. Kaibigan ko siya, pero ikaw... ikaw ang dahilan kaya ako nagkakaganito" may diing bulong ni Dark, habang ang kaniyang mga daliri ay dahan-dahang hinahaplos ang pisngi ng dalaga. ​"Kaya huwag mo na uling gagamitin si Duke o kahit sino para saktan ako. Dahil ang totoo, nasasaktan talaga ako kapag nakikita kitang nguningiti at hindi ako ang dahilan nang mga iyon." Sa gitna ng katahimikan ng gabi, muling naramdaman ni Allyson ang kakaibang kuryente na tanging si Dark Aragon lang ang nakakapagparamdam sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD