Chapter 03

1260 Words
NAGISING si Allyson sa marahang katok ni Manang Mirna sa pinto ng kanyang silid. Kinusot niya muna ang kanyang mga mata at pilit na iwinaksi ang antok bago tumayo upang pagbuksan ang matanda. ​“Bakit ho, Manang?” tanong niya, medyo paos pa ang boses. ​“Señorita, may bisita ho kayo sa ibaba,” sagot ni Manang Mirna na tila naguguluhan din. ​Nagsalubong ang kilay ni Allyson. Wala siyang gaanong kakilala sa San Vicente dahil karamihan sa mga kaibigan niya ay sa Maynila nakatira at abala sa kani-kanilang karera. “Sino raw po, Manang?” ​“Hindi rin ho pamilyar sa akin, Señorita, eh.” ​“Sige po, susunod na ako. Mag-aayos lang sandali.” ​Matapos pasadahan ng tingin ang sarili sa salamin at masiguro na hindi naman siya mukhang bagong gising, bumaba na siya. Nasa kalagitnaan pa lang siya ng hagdan nang matanaw niya ang pamilyar na likod ng isang lalaki. Agad na bumilis ang kanyang pagbaba. ​“Anong ginagawa mo rito?” diretsahang tanong niya nang makaharap ang binata. ​Humarap sa kanya ang lalaki—ang masungit na estranghero kahapon. “Hinatid ko lang ‘yung bisikleta mong naiwan. Baka kasi sabihin mo ninakawan kita.” ​“A-ah... ganoon ba,” tila napaatras ang dila ni Allyson. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ng lalaki pagkatapos ng bangayan nila. ​“Bakit? Hindi ka ba naturuang magpasalamat?” nakangising tanong nito. ​“Bakit ikaw? Hindi ka ba naturuang rumespeto sa babae?” ganti ni Allyson, ibinabalik ang kanyang depensa. ​Naputol ang namumuong iringan nang dumating si Manang Mirna dala ang isang tray ng meryenda. ​“Manang, nag-abala pa kayo. Aalis na rin naman po ‘yan,” wika ni Allyson sabay nguso sa lalaki. ​“Eh, nakakahiya naman, Señorita, sa bisita niyo,” sagot ni Manang habang inilalapag ang tray. ​“Hindi siya bisita, Manang. Bwisit siya,” pagtatama ni Allyson. ​Isang tipid na ngiti lang ang itinugon ni Manang bago lumisan. Agad namang kumuha ng juice ang lalaki at uminom na tila ba nasa sariling bahay lang. ​“Siya na ho ba, Señorita, ang nahanap ninyong asawa?” pahabol na tanong ni Manang mula sa pinto ng kusina. ​Muntik nang maibuga ng lalaki ang iniinom na juice. Nasamid ito at malakas na umubo habang si Allyson naman ay tila gustong lamunin ng lupa sa hiya. ​“Ayan, buti nga. Patay-gutom kasi,” pang-aasar ni Allyson, bagaman ang totoo ay kinakabahan siya. ​“Naku, ayos lang ho ba kayo, Sir?” pag-aalala ni Manang na saglit na bumalik. ​“O-opo, ayos lang po ako, Manang,” sagot nito habang pinupunasan ang labi, tuloy pa rin ang bahagyang pag-ubo. Tuluyan nang naglakad si Manang patungong kusina dahil marami pa raw itong gagawin. ​Nang dalawa na lang sila, tinitigan siya ng lalaki nang seryoso. “Seryoso ba ‘yung tanong ni Manang?” ​“Kailan ka pa naging chismoso?” nakataas-kilay na tanong ni Allyson. ​“Wala lang... naisip ko lang, mukhang laking Maynila ka naman. Wala bang nagkagusto sa iyo roon at dito mo pa napiling maghanap ng asawa?” tanong nito habang nakahawak sa baba, tila sinusuri ang buong pagkatao ni Allyson. ​“Wala kang pakialam kung saang lugar ko gustong maghanap!” ​“Ang sabihin mo, wala talagang nagkakamali sa iyo roon,” pang-aasar nito. ​“Lumayas ka na nga! Sinisira mo lang ang araw ko!” ​“Pero... gusto mo bang ako na lang?” Biglang naging seryoso ang boses nito. Pakiramdam ni Allyson ay tumigil ang mundo. Bumilis ang pintig ng kanyang puso at naramdaman niya ang init sa kanyang mga pisngi. Ngunit bago pa siya makasagot, humalakhak ang lalaki. “Kaso, hindi kita type, eh.” ​Umakyat lahat ng dugo ni Allyson sa ulo. Konting-konti na lang ay masasapok na niya ang kaharap. “Siraulo! Sana tinanong mo rin ako kung type kita!” ​Humagalpak ito ng tawa na lalong nagpainit ng ulo ng dalaga. Tumigil lamang ito nang makitang tila sasabog na si Allyson sa galit. ​“Wala ka bang kaibigang single at ready to mingle?” tanong ni Allyson, pinipilit ibalik ang usapan sa pakay niya. ​“Wala... at kung mayroon man... wala pa rin.” ​“Sagutin mo naman ako nang maayos!” ​“Aba, bakit kita sasagutin, eh hindi ka pa naman nanliligaw?” ​“Wala ka talagang kwentang kausap!” singhal ni Allyson. ​“Tsk. Napakapikon mo talaga,” huling hirit ng lalaki bago ito tumayo at tuluyang lumabas ng bahay nang hindi man lang nagpapaalam nang maayos. ​ISANG matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Dark nang tuluyan siyang makalabas ng mansyon ng mga Morgan. May kung anong kakaiba sa dalagang iyon na nagpapagaan ng loob niya kahit palagi silang nag-aaway. Dumiretso siya sa kanyang motor at pinaharurot ito patungo sa kubo sa gitna ng ubasan. ​Pagbaba niya, sinalubong siya ni Manong Bert, ang matapat na tagapangalaga ng kanilang lupain. ​“Sir Dark, mayroon lang ho tayong kaunting problema. Mukhang may pumasok sa kubo kahapon noong wala kayo,” bungad ng matanda. ​Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang dalagitang si Aya, anak ni Manong Bert. May bitbit itong pamilyar na kulay rosas na damit. ​“Kuya Dark, may nakita ho akong damit-pambabae sa banyo,” kiming wika ni Aya. ​Bahagyang natigilan si Dark bago muling ngumiti. “Ah... hayaan niyo na. Mukha namang walang nawala sa loob.” ​“Hindi ho ba kayo, Sir, ang pumunta rito kahapon noong kasagsagan ng ulan?” usisa ni Manong Bert. ​“Hindi ho, Manong. Nasa bahay lang ako kahapon,” pagsisinungaling niya. Ayaw niyang gumawa ng ingay tungkol sa nangyari sa kanila ni Allyson. ​“Nilabhan ko na po ito, Kuya,” nakangiting sabi ni Aya. ​“Sige, salamat. Para kung sakali mang bumalik ang ‘trespasser’ na iyon, mabango ang damit niya,” biro ni Dark. ​Nagpaalam na ang mag-ama dahil kaarawan ng bunsong anak ni Manong Bert. Bagaman inanyayahan siya sa isang simpleng salu-salo, magalang na tumanggi si Dark dahil may kailangan pa siyang tapusing mga report para sa kanilang negosyo. ​Napalingon si Dark sa gilid ng kubo kung saan nakasampay ang pink na dress ni Allyson. Napailing na lang siya habang may ngiti sa labi bago pumasok sa loob. ​Samantala, sa mansyon, walang magawa si Allyson kundi ang mag-scroll nang mag-scroll sa f*******:. Ngunit kahit anong tingin niya sa screen, ang utak niya ay lumilipad patungo sa lalaking gumugulo sa kanyang sistema. ​Ting! ​Isang notification ang lumabas. Isang friend request. Wala itong mukha—ang profile picture lang ay isang malaking puno sa ilalim ng asul na langit. ​“Weird,” bulong niya. Pero dahil bored na siya sa kanyang sampung friends sa f*******:, in-accept niya ito. Hindi pa lumilipas ang limang minuto, may mensahe na agad. ​Dee Eyy: ... ​Ally: ?? ​Dee Eyy: .?.?.? ​Ally: ..|.. ​Dee Eyy: Ang bastos mo naman. ​Ally: Who you? ​Dee Eyy: Hulaan mo. ​Ally: Not in the mood. Bye! ​Ipinatong ni Allyson ang cellphone sa kanyang dibdib at bumuntong-hininga. Ayaw niyang magsayang ng oras sa mga estranghero sa internet, ngunit hindi niya maikakaila ang kakaibang kaba. Maya-maya pa, dinalaw na siya ng antok at tuluyan nang nakatulog sa gitna ng hapon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD