Kabanata 1:
ADELINE REVALDEZ POV:)
“Don’t! Stop!” Habol-hininga kong sigaw habang pilit tinutulak si Wilder Salvez — ang tinaguriang Casanova Prince at certified manyak ng buong school.
Nasa likod kami ng school building, tago sa mga mata ng iba. Kanina lang, naglalakad ako papuntang lab nang bigla niya akong hatakin dito. At ngayon nga — he’s forcing himself on me, halik nang halik sa leeg ko na parang hayok.
“Wilder, tama na! Please, tama na!” Mangiyak-ngiyak na akong nagmamakaawa, nanginginig ang boses ko.
Pero parang wala siyang naririnig. Lalo lang niyang idiniin ang mukha niya sa leeg ko. Ramdam ko ang lagkit ng laway niya at halos mapahagulgol na ako. Hanggang sa bigla na lang siyang may humila palayo sa akin — at isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha niya, dahilan para bumulagta siya sa damuhan.
Napasinghap ako. Nanlaki ang mga mata ko sa taong gumawa noon.
Siya — kilalang-kilala ng buong campus. Ang ‘CAMPUS CRUSH.’ Ang misteryosong lalaking di halos nagsasalita pero kinatatakutan at hinahangaan ng lahat. Walang iba kundi si…
“Sht! Fck you, JK!” Mura ni Wilder habang pinupunasan ang sugat sa gilid ng labi niya, galit na galit. Bumangon siya, umirap kay JK.
“Wag kang gumawa ng scandal dito. School ‘to — hindi motel!” Singhal ni JK, malamig ang boses pero bakas ang gigil sa panga niya.
“Humanda ka sa’kin!” Banta pa ni Wilder bago tuluyang umalis na galit na galit.
Nang tuluyan nang nawala sa paningin si Wilder, saka lang ako muling nakahinga nang maluwag. Napatingin ako kay JK — nakapasok ang kamay sa bulsa ng slacks niya, seryoso ang mukha gaya ng lagi. Suplado. Wala man lang bakas ng concern, pero alam kong kung hindi siya dumating… ewan ko kung ano’ng mangyayari.
“Salamat,” mahina kong sabi, halos pabulong.
“Umalis ka na nga!” bigla niyang sigaw sa akin. “Gusto mo ba talagang magpa-rape? Gusto mo, ako na lang mag-rape sa’yo?!”
Nanlaki ang mata ko. “Bastos!” singhal ko pabalik, namumula sa hiya at galit. Padabog akong naglakad paalis.
“Hoy!” sigaw pa niya. “Ayusin mo ‘yang uniform mo! Kitang-kita yung ka-liit-liitang tinatago mo!”
Napatingin ako sa sarili ko. Halos matunaw ako sa hiya. Nakabukas pala ang ilang butones ng uniform ko — kaya pala parang ang lamig kanina. Tarantang binotones ko ang lahat, pigil ang mura.
“He! Bastos ka talaga!” irap ko ulit sa kanya sabay talikod, padabog na naglakad palayo.
Bwisit! Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang kanina. Lalo akong namumula sa kahihiyan at inis. Nakakabuwisit talaga si Wilder! Ni hindi ko namalayang binuksan niya na pala ang uniform ko.
At syempre, hindi lang si Wilder at JK ang kilala sa campus na ‘to. May dalawa pa silang kabarkadang kagaya nila — mga sikat, pero mga manyakis naman ang reputasyon.
Anyway, ako nga pala si Adeline Revaldez. Third year Engineering student, 21 years old. Wala na akong magulang pero may mayamang pamilya na umampon sa amin ni Ate. Sobrang bait nila sa amin, kaya kahit papaano nakakaraos din. Innocent pa ako — at ewan ko kung bakit parang ako lang yata ang hindi bagay sa weird at magulong school na ‘to.
Hayst. Buwisit. Sana matapos na lang ang araw na ‘to nang hindi na ako mabuwang.
Kasalukuyan akong naglalakad noon sa hallway ng school namin nang bigla kong marinig ang isang mahinang ungol. Napahinto ako. Ewan ko ba, pero pamilyar ang tunog. Babae. Parang…
“Ahh… ahhh…”
Napatayo ang balahibo ko. Sigurado akong galing ‘yon sa loob ng CR sa bandang kanan ng corridor. Lumingon-lingon ako — walang ibang tao sa paligid. Kinakabahan man, kusa pa rin akong lumapit. Dahan-dahan kong hinawakan ang doorknob. Kabadong binuksan ko ito ng kaunti.
“Oh my god…” bulong ko, nanlalaki ang mga mata.
Nakita ko — may gumagawa ng… alam mo na! Yung ano… basta! Si Wilder Salvez, walanghiya talaga! Nakabukakang babae sa harap niya habang naka-sandal sa lababo.
“Ahh… sige pa! Ipasok mo pa! Ang sarap!” ungol ng babae na para bang wala siyang pakialam kung may makarinig.
“Kanina kasi, may matatarget na sana ako, kaso may umepal. Panira talaga kahit kailan kaya ikaw na lang nahila ko kanina,” sabi ni Wilder habang hawak ang balakang ng babae. Para silang hayop.
“Sino naman? Ahh!” ungol pa ng babae habang napapatingala.
Pakiramdam ko parang na-freeze ang buong katawan ko. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Parang nag-shutdown utak ko sa eksenang nakikita ko.
“Yung transferee dito. Yung Campus Princess na kunwari inosente—” Hindi na naituloy ni Wilder ang sasabihin niya dahil napuno na ako.
“Mga bastos kayo!” sigaw ko, nanggigigil.
“…Adeline.” Nadugtong pa niya ang pangalan ko nang makita niya ako sa pintuan. Napatingin silang dalawa sa’kin, pero hindi ko na sila hinintay pa.
Mabilis akong kumaripas ng takbo palabas ng CR. Nanginginig ang mga kamay ko sa galit at hiya. Bago pa ako makaliko sa corridor, bigla akong bumangga sa isang matigas at matipunong dibdib. Ang lakas ng impact kaya napaupo ako sa sahig.
“Aray! Yung puwet ko!” reklamo ko sa isip ko habang napapangiwi. Napatingala ako para tingnan ang nakabangga sa akin — at halos mapasigaw ako.
“Ikaw na naman?!” singhal ko nang makitang si JK na naman ang nakasalubong ko.
“Oh? Ano sakin?” tugon niya, malamig pa rin ang boses na parang wala lang. Suplado talaga, as usual.
“Sinusundan mo ba ako, ha?!” irap ko sa kanya habang nanatili akong nakaupo. Di ko na napigilan ang tono ng boses ko — halata ang inis at hiya.
“Assuming!” sagot niya, halos nag-roll eyes pa. Maya-maya pa, napansin ko ang tingin niya sa bandang hita ko. Napalapit siya at tinaas ang isa niyang kilay. “Ang kinis pala ng legs mo. Black talaga panty mo? Di ka ba nagsho-shorts?”
“Ha?! Ano pinagsasabi mo—” Kunot-noo kong tanong, pero pinutol niya ako.
“Miss, tingnan mo nga.” Sabay turo niya sa palda ko.
Dumako ang tingin ko sa tinuturo niya — at nanlaki ang mga mata ko. Nakabuka pala ang harap ng palda ko, kitang-kita ang panty ko! Napalunok ako sa sobrang hiya at dali-dali ko iyong inayos. Pakiramdam ko gusto ko na lang lumubog sa sahig.
“Bastos!” singhal ko sa kanya. Sobrang pulang-pula ang mukha ko sa kahihiyan. Mabilis akong tumayo at padabog na tumalikod.
Ano ba ‘tong pinasok ko? Bakit dito pa ako napadpad? Kung alam ko lang na ganito ka-wild ang school na ‘to, sana nag-transfer na lang ako sa bundok! Bwisit!
Nasa soccer field ako nang mga oras na iyon. Nakaupo lang ako sa bench, tahimik na nanonood sa mga nagpa-practice — may naglalaro ng soccer, may mga nagchi-cheering, at kung anu-ano pang kabusy-han ng mga estudyante. Pero ang pinaka nakakagulat… may mga estudyanteng naghahalikan din sa gilid na parang wala lang. Grabe, open-minded much? Siguro normal na sa kanila ‘to — pero para sa’kin, hindi talaga.
Ako na lang yata ang natitirang inosente dito.
Nandito ako ngayon kasi gusto ko lang makalimot sa kanina. Basta! Ayoko nang balikan. Nakakabadtrip lang isipin.
Hindi pa nga ako nag-iisang buwan dito pero parang gusto ko nang magpa-transfer ulit ng school. Ayoko dito. Kakaibang lugar ‘to — parang anytime mawawala lang ‘yung pinakaiingatan ko.
“Yung V ko…” wala sa loob kong nasabi habang nakatitig lang sa soccer field.
“V? As in Virginity?” biglang sabat ng pamilyar na boses sa tabi ko.
“Uh… oo. Mawawala lang yun dito. Pinakaiingatan ko pa naman yu—” Bigla akong napatigil. Na-realize ko na sinagot ko pala siya! May nagsalita at sumabat!
Napalingon ako sa gilid ko at muntik na akong mapaatras. Nasa sobrang lapit pala ng mukha niya sa mukha ko — halos magdikit na ilong namin! Nanlaki ang mga mata ko, parang maduduling na yata ako sa sobrang dikit.
Nakakunot-kilay siya pero nakangiti pa rin — pilyo at parang nanunukso.
Nang bumalik ang ulirat ko, agad ko siyang itinulak palayo. “Bwisit ka! Dadagdag ka rin ba sa mga sira-ulo na sumisira ng araw ko?!”
Siya si Lucas Santos. Ang pangatlong heartthrob prince daw ng Alferius University. Magaling mag-skateboard, mabait daw, gentleman kung kanino lang… pero may record din sa dami ng babae. Kaya naman pala.
“Aw! Relax ka lang, Miss Virginity.” Nakataas ang dalawang kamay niya na parang sumusuko. “Hindi ko kukunin virginity mo. Scout’s honor.” Nakangisi pa rin siya — obviously, hindi seryoso.
“Tsk!” yun lang naisagot ko habang iniirap ko siya. “Hmp!”
Tumawa lang siya. “Pwede ko bang malaman ang pangalan ng binibining virgin?” tanong niya, sabay kagat-labi pa para kunwari cute. “Gusto ko lang naman.”
Pinanlakihan ko siya ng mata. Kung makatitig ako para akong may death ray — napasign-of-the-cross tuloy siya sa harap ko.
“Bastos ka rin ‘no?!” singhal ko. Nakapamewang na ako, nanginginig na ang buto ko sa inis.
Lord! Bakit ba lahat ng gwapong lalaki dito, ang hilig manyak? Ano ‘to, campus of perverts? Mabait naman akong bata ah — palamura lang minsan. Sorry na.
“Uy, hindi ah!” depensa niya, sabay yuko at bumulong sa tainga ko — naramdaman ko pa ang mainit niyang hininga. “Naghahanap lang naman ako ng… kaibigan. Kaibigan na puwede kong… ka-s*x minsan.” Bulong niya na may kasamang pilyong ngiti.
Kinilabutan ako sa kiliti at sa gulat. Halos tumayo lahat ng balahibo ko. Uminit ang pisngi ko sa inis. Agad akong tumayo mula sa bench.
“Bastos!” sigaw ko, sabay walkout. Sobrang inis ko, halos mabali ang mga damo sa daan dahil sa bigat ng apak ko. Sa likod ko, narinig ko pa ang halakhak niya.
Ano ba ‘to?! Lahat ba ng hearthrob dito sa Alferius University, puro manyak? Bakit ako pa target nila? Dahil ba ako na lang ang natitirang virgin dito? Hay, ewan!
Makapasok na nga sa classroom. Bago pa ako tuluyang mabaliw.
Alferius University. Kinamumuhian na kitang paaralan ka! Bakit ba hindi ito katulad ng mga normal na school sa city? Dito, parang bawal lumabas — parang hawla na nasa gitna ng gubat. Bawal ka lang umuwi pag bakasyon. Lahat ng kabastusan at kalaswaan, parang dito na ipinanganak. Nakaka-stress!
Hindi ko ginustong dito mag-aral. Si Ate lang naman talaga ang may gusto nito. Siya pa ang nagpumilit kay Mama at Papa. Kung hindi lang siya ang Ate ko — Diyos ko, humanda talaga siya sa akin pag umuwi siya ng Pilipinas! Matitikman niya ang sabunot kong walang awa.
Grrr!
Naglalakad na ako pabalik sa room namin. May klase na kami mamaya, at ten minutes na lang ang natitira kong oras para makarating sa upuan ko nang walang gulo. Sa basketball court ako dumaan — mas mahaba nga ang ruta, pero ayaw ko nang dumaan sa short cut. Baka lang kasi masalubong ko pa ang pagmumukha ni JK o ni Wilder. Mas gugustuhin ko pang mag-long cut kaysa makadikit ulit sa mga manyakis na ‘yon.
At least dito, walang manggugulo. Wala nang distorbo.
“Miss, ilag!” sigaw bigla ng isang player.
Hindi ko na naiwasan. Pak! Tumama ang basketball sa ulo ko — ang lakas! Ramdam ko yung pag-alog ng utak ko. Napahiga ako sa semento, nanlalabo ang paningin ko.
“Aray ko…” daing ko habang hawak ang ulo ko. s**t, parang sumabog ang bungo ko!
Lumapit ang isa sa mga players at yumuko sa harap ko. “Sorry, Miss Ganda…” sabi niya. Mali-mali pa yung ngiti niya, halatang natataranta.
Nakadilat na ako pero parang umiikot pa ang mundo ko. Nanatili akong nakahiga, nakapikit ang isa kong mata. Bwisit talaga!
“Pushet ka!” mura ko sa kanya. “Aray ko talaga!”
Idinilat ko ang mga mata ko para makita kung sinong katangahan ang nakatama sa akin — at halos mamutla ako nang marealize ko kung sino ang nasa harap ko. Walang iba kundi si Calix Del Ferro — ang “ULTIMATE HEARTTHROB” ng buong Alferius University. Captain ball ng basketball team. Malakas ang dating, malakas mang-chicks. At syempre — manyak din? Oo, sabi sa campus. Dami niyang babae.
Nakangiti siya sa akin. Yung tipong ngiti na akala mo inosente pero halatang may demonyong plano. Umangat ang tingin niya mula sa legs ko papunta sa dibdib ko.
“Oh s**t! Isa ka rin!” bulalas ko sa isip ko. Nanginig ang buong katawan ko sa takot. Mamamanyak na naman ako?!
At sa di ko inaasahan — bigla siyang pumatong sa akin. Buong bigat ng katawan niya! Waah! Mama koooo!
“Ang sarap mong i-LATA plus ISANG NGIPIN…” aniya sabay kindat, demonyo ang ngiti.
LATA plus ISANG NGIPIN?
Nag-loading pa utak ko nang ilang segundo bago ko narealize — I-english mo: CAN plus TOOTH equals—
“PUTANGINA MO!” sigaw ko sa isip ko. Gets ko na. Ang bastos niya!
Sa sobrang galit ko, tinulak ko siya nang malakas. Napaangat siya at natayo, pero ako, parang toro na may usok sa ilong. Tumayo ako, ina-adjust ang skirt ko na muntik nang bumaba.
“Isa ka rin! Bastos!” singhal ko sa kanya, sabay padabog na umalis sa court.
Salamat naman! Pagkarating ko sa room, feeling ko safe na ako kahit papano. Pero habang pinapakalma ko sarili ko, bigla kong binilang sa isip ko yung nangyari buong araw.
Si Wilder yung una… si JK yung pangalawa… si Lucas yung pangatlo… tapos si Calix yung pang-apat—
“What?! Apat?!” wala sa loob na bulalas ko, medyo malakas. Natigilan lahat ng kaklase ko.
“Apat? Apat ang alin?” tanong ng isa, sabay sunod-sunod ang hinala nila.
“Apat na gumalaw sa’yo?!” singit pa ni Girl 1 na may baba na singhaba ng pangarap niya sa crush niya.
“Isang araw lang, naka-apat ka na agad?!” dagdag ni Girl 2 na kapal ng make-up, kapal din ng hinala.
“Wow! Sarap naman!” sabay-sabay pa silang humagikhik.
What the—?! Anong klaseng school ‘to? Ako na lang ba ang Virgin Mary sa mundong ‘to? Panaginip ba ‘to? O impiyerno?
Sinubukan ko magpaliwanag. “Hindi! Mali kayo! Iba ang ibig kong sabihin—”
“Weh? Di ka na virgin ‘no?” singit pa ng isang babae sa harap ko.
“Hindi—” Hindi ko na natuloy. Isang lalaki naman ang sumabat, nakangisi. “Laspag ka na siguro, ano?”
Napapikit na lang ako, naiinis. Nakuyom ko ang kamao ko sa ilalim ng desk ko. Sobrang init na ng ulo ko. Hindi ko na kinaya — binagsak ko ang kamao ko sa upuan.
Pak! Umalingawngaw ang tunog, nagulat silang lahat.
“VIRGIN PA KO!” sigaw ko ng ubod lakas. Lahat sila nanlaki ang mata. Buti nga! Sana isaksak nila ‘yan sa makakapal nilang kukote!
Pero imbes na tumigil, lalo lang silang nakangisi. Yung mga lalaki, halatang iba ang takbo ng utak. Yung tingin nila, para akong lechon sa fiesta. Nanlilisik na ang mga mata nila sa legs at dibdib ko. Yung iba, hinahawakan na ang harap nila. Oh God!
“Gusto ko ng virgin…” bulong nung isa, nanlalaway pa.
“Ako rin…” sambit pa nung iba. Putragis! Para akong inaambahan ng buong barangay!
Oh God, Lord! Ano na gagawin ko? Dito na ba mawawala ang virginity ko?!
Bigla na lang—
“TIGILAN NIYO YAN!”
Parang binuhusan sila ng malamig na tubig. Natigil ang lahat. Napalingon ako sa may pintuan. May matangkad na lalaki na nakatayo doon, nakasandal, may hawak na bag — malamig ang mga mata pero gigil ang panga niya.
JK.
Putik! Siya na naman!