ADELINE REVALDEZ POV:)
“Tigilan n’yo yan!”
Biglang napatigil ang lahat nang may dumating na lalaki.
Napakunot-noo ako nang makita kung sino iyon. Nang makilala ko siya, napa-pout na lang ako. s**t. Ayan na naman siya.
“Bago natin siya maging kaklase, babastusin n’yo agad?!” sermon niya sa mga lalaki, nakasuksok pa ang mga kamay sa bulsa. “School ’to, hindi bar!”
Nagsitahimik ang buong klase. Isa-isa silang nagbalikan sa mga upuan na parang mga basang sisiw.
Takot pala sila sa kanya? Mabait din pala siya kahit papaano… Akala ko pareho lang siya ng ugali sa mga buwisit na ‘to. Buti naman kung ganun.
Nagulat na lang ako nang mapansing nasa harap ko na siya. Dahan-dahan akong tumingala para sulyapan siya — ang tangkad niya kasi, lalo tuloy akong mukhang duwende.
“‘Di ibig sabihin niligtas kita, ha,” suplado niyang paliwanag. “Ginawa ko lang kung ano ang tama dito sa school.”
Bigla namang nawala ‘yung kilig na akala ko mabubuo. Hala? Ba’t ako naging sad bigla? Buwisit talaga.
“Eh ‘di shing!” sagot ko, sabay ikot ng eyeballs. Ewan ko sa’yo.
Biglang bumungad ang tatlong magbabarkada na maingay na pumasok sa room. Akala ko kung sino, pero kilala ko silang lahat. Napa-irap na lang ako. Minamalas naman… pati dito magkakasama pa rin sila.
Parang lumiwanag ang mga mukha nila nang makita ako.
“Woaah! Kaklase ko pala si Ms. V!” boses ni Wilder, lakas makadrawing ng atensyon.
“Kilala mo siya?” sabay tanong nina Lucas at Calix, parehong manghang-mangha. Nagkatinginan pa sila na parang di makapaniwala.
Samantala, si JK napakamot na lang ng ulo bago umupo — pero…
“Katabi kita?” tanong ko, medyo takot ang boses ko.
Tiningnan niya lang ako ng masama. Napalunok ako ng laway at umiwas ng tingin. Nakakakilabot yung tingin niya, parang kakainin niya ako ng buhay.
“‘Di lang pala siya manyak… demonyo din pala…” bulong ko sa sarili ko.
Habang nag-uusap yung tatlo, ako naman ang topic nila. Halatang nagkakainitan na sila. Bakit ba ako pinag-aawayan ng mga ‘to? Ano meron?
Nagulat na lang ako nang biglang sumuntok sa upuan si JK.
Hala! Narinig ba niya sinabi ko?
Dahil sa suntok niya, natahimik ang lahat — pati yung tatlong manyak na nagtatalo, sabay-sabay ding naputol ang asaran.
Oo nga pala… Bad boy si JK. Kaya pala takot lahat sa kanya. Ako rin pala, huhuhu…
“Hindi pa ba kayo tatahimik na tatlo?” boses niyang mababa pero nakakatakot. Halatang inis na inis na siya. Galit nga siya sa maingay.
“Kasi bro, inaagaw ni Wilder sakin si Adeline. Ako naman yung nauna!” reklamo ni Lucas, sabay turo kay Wilder.
“Hala? Ako kaya! Muntik ko na ngang ma-rape ‘yan!” balik ni Wilder, parang proud pa.
“Hoy! Ako kaya nauna sa inyo! Natamaan ko nga yan ng bola sa ulo!” sabat pa ni Calix, hindi nagpapatalo.
Ano ba ‘to? Bakit ako pinag-aawayan? Ano bang meron sa akin? Nahihiya na ako kasi ramdam ko na nakatingin na yung buong klase. Lalo na yung mga babae — lahat sila, masama na ang tingin sakin. Hala… ano na naman kasalanan ko?
“TAMA NA!!!” galit na sigaw ni JK, halos umalingawngaw sa buong room.
Biglang natigil ang tatlo. Pati buong klase natahimik, parang may nag-pause ng mundo.
Napatingin lang ako kay JK, nanlalaki ang mga mata ko. Grabe yung sigaw niya… galit na galit na talaga siya.
“Para magsitigil na kayo, ito ang gagawin ko.” Makahulugang sambit ni JK.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinila papalapit sa kanya at — Pak! Binatukan ako!
“Aray!” Napahawak ako sa ulo ko. Ano ‘to? Ako talaga? Ako ang binatukan mo? Hindi ba dapat sila? Grrr!
“Hala?!” sabay-sabay na bulalas nung tatlong magkaibigan. Pati ibang estudyante napabangon sa upuan nila para lang masilip kung totoo nga bang binatukan ako.
“Bakit mo ko binatukan, ha? Bwisit ka!” singhal ko sa kanya. Sa inis at sakit ng batok ko, muntik ko na siyang murahin — pero oops, nakalabas na ata.
“Pinapaalala ko lang sayo lahat. Parang nagka-amnesia ka na kasi,” malabong paliwanag niya. “Sabihin mo sa kanila kung sino talaga ang nauna…”
“Ha? Nauna—” Hindi ko naituloy. Biglang hinawakan ni JK ang kamay ko. Mahigpit.
Napatingin ako sa kanya, halos dilat na dilat ang mga mata ko. Anong kabaliwan na naman ‘to? Bulong ko habang binibigyan ko siya ng masamang tingin.
Pero ngumiti siya — hindi basta ngiti ha, kundi ‘yung pilyong ngiti na kinikilig ka pero gusto mo ring sapakin. Sana lagi ka na lang ganyan, JK. Hindi ‘yung mukha kang kriminal lagi. Ang gwapo mo pa rin kahit demonyo vibes ka.
“Trust me, baby,” mahinang sabi niya. Lakas makalandi, ewan ko ba. Bumaling siya sa tatlo na parang inaasar. “Tanungin n’yo siya kung sino talaga ang nauna sa atin.”
Halos mag-unahan yung tatlo sa paglapit.
“Miss V, sabihin mo na!” giit ni Wilder.
“Sino? Ako ba?” singit ni Lucas, mukha pang atat na atat.
“Ako? Si Wilder? Si Lucas? O siya?” Si Calix, itinuturo pa si JK. Para silang mga batang nagtuturo kung sino ang mauunang sumubo ng candy.
“Opps! Diyan lang kayo,” awat agad ni JK. Nakaamba ang kamao niya. “Wag na wag n’yong hahawakan ‘yan kung ayaw n’yong mabugbog.”
“Sabihin mo na! Sino ba?!” sabay-sabay silang tatlo.
Ano ba?! Bakit ba big deal ito sa kanila? Parang national issue!
“Si…” Sino ba talaga? E ang nauna talaga si Wilder — kaso sabi ni JK wag ko raw sabihin. Gulo naman!
“…si JK?” Di ko tuloy maipagsigawan nang buo.
Ngumiti si JK nang maluwag, parang demonyong nakahawak sa alas. Halos manlambot ang tuhod ng tatlo.
“No! Hindi! Bakit?!” Halos sabay-sabay pang reklamo nina Wilder, Lucas, at Calix.
“Mabuti sinabi mo,” singhal ni JK, biglang seryoso. “Para magsitigil na sila. Pero tandaan mo — di ibig sabihin iniligtas kita o ano. Ayoko lang ng maingay dito sa room. Kaya ikaw, shut up ka na kung ayaw mong mainis ako.”
Grabe ka. Ang sungit mo na nga, tapos parang gusto mo pa akong silensin forever. Ewan! Tumango na lang ako, pero deep inside, nalungkot ako. Ano ba ‘to…
“So paano yan?” biglang naka-ngising demonyo ulit si JK. “Ako nauna… naunang nakagalaw sa kanya.”
Nanlaki mata ko. Anong pinagsasabi nito?!
“What?!” sabay-sabay halos sigaw ng buong klase. Yung mga estudyanteng kanina pa nanonood, halos mabitawan na ang hawak nilang mga bag.
“Ano pinagsasabi mo?!” singhal ko sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko — hindi sa kilig, kundi sa inis at kaba.
“Sabi mo kasi ako yung nauna, so ibig sabihin ako una nakakuha ng virginity mo.” Naka-ngiti pa rin siya, tinaas-baba pa ‘yung kilay niya na parang inaasar ako. Bad boy mo, grabe ka.
Diyos ko Lord, ba’t ganito?
“Hindi ‘yun ang ibig kong sabihin! Ang sinasabi ko, ikaw ang naunang naka-meet ko! FYI, JK, hindi ako tanga. Five days pa lang ako dito, ipapamigay ko na ba agad V ko? Hello?!” Napaikot ko tuloy ang eyeballs ko sa sobrang bwisit. “Ugh! Aalis na nga ako!”
Tumayo ako, sabay dampot ng bag. Ayoko na! Enough na ang kabaliwang ‘to!
Pero bago pa ako makalabas, tumayo rin si JK. Nakatingin lang siya sa akin na parang may binabalak na naman. Yung titig niya, Diyos ko, parang gusto niyang kainin ang kaluluwa ko. Ano ba?!
“Pinagsigawan mo pa talaga na V ka pa,” sabi niyang nakangiti pero may halong demonyo ang dating. “Alam mo bang pag may transferee dito na V pa, kailangan makisiping sa isa sa mga estudyante?”
Napakunot-noo ako. “Ha?! Ano na namang kabaliwan ‘yan?”
“Hindi mo ba talaga alam kung anong klaseng paaralan ‘to?” Tumaas ang isang kilay niya, tapos biglang napangisi. “Alam mo ba, gusto ko talaga sa mga babaeng V pa?”
Napatikom ang bibig ko. Parang gusto kong sabunutan siya. “Ewan ko sa’yo!” tinarayan ko siya sabay talikod.
Diyos ko! Bakit ganito ang buhay ko ngayon? Sa dami ng school, dito pa ako napadpad sa balwarte ng mga manyak. May matino pa ba dito? Help!
Umalis ako sa kinauupuan ko at naglakad palabas ng room, pero syempre — sinundan ako ni JK. Samantala, yung tatlong ugok? Hindi makaimik. Para silang mga rebulto na nakatitig lang sa amin.
Nagulat na lang ako nang hawakan ni JK ang kamay ko mula sa likod. Napahinto ako sa lakas ng kapit niya. Naiinis akong nilingon siya, kita niya sa mukha ko kung gaano ako kabadtrip.
“Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!” galit kong sabi. Hinila-hila ko ang kamay ko pero lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya. Para akong na-handcuff.
Ramdam ko ang mga mata ng buong klase. Tahimik silang lahat, parang nanonood ng live teleserye.
“Wala akong pakialam kung gusto mo ang mga V! Maghanap ka na lang ng laspag — mas masarap pa siguro yun kaysa sa V. Letche ka!” singhal ko pa. Tatalikod na sana ako pero hindi ko pa rin mabawi ang kamay ko. Hindi talaga niya ako binibitawan.
Bigla na lang niyang binitawan ang kamay ko… pero bago pa ako makalayo, hinawakan niya ang balikat ko. Sa isang mabilis na galaw, itinulak niya ako paatras — napasandig ako sa blackboard. Nakorner na ako, literal.
Kinulong niya ako gamit ang dalawang braso niya na nakasandal sa gilid ng ulo ko. s**t. Ang lapit niya. Halos magdikit na ang mga ilong namin. Nanlaki ang mga mata ko. May balak ba siyang halikan ako?!
“Alam mo ba ang patakaran dito?” mababa at pabulong ang boses niya, pero nakakalokong ngiti ang suot niya. “Pag may bagong lipat dito at virgin pa, kailangan makipagsiping sa isa sa aming apat.” Nilapit niya pa lalo ang mukha niya. “At gusto ko, ako ang maka-s*x mo mamayang gabi.”
“Ano—” sasabat sana ako pero inunahan niya ako, para akong napipi.
“Mamayang alas otso ng gabi. Pumunta ka sa dorm ko. Pag hindi…”
“Pag hindi?” nauutal kong tanong. Ramdam ko ang kaba na gumagapang sa batok ko.
Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa tenga ko. Akala ko hahalikan niya ako — muntik na akong mapasinghap — pero bumulong lang siya, malamig ang tono niya.
“Gagawin kong impyerno ang buhay mo dito sa paaralang ito.”
Umangat ang mukha niya para tingnan ako ng diretso, bago siya ngumiti ng pagkapilyo — ‘yung ngiting gusto mong sampalin. Tapos iniwan niya lang akong nakakorner, tumalikod siya na parang walang nangyari at bumalik sa kinauupuan niya.
WHAT. THE. ACTUAL. F?!
Seryoso? May ganun silang “patakaran”? Sa tulad kong virgin, kailangan makipag-s*x sa isa sa kanila? Tangina! Anong klaseng school ‘to?!
Ano gagawin ko? Pupunta ba ako? Paano kung hindi? Paano kung totoo ang banta niya?
Lalong sumama ang pakiramdam ko. Wala pa akong magulang na pwedeng takbuhan! Nasa Thailand pa si Mama at si Ate, tapos bawal ang gadgets dito! Wala akong kausap. Ni hindi ako makalabas — naka-lockdown ang buong campus hanggang matapos ang bakasyon.
Waaahhh! Ang malas na ng buhay ko. Bakit ba dito pa ako napadpad?
Wala na akong nagawa kundi bumalik sa upuan ko. Naupo ako na parang wala nang buhay. Katabi ko pa rin si JK, syempre. Hindi ko siya masulyapan. Ayokong magka-eye contact — baka bigla na naman akong i-corner. O di kaya, i-blackmail na naman. Naiinis ako pero kinakabahan din.
Sakto naman, dumating ang guro namin. Doon na lang muling naging normal ang lahat. Pero para sa akin? Tangina, wala na akong normal na buhay mula ngayon.