Kabanata 3: V!rg!n Queen

1754 Words
ADELINE REVALDEZ POV:) Ano na gagawin ko ngayon? Alas sais na ng gabi, pero heto ako — namomroblema pa rin habang nakahiga sa kama ko. Gusto ko sanang tumakas o lumipat ng school, pero paano? Nakapirma na ako sa kontrata. One year ako dito, no exit, no escape. Ewan ko ba — bakit ba kasi may kontrata pa?! School ‘to, hindi naman trabaho! Bwisit! Nakahiga lang ako. Bangon. Higa. Tagilid. Harap. Bangon ulit. Higa na naman. Ay ewan! Para na akong baliw! “Naaano ka na d’yan?” Malamig pero curious na tanong ng ka-boardmate kong si... ano nga bang pangalan nito? Nilingon ko siya mula sa kama, nakatingala pa rin ako sa kisame. “Hayst. Di ko na alam gagawin ko…” Napa-buntong hininga akong sagot. Napaisip ako — ang weird. Dati, deadma lang siya sa akin mula nang dumating ako dito. Ni ‘hi’ wala. Pero ngayon, nakikipag-usap na siya. Bakit kaya? “Dahil ba sa sinabi ni JK?” tanong niya, habang nagsusulat lang sa notebook na parang walang bigat ang usapan. Bigla akong napabalikwas. Waahhh! Naalala ko na naman ‘yung sinabi ni JK — alas otso, dorm niya, or else gagawin niyang impyerno ang buhay ko. Dapat ko ba siyang puntahan?! “Pumunta ka na,” sabi ng boardmate ko, diretsong tono na parang wala lang. “Ikaw pa lang ang babaeng pinagtitripan niya ng ganyan. Ikaw din ang unang nilapitan niya.” Napakunot-noo ako. Ha?! Ako? Si JK? Ako talaga? Akala ko ba ultimate bad boy siya — walang pake, galit sa mundo. Ako lang daw nilapitan? “Ako? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya, gulong-gulo ang utak ko. Tumingin siya sa akin, inikot ang upuan para harapin ako. Walang reaksyon ang mukha niya — deadma face pero ang dami niyang sinasabi. “Si JK ‘yung tipo na walang pakialam sa kahit kanino. Tahimik, hindi namamansin. Kung kakausapin mo siya, oo — sasagot siya pero tipid na tipid. May sarili siyang mundo. Pero mula nang dumating ka? Para siyang naging baliw. Pati ‘yung tatlo, biglang nagbago. Hindi naman close ‘yang apat na ‘yan dati pero ngayon, parang tropa sila na pinag-aagawan ka.” Nanlaki lang mga mata ko. Nakabuka ang bibig ko pero walang lumalabas. Paano naging ganito bigla? “Kumbaga, nagpapansin na silang apat sa’yo. Kasi nga, alam mo na ang patakaran dito.” Nagpatuloy pa siya habang chill na chill. “Pag may bagong lipat na student dito, tatanungin kung virgin pa. Pag hindi na, m************k ‘yun sa kahit sinong lalaki — maliban sa apat na hearthrob. Pero pag virgin ka? Isa sa apat na hearthrob ang pipiliin mong ikama mo. Gets mo na?” Nanuyo ang lalamunan ko. “Meron ba talaga niyan?” “Yap.” Tumingin pa siya ng diresto sa akin. “Sa lahat ng nag-transfer dito, ikaw lang ang nag-iisang virgin na nakapasok.” WHAT?! Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kaya pala ganun na lang sila ka-excite? Kaya pala pinag-aawayan ako? “Paanong—” Di ko naituloy dahil inunahan na niya ako. “Oo. Tama ang iniisip mo. Ikaw ang pinaka-maswerteng babae na pinag-aagawan ng apat na hearthrob. Kaya inggit na inggit sa’yo lahat ng kababaihan dito. Kung alam mo lang.” Natulala ako. Napaluhod ako sa kama habang tinatakpan ang bibig ko. Di ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak. Ang malas ko ba o ang swerte ko? Hindi ko alam! “Wag kang mag-alala,” biglang nakangiti pa siya, as if good news ito. “Mababait naman yung apat. Kahit mukhang mga bad boy, may konsensya rin naman ‘yan.” “Sandali! Bakit ganito ang mga estudyante dito? Bakit may ganitong patakaran? Para tayong porn site na may school uniform! Ano ba talaga ‘tong school na ‘to?! School of Wizards ba? School of Gangsters? Or School of Boldstars?! Waaahhh! Ayoko nun!” Sunod-sunod na litanya ko, parang mababaliw na talaga ako. Tumaas ang kilay niya. “Di mo ba alam? Di mo talaga alam kung anong school ‘to?!” Napa-pout ako. “Hindi.” “Anak ng putcha! Napaka-inosente mo para pumasok dito!” Umikot pa niya ang ballpen sa daliri niya bago bumuntong hininga. “Ang school na ito ay paaralan ng—” Tok tok tok. Biglang may kumatok. Napa-frozen kami pareho. What?! Ano kaya ‘yun?! Si JK na ba ‘yan?! Napatingin ako sa wall clock — Oh my God. Nanlaki ang mata ko. “Waahhh!!! Mag-a-alas otso na!!!” Patay ako kay JK! Paano ‘to?! May limang minuto pa! Pupunta ba ako?! Lalaban ba ako?! O magpapa-impiyerno na lang ako?! Waaahhh! “Sino yan?” tanong ng ka-boardmate ko, nakatingin siya sa pintong kumatok. Hala! Baka si JK na talaga ‘yun?! Wag naman sana… Please, please, please Lord! Kung siya man ‘yun, sasama ba ako? Ibibigay ko ba ‘yung virginity ko o hahayaan ko na lang niyang gawing impyerno ang buhay ko?! Waaahhh! Ang hirap pumili! Sana tapos na kontrata ko rito para makaalis na ako agad sa school na punong-puno ng maniacs! Hinintay ko na lang kung sino ang magsasalita sa labas — pero deadma, walang bumubulong, walang sumasagot. Lalo tuloy bumilis ang kabog ng dibdib ko. “Hayst! Bubuksan ko na nga lang!” Padabog na bumangon ang ka-boardmate ko, lakad siya papunta sa pinto. Pero bago niya maabot ‘yun, agad ko siyang pinigilan. “Wag!” sigaw ko, sabay hablot sa braso niya. Nilingon niya ako, litong-lito ang mukha. “Bakit?” “Baka kasi si—” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla na lang may magsalita sa labas. “Si Cassy ‘to! Pwede ko bang makausap si Adeline?” Magalang na boses ng babae. SALAMAT PO LORD! Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko si JK na talaga ‘yun, ready na akong magtago sa ilalim ng kama! Binuksan ng ka-boardmate ko ang pinto. Bumungad doon ang isang napakagandang babae — as in, ang puti, ang kinis, flawless! Nagtaka tuloy ako kung anong business niya sa akin. “Ano po kailangan n’yo… s-sakin?” Napa-utal ako. Hindi ko kasi siya kilala. At bakit alam niya pangalan ko? Stalker ba ‘to?! “Hmmm, wala. Never mind na lang. Salamat.” Sabi niya, tapos kumindat pa siya at tumalikod na parang wala lang. Nakanganga lang ako. “Hahanapin ako tapos ‘yun lang? Ano ‘yun, trip lang? Pa-epal? Tsk!” sabay irap ko. Tumayo ako para ako na mismo ang magsara ng pinto. Pagkasara ko, nagsalita bigla si ka-boardmate habang bumalik na siya sa pagsusulat niya. “Adeline, mag-iingat ka. Dahil gusto ka ng apat na hearthrob dito, asahan mo na madami kang magiging kaaway.” Makahulugang sabi niya. Nakataas kilay lang ako. “Bakit naman ako mag-iingat? Wala naman akong balak makipaglandian sa apat na famous na ‘yon. Hmp!” sabay cross arms ko pa para may effect. “Yung Cassy na ‘yun… mag-iingat ka dun dahil—” Hindi na niya natapos ang sasabihin kasi… “WAAAHHH!!!” napasigaw ako bigla. “Sobrang alas otso na! Late na ko!” Nataranta ako, halos mabangga ko pa ‘yung upuan niya. Dali-dali kong binuksan ang pinto. Bago pa ako tuluyang makalabas, lumingon pa ako sa kanya. “Sige, mamaya na ‘yung chismisan natin! Baka magalit si JK. Bye!” mabilis kong sabi, tapos KABOOM! tumakbo na ako palabas ng dorm. Kumaripas ako ng takbo. Bahala na kung anong mangyari mamaya — patay na kung patay! Naglalakad na ako papunta sa dorm ni JK. Kinakabahan na ako, pero bahala na! Nasa hallway na ako ng dorm ng mga lalaki. Ang dami pa ring nakatambay sa labas kahit gabi na — lahat sila nakatitig sakin. Ramdam ko ang mga mata nila na para bang huhubaran na nila ako sa titig pa lang. “Ang ganda niya…” bulong ng isa, sapat para marinig ko. “Di ba siya ‘yung Campus Princess ngayon?” tanong ng isa pa, nakangisi. “Siya pala ‘yung sinasabi ng iba…” “Ayy, siya ‘yung Virgin Queen ng school natin!” Naramdaman ko ang nakakalokong ngiti sa boses ng lalaking ‘yon — parang may ibang kahulugan, bastos at mapang-angkin. Napa-atras ako ng bahagya pero huli na, hinarangan na ng grupo ng mga lalaki ang daan ko. “Hi, Miss Virgin Queen…” salubong ng lalaking mukhang lider nila. Siya pala ‘yung demonyong boses kanina. “Saan punta mo?” singit ng isa pa, sabay lapit. “Ah? Eh? Diyan lang…” nanginginig ang boses ko habang pilit kong pinipilit ngumiti para di halatang natatakot ako. “Delikado diyan para sa isang tulad mo…” bulong ng lider, tapos bigla niya akong hinakbayan. Ramdam ko ang bigat ng kamay niya sa balikat ko — malamig, nakakakilabot. Padabog kong inalis ang braso niya. “Ano ba?!” singhal ko. Naiinis na ko. Puro manyak ba estudyante dito? Anong klaseng skwelahan ‘to?! “Pwede ko bang malasap ang isang kagaya mong Virgin?” boses niyang mababa, may kasamang halakhak na parang demonyo. Napatingin ako sa paligid — lahat sila nakangisi. Yung iba, nagkakagat-labi, at ‘yung isa nakahawak na sa harap ng pantalon niya. Diyos ko! Ano ‘tong pinasok kong gulo?! “Bastos!” sigaw ko sabay lakad palayo. Pero di pa ako nakakalayo nang maramdaman kong may humawak sa baywang ko — ang lider na ‘yun na naman. “Bitiwan mo ko!” galit na pumiglas ako pero wala akong laban sa higpit ng hawak niya. Nagkatinginan pa silang lahat, nagtatawanan na parang siraulo. Naiinis na ko — Bahala na! Humarap ako at marahas ko siyang sinampal. Pak! Tumama sa labi niya at bahagyang nagdugo. Akala ko matatauhan siya — pero lalo lang sumama ang ngisi niya. Nilasahan pa niya ang sariling dugo bago dinilaan ang gilid ng labi niya. Tangina, mas na-turn on pa ata siya! “A-ano ba!” napaatras ako pero bigla kong naramdaman na may tumayo sa likod ko. Napasandig ako sa matigas na katawan nito, sabay iwas ko ulit pero wala na kong matakasan. Pinalibutan na nila ako. Nilapit ng lider ang kamay niya — aabutin na sana ang dibdib ko nang biglang… “HOY! BITIWAN NIYO SIYA!” Bumagsak ang boses na ‘yon — malalim, malamig, pero punong-puno ng utos. Para bang may dumagundong na kulog. Napatingin ako — tumigil lahat ng manyak sa paligid ko. Napaatras sila, parang binuhusan ng malamig na tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD