ADELINE REVALDEZ POV:) Sasapakin na yata ako ng leader nila. Napapikit na lang ako, hinihintay ang marahas na dampi ng kamao sa mukha ko. Ang tagal. Bakit parang... wala pa rin? Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata, at halos mawalan ako ng hininga sa nakita ko. Hawak ni JK ang kamay ng babae. Mariin. Mapanakit. Halos mapisa ang pulso nito sa higpit ng pagkakakapit. Pero mas nakakatakot kaysa sa pagkakahawak niya ay ang tingin niya. Seryoso. Matalim. Nakakabutas ng kaluluwa. "J-JK..." pautal na sabi ng babaeng muntik na akong saktan. “Don’t touch my girl.” Malamig pero puno ng apoy ang boses ni JK. “Ako lang ang may karapatang humawak sa kanya.” Parang nag-pause ang buong canteen. Wala akong marinig kundi ang pagkalabog ng puso ko. Lahat ng mata, nakatingin sa amin. Lahat ng hininga

