ADELINE REVALDEZ POV:) Wala na talaga. Wala na akong mukhang ihaharap sa tatlo. At lahat ‘to? Kasalanan ni JK! Ugh! Nakakabwisit! Bakit ba kasi sa dinami-dami ng araw, ngayon pa talaga ‘to nangyari? Ayoko na. Gusto ko na lang umuwi. Please lang, Lord. Huhuhu. Pagkakita ko ng panty ko sa kamay ni Wilder, halos mamilipit ako sa hiya. Agad ko itong hinablot at itinago sa likod ko. Ramdam ko ang apoy sa pisngi ko—literal na parang nagliliyab ang mukha ko sa kahihiyan. "Akin na yan!" sigaw ko habang hinahablot ang kahihiyan kong dapat ay hindi man lang nakita ng kahit sinong lalaki. Pero heto sila, tatlong pares ng matang parang maluluha—nakatingin sa akin na para bang... nagtataksil ako. At si JK? Aba, nakangisi pa! Para bang proud na proud sa pagsisinungaling niya. Grabe siya. Para siyan

