KABANATA 6

1274 Words
THIRD PERSON POV Napabuntung-hininga na lang si Raul. Pinulot ang pantalon na nasa ibabaw ng duffel bag at isinuot. Sunod na isinuot ang T-shirt. Pinulot ang duffel bag at isinukbit sa balikat. Bumaba si Don Emilio ng papalabas na van. Kasama nito sa van ang mga anak na sina Adriana at Lavinia, pati ang kasintahan ni Lavinia na si Justin. Kasama rin ang security guard na si Jacob na pansamantalang driver nila. Lumapit si Don Emilio kay Raul. Raul: Magandang umaga ho, Don Emilio. Emilio: Magandang umaga. Ano ang nangyari, Raul? Napakamot ng ulo si Raul. Tumingala sa langit at malakas na napabuga ng hangin. Muling humarap kay Don Emilio. Raul: Maniwala kayo o sa hindi, mahabang istorya ho, Don Emilio. Kung pwede sana, baka ho sabihin ko na lang mamaya sa orientation niyo sa 'kin. Medyo nakakahiya ho, eh. Nakapamulsa na si Raul at nagmamakaawa ang tingin kay Don Emilio. Magaling talagang aktor itong si Raul. Emilio: O siya. Tulad ng sinabi ko sa 'yo kahapon, hindi ka muna magtatrabaho ngayon. Pagbalik ko ay io-orient kita sa mga bagay na rapat mong malaman sa pasikot-sikot ng bahay ko. Bilang isang driver, kailangan mong malaman ang mga bagay na rapat at hindi rapat sa aking pamamahay. Maging sa labas ng aking mansyon. Maliwanag? Tumango si Raul ng dahan-dahan. Wari ay masusing iniisip ang lahat ng sinabi ni Don Emilio. Raul: Naiintindihan ko po, Don Emilio. "Matagal pa ba 'yan, Papa?" Napalingon sa nagsalita sina Raul at Don Emilio. Bumaba pala ng van ang anak ng Don na si Adriana. Napaka-sexy nito sa suot na mahabang dress na may mahabang slit sa kaliwang gilid. Sexy at maganda talaga ito. Nagmumukha lamang mataray dahil laging nakataas ang kilay at bihirang ngumiti. Dagdagan pa ng eyeglass na lagi nitong suot. Ngunit bagay naman dito. Emilio: Sandali na lang ito, hija. Napatingin si Raul sa mahabang slit ng dress ni Adriana. Napabulong siya. Raul: Sexy... Napansin ni Adriana ang malagkit na tingin ni Raul sa hita nito. Lalong tumaas ang kilay ng dalaga. Emilio: May sinasabi ka, Raul? Biglang napalingon si Raul kay Don Emilio. Raul: Ho? Ah. Wala po. Wala po. Todo ang pag-iling ni Raul at nakapaskil ang pilit na ngiti sa mukha. Adriana: Mamaya niyo na ho kausapin ang manyak na 'yan, Papa. Baka ma-late na ho si Lavinia sa klase niya? Natawa si Don Emilio sa sinabi ni Adriana. Napalingon naman si Raul kay Adriana. Raul: Ako? Manyak? Miss, hinding-hindi kita mamanyakin. May asawa na ako. Itinaas pa ni Raul ang kaliwang kamay para ipakita ang wedding ring niya. Adriana: Wala akong pakialam. Tigilan mo ang pagtingin mo sa akin ng malagkit. Sana karmahin ka sa kamanyakan mo. Naku, Papa, baka nagkamali ka talaga sa pag-hire sa lalaking 'yan? Gwapo lang 'yan. Pero manyak. Tumalikod na si Adriana at muling sumakay ng van. Tuloy lang ang pagtawa ni Don Emilio. Emilio: Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Raul. Sobrang sungit talaga niyan. Wala pa ngang nagiging boyfriend 'yan dahil sa kasungitan niya. Natatakot ako at baka tumandang dalaga ang isa kong prinsesa. Raul: Wala ho 'yon, Don Emilio. May mga babae talagang katulad ni Ma'am Adriana. Emilio: O, siya. Magkita na lang tayo mamaya kapag bumalik na ako. Sasamahan ka ni Yaya Luna sa magiging kwarto mo. Raul: Salamat ho, Don Emilio. Tinapik ni Don Emilio sa balikat si Raul. Tumalikod na ito at sumakay muli ng van. Ilang sandali lang ay nakalayo na ang sasakyan. Sinamahan si Raul ni Yaya Luna sa servant's quarter. Kasalukuyan niyang inaayos ang mga gamit niya sa servant's quarter nang pumasok si Mang Baldo. Baldo: Ikaw marahil 'yong bagong driver, ano? Ako si Baldo. Raul: Ah, opo. Kayo po 'yong nagbukas ng gate sa akin kahapon. Raul po. Nakipagkamay si Raul kay Mang Baldo. Baldo: Mabuti naman at naaalala mo pa. Ako ang isang security guard dito. 'Yong nakita mong nag-drive ng van kanina kasama nila Don Emilio ay si Jacob. 'Yong isa pang security guard ng mansyon at kapalitan ko. Bata pa 'yon kung ikukumpara sa akin. Pero may asawa na 'yon. May asawa ka na ba? Raul: Meron na ho. Joy po ang pangalan niya. Kayo po? Baldo: Ako ay tumanda ng mag-isa. Wala na kong pamilya. Iniwan na nila kong lahat matapos akong matanggal sa pinapasukan kong trabaho rati. Naawa naman si Raul dito. Raul: Ikinalulungkot ko hong marinig, Mang Baldo. Ibig sabihin ba ay mag-isa na lang kayo sa buhay? Baldo: Oo. Hindi na ko umuuwi sa bahay namin. Wala rin naman akong uuwian. Tinuring ko ng pamilya ang mga amo ko. Mababait ang pamilyang Mondragon. Tumiim-bagang si Raul sa narinig. Hindi makapaniwalang may pupuri sa pamilyang iniisip niyang kampon ng kadiliman. Nakalipas ang halos buong maghapon ni Raul sa loob ng study room ni Don Emilio. Alam na niya ang pasikot-sikot ng bahay at ang daily routine ng bawat miyembro ng pamilya Mondragon. Alam na niya ang mga bawal sa loob at labas ng mansyon. Nakilala na rin niya ang ibang mga tauhan ng pamilya. Tumatak sa kanya si Marta rahil nagpapa-cute ito sa kanya. Walang pakialam sa wedding ring na suot niya. Ngayon ay papunta siya sa boutique ni Adriana. Si Jacob sana ang magsusundo rito rahil nangako si Don Emilio na hindi muna siya magtatrabaho sa unang araw niya sa trabaho, pero nag-volunteer siyang siya na lamang ang magsundo kay Adriana. Ito ang unang beses na masusubukan ang pagiging driver niya ng mga Mondragon. Ilang minuto lang ay nasa harap na siya ng "Adriana's Haven" boutique shop. Dahil magsasarado na ang shop ay wala ng tao sa loob. Nag-aayos na ng mga gamit si Adriana. Kahit pagod sa buong araw ay napakaganda pa rin nito. Pumasok sa loob ng shop si Raul ng walang kaabog-abog. Biglang napalingon sa entrance ng shop si Adriana na siyang nasa likod ng counter nang marinig ang wind chime. Hudyat na may nagbukas ng pinto. Nakataas ang kanang kilay nitong tinitigan ang lalaking pumasok sa loob ng shop. Adriana: At anong ginagawa mo rito? Nakangiti ng nakakaloko si Raul. Raul: Bibili ng dress? Lalong tumaas ang kilay ni Adriana sa narinig. Pero halatang nagpipigil mapangiti. Adriana: Wala akong panahong makipaglokohan sa 'yo. Raul: Ang sungit mo naman, Miss. Sige ka. Mabilis kang tatanda niyan. Blag! Tumama sakto sa mukha ni Raul ang ibinatong magazine ni Adriana. Raul: Ano bang problema mo?! Bakit nambabato ka ng libro?! Adriana: You should treat me like a boss! Don't talk to me as if we are friends. Raul: English. Wow! Akmang hahawakan ni Adriana ang vase sa tabi niya nang itaas ni Raul ang dalawang kamay. Raul: Okay! Awat na! Huwag ka nang magalit. Bilang bago niyong driver, nandito ako para sunduin ka. Gabi na, oh. Malamang pagod ka na. Bumaba ang kilay ni Adriana nang mahimigan ang concern sa boses ni Raul. Adriana: Upo ka muna sa couch. May aayusin lang ako sandali. Pumasok ng powder room si Adriana dala ang kanyang hand bag. Mga ilang minuto ay muling lumabas ito. Nakalugay na ang kaninang naka-ponytail na buhok. Namumula rin ng bahagya ang pisngi nito. Umikot sa counter at lumapit kay Raul. Adriana: Let's go? Napatayo nang dahan-dahan si Raul habang nakatingin kay Adriana. Adriana: Bilisan mo. At saka isara mo nga 'yang bibig mo. Baka mapasukan ng langaw? Nakatulala pa rin si Raul kay Adriana kahit tumalikod na ito. Nang sumara ang pinto ay saka lang siya parang nagising. Binuksan niya ang pinto ng shop, pinindot ang lock, saka siya lumabas at isinara ang pinto. Nasa loob na ng van si Adriana. Sa passenger seat pa mismo. Napailing si Raul. Raul: Focus on the plan, Raul... ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD