RAUL's POV
Amoy na amoy ko sa loob ng van ang mabangong pabango ni Adriana. Pasimple ko siyang tinitingnan paminsan-minsan. Maganda talaga siya sa malapitan. Mukhang bata pa at talaga namang sexy. Nakakasilaw ang makinis niyang legs. Nagmumukha lang talaga siyang masungit at istrikta rahil sa eyeglass na suot niya. Pero talagang maganda.
Kahit may asawa na ako ay naa-appreciate ko pa rin ang ganda ng ibang babae. 'Yon nga lang ay Mondragon ang babaeng ito, kaya hindi rapat maging magaan ang loob ko sa kanya.
Adriana: Raul.
Ang sexy ng boses niya. Babaeng-babae.
Raul: Yes, Ma'am Adriana?
Nilingon ko siya na may ngiti sa labi. Syempre amo ko siya kaya kailangang nakangiti ako sa kanya palagi. Pero siya ay wala man lang kangiti-ngiti sa labi.
Adriana: Anong pangalan ng asawa mo?
Napatingin ako sa wedding ring na suot ko. Bumalik na naman sa isip ko na hindi rapat malaman ng asawa ko ang anumang planong mayroon ako para sa pamilyang Mondragon. Ayaw ko siyang madamay dito.
Raul: Joy po, Ma'am. Bakit po?
Adriana: Wala lang naman. Naitanong ko lang. Nakita ko kasi ang wedding ring mo.
Nakatingin siya sa labas ng bintana habang kausap ako. Donyang-donya kung makipag-usap sa akin. Medyo nakakabastos. Haklitin ko kaya leeg nito paharap sa akin? Alam ko namang type ako nito. Nagpapakipot lang. Hindi. Aalaskahin ko na lang ulit. Naaalala ko pa ang sinabi ng demonyong si Emilio. NBSB itong si Adriana.
Raul: Kayo ba, Ma'am Adriana, sino ang boyfriend niyo?
Marahas siyang napalingon sa akin. Bingo!
Adriana: Kasama ba sa trabaho mo ang mang-usisa ng buhay ng mga amo mo?
Napalingon ako sa kanya sandali. Nakataas ang isang kilay niya habang tinatanong ako. Binalik ko ang aking concentration sa pagmamaneho. Nakangisi ako nang sumagot sa kanya.
Raul: Kayo naman, Ma'am, masyado kayong naiinis. Hindi niyo naman po kailangang sagutin 'yong tanong ko.
Adriana: Hindi ko gusto ang tanong mo. Kaya manahimik ka na lang diyan. Magsasalita ka lang kung kakausapin kita. Wala kang karapatang makipag-usap sa akin na parang magkaibigan tayo. Maliwanag?
Tumiim-bagang ako.
Raul: Maliwanag po, Ma'am Adriana.
Pagdating ng oras ng hapunan ay nakita kong masayang nagkakainan ang pamilya Mondragon mula sa kusina. Nasa dining room sila habang kumakain naman kami sa kusina nina Mang Baldo at Fabio. Si Jacob ay kasisimula pa lang ng shift. Sina Marta at Luna ay nakatayo sa tabi ng dining room in case may iutos ang mga miyembro ng pamilya.
Sinadya kong pumuwesto sa lugar kung saan ako makikita agad ni Cecilia. Gusto kong umpisahan agad ang plano ko at siya ang uunahin ko.
Kanina ko pa napapansin na hindi nagkikibuan ang mag-asawang Cecilia at Rigo. Nararamdaman kong may hindi sila pagkakaintindihan at dito papasok ang inyong lingkod para sirain ang pagsasama ng mag-asawa.
Habang kumakain ako ay sumusulyap-sulyap ako kay Cecilia. Sinasadya kong haluan ng lagkit ang titig ko sa kanya. Pero hindi talaga siya lumilingon sa pwesto ko. Madaldal si Lavinia. Maraming kwento at masayang nakikinig dito si Cecilia. Hindi ba niya alam na mas masarap akong titigan? Sa gwapo kong ito. Natawa ako sa aking sarili. Napailing ako na may simpleng ngiti sa labi. Umiral na naman ang kayabangan ko.
Maya-maya ay pumasok sa loob ng kusina si Marta. Mukhang kukuha ito ng tubig. Bago ito bumalik sa dining area ay lumapit ito sa akin at ipinatong ang kaliwang kamay sa aking kanang balikat.
Marta: Nauuhaw ka ba, Raul?
Nang-aakit ang tono nito at mukhang nilalandi ako. Umiral na naman ang pagkapilyo ko at tiningala ko siya. Hinawakan ko siya sa baywang at pinaglandas ang hinlalaki ko sa kanyang tagiliran. Taas-baba.
Raul: Kaya mo bang pawiin ang uhaw ko?
Malagkit ko siyang tiningnan at mukha naman siyang kinilig at napakagat pa ng labi.
Marta: Oo naman. Sabaw ko ang papawi ng uhaw mo.
Ang landi nitong Marta. Pero nakakalibog ang pagiging game niya. Inalis ko ang kamay ko sa kanyang baywang. Dahil nakatayo siya ay nakatapat sa mukha ko ang natatakpang harapan niya. Dumiretso ako ng tingin at hinipan ko ng dahan-dahan ang ibabang parte niya. Tumingala ako at nakita kong nakapikit siya at mukhang nanginginig. Napangisi ako at hinarap na muli ang pagkain.
Lavinia: Tubig!
Biglang nagising sa kanyang kalibugan si Marta at napalingon sa dining area.
Marta: Nandiyan na po, Ma'am.
Bago siya lumabas ay yumuko siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
Marta: Huwag mo nang gawin ulit 'yon. Lalamig ang sabaw.
Pakembot-kembot na bumalik ng dining area si Marta. Doon ko napansin na nakatitig na sa akin si Cecilia. Hmmm… Nakita kaya niya ang paglalandian namin ni Marta? Nainggit kaya siya?
Nilabanan ko siya ng titig. Malagkit ang tingin ko sa kanya. Gayon din siya sa akin. Ganyan nga. Maakit ka sa akin, Cecilia.
Mahimbing nang natutulog sina Fabio at Mang Baldo rito sa servant's quarter. Hindi ako makatulog kaya lumabas ako at tumambay sa labas ng quarter namin. Nagpapahangin. Nakasuot ng boxer shorts at black sando.
Maya-maya ay may napansin akong gumagalaw sa gilid ko. Napalingon ako. Nakita kong papunta rito sa quarter si Cecilia. Naka-red nighties. Ang sexy din ng isang ito. Hindi sa pagmamayabang, pero alam kong ako ang pakay niya.
Nakaisip ako ng kapilyuhan. Umikot ako sa likod ng quarter. Pupunta ako ng laundry room. Kung ako talaga ang pakay niya ay susunod siya roon.
Pagdating ko ng laundry room ay mabilis kong isinara ang pinto. Hinubad ko ang aking sando. Mababaliw si Cecilia sa ka-macho-han ko.
Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto. Hindi nga ako nagkamali. Mabilis na pumasada ang mata ni Cecilia sa katawan ko. Magmula sa malapad kong balikat, patungo sa matitipunong dibdib at naglalakihang braso, patungo sa aking abs, hanggang sa V-line na patungo sa aking alagang pinapantasya ng lahat.
Raul: Ma'am Cecilia, may kailangan ka ba?
Hinaluan ko ng kaunting pang-aakit ang aking boses. Mabilis niyang tinuon ang tingin sa aking mukha. Tumikhim siya. Isinara ang pinto. Lumapit siya palapit sa akin. Napaka-sexy ng suot niyang nighties. Sa ilalim nito ay isang maitim na maliit na saplot pang-ibaba at maliit na black bra. Sinadya kong bagalan at samahan ng lagkit ang pagkakatingin ko sa kanyang katawan.
Binasa ko ang aking ibabang labi gamit ang aking dila. Kinagat ko ang aking ibabang labi at malagkit na tumingin sa mga mata ni Cecilia. Isang malanding ngiti ang nakikita ko sa kanyang mukha.
Cecilia: Busy ka ba bukas, Raul? May humingi na ba ng serbisyo mo?
Nakakaakit ang boses niya. Halatang-halata na sa aming dalawa na inaakit namin pareho ang isa't isa.
Raul: Ikaw pa lang ang lumalapit sa akin, Ma'am Cecilia. May pupuntahan ba kayo bukas?
Cacilia: May pupuntahan kami ng asawa ko. Gusto ko sanang ipagmaneho mo kami.
Raul: Ah. Ganoon ba? Wala namang problema. Saan ba? Papuntang langit?
Sinundan ko ng mahinang tawa ang aking sinabi. Nakita ko ang init sa kanyang mga mata nang sabihin ko 'yon. Pero sandali lang at muling sumagot.
Cecilia: Kung magpapahatid ako sa 'yo sa langit, hindi ko isasama ang asawa ko.
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay malandi siyang tumitig sa akin at tumalikod. Dahan-dahang lumapit sa pinto at binuksan ito. Bago tuluyang lumabas ay lumingon siya sa akin.
Cecilia: Nine A.M. sharp, Raul.
Raul: No problem.
Nakangisi akong tumingin sa kanya at sinadya kong ipakita sa kanya ang pagtitig ko sa kanyang malalaking pang-upo.
Pagtingin kong muli sa kanyang mga mata ay kumindat siya. Isa namang mala-demonyong ngiti ang ibinalik ko sa kanya.
Hindi mahirap sirain ang isang ito.
----------
itutuloy...