RAUL's POV Mula nang mailigtas ko sa tuluyang pagkakalunod si Sandra Ysabelle ay hindi na ako nito pinagtataasan ng kilay at kung minsan pa ay para itong nakangiti sa akin. May mga pagkakataong nararamdaman kong may nakatitig sa akin at kapag nililingon ko ang taong iyon ay hindi na ako nagugulat pa sa aking nakikita. Dumadalas ang mga nakaw na pagsulyap sa akin ni Sandra Ysabelle at sa tuwing nahuhuli ko itong nakatitig sa akin ay mabilis nitong iniiwas ang mga mata nito. Ngunit ilang sandali pa ay muli ring babalik sa akin ang mga titig nito. At sa tuwing ibabalik ni Sandra Ysabelle ang mga titig nito sa akin ay naroon ako para salubungin ang mga mata nito at may mga pagkakataong tumatagal nang ilang segundo ang aming titigan. Alam kong nagkakaroon na ng interes sa akin ang magandan

