RAUL's POV Isang masamang tingin ang ipinukol ko sa aking among si Sandra Ysabelle habang pabalik-balik siyang lumalangoy mula sa isang dulo patungo sa kabilang dulo ng malaking swimming pool ng pamilya Mondragon. Katulad nang dati ay naroon ang panganay na anak ni Sandra Ysabelle na si Cecilia sa loob ng kwarto nito at ng asawa nitong si Rigo at maaaring mamayang tanghali, hapon o hindi kaya gabi na ito lumabas mula sa kwarto nito. Malakas ang pakiramdam kong isa sa mga madalas na gawin ni Cecilia sa loob ng kwarto nito ay ang paligayahin ang sarili nito. Sekswal na tao si Cecilia base na rin sa mga bagay na ginawa nito kasama ako at posibleng isa ako sa mga taong pumapasok sa isipan nito kapag pinaglalaruan ang sarili nitong hiyas. Ang ibang tauhan ng pamilya Mondragon ay abala sa k

