RAUL's POV Nakangiti akong tumango sa aking kapitbahay at kaibigang si Marcus na umuupa rin sa apartment kung saan ako nangungupahan kasama ang aking misis na si Joy. Araw ng Linggo ngayon at day off ko kaya naman umuwi ako sa aking inuupahang apartment para makasama ang aking asawa na na-miss ko rin nang ilang araw. Ang kaibigan kong si Marcus ay nakatayo sa labas ng apartment unit nito at mukhang may inaabangan. Malamang ay ang nililigawan nitong babae. Marcus: Kumusta ang pagtatrabaho bilang family driver, pareng Raul? Marami bang seksing babae sa mansyon, ha? Nakangisi akong umiling kay Marcus. Raul: Naku. Sinabi mo pa. Busog na busog ang mga mata mo kung naroon ka. Malakas na tumawa si Marcus. Marcus: Naku, pare. Ibahin mo 'to. Loyal kay Teacher Rowena 'to. Pinukpok pa ni Mar

