RAUL's POV Nakangisi ako habang paulit-ulit na pinapakinggan ang audio recording ng naganap na usapan sa pagitan namin ni Cecilia sa loob ng kusina ng mga Mondragon kahapon. Dinig na dinig sa audio recording kung paanong nagmakaawa si Cecilia sa akin na matikman ang aking laway. Maririnig din sa audio recording na iyon na sinabi ni Cecilia na ipinakain nito sa akin ang hiyas nito. Maririnig din doon na parang walang pagsisising naramdaman si Cecilia sa ginawang pagtataksil sa asawa nitong si Rigo kasama ako. Sadyang nabaliw na si Cecilia sa pagnanasa nito sa akin. Tumatawa ako sa aking isipan habang nakaupo rito sa ibabaw ng aking kama sa loob ng servant's quarter at pinapakinggan ang audio recording gamit ang aking earphone. Tiningnan ko si Jacob na mahimbing na natutulog sa ibabaw

