CHAPTER 9

1798 Words
Chapter 9: Leaving NAKAPAGTATAKANG umuuwi na ng madalas si Leandro sa condo niya. Sa tuwing pumupunta ako sa kusina ay may luto na siyang pagkain. At alam kong hinihintay niya lang na mauna akong kumain bago siya. Kung dati ay maa-appreciate ko pa ito, pero hindi, e. Masyado ko ng niloloko ang sarili ko kapag nagpumilit pa akong manatili rito ng baby ko. Tama na ang minsan na magpa-martyr ako. I want to save myself first from a world that was never meant for me. For now uunahin ko muna ang anak ko. Mas kailangan niya ang atensyon ko ngayon, e. If love isn’t meant for me right now, then I’ll choose to forget it. Nang umagang iyon ay hindi ko magawang mag-impake, dahil iyak nang iyak ang aking anak. Madalas kapag ganito siya ay sinasabayan ko siya sa pag-iyak. Ngunit ngayon ay pinili kong maging kalmado at inalo ko na lang siya. “Nandito lang si mommy, baby ko. May masakit ba sa ’yo? Kaya ka ba umiiyak ngayon?” malambing kong tanong at maingat ko siyang kinarga. Parang pinipiga ang puso ko nang makita ko ang luhaan niyang mga mata. Namumula ang maliit niyang ilong at labi. Masuyo kong hinalikan ang kaliwang mata niya. Sumandal naman siya sa dibdib ko at ang paghikbi na lang niya ang naririnig ko. Tumahan din siya kalaunan na ikinangiti ko na at nang puwede na siyang ibaba ay saka lang ako nagsimulang mag-impake ng mga gamit namin. Kaunti lang naman ang mayroon ako. Mas marami kay Astrid. Iyong mga laruan niya, dalawa pa ang crib niya. Gusto ko, aalis kami rito na walang maiiwan na bakas namin ng aking anak. Wala si Leandro, umalis siya kaninang umaga kaya magandang pagkakataon na ito. Dumating na rin ang kaibigan ko. “Pasok ka, Mark. Salamat, ha? Sana hindi ako nakakaabala sa ’yo.” Nagkibit-balikat lang siya. “Wala naman akong ginagawa, e. Hindi ako busy. Si Lee? Wala ba siya rito?” I shrugged my shoulder too. “Umalis siya kaninang umaga. Hayaan na natin siya. Gusto kong umalis dito ng hindi na niya nalalaman pa. Wala naman siyang pakialam doon, Mark. Ikasasaya pa niya kapag wala na kami rito sa condo niya. Hindi man kami pabigat sa kaniya, ngunit eyesore lang kami para sa kan’ya.” “Don’t say that, Leighton. Ang suwerte nga ng ugok na iyon sa inaanak ko. Siya lang iyong tanga. Tsk.” Natawa lang ako nang mahina. “Iiwan ba natin dito ang dalawang crib?” “Dadalhin natin. Wala tayong iiwan dito kahit maliit na pacifier ng inaanak mo, Mark.” “Oh, I like that,” sang-ayon niya at mukhang natuwa sa idea ko. Pumunta na muna ako sa kusina para i-check kung mayroon pa akong nakalimutan na kunin doon. Nakita kong wala naman. Mabilis ang mga gamit sa loob. Kaya bumalik na ako sa kuwarto namin. Inilapag ko ang card ni Lee sa bedside table. Ibinigay niya ito noon sa akin. Para kung kailangan ko ng pera ay gagamitin ko ang card niya. Subalit kahit piso ay wala akong ginalaw. Hindi nabawasan ang pera niya. Ang alam ko ay may pumapasok pa rin na pera dito. Ewan ko kung magkano na ang laman nito. Hindi ko naman kailangan ng pera niya. Iyong atensyon at pagmamahal niya ang kailangan ko noon. Binalingan ko na ang anak ko. “Alis na tayo, baby?” Inayos ko na muna ang babybag niya bago ko siya kinarga. Tulog agad ang anak ko. Kahit kanina lang ay gising siya, umiiyak pa nga. “Leighton? Wala na ba kayong naiwan?” tanong sa akin ni Mark. Tinulungan niya akong mag-impake ng mga gamit namin ni baby Astrid, para mas mabilis kami. Pinasadahan ko nang tingin ang condo na mahigit isang taon din ako nakatira dito. Ang baby ko naman ay six month old na siya ngayon. Nasa bisig ko siya at tulog na tulog siya. Sa sobrang liit niya ay pagkakamalan siyang nasa three months old pa lang. Hinaplos ko ang malambot niyang pisngi at hinalikan ko iyon pagkatapos. Bago ko nilingon si Markin. “Wala na. Tara na?” sabi ko na ikinatango niya. Nagkasya sa dalawang maleta ko ang mga gamit namin. Inayos ko na muna ang babybag ni Astrid at maging ang maliit niyang sumbrero. Dahil nakaharap siya sa aking dibdib ay halos hindi na makita pa ang maamo niyang mukha. Masakit sa dibdib ang umalis sa condo na ito, dahil kapag tuluyan na kaming lilisan sa lugar na ito ay tapos na rin ang lahat sa amin ni Leandro. Buntis pa ako noon sa baby ko nang nag-stay ako rito at ngayon, kaya ko itong talikuran kung alam kong wala ng pag-asa pa para ipaglaban ko ang pagmamahal ko sa kaniya. Nakakapagod na rin minsan. Nasa pinto na kami nang dumating si Leandro at agad nagtama ang aming mga mata. Nababasa ko roon ang gulat at pagtataka. “Where are you going?” mahinang tanong niya. Kahapon ay nagkaroon kami nang matinding away, na umabot sa puntong gusto ko nang umalis dito. Nilingon ko si Markin, wala na akong ganang makipag-usap pa kay Leandro. Dahil alam kong mag-aaway lang kami. Ubos na ubos na ang pasensiya ko sa kaniya at napapagod na rin akong makipagtalo. “Nagdesisyon si Leighton na umalis na condo mo, Leandro,” sagot sa kan’ya ni Markin. Malamig ang boses nito. Alam kong hindi nito nagustuhan ang pagtrato noon sa akin ng kaibigan namin. Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang paglalakad niya palayo. “Lee, wala ka man lang ba sasabihin sa mag-ina mo?” “Do I even need to say anything more? If she wants to leave, then she should go,” he answered. Mariin ko lang naitikom ang aking bibig. Humahapdi sa dibdib ko ang mga katagang lumalabas mula sa bibig niya. “Don’t you have any concern for your family, Lee? Are you just going to let them go? Is that really what you want?” “I’ve been expecting her to leave, Mark. It’s taken her long enough, but now that she made her decision, I think we should just let her go. There’s no point in trying to persuade her to stay.” “Hindi lang si Leighton ang aalis, Lee.” “My daughter?” Parang tutulo na naman ang luha ko. Kung sabihin niya kasi iyon ay parang nang-aasar lang siya at hindi niya anak si Astrid. Kung sabagay nga naman, kailan pa ba siya naniwala sa akin? Simula nang maghiwalay kami noon ay nawala na ang trust niya. “Hindi ako magtatagal dito ng walang dahilan, Leandro. Hindi ko gagamitin ang anak ko para lang makuha ulit ang loob mo. Kilala mo ako, pero nasa iyo na kung sino ang paniniwalaan mo. Oo, nagawa kitang saktan noon, ngunit matagal ko nang pinagsisihan iyon. Kung masyado na kaming masakit sa mga mata mo ay ako na ang kusang aalis. Huwag kang mag-alala. Ito na ang huling beses na ipapakita ko sa ’yo si baby Astrid. Ito na ang huli,” mahabang saad ko na muntik nang pumiyok ang aking boses. Nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha ko. Naramdaman ko na lang ang presensiya ni Markin at hinahagod niya ang likuran ko. “I hope you won’t regret your decision to let your family go. Trust me, Lee. You’ll wake up one day filled with regret.” Pagkatapos sabihin iyon ni Markin ay iginiya na niya kami palabas. Humihikbi pa rin ako kahit pinipigilan ko ang pag-iyak. “M-Magiging okay kami ni baby Astrid,” pag-aalo ko sa aking sarili at pinagmamasdan ko lang ang maamong mukha ng aking anak. “Leighton,” he uttered my name. “Nandiyan ka naman, Markin. Puwede kang maging daddy ng anak ko, kahit may little Markiana ka na,” sabi ko. Hindi ko siya nakikitaan ng pagkaawa sa mga mata niya. Nangingibaw lang ang galit. “Pero naisip kong dalhin sa States si baby. Gusto kong ipagamot siya roon.” “Hahayaan ka ba ng mommy mo na umalis?” nag-aalalang tanong niya. Marahan akong tumango. “Basta susunod ako sa mga inuutos niya.” “Parang masama ang kutob ko rito. Puwede naman kayong manatili rito, Leighton. Ninong naman ako ni Astrid, puwede ko siyang ipagamot.” “Huwag na. Nakakahiya kay Rea. Pero salamat na rin,” aniko. Hinawakan niya lang ang ibabaw ng ulo ni Astrid. “Magiging magkasundo ito ng Markiana ko. Kaya ingatan mo rin ang sarili mo para may lakas kang alagaan ang inaanak ko,” nakangiting sambit niya at napatango na lang ako. “Siyempre naman. Kung magaling na ang anak ko, Mark. Kailangan niya ng medical attention. So, kahit sa State ay dadalhin ko siya roon. Hindi kami uuwi rito ng hindi pa siya magaling.” “Yes, gawin mo ’yan, Leighton. Ngayon pa lang ay ipagdadasal ko na ang inaanak ko,” sabi niya. Mahal niya talaga si baby Astrid, kahit may baby na rin siya. “Ihahatid ba kita ng diretso sa bahay ng mga magulang mo?” “Oo.” “What about your mom?” “Nakahanda naman akong harapin siya. Huwag ka ng mag-alala pa. Basta ang importante ngayon ay nakaalis na kami sa poder ni Lee. Magiging okay kami ni Astrid. Basta ba magiging masunurin ang mommy niya sa lola niya.” “Ewan ko sa ’yo, Leighton. Parang natuwa ka pa sa ideyang magiging masunurin ka sa mama mo. Though iyon naman ang dapat. Pero ayoko lang iyong kinokontrol ka niya,” sambit niya na sinabayan pa nang pag-iling. “Hayaan mo na nga.” Pagdating namin sa parking space ay pinagbuksan pa niya kami ng pinto ng sasakyan niya. Sumakay na rin agad ako at bago kami umalis ay sinulyapan ko pa ang condominium. Hinawakan ko ang kamay ng anak ko. “Bye, daddy. Ingat ka po palagi. Sana mahanap mo sa puso mo ang kapatawaran sa mommy ko. Mahal ka po niya, pero sa ngayon. Gusto raw po ni mommy na ako muna ang love niya. Sana po ay maging masaya ka.” “Cut it out, Leighton. Ang corny mo,” suway sa akin ng matalik kong kaibigan. Sinabi ko nga kasi iyon, niliitan ko pa ang boses ko. Natawa lang ako at nag-iwas na ako ng tingin. “Tara na.” Tumango lang siya at pinaandar na niya ang sasakyan namin. Napansin ko pa na napatingin siya sa side mirror ng kotse niya. Salubong ang kilay niya, mayamaya ay tumaas ang sulok ng mga labi niya. “Hoy. Ano’ng iniisip mo?” Napapitlag pa siya nang kinalabit ko siya sa balikat. Mabilis siyang umiling at natawa kalaunan. Napailing na lang din ako sa kaniya. Ewan ko sa engineer na ito. Bigla-bigla na lang nagkakaganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD