BIANCA
Hindi ko na alam ang gagawin ko para pigilan siya sa gusto niyang gawin. Nalilito na ako. Nasasaktan ako sa gusto niyang mangyari sa sarili niya. Alam kong kapag sinabi niyang buo na ang desisyon niya, hindi na talaga siya magpapapigil. Bakit ba ang tigas ng ulo mo Zayl?!
Si Zayl lagi ang naiisip ko kahit nasa trabaho ako. Nagtataka na nga rin ang mga tao sa bahay kung may problema ba daw ako. Sinasabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko.
Dalawang araw na akong hindi tine-text o tinatawagan ni Zayl. Pupunta ako sa apartment, baka kung ano ng nangyari sa kanya. Hindi ko siya kayang tiisin lalo na sa kalagayan niyang 'yun.
"Kung nagpunta ka dito para pigilan ako, sorry Bianca hindi na talaga mababago ang desisyon ko," sabi niya pagpasok ko.
Nanonood siya ng tv. Grabe ka Zayl! Napakatigas mo! Nababaliw na ba ang kaibigan ko? Desidido na nga talaga siya. Hindi ko naman siya masisi sa kabila ng mga sinapit niya. Nakakalungkot kung iisipin na sunud-sunod ang mapapait na pangyayari sa buhay niya kaya pinipilit ko na lang siyang intindihin.
"Pumapayag na ako," sabi ko. Parang ako yata ang nababaliw dahil sa pagkunsinti sa kanya, "pero gusto kong bigyan mo ako ng ilang araw para makahanap."
Masakit man sa akin, wala na akong choice, ayokong bigyan pa siya ng sama ng loob. Matatanggihan mo ba ang taong mamamatay na? Ang hirap ding lumagay sa kalagayan ko, kalaban ko palagi ang aking konsensiya. May mga desisyon si Zayl na gusto kong ituwid pero ayaw niya talagang papigil kaya ano pa nga bang magagawa ko kung hindi ang suportahan siya kasi hindi ko siya kayang pabayaan.
Hay, ano ba 'tong pinasok ko? Alam ko talagang gagawin niya 'yun kahit hindi ko siya tulungan eh. Kaya heto ako ngayon, walang magawa kung hindi kunsintihin siya sa gusto niyang mangyari.
"Salamat, Bianca," sabi niya at niyakap na niya ako.
Pag-uwi ko, nagkulong muna ako sa kuwarto. Binuksan ko 'yung laptop ko. Saan ba ako maghahanap? Hay, isip-isip. Nag-online muna ako.
Wait, totoo ba 'to? Si Jack babalik na ng Pilipinas bukas? Nag-post sa social media 'yung barkada niya tungkol sa pag-uwi ni Jack at ni-like naman ng Jack. So, totoo nga.
Paano kung kay Jack na lang? Ang alam ko bilyonaryo daw ang pamilya nun, atleast lagay ang loob ko. Pero ayaw ni Zayl na magkakilala sila nung tao tapos kay Jack pa. Kaysa naman sa hindi kakilala 'di ba? Basta kakausapin ko si Jack. Hays, nahawa na ata ako sa kabaliwan ng kaibigan ko.
Litung-lito na ako, ayokong ipagkatiwala si Zayl sa ibang tao. Alam kong ayaw ni Zayl dahil mag-ex sweethearts sila ni Jack plus hindi pa naging maganda ang paghihiwalay nila noon. Pero may tiwala ako kay Jack Santaniel kaysa sa iba.
Nag-message ako kay Jack.
Hi, Jack! Kilala mo pa ba ako? May gusto lang kasi akong sabihin sa'yong importante. Sana tawagan mo ako sa numerong ito pagbalik mo dito ng Pilipinas. 09777777777.
Kinabukasan, nag-absent muna ako sa trabaho. Umaga pa lang nag-online na ako, baka kasi mag-reply si Jack. Excited lang? Binigay ko na nga ang contact number ko eh. Hehe, basta hindi ako mapakali. Alas kuwatro na ng hapon wala pa ring reply. Maya-maya ay nag-ring ang cellphone ko.
"Hello?" sabi ko sa kabilang linya.
"Si Jack 'to," sabi sa kabilang linya.
Kinakabahan ako grabe.
"Salamat at tumawag ka Jack. Ah, eh puwede ka bang makausap? Puwedeng magkita tayo ngayon?" sabi ko.
"Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?" sabi sa kabilang linya.
"Basta, importante. Please, pero kung busy ka ngayon, okay lang kahit bukas na lang," sabi ko.
"Ngayon na lang, saan ba?" tanong niya.
Tinanong ko kung nasaan siya ngayon atsaka ko sinabing sa isang restaurant na malapit sa lugar naming dalawa kami magkita.
Ang laki ng pinagbago niya. Mas guwapo siya ngayon. Pasensiya hindi ko mapigilan eh. Kinikilig ako para kay Zayl.
"So, what do you wanna tell?"
tanong niya nang mapansing hindi pa ako nagsasalita. Kinakabahan kasi ako. Paano ko ba sasabihin sa kanya?
"May kaibigan kasi ako," sabi ko bilang pagsisimula. "Kailangan niya ng tulong. She wants to sell h-her virginity. Alam kong ang weird, pinigilan ko na siya pero wala akong magawa eh," sabi ko.
Tama ba itong sinasabi ko? Hay, kaya ko 'to. Patawarin mo ako Zayl kung kay Jack ako lumapit. Hindi ko talaga kayang ipagkatiwala ka sa iba.
"W-what? So, ano'ng maitutulong ko?" tanong niya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"P-puwede bang ikaw na lang?" Naiiyak na ako dahil na rin sa kahihiyan. Napansin yata ako at parang naawa sa akin pero agad din niyang binawi ang awa atsaka nagsalita.
"Ako? You're asking me to buy her what? Her virginity? Sorry ha, pero nagpapatawa ka ba? Hindi ko kailangang bumayad ng isang babae para lang ibigay ang pangangailangan ko bilang isang lalaki. Meron ba talagang ganyang klase ng babae? Selling her virginity? Tss," sabi niya na hindi pa rin makapaniwala.
I know, I know! Kahit ako nababaliwan sa kaibigan ko! Paano kaya kapag nalaman niya kung sino ang kaibigan na tinutukoy ko? Kung alam mo lang. Kung alam mo lang!
"Alam ko 'yun Jack. Pero ikaw lang talaga ang alam kong makakatulong sa kanya."
Hindi ko na nasagot 'yung tanong niyang kung may ganung klaseng babae. Oo meron, ang kaibigan kong si Zayl! Sa totoong buhay may mga ganun naman klaseng babae, para kumita ng pera eh handang ibigay ang sarili pero kakaiba 'tong kaibigan ko, nababaliw na yata, mamamatay na at lahat eh, pero ako naman si g*ga, para sa kaibigang mamamatay na, sige larga!
"Ako? I can give money pero she doesn't need to give me that thing. Hindi ako ganung klase ng lalaki. May I ask if sino 'yang kaibigan mo?"
Patawarin mo ako Zayl, napasubo na ako dito. Hindi ko naman sasabihin 'yung tungkol sa sakit mo.
"Si Zayl, si Zayl Rodriguez. Hindi niya alam na lumapit ako sa'yo. Ayoko siyang ipagkatiwala sa iba. Please, Jack tulungan mo siya," pakiusap ko.
Hindi ko na mapigilang mapaluha. Alam kong nagulat siya sa mga sinabi ko. Hindi siya makapagsalita.
"Tawagan mo na lang ulit ako," sabi ko at tumayo na ako at umalis na.
Hindi na siya nakapagsalita nung sinabi ko kung sino. Iniwan ko siyang nakatulala. Sana tumawag ulit siya.