NILAKAD lang ni Xena hanggang sa makalabas siya ng subdivision nila at habang naglalakad siya ay wala rin tigil sa pagpatak ang luha niya. Hindi niya alam kung paano man lang mababawasan ‘yong sakit na nararamdaman niya. Masakit na niloko siya ni Axel pero mas doble ‘yong sakit na nararamdaman niya dahil sa panloloko ring ginawa sa kaniya ni Maliyah. ‘Yon ang hindi talaga niya matanggap, of all people bakit si Maliyah pa. Nang makalabas siya ng subdivision nila ay naupo muna siya sa bus stop na naroon, lutang na lutang pa rin ang utak niya at pagod na pagod na rin ang katawan niya dahil wala pa siyang pahinga mula sa biyahe niya galing Korea. Hinubad niya ang engagement ring na ibinigay sa kaniya ni Axel at hindi siya nagdalawang isip na itapon iyon sa kalsada. Habang gumugulong iyon ay

