Prologue
“Anak, bumaba ka na nga d‘yan. It's already seven o‘clock in the evening. Nagsisimula na ang birthday ng pinsan mo!” tawag ng kanyang ama kay Riz. Pero ni hindi man lang gumalaw si Riz sa kanyang kinauupuan.
Tinitigan nito ang kanyang sarili. She doesn't belong in that party. Her dress is not pretty, para itong pupunta ng mesa sa kanyang kasuotan. Mahabang manggas at hanggang sa ankle niya ang haba ng suot niyang dress. Sino ang gugustuhing makita siya? Wala.
Bumukas ang kanyang silid. Hindi man lamang lumingon si Riz kung sino ang pumasok, alam niyang ang kanyang ina iyon. Marami ang nagsabi na maganda siya, matalino. Pero hindi niya iyon ramdam.
Halos araw-araw ay nakakaranas siya ng pambu-bully sa eskwelahan na pinapasukan niya. Ayaw niya lang na mag-alala ang kanyang mga magulang kaya hindi ito nagsusumbong.
“Anak, ano bang problema mo?” tanong ng kanyang ina sa kanya. Bigla na lang ay umiyak si Riz at niyakap ang ina.
“Ma, look at me. Hindi ako nababagay sa mga taong nandoon sa party na iyon.” Umiiyak niyang pahayag.
“Riz, anak makinig ka. Hindi mo dapat iniisip ang sasabihin ng iba. Dapat ang sarili mo ang isipin mo. So, ano ngayon kung manang ang suot mong damit? Sila ba ang bumili? Lahat ng tao ay mapanghusga, kahit may ginawa ka pang maganda ay balewala iyon sa kanila. Ang tao ay mapang-kutya, nasa iyo na iyon kung pakikinggan mo sila o hindi.” Malumanay na paliwanag ng kanyang ina sa kanya. Malalim na bumuntonghininga si Riz.
“Ayaw ko lang po kasing mapahiya kayo eh.” Mahinang sabi ni Riz.
“Anak, huwag kang mahiya, at lalong huwag kami ang isipin mo. Kahit ano ka pa o sino ka pa, ay tanggap ka namin dahil anak ka namin. Siguro nga manang kang manamit, pero mabait kang bata, matalino at mapagmahal. Aanhin ba namin ang ganda ng kasuotan mo kung suwail kang bata?” nakangiti na pahayag ng ina ni Riz dito.
“Salamat po, Mom. Mabuti na lang at katulad kayo ni Emilia ng pananaw. Kung nandito sana siya ngayon ay hindi ko na kailangan pang magtago rito sa aking silid dahil tiyak na sasamahan niya ako sa party ng pinsan ko.” Sabi ni Riz sa kanyang ina. Emilia is her best friend. Ito ang unang lumapit sa kanya noong nasa S&B Top University pa sila nag-aaral.
Ginawa nito ang lahat para magbago ako ng fashion style. Yeah, I'm a nerd now, pero hindi na iyong mga old-fashioned na damit ang sinusuot ko. Ang sabi nga ni Emilia is modern nerd daw ako.
“Why don't you call her? Para siya na ang mag-ayos sa ‘yo. Sorry anak ah, akala kasi namin babagay ang ganyang mga dress sa ‘yo eh.” Paghingi ng despensa ng kanyang ina.
“Okay lang po. Wait, I will call Emilia.” Sabi ni Riz at mabilis na tinawagan ang kanyang kaibigan.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay nasa harapan na ni Riz si Emilia.
“Here, ito ang isusuot mo. Hindi mukhang pang manang, may fashion style, pero as you requested, it's always conservative type.” Paliwanag ni Emilia sa damit na binili nito para sa kaibigan.
“Thank you so much, Emilia.” Nakangiti na pasasalamat ni Riz sa kaibigan.
“This is the least I could do for you. Hindi na kita masasamahan pa sa party ng pinsan mo.” Sabi ni Emilia.
Mabilis lang ang pag-aayos niya kay Riz. Nang tingnan ni Riz ang sarili sa salamin ay napangiti ito. Her looks are amazingly perfect. Niyakap kaagad nito ang kaibigan.
“Thank you so much! You're my best friend forever!” masayang pahayag ni Riz kay Emilia.
Inayos niya ang kanyang salamin dahil medyo bumaba iyon.
“Enjoy the evening, okay?” bilin ng kanyang ama kay Riz.
“Yes, Dad. Thank you!” pasasalamat ng dalaga sa kanyang ama.
Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid. Maingay na at ang lahat ay mukhang nagkakasiyahan. Humugot ito ng malalim na hininga bago humakbang papasok sa loob. Hawak-hawak nito ang regalo para sa pinsan.
“Riza!” malakas na tawag sa kanya ng kanyang pinsan.
Tumakbo si Riz papunta sa kinatatayuan ng kanyang pinsan nang matapilok ito.
“Ahh!” malakas na tili ni Riz. Akala niya ay tuluyan na siyang matutumba nang may humawak sa braso niya at inalalayan ito.
“Be careful.” Anang baritonong boses sa likuran ng dalaga.
Nang lingunin niya ito para magpasalamat ay nakatalikod na ang binata.
“Thank you!” malakas na sigaw ni Riz sa binata. Ngunit imbes na lumingon ay nagpatuloy lang ito sa paglalakad.
Mahaba ang gabi ng kasiyahan. Dahil naging busy na rin ang pinsan ni Riz sa pag-aasikaso sa mga bisita ay naiwan ang dalaga sa pabilog na mesa.
Panay na lang ang inom ni Riz sa kopita nito. Medyo nahihilo na rin ang dalaga dahil sa alak na nainom.
“N-ashaan ang shi-ar dhito?” tanong ng dalaga sa hangin. Wala sa sariling tumayo ito kahit na nga ba nahihilo pa siya.
Nakarating siya sa isang silid na madilim. Naglakad si Riz papasok at isinara ang pinto. Wala siyang maaninag na liwanag, mabuti na lang ay nakapa niya ang lampshade. Mabilis na pumasok si Riz sa banyo at doon ay nagbawas.
Paglabas niya ay antok na antok na ang dalaga. Wala sa sariling nahiga ito sa kama. Para kasing nag-aanyaya ang kama para mahiga siya.
Nakarinig ng pag-ungol si Riz, pero dahil sa sobrang antok ay hindi niya na pinansin pa.
Nakatulog na si Riz nang maramdamang parang may mga kamay na naglakbay sa kanyang katawan. Akala niya panaginip lang ang lahat.
Sa panaginip niyang iyon ay isinuko niya ang kanyang pinakaiingatang p********e.
Kinabukasan ay nagising si Riz na masakit ang kanyang buong katawan at p********e. Binundol ng kaba si Riz. Akala niya ay panaginip lang ang lahat. Mabilis na nagbihis si Riz kahit masakit pa ang p********e niya.
Napatitig ito sa likuran ng binata na mahimbing na natutulog. Halos maiyak siya dahil sa nangyari. Sising-sisi siya sa sarili kung bakit hinayaan niya ang sariling malasing.
Tiningnan niya ang likuran ng binata. May malaking tattoo ng samurai sa kanyang likuran. Nagulat pa si Riz nang gumalaw ang binata kaya naman mabilis na tumakbo ang dalaga palabas ng silid.
Hindi alam ni Riz kung paano siyang nakauwi ng bahay nila. Basta ang alam niya ay wala na sa kanya ang kanyang pagkakababae. Napaiyak na lang si Riz sa nangyari sa kanya sa kaarawan ng kanyang pinsan. At hindi nawala sa isipan niya ang samurai na tattoo ng binatang nakatalik niya ng nagdaang gabi.