Chapter One

1778 Words
RIZ POV “Ma’am Riz, nandito na po ang report ng sales natin for last two months,” wika ng sekretarya ko. “Ganoon ba? Pakilagay na lang muna d'yan. I need to review this contract with H & T fashion galore,” sabi ko rito. “Sige po, ma'am. Anyways po, it's been two years nang maging business partner natin si Mr. William, pero hindi pa rin ito nagpapakita sa mga board of directors,” imporma ulit ni Dixie. Marahas akong napabutonghininga. “I don't know kung kailan siya magpapakita sa atin. I can't contact Thunder. Kainis! Binigyan pa ako ng business partner na sakit sa ulo!” Naiinis kong reklamo. “Baka po magpunta si Sir Thunder dito, baka p’wede niyong kausapin. Pero, in fairness Ma'am Riz, simula nang maging ka-business partner natin ’yang si Mr. William, lumaki ang kita natin,” wika ulit nito. Dixie is right. Simula nang maging business partner ng E & Z designer bag si Mr. William ay bigla na lang naging dagsa ang customers namin. Hindi lang iyon, may mga investors na rin na nakipag-deal sa amin. “Yeah, but, I want to see him in person. Baka matanda na ’yang si Mr. William kaya ang representative nito ang parating nagpapakita,” bahagya akong natawa sa pagkakabanggit ko ng matanda kay Mr. William. “Baka nga po, pero ’yong pangalan niya Ma'am Riz, ang hot!” Kinikilig na wika ni Dexie. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. “Anong hot pinagsasabi mo? Wala namang ka-hot-hot sa pangalan niya,” sabi ko. “Si Ma'am Riz naman! Ang hot ng pangalang Hugo, papa-hugot at baon ako sa kanya!” Malakas na natawa si Dexie sa biro nito. Napailing naman ako, pero nang ma-realize ang ibig sabihin ng sekretarya ko ay bigla akong pinamulahan ng mukha. “Dixie! Get out!” Malakas ang boses kong taboy rito. Nakakaeskandalo ang sinabi nito. Tinawanan lang ako ng dalaga at mabilis na lumabas ng office ko. Dahil sa sinabi nito ay nako-curious tuloy ako sa hitsura ni Mr. William. Pero pinapanalangin ko sa Diyos na sana matanda na nga ito. Napailing na lang ako. Muli kong binalikan ang ginagawa ko. Inayos ko ang aking salamin at binasang muli ang proposal ng H & T fashion galore. * Lunch time na, ang dami ko pang dapat na pirmahan. Binuksan ko ang drawer ko at inilabas ang isang photo album. Binuklat ko iyon at tiningnan ko ang nasa mga litrato. Napangiti ako. I missed my best friend so much. It's been two years already since I last saw her. Sabi naman ni Thunder ay ayos lang ang kaibigan ko. Binuklat kong muli ang pahina ng album. Lumapad ang ngiti ko nang makita ko ang anak ko. Yeah! After that hot night with a stranger, I got pregnant. And now, I have my one year old son. And know one knows about his existence. Ako lang ang nakakaalam, kasama ang kanyang nanny. Even my parents didn't know about him. It's hurting me that I hide him. Pero wala akong magawa, I'm a coward. Malakas na tumunog ang cell phone ko. Ibinalik ko ang photo album sa drawer. Kinuha ko ang cell phone at sinagot. “Yes?” sagot ko sa kabilang linya. “Riz, it's me, Thunder,” sagot ng kausap ko. Tumaas ang kilay ko nang magpakilala ang binata. “Himala at tumawag ka,” sarkastiko kong wika. Mahina itong natawa. “I'm just busy kaya hindi ako nakakatawag. Anyways, babalik na ang kaibigan ko mula sa ibang bansa and I want you to meet him.” Imporma nito. Mas lalo lang na tumaas ang aking kilay. Medyo sumakit ang ulo ko sa sinabi ni Thunder. “At anong pakialam ko sa kaibigan mo?” tanong ko. “May pakialam ka kasi siya ang business partner mo. Hugo Theodore William. Remember him now?” “Ah, ang kaibigan mong puro representative lang ang nagpapakita. Bakit? Maayos na ba ang lagay niya? Nakakalakad na ba siya? O baka may taning na ang buhay niya kaya magpapakita na siya,” dahil sa inis ko ay kung ano-ano ang lumalabas sa bibig ko. “What are you saying? Maayos naman ang lagay ni Hugo, he's not sick either,” naguguluhang wika ni Thunder. “Whatever! So, anong tungkol sa kanya?” may iritasyon pa rin sa boses ko. “He needs your help with E & Z designer bag company. Gusto kasi niyang malaman ang kalakaran at proseso ng kompanya. He will be hands on from now on,” imporma ni Thunder. “It's okay with me. Mabuti na lang at ng may maitulong naman siya, personally.” “Ang laki ng tulong niya sa E & Z. He has a wide connection. Kung hindi mo naitatanong, he's good in business.” “At sa tingin mo wala akong ginagawa para mapalago itong kompanya ng kaibigan ko? Dahil pala sa wide connections niya kaya lumago ang E & Z? Nakakahiya naman sa kanya!” Halos masinghalan ko na si Thunder sa inis dito. Malakas na tumawa si Thunder sa kabilang linya na mas lalong ikinainis ko. “Wow! I can't believe na ang isang inosenteng nerd na kagaya mo ay may itinatago palang katapangan. I'm sure na magkakasundo kayo ni Hugo, just don't fall for him,” may warning sa huli nitong sinabi. “Fall for him my ass! Eh, baka nga uugod-ugod na ’yang kaibigan mo!” Mas lalong lumakas ang tawa ni Thunder. “Makakarating sa kanya ang sinabi mo. Well, good luck to the both of you.” “Tsk! Sige na, I have a lot things to do. Hindi pa ako nakapag-lunch.” “And one more thing, he will arrive tomorrow. Pero, baka sa susunod na araw na siya makakapunta d’yan. So, prepare yourself. Be beautiful.” May panunukso sa boses ni Thunder. “At bakit naman ako magpapaganda para sa kanya?” “Just wait and see. Bye!” Palaam ni Thunder sabay putol ng tawag. Inirapan ko na lang ang cell phone ko. * Sa isang fast food chain lang ako nag-lunch. Malapit lang din sa office ko. Sakop namin ang apat na palapag ng building kung saan nakalagay ang E & Z. Sa totoo lang, wala naman talaga akong hilig sa fashion. But, because it's for my best friend Emilia, ay pumayag akong i-manage iyon. She helped me a lot when we were in college. Kaya naman ayaw ko siyang biguin nang makiusap ito sa akin na pamahalaan muna ang kanyang naiwang negosyo. This is her dream. Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa office ko. Pagkatapos kong ma-review ang H & T fashion galore ay inilagay ko na sa folder ang proposal nila. I must say that, their proposals are good. And I'm thinking of considering their partnership. Pero, hihintayin ko muna si Mr. William para pag-usapan ang tungkol sa H & T. Dahil magpapakita na rin ito sa wakas sa kompanya, ay mas mabuting may mapag-usapan kami. Tiningnan ko ang aking relos. It's three thirty in the afternoon. Kinuha ko ang aking cell phone at tinawagan ang nanny ng aking anak, si Manang Ruby. “Manang, kumusta po si Theo?” tanong ko kaagad sa nanny ng aking anak. “Mabuti naman. Natutulog pa, napagod yata kakalaro kaya ito, hanggang ngayon, tulog pa,” sagot ni Manang Ruby. “Maraming salamat po, mabuti at hindi ka nahihirapan sa kanya, medyo malikot na ang anak ko,” “Naku! Ikaw na bata ka! Simula pa lang nang ipinanganak ang batang ito ay nasa tabi niyo na akong mag-ina, kaya alam na alam ko na ang ugali nitong anak mo,” masayang wika ni Manang Ruby. I'm so thankful to her. Dahil sa kanya ay naitago ko ng maayos ang pagbubuntis ko. Mabuti na lang sa mga panahong iyon ay hindi pa ganoon ka-lago ang E & Z kaya kahit hindi ako pumasok sa opisina ay ayos lang. “Salamat pa rin po. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi niyo ako tinulungan,” “Anak, malaki rin ang naging tulong mo sa akin nang nasa ospital ang asawa ko at nang tuluyan na siyang mawala sa akin. Ibinabalik ko lang ang kabutihan mo, at isa pa, nang dahil sa ’yo ay nakapag-aral ang mga anak ko. Kaya ako nga dapat ang magpasalamat sa ’yo Hulog ka ng langit,” pahayag pa nito. Hindi na ako umimik pa, alam kong hindi magpapatalo si Manang Ruby. “Sige na po, Manang. Uuwi ako nang maaga ngayon,” imporma ko. “Mas mabuti ’yan at para makapag-luto ako ng mga paborito mo. Sige na, hija.” “Sige po.” Sumandal ako sa swivel chair ko. Nasasaktan ako para sa anak ko. He's innocent, he did nothing. Pero heto at tinatago ko siya. I want to tell my parents about him. Natatakot lang ako at baka tanungin nila kung sino ang ama ng anak ko. Dahil maging ako ay hindi kilala ang ama ni Theo. Iniwan ko lang ito sa kama ng tulog. Ni hindi ko man lang nakita ang kanyang mukha. Nang lumitaw sa balintanaw ko ang nakangiti kong anak ay napangiti na rin ako. Minsan natatanong ko sa sarili ko. Did I regret what happened that night? Minsan oo ang sagot ko, ngunit kapag naalala ko ang aking anak, ay hindi ko maramdaman na pinagsisihan ko ang mga nangyari. Nagulat ako nang muling tumunog ang cell phone ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang pangalan ng aking ina sa screen ng phone ko. Ilang beses akong napalunok. Ilang beses akong bumuga ng hangin bago nagkalakas-loob na sagutin ang tawag ng aking ina. “Mom?” sagot ko sa tawag. “Anak, Riz. We're already home. We want to see you,” sagot ni mommy sa kabilang linya. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. “Welcome home, Mom! Baka bukas ko na po kayo bibisitahin sa bahay,” sabi ko. “Hindi ba p’wedeng ngayon na?” may lungkot sa boses nito. Napahawak ako sa aking dibdib nang biglang kumirot iyon. Ang dami kong kasalanan sa kanila. Hindi ko alam kung paano silang haharapin. “I’m sorry, Mom. May importante lang akong kailangang tapusin. I promise you, bukas ay uuwi ako d’yan sa bahay,” paliwanag ko. Narinig ko ang malakas na buntonghininga ni mommy sa kabilang linya. “Okay. We will wait for you in our home,” puno ng pangungulila na wika ng kanyang ina. “Thank you, Mom.” Malakas akong napabuga ng hangin. I'm sorry, mom, dad. Isa na rin akong magulang ngayon, kaya mas mahalaga sa akin ang makasama ang anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD