Chapter Two

1655 Words
RIZ POV Pagpasok ko pa lang sa bahay ay sinalubong kaagad ako ng nakangiti kong anak. Malapad akong napangiti. Kinuha ko ito mula sa pagkakahawak ni Manang Ruby. “Hmmm. . . Ang bango-bango naman ng anak ko!” Nanggigigil ko itong hinalik-halikan. Malakas na humagikhik ang anak ko at panay ang hila nito sa aking buhok. “Na-miss mo si mommy no?” tanong ko rito. Tumawa lang ito. “Naku hija, kapag nandito ka panay ang tawa niyan, kapag kaming dalawa lang, apaka-seryoso ng mukha,” kwento ni manang sa akin. “Ewan ko sa anak ko kung saan ’to nagmana,” wala sa sarili kong wika. Tumikhim si manang kaya napatingin ako rito. “Baka sa kanyang ama. Tingnan mo nga ang mukha ng anak mo, walang nakuha sa ’yo,” naiiling na pahayag ni manang. Napatitig ako sa anak ko. Yeah, manang is right. Wala talagang namana ang anak ko sa akin. Kapag tinitingnan ko ang anak ko ay para ko na ring nakikita ang kanyang ama sa kanya. I'm sure na gwapo ang binatang nakaniig ko noon. Dahil gwapo rin ang anak ko. “Tama ka po, wala nga siyang namana sa akin. Sana kahit ugali man lang mamana ng anak ko. Ang unfair po naman kasi! Ako ang nagluwal at naghirap tapos sa tatay niya pa siya nagmana. Mabuti sana kung nakilala ko man lang ang kanyang ama. . . Eh, kaso, hindi eh. Naunahan kasi ako ng takot noon,” sabi ko. Hinaplos naman ni Manang Ruby ang buhok ko. “Anak, hindi kasalanan ang maging isang duwag, ang matakot. Tao lang tayo at nakakaramdam ng ganoon. Ang isipin mo na lang ay biyaya sa ’yo ng Diyos ang anak mo,” si manang. “Tama ka nga po. Dapat akong magpasalamat sa Kanya dahil ibinigay nito si Theo sa akin. At kahit kailan ay hindi ko pagsisisihan na dumating ang anak ko buhay ko.” “Halika na, naghain na ako at sabay na tayong kumain,” aya na nito sa akin. Mabilis naman akong sumunod kay Manang Ruby. * “Good morning, Ma'am Riz! May appointment ka pala sa H & T fashion galore representative,” agad na bungad ni Dexie sa akin pagkapasok ko pa lang sa office ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. “Bakit ngayon ko lang ’to nalaman?” tanong ko kay Dexie. “Eh, kasi ngayon ko lang din naman nalaman,” nakangiwi nitong sagot. “Paanong ngayon mo lang nalaman? Ngayon lang ba sila nagpa-appointment, ganoon ba?” medyo may inis na sa boses ko. Sige, sabihin na nating maganda ang proposal nila, pero hindi naman kaya na-sobrahan ang bilib nila sa kanilang sarili kaya kung makapag-appointment ay ura-urada? Nagkamot muna ito sa kanyang kilay at alanganin akong nginitian. “Eh, kasi tumawag sa akin si Mr. William ngayon lang. Siya ang nagbigay ng permiso para magkaroon ka ng appointment sa H & T fashion galore,” paliwanag ni Dexie sa akin. Mas lalo akong nainis dahil sa sinabi nito. Mr. William. Sino ba siya sa inaakala niya? Porke’t magpapakita na siya sa kompanya ay may karapatan na siyang panghimasukan ang trabaho ko? “Give me his number.” Mariin at seryoso kong utos kay Dexie. Napupuno na ako sa lalaking ’yon! Naghahanap yata siya ng away. Mabilis namang ibinigay ni Dexie ang numero ni Mr. Hugo Theodore William. Hmp! Hindi naman hot ang pangalan niya. Umupo ako sa swivel chair ko at nagsimula ng magtipa ng numero ng ka-business partner ko. Tatlong ring din ang hinintay ko bago nito sinagot ang aking tawag. I composed myself. Ilang beses pa akong tumikhim. Napaayos ako ng upo nang sagutin ni Mr. William ang tawag ko. “Yes, hello?” nagulat ako sa baritonong boses ng nasa kabilang linya. Ilang saglit akong natigilan. Why his voice is sexy but masculine? “If this is just a prank call, back off!” Nasa boses ng lalaki ang iritasyon. Isang beses akong tumikhim bago nagsalita. “Mr. William?” paninigurado kong tanong sa kausap. “Speaking. Who's this?” tanong nito. “This is Riza Monreal, I have something to tell you,” taas-noo kong wika. Ito naman ang saglit na natigilan. “Mr. William?” tawag ko rito. Marahas itong bumuntonghininga. “I’m still here. What is it?” “I know, isa ka sa may malaking share sa E & Z. But, you don't have the authority para pangunahan ang desisyon ko.” Hindi ko na napigilan ang inis sa boses ko. “Wait. I don't understand you. Anong desisyon ba ang sinasabi mo?” Nasa boses nito ang naguguluhan. Mahina akong natawa sa kausap ko. “Really, Mr. William? Maang-maangan, ganern? Well, bakit mo sinabi sa sekretarya ko na may appointment ako ngayon sa H & T? Don't you know that I have a busy schedule for today? ’Tapos, bigla mo na lang isisingit ’yang appointment sa H & T.” Mariin kong wika. Ilang sandali itong hindi umimik at tumawa ng malakas. Mas lalo lang tuloy akong nainis dito. “Oh! ’Yan pala ang ikinagagalit mo. Well, H & T is a big company, Miss Riz. Maraming designer company ang gustong makuha ang kanilang proposal, pero dahil kilala ko ng personal ang may-ari ng H & T kaya pumayag silang sa atin na makipagnegosasyon. Miss Riz, I'm just thinking about our company's advantage. Kapag na-close natin ang deal sa kanila ay mas lalong lalago ang E & Z. Ayaw mo ba no’n?” paliwanag ni Mr. William. Yeah, he's right. Opportunity na ang lumalapit sa amin. We should grab it. Pero naiinis pa rin ako kay Mr. William dahil hindi ito nagpaalam sa akin bago nagdesisyong na makipag-meeting ako sa H & T. “I get you, Mr. William. Pero sana, nakipag-usap ka muna sa akin. Hindi ’yong magugulat na lang ako na may naka-schedule na pala akong meeting.” Nasa boses ko pa rin ang inis para rito. “’Yan lang ba ang ipinagpuputok ng butsi mo? It's not a big deal, Miss Riz. Ginagawa mo lang komplikado eh,” he said na para bang ako ang naghahanap ng away. “Excuse me Mr. William. Ngayon ka pa lang magpapakita, at wala kang alam. Kapal mo naman para sabihing ginagawa kong komplikado ang lahat. Kaya ngayon, mas mabuting magpakita ka na. Siguro sumasakit na ’yang rayuma mo kaya hindi ka nagpapakita sa bawat meeting natin noon. Nahihirapan ka na sigurong maglakad. Get well soon na lang sa ’yo, Mr. William. At sana, gumaling na ’yang rayuma mo!” Dahil sa inis ay kung ano-anong lumabas sa bibig ko. Sa naiinis ako sa lalaking kausap ko. Inayos ko ng mabuti ang aking suot na salamin dahil feeling ko malalaglag na ’yon anytime. Stressed much ako sa lalaking kausap ko. “Excuse me! Wala akong rayuma! Anong akala mo sa akin? Matandang uugod-ugod na? Ang lakas pa ng stamina ko. Kayang-kaya ko pa ngang kumadyot ng sampung rounds, straight!” Mayabang nitong wika. Namula ang mukha ko dahil sa sinabi nito. “Bastos!” Malakas kong sigaw sabay putol ng tawag. Ang lakas-lakas ng kabog ng aking dibdib. Feeling ko ay lalabas na ang puso ko sa aking dibdib. Pinagpapawisan din ako ng malagkit. “Apaka bastos!” Hindi ko mapigilang mapasigaw. Ngayon pa lang ay sigurado akong hindi na kami magkakasundo ng lalaking ’yon. ‘Kung itulak ko na lang kaya ito sa hagdan? Matanda na naman ito para makalaban pa sa akin.’ Ani ng utak ko. Pinindot ko ang intercom at tinawag si Dexie. Mabilis namang pumasok ang dalaga sa loob ng office ko. “Ano po ’yon, Ma'am Riz?” tanong ni Dexie sa akin. “Anong oras ba ang meeting ko with H & T fashion galore?” tanong ko rito. “Lunch time po,” sagot nito. Malakas akong napabutonghininga. “Sige, salamat.” * Inubos ko ang oras ko sa mga ginagawa ko nang biglang bumukas ang pinto sa office ko. Nag-angat ako ng tingin upang tingnan kung sino ang pumasok sa aking opisina. Agad na nagtama ang mga mata namin ng binatang kapapasok lang sa office ko. Napaawang ang labi ko dahil para itong si Machete sa tikas ng kanyang pangangatawan. Hapit na hapit ang suot nitong damit sa kanya kaya nahuhulma ang abs nito. “Miss Riz?” napakurap-kurap ako nang marinig ko ang baritono nitong boses. Ilang beses akong tumikhim at inayos ang sarili. Tumayo ako. Magkaharap na kami ngayon ng binatang hindi ko man lang kilala. “Yes, ako nga. Sino ka naman? Sinong maysabing pumasok ka sa office ko?” mataray kong tanong sa kaharap. Nakita ko ang pag-angat ng labi nito na siyang ikinataas ng kilay ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko? “I’m Mr. Hugo Theodore William. Your business partner at ang sinabihan mong matandang may rayuma na.” Halos malaglag ang panga ko dahil sa narinig mula rito. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako sa binata o matatawa dahil hindi maipinta ang mukha nito. “And so? Wala naman akong pakialam kung isa kang matandang may rayuma o wala. Anyways, anong ginagawa mo rito?” balewala kong tanong sa lalaking kaharap ko kahit na nga ba nanginginig na ang tuhod ko. Gosh! Mukha at tindig pa lang ni Hugo, nakakapanginig na! “Gusto ko lang malaman mo na katulad ng sinabi ko kanina, my stamina in s*x is unbelievable. Baka lang kako gusto mong malaman ang performance ko?” Nakita ko ang pagtiim ng mga mata nito habang nakatitig sa akin. “Pervert!” Inis kong singhal dito. Ngumisi ito at humakbang papalapit sa akin. “I’m not. Pero nanghahalik ako sa mga babaeng maiingay,” wika nito na siyang ikinalaki ng mga mata ko. “Subukan mo lang at sisiga-” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla niyang hapitin ang baywang ko at sakupin ang nakaawang kong labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD