RIZ POV
Dilat na dilat ang mga mata ko habang hinahalikan ako ni Mr. William sa aking labi. Dahil sa gulat ay hindi kaagad ako nakahuma. Nang rumihestro sa utak ko ang ginawa niya ay mabilis ko siyang itinulak. Nanlilisik ang mga mata ko itong tiningnan.
“Bastos!” Sigaw ko rito sabay malakas na sinuntok ang mukha ng binata. Dahil hindi nito inaasahan ang ginawa ko ay hindi ito nakailag.
“Damn s**t!” Malakas nitong mura. Masama ko itong tiningnan.
“Kung akala mo madadaan mo ako sa halik-halik mo, pwes ibahin mo ako sa mga babaeng nakilala mo kung saan-saan. You should respect me, Mr. William.” Madiin kong pahayag sa binata.
Nakita ko ang dugo sa ilong nito. Agad namang pinunasan ng binata ang kanyang dumugong ilong.
Medyo nakonsensya ako sa ginawa ko sa kanya, pero dahil naiinis ako sa ginawa niyang panghahalik, biglang nawala ang konsensya ko. Pervert!
“Damn! Ang lakas ng suntok mo!” Malutong ulit nitong mura.
“Buti nga sa ’yo. Ang kapal mong halikan ako. Pervert!” Pasigaw kong ani rito.
Pabagsak akong umupo sa swivel chair ko. I crossed my arms and I looked at him.
“What are you doing here? Para lang halikan ako?” mataray kong tanong dito.
Nang matapos nitong punasan ang dumogong ilong ay natatawa niya akong tiningnan. As if naman may nakakatawa!
“You’re unbelievable. Kakaiba kang babae sa lahat ng nakilala ko. Anyway, I won't say sorry for kissing you. I liked it,” bulgaran nitong pahayag. Nanlaki ulit ang mga mata ko at gusto ko na lang itong pagsusuntukin.
“Ang kapal naman ng mukha mo. Nanghahalik ka lang ng walang pasabi!” Nakaingos kong wika. Pero saglit akong natigilan sa sinabi ko.
‘So, kung nagpaalam muna siya kung magpapahalik ka, papayag ka? Ganern, Riz?’ tanong ng utak ko. Natahimik tuloy ako.
“Next time, magpapaalam muna ako bago ka halikan,” sabi nito at pilyo akong nginitian. s**t na pansit na mainit naman eh! Bakit ang gwapo niyang ngumiti? Nakakalaglag panty?
‘Riza Monreal! Wake up! May anak ka na kaya umayos ka!’ Muling kastigo ng kanyang utak.
“There will be no next time, Mr. William.” Idiniin ko talaga ang bawat salita ko.
“Huwag mong pangunahan ang panahon, Riz. Ang daming babaeng baliw na baliw sa akin, they are dying to kiss me. Kaya pasalamat ka na lang na nahalikan mo ang katulad ko,” mayabang nitong wika habang nakangisi sa akin.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito. Ang hangin din eh.
“At ako pa talaga ang magpasalamat? Excuse me? Ikaw ang humalik sa akin!” Inis kong wika rito.
“At least gwapo, hindi ka na lugi.”
“Mukhang may bagyo yatang paparating eh no? Bagyong Hugo, apakahangin grabe! Maging ang mga sementadong bahay, nililipad na rin!” Sarkastiko kong wika.
Malakas namang tumawa ang binata na mas ikinainis ko.
“Mahangin na kung mahangin, I really don't care. Lahat naman kasi ng sinabi ko ay totoo. They are chasing me, and of course sino ba naman ako para tumanggi sa grasya, hindi ba?” tumaas-baba ang kilay nito. Inirapan ko lang ito.
“O, siya, ano bang ipinunta mo rito? Kay aga-aga sinisira mo na ang araw ko!” Singhal ko rito.
“Hindi ba at nasabi na sa iyo ni Thunder na magpapakita na ang gwapong business partner mo sa ’yo?” wika nito sabay kindat sa akin. Duh! Inikotan ko lang ito ng paningin.
“Well, na-inform naman ako na darating na ang kanyang kaibigan na business partner ko, without gwapo on it,” sabi ko.
“Don’t you find me attractive?” tanong nito sa akin. Sinipat ko ang buong mukha nito. Sa totoo lang, ang gwapo niya, ngayon lang yata ako nakakita ng lalaking kasing gwapo niya. Madami namang gwapo pero iba ang dating ni Hugo sa akin. Para bang nag-iinit ang katawan ko kapag malapit lang ito sa akin. ’Tapos, lumalakas pa ang kabog ng dibdib ko. Ewan ko, basta may kakaiba sa kanya.
“Hindi ka na nakapagsalita pa,” pukaw nito sa akin. Tumikhim naman ako at iniwas ang paningin sa kanya.
“Wala naman akong nakitang special sa mukha mo,” pagsisinungaling ko rito.
“What? Sa gwapo kong ito?”
Matalim ko itong tiningnan. Kinuha ko ang folder sa ibabaw ng mesa ko at malakas iyong ibinagsak sa ibabaw ng mesa. Nakita ko ang gulat sa mga mata ng binata.
“Hindi naman siguro hitsura mo ang ipinunta mo rito hindi ba? It's about business, Mr. William. Drop the topic about your looks and on how women swun over you. You're here to discuss business, not to discuss how naughty you are. Are we clear, Mr. William?” naging seryoso na ako. Nawala na ang kaninang Riz na naiinis. Ang nasa harapan niya ngayon ay Riz na isang business woman.
Sinipat naman ito ng tingin ang buong mukha ko.
“You’re conservative, yet your fashionable. How did you do that?” tanong nito na para bang walang narinig sa sinabi ko kanina.
“Mr. William.” I warned him. Imbes na tingnan ako ay bumaba ang mga mata nito sa labi ko. Ilang beses tuloy akong napamura sa isipan ko.
Nang mag-angat ito ng paningin sa akin ay mariin niya akong tiningnan. May kakaiba sa mga titig niya sa akin.
“Call me Hugo. I love it when you call me that,” pautos nitong wika. Nagsisimula ng sumakit ang ulo ko.
“We are not friends, Mr. William. We should act professional, ayaw ko pa naman ang first name basis kapag tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan.”
“Let me be your friend then,” ayaw patalo nitong sabi.
Punong-puno na ako sa isang ’to.
“Let's discuss it tomorrow. You may go, marami pa akong gagawin,” pagtataboy ko rito.
“Riz, look. I'm sorry if naging makulit ako, but, I just want you to be comfortable with me. We are business partner, we should be friends.” Paliwanag nito.
“Sumakit na ang ulo ko Mr. Will-”
“I said call me Hugo. Is that hard for you to utter my name? Sinabi mo na naman ’yan kanina hindi ba?” napakurap-kurap si Riz nang mahimigan niya ang pagsusumamo ng binata. We should be friends? After what he did to me? Friend my ass. Pero para matapos na ang kakulitan ng isang ito ay papayag na siya sa first name basis na tawagan nila.
Marahas akong bumuntonghininga.
“Fine. First name basis ang magiging tawagan natin. You can call me Riz and I will call you Hugo, but, in one condition,” sabi ko.
“Anong kondisyon naman ’yan?” tanong nito.
“Be professional. Ayaw kong pinanghihimasukan ang personal kong buhay. Lahat ng itatanong mo sa akin ay about business lamang, understand?”
Tumayo ito at seryoso akong tiningnan.
“I can't do that.”
“Why?”
“Because, I like you. Kapag nasa loob tayo ng office, I will be professional as I can. Pero after business hour, I can be your suitor, right?”
“Wala akong panahon para sa mga ganyan. Just back off.” Seryoso kong wika.
“Hindi ako ganoon kababaw. Let's talk tomorrow, kagagaling ko lang sa flight. May jetlag pa ako,” sabi nito. Nang sabihin niya iyon ay doon ko lang nakita ang pagod sa kanyang mukha. Nakaramdam tuloy ako ng awa para rito. Nasuntok ko pa ito sa mukha.
“Saan ka ba tutuloy niyan?” mahina ang boses kong tanong.
“Sa Q.C, nando’n ang penthouse ko,” sagot nito.
Napanganga ako sa sinabi nito. Kung sa Q.C pa siya, malayo mula rito. Bigla akong nakaramdam ng konsensya. I sighed heavily.
“Malayo na kung bibiyahe ka pa at mukhang inaantok at pagod ka na. You can rest for a while in my room here. Mamaya ka na lang magmaneho, kargo de konsensya ko pa kung may mangyaring masama sa ’yo,” sabi ko.
Nakita ko ang pilyo nitong ngiti.
“Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. I'm just being a good human being here,” nakairap kong depensa.
Mahina itong tumawa. I really love the way he laughed. ‘Riz! Wake up!’ Kastigo ng isipan ko.
“Very defensive huh! Anyways, hindi ko tatanggihan ang iyong paanyaya. I'm tired and sleepy,” wika nito.
Inayos ko ang aking silid na nasa loob ng office ko. Mga bago naman ang mga punda at comforter sa kama.
Hindi rin ako mahihiya dahil mabango ang buong silid.
“Dito ka na lang matulog,” sabi ko rito.
“Thanks,” pasalamat nito. Tumango lang ako rito.
Iniwan ko na ang binata sa silid at bumalik na sa swivel chair ko. Nang maalala ang ginawa nitong paghalik sa akin ay wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. Napailing na lang ako.
Nagulat ako nang tumunog ang cell phone ko. Kumirot ulit ang puso ko nang makita ang pangalan ng aking ina sa screen. I answer her call.
“Mom,” sagot ko.
“Let's have a dinner in our home. Pwede ba?” malambing nitong tanong.
“Yes, Mom. Pupunta ako mamaya. Mga six pm na lang, okay lang po ba?” tanong ko rito.
“Yes, anak. Salamat.”
“Don't thank me, Mom. Take care, I love you, pakisabi rin po kay dad,” ani ko.
“We love you too, anak. Sige na, bye!”
“Bye, Mom.”
Napatitig na lang ako sa cell phone ko.