Chapter 34: Bida

2032 Words
Kaunti palamg ang mga estudyante pero lahat ng mga yun, nakatingin samin. No pala. Sa kamay nya na nasa balikat ko. Gosh!. Kinikilig ako. Gusto kong sumigaw. Waaa!!!..... "Uy Jaden, basket-.." Hindi natuloy ni James ang akmang sasabihin sa kanya. Basta nalang itong sumaludo sakanya sabay alis ng di natatapos ang gustong sabihin. Weird. "Bro, offensive foul ka na.. baka pagalitan ka ni coach.." tinawanan sya ni Aron saka tumingin sakin na kumindat pa. Gaya ni James na kabarkada nya rin sa school. Umalis na rin pagkatapos syang batiin. Kaya marami syang kabarkada, player kasi ito ng archery sa school. Kakatapos nilang lumaban ng division fight sa ibang school. Panalo pa. Isa rin kung bakit marami syang admirer, tulad ko. Ehem!.. Nakakaloka. "Hoy Jaden, bilis na. Maglilinis ka pa. Hahaha.." si Bryle na nagdidilig na ng halaman. Nilampasan na namin. Nagkibit lamang ito ng balikat. Ako kanina pa hindi malunok ang laway sa lalamunan. Bumabara sa kilig at kaba. Habang patuloy sa paglalakad. Yung mga mata ng mga babae. parang mga patalim. Kung kutsilyo lang ito. Kanina pa ako bulagta sa sahig. Duguan. Ang tatalim ng titig e. Di ko kayang salubungin. "Ah.. Jaden.." nang di ko na kayang lunukin ang mga tinging nakapukol samin ngayon. Ampusa!.. Baka maamok ako dito bigla. Di na makapunta ng Australia.. Bumagal ng bahagya ang kanyang lakad. Sumabay rin ako sa kanya. Dinungaw pa ang mukha ko. Tuloy parang ayoko ng magsalita ulit. "Bakit?.." may ngiti sa kanyang labi. Pasulyap sulyap. Wala akong lakas ng loob na titigan sya. Para syang araw, masarap sa mata pero masakit titigan. Yung ngiti ko, ang hilaw. Ang plastik. Sunugin kita dyan e. Umayos ka nga Bamby.. How?.. "Hehe.. Yung kamay mo kasi.." so awkward. Ampusa!.. "Ha?.. bakit?.." taka nitong tanong. Mas lumapit pa sakin. Damn boy!.. Nalulunod na ako sa kaba. "Baka kasi may magalit.." grabe. Yung dila ko, hindi talaga marunong makisama sakin. Lagi nalang utal. Tumingin sya ng matagal bago tumawa ng malakas. Binigyan ko sya ng takang mukha. Anong nakakatawa?. Turuan mo nga ako kung paano tumawa sa harap mo.. Please.. Oh damn!.. Magtigil ka nga Bamby. Focus!.. Naningkit ang kanyang mga mata. "Haha.. sino naman?.." "Si --Denise.." pabitin kong sambit sa pangalan. Natigilan muna sya ng kaunti bago umiling at ngumiti. "Haha.. Bakit naman sya magagalit?.." Really?. Hindi mo alam?. Hindi ko masabi ito dahil sa hiya. "E kasi... diba... kayo na..." kayhirap palang sabihin sayo na mayroon ka ng iba. Ganun ba talaga kahirap aminin na gusto rin kita?.. Hell ssshhh!... Nawala ang maganda nyang ngiti. Kung kinakabahan ako kanina, ngayon, sobra na ang kaba ko. Kulang nalang nawalan ako ng malay. My goodness!.. Yumuko sya ng bahagya upang pumantay ang aming paningin. Natutuyot lalamunan ko. Tubig po. Tinanggal nya ang kamay sa balikat ko saka hinawakan ang aking ulo. "Wag kang mag-alala. Walang magagalit kasi hindi naman kami. Walang kami. Alam mo kung bakit?.." "Bakit?.." "Dahil may gusto na akong iba.. at hindi sya.." tuluyan na nyang ginulo ang buhok ko bago muli umakbay. Oh my God!!... Ang init ng pisngi ko. Hindi na ako makahinga. Bumibigat bawat pagsinghap ko ng hangin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang may gusto syang iba. Sino naman kaya sya?.. Ang swerte naman nya. How I wish na ako nga yun. Sana. "Bamby?!.." tili agad ni Winly ang bumungad sakin sa labas ng room. Akbay pa rin ako ni Jaden. "Ah. Jaden. Dito nalang. Salamat.." pilit na ngiti ang kumawala sakin. Wala e. Sabi ko naman, sya ang kahinaan ko. Inalis nya ang kanyang braso saking balikat tapos umayos ng tindig. "Hi Jaden.." bati pa ni Winly pero hindi nya ito pinansin. Nasa akin lang ang kanyang paningin. Damn!. Ganun ba ako kaganda?. Oh Bamby!. Shut up!.. Lols. "Ahh sige na. Una na ako.." mabilis itong tumalikod at nagmartsa papuntang room nila. Pero, wala pang isang minuto. "Bamby.." tawag nito sakin. Nagtataka akong lumingon sa kanya. "Antayin kita mamayang uwian sa parking lot.. bye.." Tuluyan na nga akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ano nga ulit yun?.. Aantayin nya ako sa parking lot?. Totoo ba to o nananaginip lang ako?.. Wake me up now. Buong araw akong nakangiti. Kahit napagalitan. Kahit mababa nakuha sa quiz. Kahit pa sunog yung binake na cookie. Suot ko pa rin ang magandang ngiti. Hindi mawala wala.  "Mukhang maiiwan akong NBSB ngayong taon.." "Ha, bakit naman?.." Ani Karen sa pag-iinarte nito. Nasa loob kami ng room. Naglilinis. New assign area namin. "Kasi gurl, may isa dyan, sila na ata. Di man lang nagsasabi. Alam mo yun?.." Ang bakla. Tinarayan pa ako. "Hahahahaha.. Kaya nga e.." "Ewan sa inyo.." sabay iling ko. Di pa rin mapawi ang magandang ngiti. "See?. What?.. My goodness!.. Pinagkanulo tayo ng kaibigan mo.. Manalangin ka na Karen.." Sabay kaming humagalpak ni Karen dahil sa kaabnormalan nya. Iilan lamang kmaing nasa loob ng room. Ako, si Karen at tatlo pang kagrupo. Yung tatlo, umalis na. May praktis daw ng sayaw. Si Winly, kanina pa tapos sa area nya. Wala naman daw dumi. Kaya chill lang sila. "Ehemm!.." mula sa gilid ng aking mata. Tanaw ko si Joyce na pumasok, kasama ang bago nyang mga kaibigan, daw?.. Na kaklase rin namin. "Uy ano yung narinig namin. Kayo na ba talaga ni Jaden?.. Paano si Ace?.." Isa sa mga kasama ni Joyce. Maiksi ang buhok na medyo chubby. At gaya rin nyang, madaldal. Noong una, Akala ko kay Winly sya nagtatanong, noon ko lang narealize na, ako pala ang kinakausap nya nung nadinig ang pangalan ni Ace na bigla nalang umalis ng bahay nung isang araw. Nagkukumahog. Ang sabi, kailangan na raw nyang bumalik ng bahay nila dahil uuwi daw yung kuya nyang galing Australia. Di na namin pinigilan. Ayaw papigil e. "Bamby, kayo na ni Jaden?. Pero sila pa ni Denise, tapos kayo naman ni Ace.." sa himig nito para akong nabuhusan ng nagbabagang yelo. May kasama pang tubig. Cold. "Huy gurl, ano yan ha?.. wala bang preno yang bibig mo?.." inis na suway ni Winly sa kanya. Sasagot na sana si Winly sa kanya pero pinigilan ko sya sa braso. "Bakit anong problema?.." kalmado kong tanong. Bumuntong hininga ito na para bang ang laki ng kanyang problema sakin. Crazy bitch.. "Totoo ba?. Na kayo na ni Jaden?.." aba. Matinde. Inulit pa talaga. Ang lakas ng apog nya. Mabilis tumalim ang mata ko patungo sa kanya. Tapos tumagos sa kanyang likod. Kay Joyce. Speak now, witch. The way she stare at me, I knew. May nangyayari na naman sa labas ng room. Ampusa!. Mga tsismosa.. "Anong problema kung totoo nga?.." asar ko. Para makita reaksyon nila. Humagalpak ito ng tawa. Kasama pa ng mga kasama nya. Apat sila. Kabilang ang dati kong kaibigan na hindi ko makuha kung anong nangyari sa kanya. "Really?.. Paano mangyayari yun kung sila pa ni Denise?.. So you mean totoo nga yung balita na timer ka?..." damn her!.. "Bastos!.." sigaw ni Karen. "Sya ang bastos hinde ako. Alam na ngang may jowa yung tao. Lumalandi pa. At take note ha, may jowa ka rin te. Mag-isip isip ka nga?.." tinuro pa ako ng lintek na babae. Nakakahigh blood. Brrrrrr!... I need water and air to calm my boiling temper. Breathe Bamby. Inhale. Exhale. Now, you can think, clearly. "Sa tingin mo, sinong bastos sating dalawa?. " natahimik ito. Pati ng mga galamay nya. Mga pusit!.."Dinuro pa ako. Nice act po. How can you accused me without any clear evidence ha?. Asan ang salitang hindi bastos dun?. Sabihin mo nga?.." "Hindi... hindi na kailangan pa ng ebidensya. Para saan pa kung nakita na ng iba.." Ako naman ngayon ang tumawa ng malakas. Tagos hanggang ribcage ko. Oa Bamby!.. "Really?.. Sa panahon ngayon, kung nasa korte ka. Kanina ka pa natalo. Hindi ka bagay maging abugado gurl.." humagalpak ng tawa sina Karen at Winly sa gilid. "Kailan pa nakita ng lahat na timer nga ako?.." patuloy ko. "Like hello?.. Lutang ka ba kanina?.. Akbay ka ni Jaden, habang kayo ni Ace.." "Sa tingin mo ba, magpapaakbay ako sa kanya kung may relasyon kaming dalawa ni Ace?.. Hindi?. Kasi ayoko. Kasi may masasaktan ako. Hindi ako tanga. Like hello?.. Hindi ako yung tipo ng tao na nanloloko." Tumawa na naman sya. Biatch!.. "Hindi ba panloloko na ang ginagawa mo?.." Sa pagtitimpi ko, pumutok rin ang galit sa dibdib ko. "Saang banda ako nanloko?. Una, hindi kami ni Ace. Walang kami ni Ace dahil kaibigan ko sya na parang kapatid. Pangalawa, si Jaden?. Kahit kailan hinding hindi ko magagawang lokohin ang taong yun dahil kaibigan sya ng mga kapatid ko." "Very well said..." sarkatiko nyang sambit. Bwiset!...Sarap sabunutan. "Sinong maniniwala sayo?..Si Jaden nga naloko mo, pero hinde kami.." umirap. Nag-walk out sabay wasiwas ng buhok. Dammmnnn... Si Joyce, sumunod naman sa kanya na parang tupa. Nakayuko itong maglakad. Gusto ko syang habulin at kausapin pero nagpupuyos pa rin sa galit ang dibdib ko. Baka mag-away lang kami. May mga tao talagang kahit anong paliwanag mo, sarado pa rin ang kanilang isipan kasi nga may iba silang paniniwala. O sabihin na mating, hindi lahat ng tao gusto lahat ng ginagawa mo. Sa sampung tao, may anim ang hindi sang-ayon sayo. Sa apat na natitira, sila yung bukas ang isip at naiintindiha ang kalagayan mo. Ganun umiikot ang mundo. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Mabilis akong inalo nina Karen at Winly. Niyakap ako patagilid. Yung tatlong kagrupo namin, lumapit rin samin. "Uy, Bamby. Okay ka lang?. Ano ba kasing nangyari?. Lumalala yang isyu mo ha.." anang isa sa kanila. Nanlabo agad ang paningin ko. "Sssshhhh..." suway sakanya ni Winly. Tumahimik naman ito. Pero yung luha ko, hindi ko na napigilan pa. Tuluyan nang nahulog kahit ayaw ko pa.. "Ssshhh. Tahan na. Wag ka ng umiyak.." yakap pa rin ako ni Karen. Si Winly kumalas ng yakap bago hinimas ang aking likod. Pinapakalma. Kahit kailan, hindi ko ginusto ang atensyon ng ibang tao. Kahit pa nilang dalawa. Oo, si Jaden, sabik ako sa atensyon nya pero hindi yung ganito na lagi nalang problema ang dulot sakin. Nakakapagod na. Gusto ko ng sumuko. Ngunit itong puso ko, nagpapakamartir. Kahit pa nasasakatan na, habol pa rin, ay sya. "Bamby!..." biglang sumulpot ang bulto ni Ace sa pintuan. Hinihingal ito. Halatang galing sa pagtakbo. "s**t!.." malutong nyang mura ng makita ako. Ampusa!. Nakita nya akong umiiyak. Mabilis kong pinalis ang luhang dumaan saking pisngi. Tumayo sya ng ilang minuto sa kanyang pwesto bago tuluyang lumapit samin. Sakin. Na nag-aalala na ang mukha. "Damn!..." patuloy nitong mura. Umatras ako dahil ayokong makita nya ang pag-iyak ko. Kahit kailan, di ko pa pinakita sa iba kung pano ako nasasaktan. Ngayon lang. Tapos, nakikita pa nya. Parang ako ang nasasaktan sa mukha nyang luno ng galit at pait. "Bamby.." tawag nya sakin pero umatras muli ako. Iniiwasan ang kamay nyang hahawak sana sakin. "Hell s**t!!..." salubong na ang makapal nitong kilay. Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy pa rin ang mata ko sa pagluha. Ampusa!.. Calm your mindi Bamby. Or else, you'll make scene here. Wala na nga akong nagawa ng tuluyan na syang nakalapit. Wala na rin akong maatrasan kung kaya't naabot nya na ako. Mas nagtubig pa ang gilid ng aking mata. Hindi na makatingin sa kanya. Hindi sya nagsalita. Pinanuod nya lang ako. Tumatanya. Hanggang sa hawakan nito ang pisngi ko saka pinunasan ang aking luha. "Bamby!.." Ang boses na yun. Parang baril, isang kalabit lang, natamaan na ako. Kumawala ang hikbing kanina ko pa nilulunok. Sobrang sakit sa lalamunan. "Gago!.." mabilis nitong kinwelyuhan si Jaden na kakapasok lang. Tinulak nya ito. Tapos idiniin sa green board. Sobrang higpit ang hawak ni Ace sa kanyang kwelyo. Dahilan para lapitan ko sila. "Ace..." pigil ko sa kamao nyang lumalabas na ang mga ugat sa higpit nito. Damn!.. Bakit nangyayari ito?.. Parang wala syang narinig na salita mula sakin. Bagkus, mas itinaas pa nya si Jaden. My goodness!.. Ace please stop!.. You're killing me too.. Di ko masabi ang laman ng aking isip. Natatakot ako sa anu pang mangyayari.. "Pare ano ba?.." kalmadong suway ni Jaden sa kanya pero hindi pa rin ito nagpatinag. "Gago ka.." galit na galit nitong sigaw. Mas lalong bumuhos ang luha saking mata. Ano ng gagawain ko?.. "Anong sinabi mo?.."bigla ay sinagot din sya ni Jaden. "Gago ka!!..." tinulak ng napakalakas ni Jaden si Ace. Tumilapon ito sa inayos naming upuan kanina. Oh s**t Bamby!.. Wag Kang umiyak dyan. Awatin mo sila... "Jaden, tama na.." sa kanya ako lumapit dahil alam kong mas kalmado ito kaysa kay Ace. Pero gaya rin ng kaibigan kong umaapoy ng galit ang mata, binalewala nya lang rin ako. It really hurts my ego. Wala ba akong kwenta sa kanya para ganun nya lang akong balewalain?.. Oh damn!. Well!. What's knew Bamby?. You are nothing to him. Don't try to assume..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD