bc

Distribuidor De Muerte

book_age18+
181
FOLLOW
1.3K
READ
love-triangle
BE
arrogant
gangster
tragedy
no-couple
mystery
loser
highschool
war
addiction
like
intro-logo
Blurb

Sa Japan matatagpuan ang Mafia Planet University na dinaig pa ang Hogwharts na mas kahanga hanga dahil sa napakalinis na kapaligiran at maaliwalas na na kulay. Tila isang kastilyo sa sobrang laki at lawak. Nagsimula ang lahat ng pumasok ang napakagandang anak nila Zana at Elie na si Kylie Zandria sa Unibersidad na pag aari niya at ng kanyang mga kaibigan. Nakasama ni Kylie ang matalik niyang kaibigang si Thania sa pagpasok sa Mafia Planet University para doon mag aral. Nakilala ni Kylie si Can Pendragon nang magtagpo ang landas nila sa classroom. Naangasan siya sa lalaki at nagsimula na niyang mapansin ito. Binubuo ang Unibersidad ng mga kinikilalang Royal blood kaya nakabukod ang Mansion ng mga ito at tinawag na Royalties Mansion. Mga misteryosong tao na nagsisilbing Student Council ng buong Unibersidad. Nakilala rin ni Kylie ang mga kaibigan ni Thania na Ilustrado. Nahulog si Thania kay Mai Ilustrado. At naging sila. Samantalang nanliligaw naman si Gavin at Can kay Kylie. Dalawa ang namamahala sa Unibersidad. Isang Headmaster at isang Headmistress pero nanatili ring lihim kung sino ang mga iyon. Madalas makasama nila Kylie at Thania ang miyembro ng mga Ilustrado. Maganda at masaya ang unang araw at mga buwan ni Kylie sa Unibersidad hanggang sa isang araw nagbago ang lahat nang magsimulang maglaro ng Death game ang buong section nila Kylie tinawag nila iyong Death Cards. Ang mechanics ng laro ay magtatawag ang Teacher ng estudyante tapos babalasahin niya ang mga cards at pipili sila ng baraha. Ace means live, Joker cards for die, King at Queen naman para sa magiging President at Vice ang iba na makakakuha ng Jack para sa ibang class positions. At para naman sa Diamond choose between truth or die. At sa heart magcoconfess ka sa taong gusto mo. At last na cards malalaman niyo ang mangyayari sa mga susunod na araw. Merong apat na klase ng bulaklak. Una ang asul na rosas alam kong alam niyo na ang ibig sabihin niyan. Pula para sa pag ibig, puti para sa paghingi ng tawad at itim para sa poot, galit o kamatayan. Nang baguhin ni Emperor Zeus ang rules ng Headmaster kasama ng kanyang mga kasamahan sa Student Council. Dahil doon naging delikado at madugo ang mga kaganapan sa paligid sa mga sumunod na araw. Akala ni Kylie ay normal lang ang laro pero nagbago iyon nang makasaksi siya ng mga sunod sunod na namamatay. Lumabas rin ang laman ng mahiwagang libro kung saan nakakulong lahat ng Demonyo at nag anyong hayop ang mga ito. Namili ng kanilang magiging amo sa mga estudyante ng Unibersidad. Naghasik sila ng lagim at pumatay ng maraming estudyante. Nahirapan si Kylie alamin ang pangalan ng mga nakikilala niyang tao at napapansin niya dahil nakasuot ang mga ito ng maskara at uniporme ng mga Knights. Nakaramdam din siya ng panglalambot. Naging sunod sunod na ang pagpatay ng mga killer kasama ang kanilang mga alaga. Nagkaroon na rin ng mga labanan at naging legal na ang pagpatay.

chap-preview
Free preview
Prologue
Distribuidor de muerte means 'Deathdealer' Nagsimulang umulan ng apoy sa buong University. Nagtakbuhan ang lahat ng estudyante. Kasabay ng malakas at dumadagundong na kulog at kidlat. Maging ang paligid ay nagmistulang itim. Wala kang makikita o maririnig kundi ang mga kahoy at puno na naging abo at ang ingay ng mga kawawang estudyante. Tatlong beses na putok ng baril ang lalong nagpagulo sa lahat ng naroon. Halos sirain na nila ang gate ng eskwelahan. Pero ni isa walang nakalabas dahil sa labas noon nakaharang ang napakalaking mga metal. "Tulooooong!!!!"sigawan ng lahat. Habang sunod sunod ang putok ng baril. At isa isang bumabagsak ang mga nandoon sa may tapat ng gate. Sa kabilang banda. Nagmistulang abo ang mga noo'y magagandang gusali. Nagbabagang apoy ang bumalot sa loob ng dating paraisong eskwelahan.. Ang mga anghel ay naging demonyo ng may kanya-kanyang dahilan.. Ang mga inosente ay nadamay.. Di magkamayaw ang mga tao doon. Dumanak ang napakaraming dugo sa lupa. Panay ang ilag ko sa mga palaso at kutsilyong sunod sunod na ibinabato sa akin. Sugatan na ako at naliligo sa sarili kong dugo.. Bali na ang kanang braso ko habang puro saksak naman ang binti ko. Hindi ko parin maalis sa gilid ng bewang ko ang nakatasak na kutsilyo. Iika ika akong tumatakbo palayo sa lugar na 'yon.. Lugar na akala ko ay paraiso dahil sa angking ganda nito. Nagkamali ako. Dahil hindi pala langit ang napuntahan ko .. Kundi isang impyerno.. At ngayon.. Hinahabol na ako ni kamatayan.. "Wag kanang tumakbo.. Akala mo ba ay matatakasan mo ang kamatayan?"natatawa nitong sabi. Kagat labi akong nagpupumilit tumakbo kahit na nanghihina na ang buo kong katawan.. Puros bubog at tinik ang tinatakbuhan ko.. Kaya sobrang sakit..hindi ko na kaya. Konti nalang! Bibigay na ko.. "mamatay kana. Bakit di mo nalang tanggapin?"ramdam ko ang kilabot ng marinig itong humalakhak. Ang tawang 'yon.. tawang tanging demonyo lang ang makakagawa.. Pagapang na ako dahil natamaan nanaman niya ng patalim ang aking talampakan. Halos mangilid ang luha sa'king mata ng muli niya akong maabutan.. "katapusan mo na. Any last words?"ngumisi siya at ramdam ko kung paano niya ko sabunutan.. Parang matatanggal ang anit ko sa pagkakahigit niya sa buhok ko.. "ikaw na rin ang nagsabi.. Magkaibigan tayo. Pero sating dalawa..ikaw yung unang lumayo. Pinili mo sila. Pinili mo siya. Iniwan mo ako.."nagbago ang ekspresyon ng kanyang mga mata. Punong puno ng emosyon. Lungkot, pangungulila na napalitan ng poot. "traydor ka! Magkaibigan tayo! Pero kinalimutan mo ako! Pinagpalit mo ako sa walang kwenta! Hindi ka rin naiiba sakanila."sinaksak niya ako sa may kaliwang balikat na siyang dahilan ng pag sirit ng dugo dito. Napakagat ako sa labi sa pagpipigil ng sakit. Ang hapdi.. "h-hindi ko akalaing..m-mag-gagawa mo sakin ito. Nagtiwala ako sayo.."sabi ko na siyang ikinatawa niya.. "akala ko rin hindi ko ito magagawa pero. Akala ko rin hindi mo ako iiwan. Dahil sayo nagdusa ako! Dahil sayo naging demonyo ako! Dahil sayo kaya ako nagbago! Kasalanan mo ang lahat ng ito! Kasalanan mo!"pinagsasampal niya ako pero luha nalang ang nakaya kong ilabas. Hindi na ako makalaban lalo na at parehong braso ko ay nanghihina dahil sa mga sugat na natamo ko sakanya. She's strong.. Akala ko ay mahina siya. Akala ko ay anghel siya at ako ang tunay na demonyo.. Nagkamali ako.. "Deliver your last prayer.."pumikit ako at nagdasal.. Yeah, sa unang pagkakataon ng buhay ko ay nakuha kong magdasal. Kahit ngayon lang.. Kahit ngayon lang God. Tulungan mo ako. Ayoko pang mamatay. Sunod sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong kagubatan.. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at nakita ko ang babaeng nakasama ko simula't sapul. Ngumiti siya. Yung ngiti ng anghel na nakasama at nakilala ko.. Umagos ang dugo sakanyang ulo pababa sakanyang muka. Ganoon din sa kanyang balikat at braso.. "akala ko ay mapapatay na kita. Sa huling pagkakataon ay nagkamali ako ulit.."doon na siya tuluyang natumba at nawalan ng buhay.. Sa sobrang kapaguran ay nagawa ko nalang pumikit..at nahiga.. Tumulo ang luha saking mga mata.. Narinig ko ang yabag ng kanyang paa. Napangiti ako. Ang lalaking pinakamamahal ko.. Ay inili--- "wag ka munang magsaya. Kung inaakala mong ligtas kana ay nagkakamali ka... Buhay ang kinitil at buhay din ang kapalit.."bakas sa boses niya ang galit.. Galit na sakin mismo nagmula.. "You are next..to die..baby .. I love you.."muling umalingawngaw sa kagubatan ang tatlong putok ng baril.. Kasabay ng pagtulo ng luha niya~ "ATE!!!!"bago ako mawalan ng malay ay boses niya ang aking narinig. Umalis kana dito! Gustong gusto ko iyong isigaw subalit. Wala na..hindi ko na kaya.. Patawad kapatid ko.. "saan ka nga ulit papasok?"tanong sakin ng matalik kong kaibigan. Tumingin ako sa kawalan bago sumagot. "Sa Mafia Planet University.."bumuntong hininga ako bago tumingin sakanya at ngumisi. "kung saan nag aaral ang mga tunay na demonyo.." Sabi nila lahat daw na lugar na pinagtatayuan ng mga eskwelahan ay mga dating 'Sementeryo' Kung saan nililibing ang mga patay o wala ng buhay. Kaya pala ganun? Maraming misteryo ang bumabalot sa bawat eskwelahan. Bawat misteryo may pinagmulan. Bawat pinagmulan makahulugan. Bawat makahulugan may dahilan. At ang dahilan na iyon ang gusto kong malaman at matuklasan. Nalalapit na ang panibagong yugto.. Panibagong laro kung saan si Kamatayan ang makakalaban mo.. Handa kana bang mamatay o pumatay? "La Muerte Està Cerca.." "I am Distribuidor de Muerte.." ngumisi ito.. "Welcome to a burning hell.." "Let's burn your dirty soul.." Are you ready? Sunod sunod na pagsabog ang umalingawngaw sa buong groundfloor.. Ang mga demonyo ay nandito na.. Para patayin ako, ikaw at tayo.. Bago ang lahat may isang katanungan ako.. Handa kana bang sumugal sa Laro ni Kamatayan... "lahat papatayin ko. Wala akong ititira kahit na itaya ko ang buhay ko sa larong ito.." BABALA: Life is full of fake people.. Trust no one.. Dugo mo ang inumin ko.. At lamang loob mo ang pagkain ko. Sa madaling salita. Ang kamatayan mo ang kaligayahan ko. Halika na magbabiyahe tayo.. Papunta Sa IMPYERNO... SIMULA "Kylie! Tara pasok na tayo.. Malelate na tayo e. Ang bagal mo naman!"sumisigaw sa labas ng bahay namin si Thania. Siya nga pala ang bestfriend ko.. "Oo na! Sandali! Ang aga aga pa kaya!"sigaw ko sakanya habang nagmamadaling magsuot ng sapatos. Agad kong isinintas ito at sumigaw kay Mommy Zana para magpaalam.. "Mommy! Pasok na po ako! Sabay kami ni Thania. Wag niyo na po ako ipahatid kay kuya Andrei."nagmadali akong lumabas ng bahay. "osige! Mag ingat kayo. Mag aral kang mabuti!"aniya. Madaling madali ako sa pagbubukas ng gate. Sinalubong ako ng mapaklang pagmumuka ng kaibigan kong si Thania. "Ang tagal tagal mo. Kahit kelan talaga ang kupad kupad mong kumilos. Hmp! Tara na nga!"isinakay niya ako sa kotse niya at nagsimula na siyang magdrive papuntang school. Ako nga pala si Kylie Zandria Zerezo Paradise, isa sa anak ni Zana Zerezo at Elie Harvey. May kakambal ako siya si Yukinkizmi Akinah. Saming dalawa ako yung mas palaban, mas masungit, cold at hindi masyadong pala kaibigan. Secondyear college na ko ngayong pasukan at si Lathania Erich Montefalco naman ang matalik kong kaibigan. Kilala siya sa palayaw na Thania. "hoy! Andito na tayo. Tutunganga ka nalang ba diyan?!"mataray na sabi nito. At inirapan pa ko. Pasalamat ka bitchfriend nasa mood ako. Kung hindi sasamain ka sakin. Imbis na magreact ako nagsimula na kong maglakad pagkalabas ko sa kotse niya. Nauna na ako. Dada pa kasi siya ng dada.. Nakakaumay ang ganoon. "Oh my god! Sobrang ganda ng eskwelahang ito. Dinaig pa nito ang Hogwharts. Mas hamak na mas kahanga hanga ito. Dahil sa malinis na kapaligiran at maaliwalas na kulay na siyang ginamit na pintura sa entrance palang kitang kita na eh. Grabe! Parang kastilyo ang style. Pero paano ba tayo makakapasok?"tanong niya. Umirap ako. "natural dahil nasa gitna siya ng blackwater kung tawagin which is kulay blue green naman. Gagamit tayo ng bangka para makarating doon."tumango tango siya. "Ang cool. Pero hindi ba nakakatakot baka may anaconda pala dyan gaya ng napapanood natin? O kaya maraming buwaya?"napairap ako sa kalokohang nasa isip niya. "tss. Ewan ko sayo."tinalikuran ko na siya at nagsimulang sumakay sa bangka. "Manong..kayo na po bahala samin."ngumiti ito at tumango. "Masusunod po Madam."kilala na nila ako dito. Dahil sabi ko nga amin ang eskwelahang ito. At sooner or later ako ang mamahala neto. "Sandali naman! Ang bilis bilis mo naman kylie!"reklamo ni Thania. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Tingnan mo tong babaeng to kanina pinagmamadali ako ngayon siya tong nagrereklamo na ang bilis bilis ko. "Ikaw bruha ka. Kaninang kanina kapa talak ng talak diyan ha! Daig mo pa ang nanay ko kung makapanermon ka. Saka tantanan mo yang pagiging reklamador mo. Susupalpalin kita. Bwiset!"inirapan ko siya at taas noong naglakad at naupo na. Agad naman siyang lumapit at kumapit sa braso ko. "sorry na bitchfriend.."todo suyo siya ngayon sakin. I'm cold and heartless kaya pinabayaan ko siya. Saktong pagkababa namin sa may gilid ng puno ng Mangga. Kung saan nakapwesto ang tulay na gawa sa semento ay saka kami nagsimulang maglakad palapit sa harapan ng nangingintab na b****a ng MPU. Ang laki na ng pinagbago nito. Sa tulong na rin ng mga kaibigan ni Mommy. Iba ang headmaster neto. Dahil masyadong busy si mom sa mga businesses namin all over the world. Napapaligiran ng iba't ibang klase ng bulaklak at narra, mahogany at acacia tree ang MPU... Habang naglalakad kami ay sumasabay ang pagbagsak ng mga dahon. Napapangiti si Thania dahil doon. Natahimik siya at the same time. Pumipikit. Marahang dumadampi sa balat ko ang sariwang hangin. Para talaga kaming nasa paraiso. Ang sarap sa feeling.. Sinalubomg kami ng school guard. At tinuro ang machine. Sinwaype na namin ang ID namin saka kami pinapasok ni kuya Guard. Gwapo siya pero wala akong pakielam. Nilagpasan ko siya at may Van na huminto sa harapan namin. School shuttle ito. Sumakay na kami ni Thania doon. Dahil malayo pa ang gusali kung saan nakalocate ang mga room namin. At tungkol naman sa mga gamit ko.. Si Mom na ang bahala doon. Tutal isa naman kami sa may ari ng school na to. Former RG ang mommy ko. Sa pag akyat namin marami kaming nakakasabay. Iba't ibang amoy ang nalalanghap namin. Kanya kanyang perfume ang naamoy namin. Mabango pero halo halo na kaya sakit sa ilong. Nagmadali na akong lumakad. Kapansin pansin ang mga halaman dito. Sobrang ganda. I like it. Lalo na sa parteng lake. Katabi ng botanical garden bago ang mga gusali. Nakarating na kami sa harapan. At nakita kong natigilan si Thania at napanganga. "bibig mo baka pasukan ng langaw."sabi ko. Agad niya namang itinikom ang bibig niya. Nangislap ang mga mata niya. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad kasabay siya. Pinagtitinginan na kami. Huminto kami sa harap ng hagdanan. Saka sabay na naglakad paakyat dahil puno na ang mga elevator sa dami ng mga estudyanteng napasok ngayong taon. "ano ba yan. Nakakapagod naman umakyat. Sana naman magkaroon nalang ng escalator dito ano? Para di na kailangan mag mano mano ng paglalakad. Hoy! Bitchfriend, diba may ari kayo ng school? Magrequest ka naman sa mama mo na palagyan ito."napailing nalang ako. Kung alam mo lang Thania. Nagulat naman siya nang may biglang lumutang na elevator. Napangiti ng pagkalapad lapad si Thania dahil sa nakikita. May mga halaman din iyon sa gilid. Nangingintab ang mga ito. Gaya ng sa harapan ng MPU. Madali akong nakarating sa ikaapat na palapag kung nasaan ang Room namin ni Thania magkaklase kasi kami. Kaya magkasama kami. At mukang wala na ata kaming balak maghiwalay nito. "Whooh! Sa wakas. Nakarating din. Jusko haggard ang beauty ko."hinila ko na siya papasok sa Room 403. At pagpasok namin nagsisimula na pala ang Orientation. Walang emosyon akong pumasok sa loob. Walang pasintabi kong binuksan ang pintuan at naupo sa ikatlong row. Lahat ng kaklase namin nakatingin samin. Pero binalewala ko lang iyon. Dadaldal pa sana si Thania para sermunan ako sa pangkakaladkad ko sakanya kaya lang. Inunahan ko na siya. Naglagay ako ng headset sa tenga ko.. Ipad lang naman to. At maingat kong itinago dahil baka samsamin. "Okay Class! Introduce yourself. Magsisimula tayo sa kahuli-hulihang row."sabi ng Prof namin sa English.. "Goodmorning, everyone. I'm Jeriel Montefalco from Hakkeden Academy. 17 years old."yun lang at naupo na siya. Si Jeriel ang badboy ng Hakkeden Academy lagi siyang nangbubully at nagpapaiyak ng mga babae. He definitely a badboy. Gwapo siya mala Greek God gaya ng kakambal niya. "I'm Jeruel Montefalco. Jeriel's twin brothers. Nice to meet you all. Hope we can be friends."aniya. Habang bitbit ang nakakalokong ngiti. Siya ang playboy na kakambal ni Jeruel. Parehas sila mas masama nga lang ang ugali ni Jeriel kumpara kay Jeruel at mas mukang mabait si Jeruel. Playboy yang kambal na yan. Walang ibang ginawa kundi magpaiyak ng babae. "Magandang umaga mga butihin kong kaklase at guro. Ako nga pala si Stephen Bible ang gwapong estudyante na nagmula pa sa La Salle Academy. Mabait at matulungin, you can count on me. Sana maging close ko kayong lahat."saad ng isa naming kaklase. Gwapo siya mayabang nga lang. "Can Pendragon."yun lang ang sinabi ng isa at naupo na. Seriously? Nagpakilala na din kami ni Thania at naupo. Nakakatawang isipin pero nakakaboring talaga ang Introduction. Ang dami dami namin. Hindi na nga natapos kaya dinismiss na kami. Medyo naangasan ako doon sa Can. Tss. Pareho sila ni Lathania. Latha? Tapos Can? Aba English tagalog. Lol. "uy! Tara kain na tayo. Gutom na ako. Tanginang Introduction yan. Kailangan ba talaga niyan?! Nakakairita. Saka bakit kailangang lahat ng subject natin may ganyan. Ugh! Nahaggard na ng todo ang beauty ko. Kinginamels."hinila ko nalang siya at naglakad na kami palabas ng Room.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wife For A Year

read
70.3K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
43.5K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook