Kabanata 1

1044 Words
Kylie Point Of View Hindi ako mapakali sa eskwelahan na ito. Masyadong creepy. Kung titingnan ay napakaganda at tahimik pero pag pasok mo ay punong puno naman ng misteryo. "Kylie, papasok ka ba? tara na. Baka malate tayo e." sabi ni Thania kaya tumango ako at sumabay na sakanya. Thania never leave my side. Kahit minsan ay hindi kami magkaklase. Lagi pa rin ako nitong pinupuntahan. Habang naglalakad kami ay napansin kong masyadong marangya ang mga napasok sa school. May magagarang sasakyan na nakapark. Kaya lang bawal gumamit noon kaya pinalitan ng kabayo. Para daw hindi maging polluted ang buong Academy. Kaya binigyan kami ni Ultear ng kabayo. Pinapili kami nito. I got the white color horse at pinangalanan kong Hercules. Naging normal naman ang aking pagpasok at walang naging aberya. Maliban lang sa pagka ilang ko sa mga kasama ko sa klase. Pakiramdam ko out of place ako. Wala rin namang naglalakas loob na kausapin ako. Maliban kay Pah na sobrang ingay. "Hey, Kylie. Pakopya ako." aniya sa seryosong tinig. Tinitigan ko ito ng blanko kaya napakamot siya sa kilay. "Sige na. Pakopya, tinatamad akong magsagot e. Masyadong brutal iyong teacher natin. Ang aga niyang mag pagawa ng assignment." reklamo nito. Tinulak ko nalang ang notebook ko at natulog. Tuwang tuwa naman siya nang mahawakan iyon. "Bakit mo siya pinapakopya? hindi siya matututo niyan." narinig kong sabi ng isang hindi ko kilala. "And so? problema na niya iyon. I am just lending my answers." malamig kong tugon. He sigh. "Can! tara na. May practice pa tayo ng basketball e. Ano bang ginagawa mo riyan?" inis na sabi ni Coo. Kilala ko ito dahil nasa bulletin board siya. Can pala ang pangalan ng pakielamerong ito. "Osige. Sunod ako." aniya saka kinuha ang bag niya sa tabi ng upuan ko. Kasit-mate ko pa pala siya. Tsk. Umay naman. Thania Point of View Kinuha ko na ang kabayo ko at pinatakbo ito papuntang Building. May English Class kami ngayon. Pero di ko kaklase si Kylie. Math ang klase niya ngayon. Hindi ko parin mapigilan ang sarili kong mamangha sa eskwelahang ito. Muntik na pala talaga itong maging Paradise University dahil sa angking ganda ng school. Paradise ang epilyido ni Kylie pero di nila isinunod ang pangalan ng school sa epelyido nila. Dahil sa kagustuhan ng mama niya. Mula kasi sa Mafia family si Kylie. At ang alam ko may mga kapatid si Kylie na ang pangalan ay Planeta. Gaya ni Ate Saturn ang ate ni Kylie na kasama niya sa bahay nila. Bukod kay ate Saturn ay planeta din ang pangalan ng mga pinsan nila. Si Ate Saturn lang ang nakilala ko sa pamilya nila bukod sa mama at papa niya saka kay Andrei mylabs. Crush na crush ko talaga ang kuya ni Kylie. Kaso nasa US na 'yon. "Hi!"may mga nabati sakin. Nginingitian ko lang sila. "anong pangalan mo?"tanong ng babaeng mukang amerikana. Ang ganda niya. "Ah. Ako nga pala si Thania. Ikaw?"ngumiti ito kaya napangiti nadin ako. "Ako nga pala si Hartley, Imogen.."nagshakehands kami. Naging close kami agad kasi madaldal ako tapos friendly naman siya. Nakakatuwa sa room namin. Ngayon lang kami nagkita kita pero halos close na kaming lahat. "Mukang masayang masaya ka ah."sabi ni Pah sakin. Gwapo si Pah kahit na diko nakikita ang kabuohan ng muka niya dahil may kalahati siyang maskara gaya ng kay Kenzaki, mapang asar lang minsan at machicks. "Syempre. Ansarap niyo kasama eh."ginulo niya naman ang buhok ko. Halos lahat ng Ilustrado may maskara. Kelan pa nagsimula ito? Simula pasukan ay naka maskara na sila. At bawal silang piliting tanggalin 'yon. Pangalan lang nila ang pwede naming malaman. Halos lahat kasi sakanila ay kasali sa MPU Royalties. May karapatang parusa ang susuway sa mga iuutos nila. Kinatatakutan din sila at the same time nirerespeto at higit salahat hinahangaan. Nabanggit na ito ng mga professor. Kaya naman noong first day may suot na silang mask na kaliwang mata lang ang labas. O kaya half mask na buong noo ang sakop hanggang bibig ang sakop which is porma dahil isang mata lang ang kita. Pinapayagan din silang magsuot ng buong maskara. As long as hindi sagabal 'yon sa pag aaral. Sa madaling salita. Hindi namin nakikita kung gaano kaganda ang mga tao o gaano kagwapo. Kahit nga si Heather may suot din siyang maskara kahapon kahit na nagsuot na siya ng Knight amour magkalaban sila ni Tiffany sa jousting kahapon at nanalo si Tiffany sakanya.. Pero kahit nakamaskara siya ay halatang napakaganda niya. Sa physical man o sa panlabas. "Tara kain na tayo?"lumapit samin si Mai kasama nito si Liv na sobrang englishero. Tahimik lang si Liv. "Bakit di ka nagsasalita?"tanong ko kay Liv na ngumuso lang. Ang pogi niya. "kasi nakakanosebleed pag nagsalita na yan."natatawang sabi ni Ild na ngayon ay nakaupo na sa ibabaw ng silya ni Pah. Nauna ng umalis si Hartley. Kaya naiwan ako dito sa mga kaklase kong lalaki. "Ay! Wag mo ako eenglishin. Manonose bleed ako haha!"napaiwas ng tingin si Liv. Saka ko naisipang bawiin ang sinabi ko. "Uy! Joke lang. Englishin mo ako pero tagalog ang irereply ko. Nakakaintindi ka naman siguro ng tagalog no?"tanong ko na ikinalingon niya. "Yeah."tumango ako atsaka ako hinila ni Pah. Ang hilig niyang manghila. Inakbayan na niya ako. Nadaanan namin ang masayang mga estudyanteng nakatambay sa may corridor. Halos masiyahin lahat dito. At kahit na kakaumpisa palang ng pasukan ay talaga namang magkakasundo na agad ang lahat. "Ang ganda ng muse niyo ah."bati ng di ko kilalang lalaki. "siraulo!"nagtawanan nalang kami. Naalala ko naman si Kylie at tinext ko siya. Sa cafeteria ko nalang siya kakatagpuin. "asan pala yung anak ng may ari ng school na lagi mong kasama?"si Pah. Nilingon ko siya at nakita ko kung gaano siya kaseryoso sa pagtatanong sakin. "ayan na oh."pagtingin ko kasi sa harap ay andun na ang hinahanap niya. Cold expression, cold na aura at malamig na paligid. Kala ko tuloy magyeyelo na ako. Joke lang! Biglang bumitaw sa pagkakaakbay si Pah dahil sa deathglare ni Kylie. Agad naman akong tumakbo palapit kay Kylie at nang magkasabay kami maglakad ay tinalikuran niya na kami at ang mga kasama ko. "suplada."narinig kong sabi ng isa sa likod. Pareho kami ni Kylie na lumingon sakanila. Kaso abala sila lahat sa pagkukwentuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD