"Pah.. Nakaka excite yung mangyayaring ranking para sa Student Council."napakadaldal pala nitong ni Col Juskolord.
"Yeah. Inaasahan ko na rin na mapapabilang ako doon."nakangising saad nito. Sakanila na ako sumabay habang nangunguna samin si Kylie.
Halos mabali ang leeg ng mga taong nakakasalubong namin. Ang iba ay busy sa pakikipagkuwentuhan. Ang iba ay nag aaral mabuti. Pero napapatingin sa direksyon namin dahil sa kagwapuhan ng mga kasama ko.
"masasanay ka rin."si Mai. Kinakausap niya ako. Tumango ako at ngumiti. May mga magkakaibigan kaming nakitang nagtutulong tulong sa pagdadala ng gamit at pagkain nila.
Kahit saan ka tumingin. Nagkakaisa at nagtutulungan ang lahat. Walang kahit anong gulo ang nagaganap.
May mga nagkukulitan din. Nagbabatuhan ng mga chichirya at papel. Pero nililinis din nila yun.
"ang ganda ng school natin, noh?"napalingon ako kay Ild. Siya na pala ang kasabay ko busy na pala si Mai sa pakikipagkuwentuhan kina Gin at Ver.
"Oo nga eh."napangiti ako. Nasaksihan ko kung pano magkasundo ang mga tao. May mga estudyanteng natulong sa mga waiter at waitress sa pag kuha ng mga pinagkainan ng iba. May ibang natulong sa pagpupunas ng lamesa at may mga nagwawalis din.
"tara magbless!"yaya ko sa mga boys. Wala silang nagawa kundi sumama samin. Nagbisa kami sa mga matatandang mang gagawa o taga pangalaga ng school. Nginitian naman kami ng mga 'yon.
"dalian mo, Thania. Gutom na ako."malamig na sabi ni Kylie. Tumango ako at lumapit sakanya. Sabay na kaming umorder. At cake ang binili niya.
"Hindi ka nakain ng kanin?"tanong ni Hoy kay Kylie. Umiling lang si Kylie saka nagsimulang kumain.
"nakain yan puro nga lang pasta."sabi ko. Napanguso ang boys dahil doon.
Dumating ang iba pang IT kaya nag excuse na kami. Nakakaintense naman kasi nilang kasama. Agaw eksena kapag kumilos.
"Gah! Ang gwapo kaya nila! Kahit na may mga maskara pa!"naririnig kong tsismisan ng mga kaklase ko.
Kahit sino naman talaga mapapahanga sakanila eh. Talented na gwapo pa!
"Oy? Anong nginingiti ngiti mo dyan?"
"ano nga ningingiti mo?"pumalakpak na siya sa harap ko kaya napapitlag ako.
"H-Ha?"tinaasan nanaman ako ni Kylie ng kilay. Ngumuso ako. Siguradong hindi na niya uulitin pa yung sinabi niya. Kaya niyaya ko nalang siyang pumunta kay Mam Haeclix. Ang professor namin sa Filipino. Pinatatawag kasi ako nito.
"tara kay Mam Hae."kumunot ang noo niya saka nauna ng tumayo. Kita mo to talaga.. Ako nagyaya nauna pa sakin.
"maghintay ka naman Kyleng oh! Ang bilis bilis mo nanaman.."dada pa sana ako kaya lang dumaan si Crush! Omg! Ang gwapo talaga ni Mai. Ang cool niyang maglakad. Halos lahat ng nakaharang sa daraanan niya natabi.
"Hi! Mai! Goodmorning!"bati ng mga babaeng taga ibang year level.
"Hi."tipid nitong sabi habang nakangiti. Nilagpasan na niya ang mga 'yon pero todo padyak ang mga babae. Naghahampasan pa sila.
"yung mata mo baka lumuwa. Pakisara yang bibig mo, Thania."ani Kylie. Umirap pa ito. Hinampas ko naman siya. Pero binalewala niya lang 'yon. Manhid talaga.
Pagkarating namin sa Faculty Office ay sinalubong agad kami ni Mam Hae. Ngumiti ito samin at inilahad na maupo kami.
"Mam ano po ang ipapagawa niyo?"tanong ko dito.
"pakidala naman nitong mga papers kay Mam Klarissa. Nasa Room 203 siya ngayon."tumango ako. Tahimik lang si Kylie sa tabi ko at ramdam ko nanaman ang pagiging malamig niya. Dapat na siguro akong magjacket talaga!
"tutulungan mo ba ako?"tanong ko sakanya. Hindi siya nagsalita. Sabi na eh. Sinamahan niya lang talaga ako. Wala siyang balak tulungan ako.
Bumuntong hininga ako at dinala ang isang metrong taas ng mga dokumento at papeles. Kasing kapal ng mini tv ang mga ito. Halos matabunan na nga ang mata ko.
Lumabas na kami pareho. Habang naglalakad ay pinagtitinginan na ako ng mga tao. Habang siya ay malamig na naglalakad. Wala talagang puso.
Hahakbang na sana ako ng biglang may mga kamay na humawak sa dala ko. Nung mahawi 'yon nakita ko si Mai na buhat buhat ang mga papeles. Naestatwa ako dahil sa ginawa niya. Nagtilian naman yung mga nakakita samin. Kahit yung mga naglalakad napahinto para lang tumili.
Pinamulahan naman ako. Shet!
"ako ng magdadala. Mukang nahihirapan ka. Saan ba ito dadalhin?"aniya. I cleared my throat saka sinagot ang tanong niya.
"ako na, Mai. Nakakahiya naman kasi e. Ayos lang. Kaya ko naman."sabi ko.
"Uh? Ako na. Mas malakas naman ako."sabi pa niya. Tumango nalang ako. "Kay Mam Klarissa sa room 203."tumango siya at nagsimula ng maglakad. Nagpahuli si Kylie habang ako naman itong nakabuntot kay Mai.
Napanguso ako ng mapansin ang mga mapanuring tingin ng mga tao.
"Ang swerte naman niya tinulungan siya ni Mai."
Pagdating namin sa may tapat ng room ay halos maghyperventilate na ang mga babaeng nasa loob ng classroom ng huminto si Mai sa may Tapat ng pinto. Lumapit ako doon para kumatok kahit bukas naman. Lumapit samin si Mam Klarissa bago pinababa ang mga papeles at dokumento.
"Salamat Mai."maligayang sabi ng guro namin sa Filipino. Ibang course ang tinuturuan nito.
"wala hong anuman. Sa katunayan sinamahan ko lang si Thania na ihatid ang lahat ng ito. Masyado kasing mabigat para buhatin ng isang babae."ani pa niya. Napayuko nalang ako. Tumunghay ako ng marinig na magpasalamat si Mam Klarissa.
"Salamat, Thania."ngumiti ako atsaka nagpaalam nadin kami.
"saan na ang punta mo ngayon?"tanong ko kay Mai na abala sa pagbabasa ng libro. Para siyang si Kylie ang hilig nilang magbasa ng libro.
Napadaan kami sa bulletin board ng mabasa ang announcements.
Special Announcements,
To all my beloved students, mag iisang buwan na at malapit na ang preliminary exam. Mag aral kayong mabuti. Sapagkat ang sinumang may pinaka mataas na average sa overall subject ay makakabilang sa MPU Royalties. Alam niyo naman ang magiging buhay niyo kapag napabilang kayo. Marangyang pamumuhay. Pamumunuan niyo ang eskwelahan. Ang Lord, Empress, Emperador, Queen at King, President and Vice President of Student Council Supreme Government saka ang secretary nito. Knights, Terminator, Master DA/Terminator, at marami pang iba ang pipiliin. Base sa gradong makukuha niyo. Goodluck!
Rules nga pala ang ilan sa mga Student Council ay hindi basta basta magpapakita sa mga estudyante. Ang kailangan lang nilang gawin ay panatilihing tahimik, payapa at walang gulo ang eskwelahan. Gusto ko lang maging kakaiba ang mga ito. Yun lang.
- MPU Headmaster
Napangiti naman si Mai pagkatapos basahin ang sinabi ng headmaster. Ang gwapo niya talaga..
Nauna na siyang umalis. At nanatili kami ni Kylie doon.
"Kahit isa wala pang nakakakita o nakakakilala sa headmaster. Hindi parin siya nalabas kapag may mga event o meeting. Hindi din daw nakikita ng mga bagong professor ang headmaster. Sino kaya siya?"yan din ang katanungang gumugulo sa isip ko. Saka sobrang misteryoso naman ni headmaster di namin malaman kung ano ang pangalan niya. Basta kapag may mahalagang ipapasabi ay pinaparecord nalang 'yon ng headmaster atsaka ipapasa sakanya. Hindi kaya may sakit na nakakahawa si Headmaster?
"Wala siyang ganoong sakit. Masyado lang daw busy 'yon sabi ni Mom. Ayaw niya naman sabihin sakin kung anong itsura."dagdag pa ni Kylie. Saka tumalikod at nagsimula ng maglakad. Wala na akong nagawa kundi sumunod sakanya.
"bakit ba lagi mo nalang binabasa ang nasa isip ko? Kakainis ka naman e. Alam mo yung privacy?"reklamo ko. Kakainis naman kasi tong si Kylie. Nababasa nasa isip ko. Hindi na nga ako nag feface eexpression eh.
"tss. Lika na. Inaantok na ako."kita mo antukin talaga siya. Palagi nalang siyang tulog. Hinayaan ko nalang siyang maglakad. Sumakay kami sa mga kabayo namin.
Sobrang sarap sa feeling mag aral dito. Sobrang saya at tahimik malayo sa gulo.
Nag eenjoy ako dahil marami akong nakilala at naging kaibigan. Lahat sila friendly at hindi ako pinababayaan. Kahit na ganito ang kasama ko still masaya pa rin at sanay na ko sakanya. Hinayaan ko na siyang mauna at nagpaiwan na muna ko. Gusto ko talagang mag gala pa para di ako maligaw.