Abala parin ang lahat sa kani-kanilang reviewers. Nakalipas na kasi ang dalawang linggo. Puro quizzes, recitations at assignment ang ginagawa namin ngayon.. Sobrang hirap to the point na nakakalugaw siya ng utak. As in. Last two weeks kasi puro lecture ang madalas na ginagawa namin. Kaya eto halos maalog na ang utak ko kakaisip kung paano ako makakasurvive sa madugong examinations. Oo nga't prelim palang 'yon may pag asa pang bumawi sa midterm at finals. Kaso diba dapat kapag prelim ay basic palang o madali ang pinag aaralan. Dito hard agad sunod harder hanggang maging hardest! Akala ko pa naman ay easy easy lang ang magiging buhay ko dito sa MPU. Buti sana kung kasing talino ako nila Kylie at ng mga IT. Diba? Kaso hindi nasa average level lang ang utak ko. Kumpara sakanila. Nagkamali lang ata ang professor namin na sa section Saturn ako ilagay. Dating constellations ang mga section binago lang dahil sa di ko malamang dahilan. Confidental daw masyado.
"Thania, kanina kapa tinatawag ni Mam."pokerface nanaman si Kylie. Napalingon naman ako kay Mam Iyanna na nakalapit na pala sakin. Siya ang professor namin sa Science. Di ko alam kung bakit may Science pa e? Secondyear college na naman kami. Pero kakaiba ang science namin its include reality too.
"y-yes mam?"tinaasan niya ako ng kilay at saka nilapag ang dalwang kamay sa table.
"I'm asking you about how to reduce a pollutions? Kanina pa kita tinatawag pero you didn't pay a single attention. Are you with us?"aniya sa seryosong tinig. Hindi galit pero malumanay.
"Sorry Mam!"I said habang pinagdidikit ang aking palad. Tumango siya at ngumiti.
"Listen carefully, pag nasa klase ko kayo ay matuto kayong magbigay ng atensyon sa mga tinuturo ko dahil after explaining everything to you guys. There's a Question and answer portion, alright? Hindi ko kayo idadown kapag nagtaas kayo ng kamay o sumagot. Wag kayong mag aalala. Kahit na mali ang sagot niyo ay di ko sasabihing Mali ka. Don't worry. Okay, anyone? Sinong nakakaalam?"napayuko ako dahil sa pagkapahiya. Pakiramdam ko talaga ay hindi ako nababagay dito.
Napalingon ako kay Mai na tinapik ang balikat ko.
"it's okay."aniya saka nagtaas ng kanang kamay. Nilingon naman siya ng prof namin ng nakangiti.
"Yes, Mai."preskong presko ang pag tayo niya. Lahat ng atensyon ng mga kaklase namin ay sakanya.
"In order to reduce the pollutions like air pollutions, people should know how to avoid burning plastics, dapat silang gumawa ng composepit kung saan hindi kailangang sunugin ang anumang basura na nagko-cause ng usok. Ganoon din sa mga pabrika at mga pampublikong sasakyan para hindi magsimula ng pollutions. Para mapangalagaan ang kalikasan mabuting sumali at sundin ng mga tao ang mga organization na may concern sa tamang pag iingat sa ating inang kalikasan. Ipagbawal ang pagputol ng puno para di magkaroon ng baha kapag bumagyo o may malakas na pag ulan dahil sinisipsip ng mga puno ang tubig dapat alam din nila yan."pumalakpak ang mga kaklase namin. Kahit ako. Seryoso siyang naupo.
"Very good, isa lang ang tanong ko pero andami mong naisagot. Ipagpatuloy mo lang yan."bumalik sa pagkakaupo si Mam Iyanna saka bumaling muli samin.
"okay get a one half sheet of paper. Magkakaroon tayo ng short quiz today. Sinabi ko na yan sainyo kahapon."tumango kami at kumuha ng yellow paper naghati kami ni Kylie.
Natapos ang first class namin ng lutang padin ako. Gutom na ata ako e.
"hoy! Ayos ka lang? Tulala ka masyado?"seryosong sabi ni Kylie. Sabay kaming maglakad ngayon papuntang cafeteria.
"Ah, ano kasi nasstress ako sa dami ginagawa natin. Jusko! Ganito ba talaga dito? Napaka high standard. Wala ng pahinga. As in hell week,exam na agad nextweek."para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi ako sanay mag aral ng mag aral nakakatamad. Gusto ko lang magliwaliw. Tahimik nanaman niya.
May humarang saming babae. "Hi!"nakangiti ito habang nakatitig samin ni Kylie. Nag iwas lang ng tingin si Kylie. Hindi talaga siya mahilig sa mga tao. Ako lang ang kaibigan niya. Namamansin man siya ay kapag importante lang o may sense ang kausap.
"Hello! Hartley! Kamusta?"tanong ko. Sinabayan niya naman kami sa paglalakad.
"ayos lang. Nakakapagod no? Hell week ngayon. Halos puro academic. Walang PE dahil malapit na ang exam. Gosh! Nakakasira ng beauty."natatawa niyang sabi. Tumango ako at sinabayan siya sa pagkainis sa kaganapan ngayon. Sabay sabay na kaming kumain sa cafeteria.
As usual, maingay dito dahil halos lahat ata ng estudyante sa building namin ay nandito na.
Ganun parin, lahat sila nakangiti, natawa at masaya. May iba pang nagrereklamo dahil napakahirap talaga ng mga pinapagawa samin ngayon.
Kylie Point of View
Naisipan ko nalang matulog sa unit ko dahil wala naman kaming klase ngayon. Hindi tulad ni Thania na may pasok. Wala kasi yung professor namin sa Economics. Bukas pa pala ang klase ko sa Math which is Partnership and Corporation.
Eto yung pangarap kong school noon. Marangyang buhay man ay para sakin ay simple lang dahil lahat ng bagay natural lang. Mag aral at pumasok. Tahimik at walang gulo.
Flashback..
Ayos na ako kay Thania, siya lang ang kaibigan ko. Kasi hanggang ngayon wala parin akong tiwala sa mga tao. Nabubully ako nung elementary at highschool. Hindi dahil mahina ako, hindi dahil bobo ako. Hindi naman ako pangit para laitin. Binubully nila ako dahil naiiba ako sakanila. Nung elementary kasi magulong school ang napasukan ko. Puro may attitude problem sila karamihan mean, jerk, b***h. Lahat na ata ng klase ng tao ay nakasalamuha ko na. Madalas nilang ninanakaw ang gamit ko. Madalas din nilang vinavandal ang desk ko. At higit salahat ang hilig nilang saktan ako. Pero di pa rin ako nalaban. Hinahayaan ko lang sila. Dahil kahit mula ako sa Mafia Family ay pinalaki ako ng mom ko ng may takot sa diyos, may respeto sa kapwa, at higit salahat. Ang wag manakit ng kapwa. Kahit na sinasaktan na nila ako.
Ako lang yung kakaiba sa lahat. Tahimik ako, nangiti man ay bihira. Puro pag aaral lang ang inaatupag ko. Para sakin kasi Education is my honor. My honor is my life. Take my honor from me and my life will end. Mas pinagtuonan ko ng pansin ang mga may kabuluhang bagay kumpara sa pag aaksaya ng oras at panahon sa walang kakwenta kwenta. Bata palang ako mataas na ang pangarap ko. Gusto kong makapagtapos sa kolehiyo at imanage ang business ng pamilya namin. Para makapagpatayo ng hotel at restaurant, resorts, hospital at orphanage para sa mga tao. At sa pamilya ko.
Gusto ng mga kaklase kong maging katulad ako nila. Pero ayoko. Kaya binubully nila ako. Ayaw nila ng anghel. Hindi daw ako nababagay sa eskwelahang 'yon kahit na mayaman kami. Kahit na anak pa ko ng isang Mafia Queen. Pinamuka nilang mahina ako. Pero hindi ako mahina. Ayoko lang talagang ibaba ang level ko sakanila. At higit salahat madalas kong ginagamit ang utak ko. Sa katunayan dapat pa nga silang kaawaan. Nakikita ko sa mga mata nila na patapon ang buhay nila. Yung mga pinagdadaanan nila sa oras na 'yon. Mind reader ako at kapag napatingin ako sa mata ng isang tao. Nababasa ko ang nasa isip nila o nakaraan nila. Kahit mga pinagdadaanan nila. At naawa ako. Kaya hinahayaan ko nalang sila kahit alam kong mali ang ginagawa ko..
Kaso isang araw.. May isang taong nakamaskara ang tumulong sakin isang batang lalaki na may asul na mata.
Naka barbers ang buhok niya at maputi. He's wearing a tuxedo that time. Hindi ko alam kung transferee siya o nag aaral din siya sa Hakkeden Academy kung saan ako nag aaral.
"hahaha! Mahina! Kala ko pa naman mula ka sa Mafia. Fake ka pala! Nakakasuka talaga ang mahihinang katulad mo!"sigaw sakin ng isang kaklase ko. Hindi ko alam ang pangalan niya pero. Isa lang ang alam ko. Palagi siyang binubugbog ng tatay niyang Heneral.
I pity him. Nagmula siya sa angkan ng mga mararahas na Mafia. Mga magnanakaw, killers na napatay. May ari sila ng isang casino at isang tao ng gobyerno ang tatay niya. Isa 'yong heneral at ginagamit niya ang katungkulan niya para yumaman at mangurakot sa mga nasasakupan. Mahirap man o mayaman. Pinuno din 'yon ng sindikato na involve sa drugs at mga illegal na kalakalan sa iba't ibang bansa.
At alam niya 'yon.
Pero wala siyang magawa. Kaya yung galit niya binubuhos niya sa mga tao dito sa paaralan.
Tumayo ako pero tinulak niya ako ulit. Dahilan para mapatama ang likod ko sa armchair.
Dumating ang isang batang nakatuxedo at humarang sakin. Siya 'yong tinutukoy ko na hindi ko alam kung dito din nag aaral.
Nilingon niya ako at tinulungang tumayo. Pinaupo niya ako sa armchair atsaka bumaling sa lalaking nambubully sakin.
"Hurting a girl is like telling the people around you that you're a gay. So weak, men."anito. Ang angas ng boses niya. Malamig at nakakaakit?
"Ano bang pakielam mo? Deumus Mormo! umalis ka dito!"itutulak sana siya nung batang lalaking tumulak sakin pero tinaas nung Deumus(Pronounce as Demus) ang kamay niya at binuka 'yon sa mismong muka nung lalaki para mapigilan ang muka noon. Ano ba yun? Talaga bang Deumus Mormo ang pangalan niya? Ang alam ko kasi isa 'yong demons name.
MORMO – King of the Ghouls and chief consort of Hecate, the Greek goddess of the underworld and witchcraft.
"alam ko kung anong pinagdadaanan mo, Vin. Isa kang Heinus na mula sa Mafia Family. Gusto mo bang ibunyag ko salahat ang natatagong lihim ng pamilya niyo? Hindi ako magdadalwang isip na ilahad ang katotohanan sa lahat. Kasabay ng pagbagsak ng pinagmamalaki mong pamilyang kahit ikaw ay sinasaktan."nagulat ako pati narin si Vin. Dahil doon. Paano nalaman ng isang to ang tungkol doon?
"T-Tangina Deumus! Wala kang karapatang gawin sakin to!"sinakmal na ni Deumus ang muka ni Vin atsaka tinadyakan ito. Tumalsik naman si Vin Heinus at napahiga sa sahig. Halos magpigil hininga ang mga nakakasaksi dahil sa nangyayari.
"sa ayaw at sa gusto mo. Ako ang masusunod. Baka nakakalimutan mo. Mas mataas ang ranggo ng Dad ko kumpara sa Dad mo. At mas malawak ang nasasakupan namin kumpara sainyo. Anumang oras ay kaya kitang tapakan ng pinong pino. Kung gugustuhin ko. Sundin mo ang gusto ko. Tigilan mo ang babaeng to. At makakaasa kang hindi manlalagas ang angkan mo."humarap siya sakin at ngumiti. Yung mga ngiti niya.
"Tangina mo! Kung di lang sana totoo ang mga sinabi mo. Di kita susundin!"sa unang pagkakataon nakita kong umiyak ang pinaka badboy sa buong Hakkeden. Sa unang pagkakataon umiyak si Vin.
May binigay saking kwintas si Deumus. Isang silver necklace na may cross na pendant.
"galing to sa isang taong hinahangaan ko. Na nagmula sa angkan niyo. Griffin Uranus Exousia. Malaki ang utang na loob ko sakanya. Kaya binabalik ko ang nagawa niya para sakin. Mag iingat ka."napatingin ako sa kumikinang na pendant ng kwintas.
This necklace? Is familliar. Saka paano nga ba ito napunta sakanya?
Magpapasalamat sana ako kaya lang nung tumingin ako sa harapan ko ay wala na siya.. Sino ba talaga siya?
"weird."yun nalang ang nasabi ko.
Simula noon ay di na ako binubully. Hindi ko na rin siya nakikita.
Isang gabi pag uwi ko sa bahay. Sinalubong ako ng yakap ni Mommy. Nagbless ako sakanya. Saka sabay kaming nagpunta sa sala kung saan nandoon ang guess namin.
Suot suot ko na yung necklace na binigay niya. Kamusta na kaya siya? Hindi na kami nagkikita e.
"Hi! Eto nga pala ang bunsong anak ko. Kylie, meet your tita and tito."tumango lang ako. Si tita Stacey daw.
"Hello hija, eto nga pala si Thania ang kaisa isa kong anak. Nalaman ko sa mom mo na sa Hakkeden Academy ka napasok. Pareho kayo nitong anak ko."tumango ako at bumaling sa isang cute na bata. Mahaba ang pilikmata na may pinkish na labi at pisngi. Mapungay ang mga mata niya at maamo. Nginitian niya ako pero nag iwas ako ng tingin. Nung sinilip ko kung anong naging reactions niya ay nakanguso ito. Tinawanan lang kami nila Tita.
Nag usap lang sila ni Mom about sa negosyo nila. Habang ako eto kasama ang makulit at napakadaldal na bata. Highschool na kami pero bata ang tingin ko salahat.
"anong section mo sa Hakkeden? Di kita nakikita e."di ako nasagot. Nakakatamad magsalita.
"Uy!"may naisip ako. Sakanya ko nalang kaya itanong.
"may kilala kabang Deumus Mormo?"natahimik siya at nag iwas ng tingin.
"sino siya?"tanong ko. Ilang minuto bago siya humarap sakin.
"He's dangerous. Isa sa pinakamalakas na Mafia ang pamilyang pinagmulan niya. At hindi Deumus ang tunay niyang pangalan walang nakakaalam. At kung may makaalam man ay siguradong di na sisikatan ng araw."natahimik ako bigla. Napahawak ako sa kwintas na binigay niya.
Bakit? Ang bait niya sakin? Dahil lang ba yun kay kuya Griffin?
Simula noon si Thania na ang lagi kong nakakasama. Naging malamig ako. At naging masama ang aura. Kaya wala ng nagtangkang ibully ako.
Ayunn pala ang dahilan ni Kylie kaya siya naging cold. Dahil binubully siya noon.
Mas naging maingat na siya at ilag sa mga tao dahil alam niyang masyadong malupit at bully ang ibang tao. Ayaw niyang mapalapit kahit kanino.
Naiintindihan ko iyon kaya nga di ko siya kinukulit at hinahayaan ko lang siyang gawin ang gusto niya.
I sighed. Mananatili nalang ako sa tabi niya habang di pa siya handang kumilala ng mga tao at kakaibiganin. Sapat naman na ko sakanya. "Tara na kumain." aya niya na tinanguan ko lang. Saka sumabay sakanya papuntang cafeteria.