Abala ang lahat sa pagpapasa ng prelim project puro term paper ang pinagawa samin.
Bihira ko makita ang Ilustrado ngayon. Napasok lang sila kapag may quizzes o recitations. Bakit kaya? Saka hindi lahat ng Ilustrado nakikita ko.
Naligo nalang ako sa pool area na katabi ng condominium ng Saturn.
Nagdive ako sa pool. Suot ko ang swimsuit na binili ni Mom sakin. Halos siya na kasi lahat nabili ng susuotin ko..
Naglangoy ako papunta sa kabilang side ng pool. Nagpabalik balik ako. Nagfloating ako ng makaramdam ng pagod saka sumisid naman.
Nakakarelax ang tubig lalo na at solo ko ngayong gabi. Umahon ako sa tubig ng makaramdam ng lamig.
Kinuha ko yung robe ko at isinuot 'yon saka naglakad papuntang condo unit ko. May mga nakasalubong akong babae na abala sa pagkukuwentuhan. May mga natingin man ay naiwas din ng tingin.
Minadali ko na ang pagsakay sa elevator dahil sobrang giniginaw na ako.
Nagluto na ako ng pang hapunan. Since magaling naman akong magluto ay ayos na. Nagluto ako ng pork adobo at nagsaing sa rice cooker. Habang nagpapatuyo ng buhok ay binuksan ko ang tv para manood. As usual anime ang pinapanood ko. Fairytail ang pinaka paborito ko. Idol ko kasi si Erza.
Matapos magluto ay kumain na ako saka lumabas. Kinuha ko ang susi ko at binigyan naman ako ng form ng taga bantay. Sinagutan ko 'yon at pinasa sa Principal syempre nag abala pa akong gumamit ng kabayo para puntahan ang office ng Principal.
Buti nalang at kahit gabi na ay nandoon parin ito. Kumatok ako at nagsalita siya.
"Come in."isang baritonong boses ng lalaki ang nagsalita. Pumasok naman ako.
Nakatalikod ito na nakaupo sa swivel chair at nakatanaw sa may glass window.
Tanaw sa di kalayuan ang race track field. Buong akala ko ay yung sa soccer field ang ginagamit. Bukod pa pala 'yon. Ilang field kaya ang meron sa eskwelahang ito. Di ko akalaing mapapalaki ng mama ko ng ganito ang MPU.
Kahit na matagal na siyang umalis sa RG. Sa katunayan ay kalaban niya nga ang mga 'yon at di ko alam kung buhay paba ang Gang na 'yon. Wala akong pakielam sakanila. Trinaydor nila ang nanay ko.
"anong kailangan mo?"napakunot ang noo ko at binasa ang nakasulat sa ibabaw ng lamesa niya.
MPU Principal: Finn De Monio
Tumaas ang isa kong kilay sa nabasa. Ano bang epilyido yan? De Monio?
"Magpapasa lang ako ng Form. I want to join the race kaya humihingi ako ng pahintulot sainyo na gamitin ang kotse ko."napansin ko lang ang feathers na nakalaylay sa may muka niya. Kita 'yon kahit nakatalikod siya.
Dahan dahan itong humarap at ngumiting bumaling sakin. Nag iwas ako ng tingin. Talaga bang ito ang Principal? Bakit mukang bata pa? Nasa mid 30's lang siguro.
"Akin na ang ID mo."kinuha ko naman sa mini bag ko ang ID ko at iniabot sakanya. Sinwaype niya 'yon sa isang machine na nakabaon sa lamesa niya. Saka tinatatakan ang form.
Na may words na APPROVED. Tapos saka niya pinirmahan ang nasa baba kung saan nakalagay ang pangalan niya? Ngayon ko lang napansin na andun pala ang pangalan niya.
Saka niya iniabot sakin pareho. Ngumiti siya ulit.
"mag iingat ka. "tumalikod na ako ng magsalita siya. Hindi na ako nagpasalamat.
Mabilis akong umalis ng office at nagtungo kay Angel. Sumakay na ko sakanya pabalik ng condo.
May nadaanan akong tao na nakaupo sa bench. May straight light naman doon. Nakaupo siya habang may hawak na mountain dew. Suot nito ang headset niya. Habang nakatingin..
sakin?
Bahagya itong tumango. Di ko alam kung bakit. Pero siya yung nakita ko sa may garden.
Yung may itim na buhok.
Binilisan ko na ang pagpapatakbo ng kabayo ko dahil malapit na ang trials..
Para sa race.. Puno ng pasaya ang eskwelahang ito kaya hindi ako makakaramdam ng pagkaboring kahit na hindi kami pinapayagang lumabas dito. Maari lang kaming makalabas kapag natapos ang graduation.
Ihininto ko na sa kwadra si Angel at ipinasok sa loob. Saka ako pumunta sa kabilang side kung saan nakaparada ang kotse ko. Binigay ko na 'yon kay Carvin. Ang binatang security guard na taga pagbantay ng mga kotse. Nasa akin ang susi kaya ayos na. Pagkatapos niyang iscan ang form ay binigay niya ito sakin at binuksan ang parking lot. May pinindot siya sa hawak niyang remote tapos natanggal yung lacer na kapag nagkamali kang magpumilit kunin ang kotse mo ng walang pahintulot ay pwedeng malusaw ang katawan mo kapag nagkamali ka sa pagkuha dahil sa lacer.
Sumakay na ako agad at minaniobra ang kotse saka inilabas. Pinaharurot ko na ito. Hanggang sa marating ko na ang race track. Bago makapasok ay may Toll na nakatayo sa pinaka entrance kung saan hindi ka magbabayad ng pera. Iaabot mo lang yung form sakanila. Saka isscan at ibabalik sayo. Saka ka makakapasok.
May mga nagkakarera na ngayon. Isang pulang sports car at isang kulay violet mercedes benz.. Mabilis ang takbo ng dalawa. Dalawa lang sila? So one on one ang trials?
Hindi ko na pinanood at dumiretso nako sa may office sa loob ng field. Maliit lang 'yon. Kasya na ang tatlong tao. Ipinark ko muna ang ferrari ko sa katabi ng isang lambhorgini veneno na kulay gray. Limited edition pala naman.
Dumiretso na ako sa loob at kinausap si Tiffany? Gah? Pati ba naman dito.
"Hi, magpapalista ka?"tumango ako. Still kahit nakamaskara siya na kulay violet ay maganda parin siya. Dahil sa kaputian niya.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko naisipang mag maskara din. Damn. Hindi sa naiinggit ako. Nakakailang lang na alam ng lahat kung sino ako.
"akin na yung form. Ibabalik ko sayo to agad. Eto yung sticker. Pakilagay nalang to sa harapan ng kotse mo."aniya. At ibinigay sakin ang pinaghalong kulay white at red na sticker. May nakalagay doong MPU Racer #05
Ang daming alam. Maya maya pa ay natapos na siya. At pinapirma lang ako.
"Go to the right side of this field. Doon ka pipila. Kayo na ang sunod."kayo? Sino naman kaya ang makakalaban ko?
Tumango ako at umalis na doon. Dumiretso na ako sa sinasabi niya. Starting line..
Ihininto ko ang kotse ko at nakita kong kumatok yung isang babae? Oh? Si Ultear..
"Yes?"binuksan ko ang bintana para makita siya. Gaya ni Tiffany ay nakangiti ito.
"Kayo ang maglalaban ng lambhorgini veneno. Humanda kana. Ayos na ba ang kotse mo?"tumango ako.
"good. Pwesto na sa starting line."isinara ko na ang bintana at dumiretso sa starting line.. Bukod sa jousting ito ang gusto ko. Ang racing.
"Get ready!" sinuot ko na yung hearing device. Para marinig ang nagsasalita.
"Get set!"hawak nito ang isang kulay puti at pulang watawat. Napatingin ako sa katabi ng kotse ko. Tinted ang salamin. Hindi ko alam kung sino siya.
"GO!"mabilis kong pinaandar ang kotse. Tinapakan ko na agad ang acceleration para mauna. Nakita ko sa side mirror na naka accelaration din siya. Kaya lang mas angat parin ang Ferrari ko dahil salahat ng sasakyang customize ay mas pinakacustomize pa ito.
Malapit na sa drift curves. Hindi ko na sinubukang magbawas. Sanay na naman ako.. At dahil sa talento ko at utak. Nangunguna parin ako.
Someone Pov.
Pati ba naman sa racing ay magaling siya? Kahanga hanga. Pero nagkakamali siya kung iniisip niyang matatalo niya agad ako.
No one can beat a King of racing and acceleration.
Mabilis akong sumabay sa pagdidrift niya ng makita kong bahagya siyang nagbigay ng space sa gilid.
Magkasabay kaming nagdrift. Pantay na pantay. Hanggang sa magsabay din kami nung magstraight line.
Bigla siyang gumamit ng turbo kaya mas nauna siya sakin. Pero ginamit ko rin ang isa pang paraan para mauna.
Bumwelo ako saka ginamit ang turbo. At sa wakas. Malapit na ko---kami sa Finish line.
Damn! Sabay?
Sabay nga kaming nakarating sa finish line. Sa unang pagkakataon. May katapat na ako.
Bumaba siya sa kotse niya para kausapin si Ultear hindi na ako nag abala. Hindi na muna ako magpapakita sayo sa ngayon.
Kinausap ko nalang si Ultear gamit ang device. Pumayag naman siya.
Tiningnan ko si Kylie sa side mirror ng kotse ko saka ngumiti.
Welcome to my world my Queen..
Thania Point Of View
Napanood ko si Kylie mag race kalaban yung top 1 sa racing dito sa MPU. Gaad! Ang galing ng bestfriend ko! Napantayan niya yung tinatawag na King ng racing. I'm so proud of her. Kung di lang sana ako takot sa pagmamaneho ay sasali ako eh!
Umalis na siya sa race track. At pinanood ko naman ang iba pang kalahok.
Agaw pansin sakin ang isang SSC Ultimate Aero. Ang alam ko in year 2007,
ang bilis ng supercar na ito ay sinubukan sa kanluran ng Richland, WA, kasama ang Guiness World Records upang i-verify ang mga resulta. Hawak ng Aero ang rekord bilang pinakamabilis na kotse sa mundo sa loob ng halos tatlong taon hanggang sa naimbento ang Veyron SS at nakuha ang nangungunang puwesto. Sa kasamaang palad, ang Aero ay hindi na ginawa, ngunit ang pinakabagong modelo na "Tuatra" ay nagpapalabas ng pinakamataas na bilis sa 276 mph.
Damn! A Veyron SS at Aero! Magkalaban? Omg! Mahigpit ang labanang ito. Nasa driver naman kung yon eh kung sino ang mananalo. Pero grabe sobrang bilis ng Veyron! To the point na 50/50 ang Aero.
Kahanga hanga!
In the end Veyron parin ang nanalo. TVR Sagaris at R8 ang magkalaban sa next trials. Nauuna ang R8 habang nasa likod nito ang Sagaris. Ang cool talaga ng racing.
Tumayo na ako at nagtungo sa condo. Late narin kasi.
Sumakay ako sa kabayo ko at pinatakbo ng mabilis si Hercules.
Gad! Pang kabayo lang ba talaga ang talent ko? Nakakaiyak!
May nakasabay akong lalaki. Cleancut ang gupit nito at seryosong pinapatakbo ang kulay gray nitong kabayo.
Tipid itong ngumiti ng mapansing nakatitig ako sakanya.
Ang ganda ng ngiti niya. Killer smile.
"sino kaya siya?"mabilis siyang nawala sa paningin ko. Tatlong beses akong napailing dahil doon.
Pagpasok ko sa unit ko ay sumalampak agad ako sa kama para matulog.
Two days nalang exam na. Nakakapagod.
Maaga akong nagising dahil ss sikat ng araw. Nakalimutan ko palang harangan ng kurtina ang bintana. Nakakaloka.
Bumangon ako at ginawa ang morning rituals. Saka inasikaso ang breakfast ko. Kakainis naman. Bakit ba di ako marunong magluto? Kumuha nalang ako ng already prepared na foods. Saka ininit 'yon. Dapat na siguro akong matuto! Pano nalang kapag may lalaking nagkamaling mahulog sakin?
Anong ipapakain ko sakanya? Damo?
Gaad! Nakasimangot ako habang nakain. Di bale na nga lang.
Papaturo nalang ako kay Kylie.
Pagkatapos kong kumain ay nagpunta ako sa grocery. Nagsearch ako sa google ng sangkap para sa sinigang. Favorite ko kasi 'yon eh. Kaya yun nalang siguro iluluto ko.
Nagtext ako sakanya para alam niya na pupunta ako ngayon sa unit niya. Tulog pa siguro yun.
Nag ikot ikot muna ako sa mall. Bumili ako ng mga pamfoodtrip. Tutal ay linggo naman ngayon. Tatambay na lang muna ako sa condo niya.
Grabe yung unit ni Kylie. Tatlong beses ng unit ko ang laki. Dinaig pa bahay. Edi sila na nga mayaman at taga pagmana.
Ako na ang mayaman lang.
Binili ko na yung mga kailangan ko. At halos isang oras na ako. Nadala ko na nga ang iba sa kotse kong binili. Lambhorgini Huracan ang kotse ko. Pinadala lang to ni Mommy.
Nakakapagtaka nga na nadadala ang kotse namin samantalang napapalibutan naman ng tubig ang paligid ng MPU.
Saan kaya nila ito dinadaan?
Pagkatapos kong mamili ay dumiretso na ako sa unit ni Kylie. Since di naman to kasali sa race ay di ko na kailangang humingi ng form.
Pagpasok ko. Di ko parin mapigilang mamangha. Nilapag ko sa mesa sa kusina ang pinamili ko. Habang nakaupo si Kylie at nakatingin sakin ay naisipan ko siyang tanungin.
"magkano kaya tong unit mo?"tanong ko. Tamad siyang sumagot at bumaling sa kinakalkal kong paper bag.
"10.5 million."halos mabitawan ko ang hawak kong hikaw dahil doon.
"Gah?"tumango siya at kinalkal nadin ang pinamili ko. Nilabas niya doon ang mga gulay at karneng binili ko.
" sinigang yung gusto mong ituro ko sayo right?"hindi na ako nagulat na alam niya ang nasa isip ko.
Nagsimula na kaming mag gayat ng sangkap ginagaya ko lang ang ginagawa niya saka niya itinuro sakin ang procedure.
Omg! Sino kaya yung King ng Racing na may lambhorgini veneno? Na tinawag na My Queen si Kylie?
Grabe sino kaya yung may ari ng mga sasakyan na napanood ni thania sa race track?
Sino ba talaga yung lalaking may gray na kabayo?
Ohmy! Saka paano nagkaroon ng huracan si Thania kung di siya mayaman? Gayong sobrang mamahalin ng kotse niya.
Naguguluhan na ko talaga. Kilala ko siya dahil magkababata kaming tatlo ng kakambal niya. Nakakapagtaka lang talaga na meron siya nito.