Kylie Point Of View Gumanap ako bilang Aleya sa Wagas na Pag Ibig na dula. Proyekto namin ito sa isa naming Subject. Si Aleya ay isang ordinaryong mamamayan ng Costa Mariana. Nagmula siya sa pamilyang hindi nabiyayaan ng kaunting kayamanan ng kanilang angkan. Tanging ang pamilya ni Aleya ang nagdurusa at nagtatamasa ng malupit na kapalaran sa kamay ng kanyang mga kamag anak. Kylie(Aleya): Ina, nais ko po sanang bumili ng bagong sapatos dahil masyado ng luma at butas butas ang aking sinusuot. Napatingin sakin si Mina(Nanay ni Aleya). Malungkot itong ngumiti. "Patawad anak..Subalit wala na akong perang hawak. Ipinangbili ko na ng ulam at bigas. Bukas nga'y wala kanang magiging baon. Maari bang umabsent kana muna saiyong klase?" saad nito. "Pero ina? Alam niyong mahalaga ang bawat oras

