Someone Point of View Nandito ako sa taas ng puno ng mangga. Kung saan hindi ako mapapansin ng iba. Nasa field ako, kung saan naglalaban ang mga Knights. Napangiti ako ng mapansin siya.. Seryoso siya sa panood sa mga naglalaban. Gustong gusto kitang labanan ngayon. Alam mo ba yun? "Miss Kylie, ikaw na po."sabi ni Alexa. Isang thirdyear student. Tumango si Kylie at sinuot ang Helmet niya. She's wearing a white knight armour. Nasa hilagang bahagi siya kung saan nakatayo si Angel ang puting kabayong minsan ko ng nagamit. Si Minerva ang kabayo ko ngayon. Gaya ng kanya ay kulay puti din ito. Highclass student lang ang may puti at gray na kabayo. Pumapangalwa ang kulay itim at maroon. White Knight ang tawag samin. Pinanood ko lang siya sa pakikipaglaban habang matibay na hawak ang lanc

