BEBENG’s POV “Ang aga mo yatang nakauwi ngayon, anak?” Gising pa si Mama pagdating ko sa aming barong-barong. Medyo nagulat ako dahil nagsalita ito. Wala naman kasing ilaw pero alam niya na ako ang dumating. Binuksan niya ang flashlight na lagi niyang katabi – pang emergency purposes ito. May ilaw naman kami at electric fan. Nakakabit kami sa may-ari nitong inuupahan namin. May sub-meter at iyon ang basehan kung magkano ang dapat naming bayaran. Minsan ay nasa 300 lang ang konsumo namin. Kaya hindi na rin mabigat sa amin. Ang tubig din ay ganoon. Kaunting tiis na lang naman. Kapag gumaling na si Mama ay pwede na kaming bumalik ng probinsya. Nandoon naman ang bahay namin. Iyon talaga ang lugar para sa amin. “Mano po, Ma.” Lumapit ako rito para magmano. Nakaupo na siya. Inulit niya

