SHAO’s POV Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko pa sila Mommy sa living room at nandoon si Mari. Nakasandal ito sa sofa habang si Mommy ang nag-aasikaso sa kanya. “Mom,” napa-angat ng tingin si Mommy sa akin. “Nandito ka na, anak. Hindi namin siya mapauwi dahil sobrang lasing siya. Ihatid mo na lang siya sa bahay nila.” Kaibigan ko si Mari at bestfriend ko ang pinsan niya. Pero ayaw kong ako lang ang maghahatid kay Mari lalo na at lasing siya. “Mom, pwede po bang samahan po ninyo ako? Kayo po mag-drive ako po ang aalalay sa kanya.” Mas mataas kasi si Marie kay Mommy kaya baka tumumba ang Mommy ko kung siya ang hahawak kay Mari. Kahit na hawakan ko si Mari, kasama naman namin si Mommy at kailangan kong gawin talaga ito dahil lasing na lasing siya. “Okay, anak. Ako na lang ang magd

