BEBENG’s POV “Ang sarap nitong sinangag, mahal. Pero sa susunod kung dumating ka nang maaga, puntahan mo muna ako sa kwarto ko. Gusto ko muna may kayakap sa higaan. Kung pwede lang sana na may araw na dito ka matutulog kaya lang ay hindi naman pwede dahil walang makakasama si Tita Malou sa bahay ninyo.” Nabanggit ni Shao, si Mama. Sa tuwa ko sa ipinaliwanag niyang contract kagabi, hindi ko nabanggit sa kanya na may mga araw na tatanghaliin ako o hindi ako makakapasok dahil may dialysis si Mama. Pwede siguro iyon na lang ang gawin ko, matutulog dito. Kaya lang ay mahina rin si Mama, hindi pwede na iwan ko lang basta. “Mahal, nakatulala ka. May problema ba?” nakatitig ako sa kanya pero tagusan naman ang tingin ko. Iginalaw pa niya ang kanyang kamay sa harapan ko. “Hindi ko pala nabanggi

